You are on page 1of 2

_________________________________________________________________________________

PARA SA : Lahat ng kasapi at kawani ng CARD MRI Operations


(CARD Inc., CARD Bank, CARD SME, CARD RBI),
Microinsurance Supervisors at Coordinators
MULA SA : CPMI Officer-in-Charge
CaMIA President
PETSA : June 30, 2021
TUNGKOL SA : KABUKLOD “Bumili at Bumalik” Promo
___________________________________________________________________________________

Magandang araw!

Isang magandang balita mula sa pamunuan ng CaMIA at CPMI, nais naming ipabatid ang
paglulunsad ng bagong Promo para sa Kabuklod Plan upang higit na makatulong at
maprotektahan ang ating mga miyembro lalo’t higit sa panahon ng Pandemya.

Anu-ano ang mga karagdagang impormasyon o mechanics para sa promo na ito?


1. Ang promo na ito ay para sa lahat ng:

A. Mga miyembro na mayroong expired or lapsed policy ng Kabuklod Plan simula


March 17, 2020 hanggang September 30, 2021 na nagnanais bumili o mag-
renew ng kanilang polisiya. Sa promo na ito, handa ang CaMIA at CPMI na i-waive
ang kanilang “Contestability Period” para sa Burial Benefit sa loob ng isang
taon.

B. Mga miyembro na bago pa lamang nagnanais bumili ng Kabuklod Plan subalit


kailangan tandaan na “sila ay masasakop pa rin ng Contestability Period” ng
Burial Benefit sa promo na ito.

2. Pinapayagan ang individual na pag-bili o mag isa lamang at hindi na kinakailangan


ng minimum na tatlo (3) o higit pang miyembro “New o Renewal” man para makabili
ng Kabuklod Plan.

3. Payment Options or paraan ng pagbabayad: Cash or Loan

“Para sa Cash, ito ay maaaring bilhin na Kabuklod Plan lamang at para naman sa
Loan ito ay kinakailangan siguraduhin na naka-bundled sa CARD Care Plus at pasok
sa minimum amount of loan requirement ng CARD MFI’s”.

4. Ang Promo na ito ay tatakbo lamang ng tatlong buwan mula July 1, 2021 hanggang
September 30, 2021.

Mahalagang paalala: Ang CaMIA at CPMI ay walang pananagutan sa lahat ng claims na


posibleng mangyari matapos mag-lapsed ang inyong insurance at hanggang sa ito ay hindi
pa nare-renew.
Para sa iba pang katanungan o paglilinaw ukol dito mangyaring makipag-ugnayan lamang
sa pamunuan ng CaMIA at CPMI.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta!

Digitally signed by
Melinda Grace M.
Labao
Date: 2021.06.29
19:47:44 +08'00'

MELINDA GRACE M. LABAO VENER S. ABELLERA


Officer-in-Charge, CPMI President, CaMIA

You might also like