You are on page 1of 16

MGA PROGRAMANG

PAMPINANSIYAL PARA SA

MGA MICRO, SMALL AT

MEDIUM ENTERPRISES

Contante, Ericka

Moreno, Shania Dale

Pasion, Eira Jemimah

Pineda, Grace Joy

Rivera, Gabrielle Marie

Villaflores, Paulene

BSA 1-18
PANIMULA

Ang lumalaking bilang at makabuluhang papel ng Micro, Small and Medium Enterprises

(MSMEs) sa lumalagong pambansang ekonomiya ang siyang dahilan sa pagtitipon at

paglalathala ng handbook na ito ukol sa mga Programang Pampinansiyal para sa Micro, Small

and Medium Enterprise.

Ang pagpapatupad ng micro financing at mga programang pagpapautang sa mga SME ng

iba't ibang institusyon ay karaniwang kinikilala bilang isang mahalagang kasangkapan sa

pagpapatuloy ng mga gawaing pang negosyo. Sa pamamagitan ng handbook na ito, ang Bureau

of Micro, Small and Medium Enterprise (BMSMED) ay naglalayong dagdagan ang kamalayan

ng mga pilipinong negosyante sa mga maaaring pagkuhanan ng pagpopondo mula sa gobyerno at

pribadong sektor at hikayatin ang mga ito na subukan ang mga serbisiyong ito batay sa

kakayahan ng kanyang negosyo. Ang talaan na ito ng mga pampinansiyal na serbisyo ay nais na

bumuo at palakasin ang kakayahan ng MSMEs sa mahusay na pamamahala at pagpapatakbo ng

kanilang negosyo at matulungan ang mga itong magpalakas upang makapagsilbi sa labas ng

kanilang tradisyonal na merkado.

Ang papel na ito ay pangunahing ideya ng BMSMED sa ilalim ng Kagawaran ng

Kalakalan at Industriya (DTI) katuwang sa pampinansiyal ang Japan International Cooperation

Agency (JICA).
LAND BANK OF THE PHILIPPINES (LBP)
1598 M.H. Del Pilar corner Dr. J. Quintos Streets, Malate, Manila
(BANGKONG PANG-LUPA NG PILIPINAS)

Pangalan ng Programa: MICROFINANCE PROGRAM

Mga Layunin ng Programa:

Pangkalahatan

 Masuportahan ang pagsisikap ng gobyerno na maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng

pagbibigay-lakas sa mga mahihirap na sektor tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Tiyak

 Mapalawak ang abot ng pagtulong sa mga mahihirap na walang access sa formal

financial system.

 Maisulong ang aktibong pakikilahok ng mga microfinance institutions sa credit delivery

system.

 Maisulong ang paraan ng pagpapaikot ng ipon na magagamit ng mga mahihirap na

sambahayan

 Matulungan ang mga katuwang na MFIs sa kanilang microfinance operations at

makapaghatid ng suporta sa mga micro-enterprises tungo sa paglago.

Pamamaraan sa Pagbibigay ng Utang

 Ang Landbank ang maglilikom ng mga pondo galing sa microfinance institutions

Target na mga Uutang (MFIs)

 Kooperatiba (COOPS)

 Mga Institusyong Pampinansyal sa Kanayunan (CFIs)

 Organisasyong hindi saklaw ng Gobyerno (NGOs)


Mga Maaaring Mangutang:

 Mga microfinance institutions na nagpasa sa LBP at Risk Assets Acceptance Criteria

(RAAC) ng mga kinakailangang ipasa.

 Sub-borrowers

 May ari-arian na hindi hihigit sa 3 milyon kasama ang mula sa mga pautang ngunit bukod

ang lupang kinatatayuan ng partikular na negosyo

 Kinakailangang may negosyong hindi labag sa batas maliban na lang sa pautang sa

kooperatiba na may kinalaman sa agrikultura

Layunin ng Pagpapautang:

1. Muling pagpapautang sa mga sub-borrowers na produktibo sa kanilang negosyo

2. Muling pagbawas sa halaga sa sub-promissory notes (PNs)

3. Suportang pinansyal sa mga institusyon

Mga Pangunahing Kinakailangan

 Nakarehistro sa mga angkop na ahensiya (CDA para sa Coops; BSP at SEC para sa CFIs at

