You are on page 1of 3

KASUNDUAN NG UPAHAN

DAPAT MATALASTAS NG LAHAT:

Ang Kasunduan na ito, na isinagawa at nilagdaan nina:

JUANITO DELA CRUZ., ganap na gulang, Pilipino, at naninirahan sa


_________________________ na dito ay nakikilala bilang nagpapaupa o
UNANG PANIG

at

HOUSING INC., isang korporasyon na inorganisa at umiiral sa ilalim


ng batas ng Pilipinas, na may pahatirang sulat sa
__________________________ na kinatatawan ni ___________________ na dito ay
kilala bilang IKALAWANG PANIG

Ay nagsasaysay at nagpapatunay sa mga sumusunod:

1. Na ang UNANG PANIG ay pumayag na paupahan sa IKALAWANG PANIG ang


isang (1) pinto sa apartment na pag-aari ng UNANG PANIG na matatagpuan
sa __________________________________, sang ayon sa Kasunduan na ito;

2. Na ang upahang ito ay tatagal ng isang (1) taon na magsisimula sa ika -17 ng
Agosto 2016 hanggang sa ika-16 ng Agosto 2017 at pwedeng ipagpatuloy ang
upahan kung gugustuhin ng magkabilang panig;

3. Na ang halaga ng upahan ay _______________________________________


(Php________.00) kada buwan at ito ay kinakailangang ibigay sa nagpapaupa
sa tuwing labing-anim (16) araw ng bawat buwan;

4. Na ang IKALAWANG PANIG ay magbibigay ng __________________________ PISO


(_____________.00) bilang isang (1) buwan na paunang bayad at isang (1)
buwan na deposito;

5. Na ang magagamit o kabayaran sa ilaw at tubig bawat buwan ay pananagutan


ng IKALAWANG PANIG at ang UNANG PANIG ay may karapatan tingnan ang
bill ng ilaw at tubig kung ang mga umuupa ay nakakabayad na dito. Kung
sakaling di sila nakapagbayad sa tinakdang panahon ng Batelec at Water
District, ang utang ay idadagdag na lamang sa buwanang upa ng IKALAWANG
PANIG upang ito ay mabayaran ng UNANG PANIG sa mga nararapat na
opisina subalit babayaran ng IKALAWANG PANIG ang natirang utang nila sa
kuryente at tubig bago umalis sa nasabing upahan;

1
6. Na lahat ng kasiraan naghahalagang _____________________________ (Php_______.00)
(minor repairs) sa nasabing upahan ay sagot ng IKALAWANG PANIG at hindi
maaaring singilin o bawasin sa kanilang buwanang upa; Lahat ng kasiraang
naghahalangang labis sa ____________________________________ (Php ________.00)
(major repairs) sa upahan ay sagot ng UNANG PANIG.

7. Kung sa kaling ang IKALAWANG PANIG ay may pagbabago o idadagdag sa


nasabing paupahan ay kailangan munang magpaalam sa UNANG PANIG;

8. Na hindi maaring paupahan (sublease) ng IKALAWANG PANIG ang naulit na


paupahan kaninuman habang siya ay umuupa;

9. Na kailangang pangalagaan at pag-ingatan ng IKALAWANG PANIG ang


mabuting kalagayan at kaayusan ng puwesto ng kanyang inuupahan at
binibigyan ang UNANG PANIG ng kapangyarihan na makapasok o
makapagbisita sa nauulit na puwesto na pinapaupahan nito upang makita na
maayos na kalagayan ng nasabing lugar. Subalit, ang UNANG PANIG ay
makakapasok o makakabisita lamang sa inuupahang lugar kung may
kasamang kinatawan o representative ng IKALAWANG PANIG.

10. Kapag ang IKALAWANG PANIG ay hindi nakabayad ng isang (1) buwan,
bibigyan siya ng isang (1) buwan na palugid para makabayad ng
pagkakautang. Kapag hindi nabayaran ang utang, may karapatan ang UNANG
PANIG na paalisin ang IKALAWANG PANIG o kanyang mga tauhan sa
nasabing paupahan;

11. Hindi pinahintulutan ang mga gawain na makakasagabal sa katahimikan at


kaayusan sa kapaligiran ng paupahan;

12. Na bago umalis ang IKALAWANG PANIG sa nasabing upahan bago ang taning
ng kontratang ito ay kailangan magpaalam sa UNANG PANIG isang (1) buwan
bago umalis;

13. Hindi pahihintulutan ang pag-aalaga ng mga hayupan (pusa, aso, manok,
atbp) na makakasira sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran;

14. Pagkatapos ng taning ng kontratang ito, ang paunang bayad at deposito ay


isasauli sa IKALAWANG PANIG nang buo. Subalit, maaari itong bawasan ng
UNANG PANIG kapag _______________________________________________________.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ay lumagda kami n gaming pangalan


ngayong ika - _______ ng _________________ taong 2017 dito sa _______________________.

2
JUANITO DELA CRUZ PARA SA HOUSING, INC.
UNANG PANIG IKALAWANG PANIG

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

_______________________________________ ________________________________________

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
________________________ ) S.S.

Ako, _________________________ bilang Notaryo Publiko sa lalawigan ng


______________________ ay nagpapatunay na sina :

JUANITO DELA CRUZ. may ID ___________________________ gawad noong


________________________________, at

____________________________ may ID ___________________________ gawad noong


________________________________, at

na kilala kong silang mga tauhang gumawa ng nauunang kasulatang kanilang


nilagdaan at pinatunayang malaya at bukal sa kanilang kalooban.

Ang naunang kasulatan ay binubuo ng tatlong (3) PAHINA, kasama na ang


kinaroroonan ng Pagpapatunay na ito, at nilagdaan naman ng mga panig sa gawing
kaliwa ng bawat dahon, at gayon din, ng kanilang mga saksi, at may digpi ng aking
panatak.

Saksi ang aking lagda at selyong panatak ngayong ika _______ ng _________________ 2017
dito sa _____________________.

Kasulatan Blg. _____;


Aklat Blg. ____;
Dahon ____;
Serie ng 2017

You might also like