You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ika- 24 ng Enero, 2023, dito sa
daang 1694 Evangelista St. Brgy Bangkal, Makati City nina Gng. Mercedita R. Jacinto, may
sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa daang 1694 Evangelista St. Brgy Bangkal, Makati City na
siyang tatawaging NAGPAPAUPA, at si Ms. Mary Grace E. Villarosa, Pilipino, may sapat na gulang, at
naninirahan sa nasabing uupahang bahay na siyang tatawagin naman na UUPA o UMUUPA.

PAGPAPATUNAY

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG BAHAY na


matatagpuan sa daang 1694 Evangelista St. Brgy Bangkal, Makati City.

Na ang NAGPAPAUPA at ang UMUUPA ay nagkasundo na uupahan ang nasabing bahay sa ilalim ng
patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod:

1) Na ang nasabing bahay ay uupahan sa loob ng isang (1) taon na magsisimula


sa ika-5 ng Disyembre taong 2022 at magtatatapos sa ika-5 ng Disyembre taong 2023, at
maaring paupahang muli sa bagong panahon ng kasunduan.

2) Na ang UMUUPA ay nagbigay ng paunang bayad bago lumipat kagaya ng mga sumusunod:
2 Buwang Paunang bayad sa halagang …. P16,000.00 kwartang Pilipino
1 Buwang deposito na halagang ……… 8,000.00 kwartang Pilipino.
KABUUANG BAYAD ………………… 24,000.00

3) Na ang halaga ng paupahang bahay ay P 8,000.00 kwartang Pilipino na babayaran


tuwing ika-5 ng buwan. At kung sakali mang umalis ang UMUUPA, hindi nya maaring
kunin ang 2 buwang deposito hanggat hindi nababayaran ang lahat ng nakunsumo o
nagamit nilang kuriente, tubig, internet, telepono at mga iba pang kasiraan sa nasabing
bahay tulad ng maduming pintura, sirang pader, dumi o kalat at iba pa sa panahon ng
kanilang pag-upa sa nasabing bahay.

4) Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/TELEPONO/INTERNET ay sa sariling


gastos o gugol ng UMUUPA.

5) Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa


loob ng 2 buwang sunud-sunod,ang kasunduang ito ay mababaliwala at ang
UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang naturang paupahan sa maayos at
matahimik na paraan.

6) Na ang nasabing PAUPAHAN ay hindi nya pwedeng ipa-upa (sub-lease) sa


ibang tao at hindi gagamitin ang nasabing paupahan sa anumang uri ng
negosyo na labag sa batas tulad ng sugal at iba pa.
7) Na kung sakali man ang Umuupa at nais ng umalis at hindi natapos ang kasunduang ito,
ang Umuupa ay magbabayad ng halagang P 10,000.00 kwartang Pilipino bilang kabayaran
sa hindi nya pagtupad sa napagkasunduan ng panahon ng pag-upa. (Breach of Contract)

8) Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan


at pangkalusugan.

9) Na ang anumang pagkasira o sira sa nasabing PAUPAHANG BAHAY dahil


sa kagagawan ng UMUUPA. ito ay kanilang ipapaayos o ipapagawa mula sa kanilang
sariling gastos o gugol.

10) Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso
sa loob ng tatlumpung (30) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong ika-___ ng
Enero taong 2023, dito sa __________________________ Makati City sa tulong ng Poong Maykapal.

NILAGDAAN

_____________________________ _____________________________
Mercedita R. Jacinto Mary Grace E. Villarosa
NAGPAPAUPA UMUUPA

MGA SAKSI

_____________________________ _____________________________

You might also like