SEC para sa NGOs);

 Hindi bababa sa 3 taong karanasan sa larangan ng pagpapahiram, isang taon ay sa

microfinance;

 May pahayag ng kita na nasuri ng awditor mula sa labas ng kompanya sa huling tatlong taon;

 May kakayahan sa microfinance ngunit hindi limitado sa gumaganang MIS, savings

program; may talaan sa operasyon sa microfinance, inaprubahan ng Lupon ng mga

Nangangasiwa ang 3 taong plano sa negosyo, 2 miyembro ng Lupon ng mga Nangangasiwa

na may isang taong karanasan sa microfinance, may hindi bababa sa 3 regular na empleyado

at may nakahiwalay na yunit sa kompanya para sa microfinance.


Halaga:

 Short Term Loan Line (STLL)- pondong kailangan sa loob ng 180 na araw o networth,

alinman ang mas mababa.

 Rediscounting Line - pinakamataas ang 85% ng kasalukuyang halaga ng promissory note;

pinakamataas ang P150,000.00 sa kada sub-borrower

 Term Loan – pinakamataas ang 10% ng approved rediscounting line na may kaukulang

Action Plan/Feasibility Study at mga pangangailangan ng MFI.

Interes: (nakaayon sa PCFC rate)

 STLL - 12% kada taon + 1% na bayad sa serbisyo + 10% VAT.

 Term Loan o utang na may termino - Preferential rate (depende sa available na pondo) +

10% VAT.

Pagbabayad:

 STLL - pinakamatagal na ang isang taon, maaring mabago depende sa bangko.

 Term Loan o utang na may termino

 Tatlong taon para sa pagbili ng kompyuter, printer, kasangkapan at kagamitan sa

opisina, pagsasanay sa mga tauhan, at mga kagamitang pangkomunikasyon.

 Limang taon para sa pagbili ng mga sasakyan na may pang-apatang gulong,

motorsiklo, pagpapabuti ng sistema, o pagpapatayo ng karagdagang sangay.

Paraan ng Pagbibigay:

 Rediscounting Line - sa pamamagitan ng (pinakamataas) na pang-180 na araw na

promissory note.
 STLL - sa pamamagitan ng (pinakamataas) na pang-30 araw na promissory note.

 Term Loan o utang na may termino - parallel with still availments, ang unang pagbigay

ay 10% ng STLL.

Seguridad:

 Pagsanla ng real estate o mga ari-arian

 Deposito

 Joint and Several Signatures (JSS)

 Sulat ng pangakong pagbabayad ng umuutang na may kasamang panggarantiya.

Contact Details:
Program Management Department (PMD)
Telepono: (632) 522.0000, (632) 551. 2200 locals 2384 / 2579 / 2376
E-mail: PMD2@mail.landbank.com

Pangalan ng Programa: COOPERATIVE LENDING PROGRAM

Layunin ng Programa: Para tulungang madagdagan ang kita, makabuo ng mas marami pang

gawaing pang-ekonomiya, at baguhin ang buhay ng mga tao.

Mga maaring mangutang:

 Kooperatibang Pang-agrikultura - mga magsasaka, mangingisda, at mga nagpapalaki ng

manok at baka.

 Kooperatibang hindi pang-magsasaka - mga nagtitinda, manggagawa, guro, manggagawa

sa kanayunan, kababaihan, etc. - na pasok sa mga sumusunod na pamantayan:

 rehistrado sa CDA na may pinakamababang 60 na miyembro.


 pinakamababang bayad sa kapital P30,000.00

 lahat ng miyembro ay dapat nakadalo ng pre-membership education seminar

 grupo ng pangunahing tagapamahala na binubuo ng mga kwalipikadong taga-

ingat yaman, kahero, at mga kwalipikadong tagapamahala ng tala ng transakyon.

 mayroong kasalukuyang programa o paraan ng pagpapaikot ng hawak na pera na

magreresulta sa taunang pagtaas ng P500 sa ipon ng bawat miyembro mayroong

kasalukuyang programa o paraan ng pagbuo ng kapital na magreresulta sa

taunang pagdagdag ng P500 sa kapital ng bawat miyembro.

