You are on page 1of 5

ANG PAGKAKA-UTANG O DEBT AY PWEDENG MASINGIL KAHIT WALANG NAKASULAT NA

KASUNDUAN KUNG MAY EBIDENSIYA NA NATANGGAP NG UMUTANG ANG PERA NGUNIT


ANG INTEREST O TUBO AY HINDI PWEDENG SINGILIN KUNG WALANG NAKASULAT NA
KASUNDUAN PARA DITO.
Marami ang nagprivate message sa E-Lawyers Online kung pwede daw ba nilang masingil ang
pautang nila sa Pilipinas kung saan wala silang nakasulat na kasunduan para dito at ang hawak
lamang nila ay ang money remittance slip sa pangalan ng umutang. Ganito ang tanong nila:
"Attorney, gud day po, may umutang po sa akin sa Pilipinas ng halagang P100,000 na babayaran
niya sa loob ng 6 na buwan na may 6% interest per month. After ng matanggap niya ang pera ay
hindi na siya nagparamdam sa akin. Sinisingil ko na siya ngunit sabi niya ay wala naman daw
kaming kasunduan. Pwede ko bang masingil siya kasama ang tubo?"
Ang nagpapautang ng pera, gaano man kalaki o kaliit ang pera na pinautang ay kailangan dapat na
may promissory note kung saan nakalagay doon ang petsa kung kailan kinuha ang pera, ilang
interest rate ang sisingilin at ang petsa o kailan ito babayaran at kailangan ay may pirma ito ng
umutang. Kung walang kasulatan kung magkano ang interest rate, hindi pwede maningil ng interest
sa perang pinautang ayon sa Article 1956 ng New Civil Code - "Art. 1956. No interest shall be due
unless it has been expressly stipulated in writing." Kung kaya ang interest o tubo sa utang ay hindi
pwedeng singilin kung walang nakasulat na kasunduan para dito.
Ngunit ang pautang ay pwedeng singilin kahit walang nakasulat na kasunduan. Sa isang Supreme
Court case [Sps. Antonio Tan vs. Villapaz, (G.R. No. 160892) November 22, 2005], kinatigan ng
Supreme Court ang nagpautang kahit wala silang kasunduan ng pagpapautang "The existence of a
contract of loan cannot be denied merely because it is not reduced in writing. Surely, there can be a
verbal loan. Contracts are binding between the parties, whether oral or written. The law is explicit
that contracts shall be obligatory in whatever form they may have been entered into, provided all the
essential requisites for their validity are present. A loan (simple loan or mutuum) exists when a
person receives a loan of money or any other fungible thing and acquires the ownership thereof. He
is bound to pay to the creditor the equal amount of the same kind and quality.
Contracts are perfected by mere consent, and from that moment the parties are bound not only to
the fulfillment of what has been expressly stipulated but also to all the consequences which,
according to their nature, maybe in keeping with good faith, usage and law. Sa kasong ito ay
malinaw na natangap ang pera ng umutang sa pamamagitan ng check mula sa nagpautang kung
kaya kinatigan sila ng Supreme Court. Kung kaya ang pagkakaroon ng ebidensiya na nakasulat
kung saan natanggap ng umutang ang perang inutang kasama ang iba pang circumstantial
evidence katulad ng mga chat, text messages at private messages sa internet ay pwedeng gamitin
upang singilin ito.
Kung gusto nyo magtanong ukol sa utang o electronic evidence o circumstantial evidence, register
at my website at www.e-lawyersonline.com.
Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang
link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.
All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is
allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Memorandum ng Kasunduan

...
Memorandum ng Kasunduan para sa pautang na isinagawa ngayong _______ sa araw
ng__________, sa taong Dalawang libo at ___________, sa pagitan ng Grupong/CBO
___________________ ng PO Box ______, ____________, (na kikilalanin dito bilang
"TAGAHIRAM") sa UNANG BAHAGI at ang Proyekto ng Pagkakaroon ng Yaman ng
Departamento ng Paglilinang ng Komunidad, Ministeryo ng _______________________ , PO
Box _______, ___________ (mula dito ay tatawaging "TAGAPAHIRAM") sa
PANGALAWANG BAHAGI.
...
DITO AY NAPAGKASUNDUAN NA:

Ang TAGAPAHIRAM ay magpapahiram ng ___________ Peso (halaga sa


kataga) _____________________________ sa: Grupong/CBO _____________________ , na
babayaran sa loob ng ____________ buwan.
Ang pautang ay magkakaroon ng sumusunod na interes:

(i) Peso: ___________ sa interes ng ________ % bawat taon para sa maikling terminong
pautang.
(ii) Peso: ___________ sa interes ng ________ % bawat taon para sa midyum na terminong
pautang.

Lahat ng kalkulasyon ay base ng natitirang balanse.


Ang panahon ng pagbayad ay magsisumula sa ika - ________ na buwan pagkatapos matanggap
ang pera.
Ang interes ay ipapataw sa panahong inilaan sa pagbayad o sa loob ng grace period.
Ang prinisipal ay babayaran sa ____________ na pantay-pantay na buwanang/kapating hulugan
ng Peso at ang interes ay babayaran base se natitirang balanse ng __________.
Ang petsa ng unang hulugan ay sa _____ ___________ 20_____ ,
At ang petsa ng huling hulugan ay sa _____ ___________20 _____.
Ang interes ay ipapataw kaagad mula sa petsa ng paglabas ng pautang.
Ang pautang ay gagamitin ng miyembro ng humihiram na grupo/CBO sa hangaring nakasulat sa
aplikasyon ng kanilang pautang sa grupo/CBO.
Seguridad o kolateral ng pautang ay

(i) Ang lahat ng miyembro ay sama-samang manangutan para sa pagbayad nang buo ng pautang.
(ii) Ang ipon ng grupo/CBO, na may kabuuang halaga na ______________ Peso, sa __________
Banko, ay ipapangako bilang seguridad sa pautang.
(iii) Ang mga ari-ariang pinagbili gamit ang pautang ay magiging sama-samang pagmamay-ari
hanggang mabayaran ang pautang nang buo.

