You are on page 1of 3

Magandang araw po sa lahat,,, Ilalahad ko po sa inyo ngayon ang mga kadalasang tanong may

kaugnayan sa Retirement age ng mga empleyado sa gobyerno,.. ginawa ko po itong videong ito para sa
mga nagtatanong ukol sa RETIREMENT issues, una sa pagpapababa ng edad nag pag reretiro,, at kung
ano ang posisyon ng GSIS sa mga isyung ito,..Halina’t ating himay-himayin ang lahat ng ito,, pero bago
yan,.. ito muna,…

Tanong: Ano ang retirement age ng mga empleyado ng gobyerno?

Sagot: Sa kasalukuyan, 60 ang optional retirement age at 65 naman ang compulsory retirement age.

Tanong: Bakit may isyu ngayon tungkol sa retirement age ng mga empleyado ng gobyerno?

Sagot: Ito ay dahil sa mga panukalang batas (bills) sa Kongreso at Senado na nagmumungkahing ibaba
ang optional at compulsory retirement age ng mga empleyado ng gobyerno.

Tanong: Kinonsulta ba ang GSIS para sa bills na ito?

Sagot: Oo, hiningi ng Committee on Government Corporations and Public Enterprises ng Senado ang
mga komento ng GSIS sa bills.

Tanong: Ano ang posisyon ng GSIS sa pagpapababa ng retirement age?

Sagot: Nauunawaan ng GSIS ang layunin ng bills na bigyan ng pagkakataong makapagretiro nang mas
maaga ang mga empleyado ng gobyerno at ma-enjoy ang kanilang pinaghirapang mga benepisyo.
Gayunpaman, dapat ding isaalang-alang na may kaakibat na dagdag na gastos sa pondo ang anumang
pagbabago sa benefit package, na mahirap tustusan, lalo na ngayong hindi gaanong maganda ang
investment environment, at sunod-sunod ang pagtaas ng buwanang sahod ng mga empleyado.

Dahil nakabatay ang pensiyon sa buwanang suweldo, tumaas din ang pananagutan ng GSIS. Nababahala
ang GSIS dahil kasabay ng pagtaas ng obligasyon ang pagbaba ng kita ng pondo, na dulot naman ng
mababang interes sa merkado. Hindi kontrolado ng GSIS ang paggalaw ng interest rate sa merkado.
Kung dating kumikita ng double-digit rates ang GSIS, single-digit rates na lamang ito ngayon.

Tanong: Iikli ba ang actuarial life ng GSIS SIF kapag binabaan ang retirement age?

Sagot: Oo. Kung bababa ang retirement age, iikli ang contribution period ng GSIS members. Ibig sabihin,
mas maliit na ang maiiambag nila sa SIF at sa koleksiyon ng GSIS. Mapapaaaga rin ang pagbabayad ng
pensiyon ng GSIS. Ang pinagsamang epekto ng mga ito – kasama ang pagtataas ng suweldo ng
government employees na magpapataas din ng pensiyon ng GSIS – ang magpapababa ng actuarial life ng
SIF.

Tumitindi ang pag-aalala ng GSIS. Dahil sa pagkuha ng benepisyo nang wala sa panahon, na dulot ng
maagang pagreretiro, magtutuloy-tuloy ang pag-ikli ng actuarial life. Bilang tugon, alinman sa dalawa
ang maaaring gawin – itaas ang kontribusyon ng mga naiwan sa serbisyo o bawasan ang mga benepisyo
sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon ng mga pensiyonado.

Dalawampu’t anim (26) na taon ang actuarial life ng SIF. Ibig sabihin, tatagal ito hanggang sa taong 2045
mula 2019. Sa pag-aaral ng GSIS, kapag ipinatupad ang alinmang bill, mababawasan ang actuarial life
nang mula 4 hanggang 14 na taon. Samakatuwid, sa halip na hanggang 2045, tatagal na lamang ang SIF
hanggang sa taong 2041 o, mas malala, hanggang 2031.

Scenario Edad ng Pagreretiro Fund Life


Optional Age Compulsory Age
Base Case 60 65 2045
Scenario 1 56 65 2041
Scenario 2 55 65 2040
Scenario 3 55 60 2031

Tanong: Makakaya ba ng GSIS na bayaran ang SIF(Social Insurance Fund) liabilities nito kung bababa ang
retirement age?

Sagot: Hindi matitiyak ang bukas. Maaaring konserbatibo ang GSIS sa projections nito, maaari ring hindi.
Only time will tell. Bilang tagapamahala ng pondo para sa mga empleyado ng gobyerno, at dahil na rin sa
uncertainties in the future, mahigpit na mga kondisyon ang nakalatag sa mga pag-aaral. Mahirap na
kasing bawiin ang benepisyong naibigay na.