 May mga nakasulat na polisiya, sistema at paraan sa pagpapamiyembro,

pagkakabuo ng kapital at pagpapaikot ng ipon, utang, ulat pinansyal at

pagbabadyet, nakasulat na mga plano at programa

 Na may nararapat na libro ng mga ulat o account.

 Kahit papaano ay break-even sa mga operasyon nito

 Kailangang nagsasagawa ng pana-panahong pagsusuri ng operasyon

 Proporsyon ng nanganganib na pag-aari ng hindi bababa sa 10%; at

 Proporsyon ng lagpas na sa takdang panahon ng hindi hihigit sa 25% para sa mga

kooperatiba ng bangko/ bagong pumapasok na mga kooperatiba

 Sub Borrowers – mga kabahayan, negosyo at maliliit na yunit ng negosyo

Mga layunin ng pagpapautang:

Agricultural Production Loan (APL) o Pang-agrikulturang pagpapautang – kondisyon sa

panandalian/ katamtaman/ pangmatagalang utang, depende sa bilis ng paglago ng

pananim o pag-usad ng proyekto, para sa muling pagpapautang sa mga miyembro ng

kooperatiba na kasali sa produksyon ng mga pananim, pagpapalaki at pagpapalahi ng


mga baka at manok, pangingisda at proyektong pang-akwakultura at iba pang

agri/akwa na mga proyekto, kasama ang industriya ng trabahong pambahay na kung

saan magagamit ang mga sobrang paggawa.

Working Capital Loan (WCL) o Pagpapautang Pangkapital – para suportahan ang mga gawain

ng kooperatiba na nangangailangan ng pampaunang kapital pambili ng hilaw na mga

materyales, pagpoproseso at pakikipagpalitan ng input at/o tapos na mga produkto at

para sa operasyon ng fixed assets

Rediscounting Loan (RL) o muling pagbawas sa utang – pagpapahusay ng paraan ng pagtapos

at kondisyon ng kinakailangang kapital ng karapat-dapat/ kapani-paniwalang

nagpapautang para sa pagsuporta sa operasyon ng muling pagpapautang sa

pamamagitan ng promissory note o sulat ng pangakong pagbabayad ng mga

miyembro ng kooperatiba.

Fixed Asset Acquisition (FAL) o pagtatamo ng fixed asset – pagbili ng fixed asset na

gagamitin sa operasyon ng kooperatiba.

Mga kinakailangan:

Halaga:

Depende sa pangangailangan ng proyekto o pinaka mataas na maaaring utangin para sa

tradisyonal at may mataas na halaga ng pananim na hindi hihigit sa 80% ng halaga ng

proyekto.
Para sa muling pagbawas – pinakamataas ang 85% ng kasalukuyang halaga ng promissory

notes (PN’s), maliban sa mga utang sa Innovative Financing Scheme na mayroong 100% na

halaga sa sub-promissory notes.

Bayad sa Interes: bayad sa oras ng pagkakuha.

Takdang panahon ng pagbabayad/muling pagbayad:


APL/WCL – kabuuan depende sa panahon ng pananim at/o daloy ng pera sa proyekto

RL – hangganan at kapanahunan ng petsa ng pangkat ng mga sub-promissory notes na muling

nabawasan ng hindi hihigit sa isang taon.

FAL – patas na tatluhang buwan, kalahating taon o taon-taon na paghuhulog depende sa

inaasahang pinansyal at daloy ng produksyon ng proyekto.

Seguridad:
APL

 Yugto ng trabaho ng pagseseguro ng PCIC/ hangganan ng garantiya

 Yugto ng trabaho ng gumawa

 Yugto ng trabaho ng Sub-borrowers PN’s

WCL at FAL

 Mga ari-arian/ nakasanlang ari-arian

 Nakasanlang mga bagay sa pamumuhunan

 Patuloy na nakasanlang paninda

RL

 Yugto ng trabaho ng sub-borrowers PN’s kasama ang mga nakasangla nito


Iba pang pwedeng isangla – hold-outs, trabaho, REM, hangganan ng garantiya, Joint and Several

Signatures (JSS) o magkasama at iba pang lagda.

