You are on page 1of 1

KASUNDUAN NG PAGPAPAUTANG

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT,


Ang kasunduan sa pagpapautang ay ginawa at ginanap dito sa Resettlement Magalang Pampanga
ni may sapat na gulang, Pilipino at may pahatirang sulat at tirahan sa siya ang itinalagangng
pangalawang panig at siya ang umuutang.

AT PINATOTOHANAN:
Na, Ang unang panig ay namumuhunan ng maliitang pondo para makatulong dahil sa naging
problema ng pangalawang panig patungkol sa pananalapi.
Na, ang pangalawang panig, ay nagsadya at nagpabatid, na gusto niyang umutang ng salapi
upang ipambayad ang iba sa pagkakautang din niya sa iba at ang ibang bahagi ng salapi ay
gagamiting pang personal na gastusin kapalit ng kanyang titulo ng lupa at bahay sa nakatalang
tirahan.
1. Ang unang panig ay magpapautang sa pangalawang panig ng halagang 120,000 pesos, na
babayaran sa loob ng isang taon o labindalawang buwan.
2. Ang utang ay magkakaroon ng interest o tubo kada buwan ng 8%. Sa bawat isang daan at
dalawampung libong piso ay may tubo na siyam na libo anim na raang piso sa bawat buwan at
ibabalik ng ikalawang panig sa unang panig ang hiniram na pera pagkatapos ng labindalawang
buwan kasama ang napagkasunduang interest o tubo.
3. Ang bayaran ay maaring interest muna ang ibigay kada buwan ngunit maaring hulugan ng
ikalawang panig ang mismong kapital hanggang matapos ito bago mag isang taon.
Na, ang pangalawang panig o umuutang ay nangangako na susundin ang mga kondisyones at
tutupdin ang pangakong pagbabayad sa takdang araw na napagkasunduan at bilang garantiya na
tutuparin ng ikalawang panig ang pangakong pagbabayad sa takdang araw ay isinasangla ko o
ipinasakamay ko ang titulo ng bahay at lupa naming magasawa na may Transfer Certificate of
Title No 562504-R.
Bilang patotoo, ang mga nagkasundo ay lumagda sa kasunduang ito ngayong ika-28 ng Mayo
taong 2021, dito sa lugar na unang nabanggit sa itaas.

Unang Panig/ Nagpapautang Ikalawang Panig/ Nangungutang

Sinaksihan ang kasunduan ng pagpapautang ni:

Saksi Saksi/ Anak ng Ikalawang Panig

You might also like