Nangangamba ang GSIS na kapag binabaan ang retirement age, hihina ang kakayahan nitong mabayaran
ang kanyang mga pananagutan. Mas maaga kasing babayaran ang pensiyon samantalang nabawasan
ang tinatanggap na kontribusyon ng GSIS. Hindi rin tiyak na laging malaki ang kikitain ng pondo.

Sa kasalukuyan, mas mababa na sa 70% ng SIF liabilities sa mga miyembro ang kayang bayaran ng assets
ng GSIS. Sa bawat karagdagang benepisyo kasing ibinibigay ng GSIS, tumataas din ang anumang liability
at may kaukulang pagbaba sa kakayahang nitong mabayaran ang liability gamit ang assets.

Tanong: Bababa ba ang buwanang pensiyon kapag binabaan ang retirement age?

Sagot: Oo, dahil mas kaunti ang years of service, mas mababa ang buwanang sahod. Maaari pa sana
itong tumaas kung mananatili pa sa serbisyo nang apat na taon (o hanggang edad 60).

Halimbawa:
Isang empleyado ng Department of Education na edad 40 at may 11 taong serbisyo sa gobyerno ang
may buwanang suweldo na Php22,810.61.

Kung makakabuo siya ng 15 taong serbisyo o higit pa, at magdedesisyong magretiro sa edad na 56,
tinatayang aabot lamang sa Php22,018.48 ang kaniyang buwanang pensiyon.

Mas mababa ito nang Php 5,301.21 o 19.40% sa Php27,319.69 na buwanang pensiyon na tatanggapin
sana niya kung magreretiro siya sa edad 60.

Edad ng Pagreretiro Buwanang Pension


60 27,319.69
56 22,018.48
Pagkakaiba 5,301.21
% 19.40%
Tanong: Kung ipapatupad ang mas mababang retirement age, ano ang rekomendasyon ng GSIS para
mabawasan ang mabigat na epekto nito sa SIF?

Sagot: Kung ipapatupad ang mas mababang retirement age, inirerekomenda ng GSIS ang sumusunod:

Significant increase sa premium contribution rate;


Pagbibigay sa GSIS ng kailangan nitong pondo upang hindi maapektuhan ang actuarial life ng SIF; at
Adjustment sa benepisyo ng mga maagang magreretiro upang mapangalagaan din ang kapakanan ng
mga naiwan, na silang magpapasan ng pagbabayad sa napaagang pensiyon ng mga nagretiro.

Tanong: Anong bills ang nagmumungkahing ibaba ang retirement age ng mga empleyado ng gobyerno?

Ang sumusunod na bills ang nagmumungkahing ibaba ang retirement age ng mga empleyado ng
gobyerno:

House Bill No. (HBN) 8683 – An Act Lowering the Optional Retirement Age of All Government Workers
from Sixty (60) Years Old to Fifty-Six (56) Years Old;
Senate Bill No. (SBN) 1872 – An Act Lowering the Optional Retirement Age of Public School Teachers
from Sixty (60) Years Old to Fifty-Five (55) Years Old;
SBN 1222 – An Act Lowering the Optional Retirement Age of Public School Teachers from Sixty (60) Years
Old to Fifty-Five (55) Years Old;
SBN 1287 – An Act Lowering the Compulsory and Optional Retirement Age of Public School Teachers;
SBN 1289 – An Act Lowering the Compulsory and Optional Retirement Age of Government Employees

Tanong: Ano ang trends tungkol sa pagpapababa ng retirement age?

Sa pag-aaral ng GSIS, hindi isinasaalang-alang ng bills ang aging population na idudulot ng paghaba ng
life expectancy at pagbaba ng fertility rates.

Inaasahang tataas ang life expectancy ng 72.7 sa taong 2045-2050 (mula 67.5 noong 2005-2010) at
dadami ang mga taong may edad 60 o higit pa sa taong 2030. Sa Pilipinas, sa datos ng 2015, lolobo nang
3% ang populasyon ng mga nasa ganitong edad sa taong 2030.

Sa Australia, mula pa noong 2017 at magpapatuloy hanggang 2023, bahagyang pinataas ang retirement
age hanggang edad 67. Ganito ring pagtaas ang nagaganap sa ilang Asian countries dahil sa kanilang
aging population. Samakatuwid, kabaligtaran ito ng ipinapanukalang batas sa Pilipinas.

Sa Malaysia, itinaas ang retirement age sa edad 60 noong 2012 mula 55, at balak pang itaas sa edad 65.

Gayundin sa Thailand – sa edad 60 mula 55.

Binabalak din ng Vietnam na itaas ang retirement age ng mga lalaki sa edad 62 mula 60, at ng mga babae
sa edad 60 mula 55.

You might also like