Contact Details:
Program Management Department (PMD)
Telepono: (632) 522.0000, (632) 551. 2200 locals 2384 / 2579 / 2376
Email: Igeron@mail.landbank.com
GSIS FAMILY BANK (GFB)
165 Real Street Pamplona, Las Pinas City
(BANGKO PAMPAMILYA NG PASEGURUHAN NG MGA NAGLILINGKOD SA
PAMAHALAAN (GSIS)
Pangalan ng Programa: PROGRAMA NG GSIS FAMILY BANK SA PAGPAPAUTANG
Mga Layunin ng Programa:

 Maglahad ng alternatibong sistema ng pagpapautang para sa mga mahihirap mula sa mga

siyudad o probinsya upang matiyak na magiging-abot kaya sa kanila ang pagpapautang.

 Bawasan ang pag-asa o pagdepende sa mga nagpapautang ng may malaking interes.

 Bawasan ang pag-asa sa mga grants o dole-outs mula sa mga pribadong ahensya at

ahensya ng gobyerno.

 Pangasiwaan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap upang puhunan ang mga

negosyo.

 Makapagbigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan sa pamamagitan ng kanilang

kabilangan sa mga gawaing pang-ekonomiya at paglahok sa paggawa ng mga desisyon.

 Hikayatin ang mga mahihirap na gamitin ang kanilang oras, kasikapan at mga talent sa

produktibong paraan.

Mga maaaring mangutang:

 Mula 18 gulang hanggang 60 na gulang, mas mabuti kung babae. Ang estudyante/mag-

aaral o nagtatrabaho ay maaaring hindi makalahok dahil ang mga gawaing

pangkabuhayan ay nangangailangan ng buong panahon ng isang indibidwal.

 Dapat ay nakatira sa kasulukuyang tirahan ng isang taon o higit pa at siya’y dapat na

kilala sa kanyang lugar.

 Dapat ay mayroong magandang pag-uugali na pinatunayan ng iba pang mga miyembro.


 Dapat ay isang mahirap na kasali o sasali pa lamang sa mga gawaing pangkabuhayan (sa

mga wala pang sinasalihang gawain, ang kakayahan at mga kahusayan ay dapat

maipakita).

Mga maaaring gawing proyekto:

 Anumang gawaing pangkabuhayan (pakikipagkalakan, pagbibigay serbisyo, pagbebenta)

na makakabuo ng agarang karagdagang kita.

 Mga proyekto kung saan ay nasa loob ng kakayahan ng mangungutang.

 Kapag ang proyekto ay hindi nakapagbuo ng agarang kita, ang taong nangutang ay dapat

mayroong pangalawang mapagkukunan ng kita upang mabayaran ang weekly

amortization.

 Dapat ay legal.

Mga kinakailangan:

Mga Halaga

 Unang pag-ikot ng pautang – Pinakamataas ang P10,000.00

 Pangalawang pag-ikot ng pautang – Pinakamataas ang P20,000.00

 Pangatlo pag-ikot ng pautang – Pinakamataas ang P50,000.00

Ang pangkalahatang tuntunin sa pagtukoy sa halaga ng pautang ay ang kinakailangan ng

iminungkahing proyektong pangkabuhayan at pagtanggap ng responsibilidad ng mga kasapi.

Bukod dito, para sa susunod na pautang, ang halaga ay kailangang nakabatay sa 1) Kakayahan sa

pagbabayad ng uutang, 2) Pagdalo sa lingguhang pagpupulong, 3) Pagpapabuti sa mga

pangkabuhayang gawain.
Singil sa Interes: Ang utang ay dapat na may interest rate na magbibigay-daan sa bangko na

masakop ang financial cost, operating cost, opportunity cost, administrative cost at inflation rate

nito kasama ang isang katamtamang balik. Ang rate ng GFB na 3% kada buwan (straight-line

method) din ang umiiral na market rate ng mga institusyong Microfinance (MFIs).

Panahong Itatagal ng Pautang: Lahat ng pautang ay dapat magkaroon ng pantay na panahong

itatagal ng pautang na 24 linggo o 6 na buwan. Gayunpaman, ang termino ay maaaring paikliin

ng 12 linggo kung sa pagsisimula ng pagsasanay, sumang-ayon ang grupo na paikliin ang

panahon ng pautang at kung maipapakita ng cash flow ang kakayahan ng uutang na magbayad ng

lingguhang amortization. Kung ang lingguhang pagpupulong ay natapat ng holiday, ang

panahong itatagal ng pautang ay maaaring maging 25 linggo o 13 linggo, alinman ang mangyari.

