You are on page 1of 2

Mga programa ng SSS, ipinaliwanag sa barangay dialogue sa

Cabanatuan

LUNGSOD NG CABANATUAN, Okt 19 (PIA) -- Ipinaliwanag ng Social Security System


(SSS) Cabanatuan Branch ang mga programa ng tanggapan sa isang dayalogo
kasama ang mga opisyales ng barangay Mayapyap Norte sa lungsod ng Cabanatuan.
 

Ayon kay SSS Cabanatuan Social Security Officer III Giselle Balmores, iba’t ibang
benepisyo ang maaring makuha ng mga aktibong miyembro ng SSS gaya na lamang
ang agapay sa panahon ng pagkakasakit, panganganak, pagkamatay, pagkakaroon ng
kapansanan, gayundin ang paghahanda para sa pagreretiro.
 

Dito ay ipinaliwanag ni Balmores na kahit sinong mayroong pinagkakakitaan ay


maaaring maging miyembro at magpasya sa paghuhulog ng buwanang kontribusyon.
 

Ang bawat aktibong miyembro aniya ay maaaring makakuha ng mga benepisyo at mga
pribilehiyo depende sa bilang ng mga buwan na nakapaghulog ng kontribusyon gaya sa
sickness at maternity benefit na kinakailangang mayroong tatlong buwang hulog.
 

Maaari ding makakuha ng pensyon ang mga nabalda basta’t aabot sa tatlong taon ang
naging hulog sa kontribusyon samantalang sa funeral benefit ay may agapay na
makukuha ang naiwang beneficiary kahit isang buwan lamang ang naging kontribusyon
ng mismong miyembro. 
 

Paglilinaw naman ni Balmores, kwalipikadong magpensyon ang mga miyembrong nasa


edad 60 kung wala ng pinagkukunang hanapbuhay gayundin ay obligado nang
magpensiyon ang mga nasa edad 65, may pinagkakakitaan man o wala.
 

Maaari din aniyang makahiram o makapag-loan ang mga miyembro basta’t mayroong
anim na buwang kontribusyon. 
 
Pahayag ni Balmores, hindi nangangahulugang miyembro ka na ng SSS kung ikaw ay
nakakuha na ng Social Security Number, kinakailangang makapag-umpisa at maging
aktibo sa paghuhulog ng buwanang kontribusyon upang maging kwalipikado sa lahat ng
mga prebilehiyo. 
 

Samantala, matapos ang pagpupulong ay namahagi ng membership forms ang SSS sa


barangay para sa mga mamamayang nais kumuha ng Social Security Number at
pinayuhang tumungo sa tanggapan para sa iba pang mga kinakailangang dokumento at
pagpapasya ng magiging buwanang kontribusyon. 
 

Katuwang ng SSS Cabanatuan Branch sa aktibidad na ito ang Philippine Information


Agency.

You might also like