Kung ang TAGAHIRAM ay hindi makapagbayad ng utang, ang Tagapahiram ay magkakaroon


ng karapatang magpataw ng legal na aksyon laban sa tagahiram para pakuha muli ang pinautang
nang buo at ang mga gastusing nasama at pati ang ipon na ipinangako ng tagahiram sa
aplikasyon. Ito ay gagawin lamang kapag naaprubahan ng komite ng pautang at ng ahensya.
Hanggang mabayaran ang utang nang buo, walang miyembro/grupo ang maaring maglabas ng
pera nila mula sa grupo/banko.
Ang kasunduang ito ay mananatiling legal hangga't hindi nababayaran ang natitirang balanse ng
utang.
Ang Namamagitang Ahesya ay mababayaran ng diretsong 10% komisyon sa lahat ng
aprubadong maliliit na proyekto na dadaan sa kanilang suporta at 2% pagkatapos ng mga
pagsasanay ng mga kalahok, at isa pang 3% komisyon sa pagbawi ng pautang hanggang 95%
nito.
Ang Ahensya ang maghahanda at magsusumite ng mga report tungkol sa proyekto buwan-
buwan, pagkatapos pumirma sa kasunduan. Walang perang ilalabas sa Ahensya para sa pautang
o komisyon hangga't hindi natatanggap ang mga report.
Lahat ng impormasyong nakapaloob sa aplikasyon sa Ahensya at sulat ng alok sa CMP ay
magiging bahagi ng kasunduan.
May karapatan ang pinansiyal na institusyon ipaalam ang operasyon ng account ng tagahiram sa
Proyekto ng Pagkakaroon ng Kita sa kanilang kahilingan.

Ang kasunduan ay maaaring baguhin para sa ikabubuti ng implementasyon ng proyekto.


...
Napagkasunduan para sa __________________ TAGAHIRAM:
...
Pangalan:
...
Lagda at Peta:
...
para sa: Permanenteng Sekretarya, Ministeryo ng _____________________
...
Sinaksihan ni:
...
Pangalan:
...
Adres:
...
Lagda at Petsa:
...
Napagkasunduan para sa __________________ TAGAPAHIRAM
...
Pangalan:
...
Lagda at Petsa:
...
Titolo:
KATIBAYAN SA PAGKAKAUTANG

AT

PANGAKO SA PAGBABAYAD

PN No._____________

ALAMIN ANG LAHAT:

AKO, ______________________________, walang asawa/may asawa, kasal kay

_________________________________, nasa hustong gulang, Pilipino at naninirahan sa

________________________________________ sa pamamagitan ng kasulatang ito ay


nagpapatunay at

nasasaysay.

Na ako/kami ay may utang na


______________________________________________________

(P__________) sa SANTIAGO AMOS CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE,


Centro East,

Santiago City, na may taglay na tubong ____% sa bawat buwan ukol sa natirang halagang di
nababayaran

at ito’y babayaran namin sa paraang ___________ hulog ng


halagang__________________________

piso (P______) bawat hulog na nagsisimula sa ika-_______ ng bawat buwan pagkaraan ng


unang hulog at

babayaran ko sa loob ng ______ ( ___ ) na buwan simula sa pagkakalagda ng kasulatang ito, at


sa buong

pagkakautang na ito ay aming babayaran hanggang sa ika-_______ ng ____________________


20_____.

Ang panagot sa katiyakan ng pangako naming pagbabayad sa pagkakautang naming ito ay ang

mga sumsunod:

1. Lahat ng Saping Puhunan at Lagak-Impok

2. Iba pa naming ari-arian kung hindi pa sapat ang una: ______________________

Sa sandaling ang alin mang hulog ay hindi namin nabayaran ayon sa kasunduan sa itaas, ang

kabuuan ng natitirang halaga ay kapagdakang maaring singilin sa amin ayon sa ipapasiya ng may
hawak

nito ng hindi na kailangang bigyan pa kami ng babala. Kasama ang multang 2% at tubong ___%
buwanbuwan ayon sa patakaran ng SACDECO.

Nakikipagsundo pa rin kami na sakaling ito ay hindi mabayaran sa takdang panahon ay

pananagutan namin ang anumang gugol sa paniningil at sa bayad sa manananggol na hindi


bababa sa 20%

ng kabuuang natitirang pagkakautang na ito at taglay nitong pakinabang ayon sa pangakong ito
sa
pasubali na ito’y hindi bababa sa ISANDAANG PISO (100.00)

Kung sakali na ang pagpapatupad sa pananagutang ito ay magdaan sa husgado, kami ay

nagtatakwil sa ilalim ng pangkat 13, Tuntuning blng. 3 at pangkat 12, Tuntuning blng. 39 ng
“New Rule

of Court” ng Pilipinas.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika- ___ ng.

____________,20 __ dito sa Lungsod ng Santiago, Pilipinas.

____________________________________

Lagda ng Kasaping May- Utang

___________________________________

Tirahan

____________________________________

Lagda ng Ka-May-Utang

-do____________________________________

Tirahan

Mga Saksi:

You might also like