Paraan ng Pagbabayad: Maaaring bayaran sa lingguhang amortization. Hindi tumatanggap ng

paunang bayad.

Seguridad:

Hangga’t maaari, wala dapat kailanganing collateral mula sa mga uutang maliban sa mga

sumusunod:

 I-secure ang mga lagda ng lahat ng kasapi bilang kanyang kasama at ilang tagagawa.

 Pumirma ng isang kasulatan ng pagtatalaga ng deposito upang bigyang kapangyarihan

ang bangko na gamitin ang kaniyang savings sa kaniyang utang.

 Ang utang ay dapat na nasa pangangalaga ng isang issuance company na in-accredit ng

bangko.

 Sundin ang mga patakaran at alituntunin ng programa ng microfinance.


Kinakailangan sa Savings: Sa bawat pautang na ipagkakaloob, ang uutang ay kinakailangang

makatipid ng hindi bababa sa 20% ng pautang na na-avail. Ang savings na ito ay maaaring

maipon sa panahon ng paghahandang panlipunan at paunang ibinawas bago ilabas ang pautang o

lingguhang in-amortize kasama ang pautang. Ang pagbawas sa savings na ito ay hindi

iminumungkahi maliban sa mga mahahalagang dahilan at ang ibinawas ay kailangang maibalik

sa lalong madaling panahon.

Contact Details:
Mr. Boyito A. Quiroz
Telepono: (632) 873.0915
Fax: (632) 073-0119, (632)873-5924
DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST)
Bicutan, Taguig, Metro Manila
(Kagawaran ng Agham at Teknolohiya)

Pangalan ng Programa: SMALL ENTERPRISES TECHNOLOGY-UPGRADING

PROGRAM (SET-UP)

Layunin ng Programa: Para mapabuti ang kakayahan ng mga small at medium na negosyo sa

pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal, sa anyo ng cash advance mula sa DOST,

upang mapabilis ang pag-ampon ng teknolohiya at mapabuti ang pagiging produktibo at

pakikipagkumpitensya ng SMEs sa buong bansa. Partikular na ito’y naglalayong:

 Upang mapabuti ang produktibo ng mga kalahok na negosyo

 Upang magkaroon ng mas mataas na kalidad ng mga produkto upang mapantayan ang

pangdaigdigang pamantayan

 Upang madagdagan ang mga pagkakataong makapagtrabaho sa mga rural na lugar; at

 Para mapabuti ang socio-ekonomikong kalagayan sa mga rural na lugar.

Mga maaaring aplikante:

 Anumang kumpanya o indibidwal na negosyo na nakabase sa Pilipinas at ganap na pag-

aari ng mamamayang Pilipino.

 Anumang maliit at katamtaman ang laki na mga negosyo sa ilalim ng mga pangunahing

sektor tulad ng: food processing, paggawa ng mga muwebles, fashion accessories, regalo,

mga laruan, housewares, handicrafts, at natural na fibers at dyes, marine at aquatic

resources, paghahalaman, paggawa ng mga metal at pagiinhinyero.

 Mga indibidwal na negosyo na handang gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa

kanilang mga kasalukuyang operasyon.


 Mga indibidwal na negosyo na handing gumastos kapalit ang interbensyon ng tekolohiya.

Mga tuntunin at kinakilangang dokumento:

 Kabuuang proposal ng proyekto, kasama ang mga aspeto sa teknikal, marketing,

pamamahala/administratibo, pananalapi, at waste disposal;

 Kopya ng business permit at licenses mula sa LGU

 Certificate of Registration of Business Name sa DTI, SEC or CDA

 Board Resolution na nagpapahintulot sa paghiram at pagtatalaga ng awtorisadong

pipirma para sa tulong pinansiyal (kung angkop).

 Pag-eendorso ng DOST Regional Director at

 Tatlong sipi mula sa mga supplier/fabricators kung kailangan ang kagamitan.

Panahon ng refund: Maximum ng tatlong taon pagkatapos ng amortization iskedyul.

Contact Department/Numbers:
SET-UP National Program Management Office
Telepono: (632) 837.7531
Email: setup@dost.gov.ph

You might also like