You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPA-UPA NG

PALAISDAAN

Alamin ng lahat
Kami, ____________________________ may sapat na gulang, naninirahan sa
_______________________, bilang may-ari at unang, panig sapat din ang gulang, kasal kay
___________________, naninirahan sa ____________________________ , dito ay kilala bilang
nangungupahan at ikalawang panig ay nagkasundo at nagsasaysay:

1.) Na pumayag ang unang panig na upahan sa ikalawang panig ang isang bahagi/dalawang
bahagi sa halagang ₱ _______, bawat taon, ito sy salaping Pilipino.

2.) Na ang nasabing upa ay ibibigay ng ikalawang panig sa Lalong madaling panahon o sa
unang buwan ng bawat taon.

3.) Na ang nasabing kasunduan ang magkakabisa mula Agosto hangang _______________

4.) Na ipinangangako ng ikalawang panig na ang lugar na kanyang inuupahan ay


pananatilihin niyang malinis at di nakakapinsala sa iba, at ito naman ay gagamitin lamang
niya ng naayon sa kasunduan ng magkabilang panig.

5.) Na ang ikalawang panig ay mananatili lamang sa kanyang inuupahang palaisdaan at siya
hindi papasok sa karatig na Lupa na hindi niya nasasakupan ng inuupahan niyang
palaisdaan.

6.) Na kung dumating ang panahon na kailaganin na ng unang panig ang lupa/palaisdaan na
kanyang inuupahan ay kusang loob na lilisan o ibabalik ang lupa/palaisdaan.

7.) Na ang uupahang palaisdaan ay magsisilbing breeder lamang ng “HITO” at hindi niya
dito, ito papalakihin.

8.) Na ang anumang kaluwagan na ibibibgay ng magkabilang panig sa bawat isa ay hindi
maituturing na pagbabago sa anumang nilalaman ng kasunduang ito.

9.) Na ang umuupa ay hindi pauupahan ang nasabing palaisdaan ng walang nakasulat na
pahintulot o pagsang-ayon ng unang panig (may-ari) ng palaisdaan

10.) Na ang pagkasira ng anumang parte palaisdaan dahil sa kagagawan ng ikalawang panig
(umuupa) ay ipaaayos o ipapagawa ng umuupa mula sa sariling gastos o gugol.

11.) Na kung sakaling aalis o lilipat ang ikalawang panis, ay kailagang may abiso sa loob ng
tatlumpung (30) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o paglipat.
At sa katunayan ang lahat ng ito, ang makabilang panig ay nakasundo at lumagan
ngayong ika ____, ng ______ 2023, dito sa Lanang Candaba, Pampang.

_______________________ ________________________________
May-ari at unang panig Nagungupahan at ikalawang panig

Sa harapan nina:

_______________________ , _______________________ , _______________________

You might also like