You are on page 1of 1

KONTRATA SA PAG-UUPA NG BAHAY

Ako si NEMIA I. SANTOS, may sapat na gulang at naninirahan sa 5020 PRIVATE LOT BUROL 3
DASMARIÑAS CITY CAVITE ay pansamantalang pinauupahan kay RUTH JOY S. SEASAT naninirahan sa B12
L20 ZONEXI PHASE I BAUTISTA PROP. SAMPALOC IV DASMARINAS CITY, CAVITE ang isang parte ng bahay
na pagmamay-ari naming MAG-ASAWA na matatagpuan sa BLK 12 LOT 20 SUNNY CREST VILLAGE
SALITRAN 11 DASMARIÑAS CITY CAVITE.
1. Ang pag uupa ay tatagal ng 12 buwan at mag sisimula sa ika 12 ng HUNYO 2023 at magtatapos
sa ika 13 ng HUNYO 2024 at maaring i-renew ang nasabing kontrata.

2. Ang buwanang upa sa nasabing bahay ay ANIM NALIBO AT LIMANG DAANG PISO (6,500)
na babayaran tuwing (15) kinsenas ng buwan at pupuntahan ng may ari ng bahay para kuhain ang
buwanang upa;

3. Ang umuupa ay magbibigay ng paunang bayad na 2 dalawang buwan na nagkakahalagang


P13,000.00 at deposito na 1 isang buwan na nagkakahalaga ng P6,500.00 sa kabuuang P19,500.00.

4. Ipinagbabawal sa nasabing nangungupa na magpatira o isalin ang karapatan sa pag-upa sa nasabing


bahay sa si numan ng walang pahintulot ng may ari ng nasabing bahay;

5. Ang nangungupa ay may tungkulin sa panatilihin ang katahimikan, kalinisan at kaayusan ng nasabing
bahay at kapaligiran.

6. Ang nasabing inuupahan o bahay ay gagamitin lamang ng mangungupa sa tirahan;

7. Ang lahat ng mga ipapagawa ng nangungupa sa nasabing bahay o inuupahan ay dapat na ipaalam sa
may ari o sa nagpapaupa at kung sakaling may nasira sa nasabing bahay ay pananagutan ng umuupa,
tulad ng C.R at bintana at iba pa.

8. Ang gastos sa tubig at kuryente sa nasabing bahay ay babayaran ng mga taong nangungupa sa
nasabing bahay at ipapakita ang resibo na bayad na ito. Kung sakaling magpapakabit ng internet
connection ang nangungupa ay walang pananagutan ang may-ari ng bahay at obligasyon ng umuupa
bayaran ito.

9. At sakaling gagamitin na ng nagpapaupa ang nasabing bahay ay aabisuhan ang umuupa at bibigyan
sila ng ISANG (1) buwan na palugit para makahanap ng ibang mauupahan na bahay.

10. Ang nasabing upahan ay may deposit na 1 buwan P6,500.00 at ibibigay sa nagpapaupa o sa may-ari
bago sila tumira sa nasabing bahay, ang nasabing deposit ay kukuhanin lamang ng nangungupa kapag
sila ay aalis na sa nasabing inuupahang bahay at walang pagkakautang sa ilaw at tubig na nagamit.

11. Ang hindi pagtupad sa alinman sa nabanggit na KASUNDUAN ay nangangahulugan ng PAGKANSELA


NG KONTRATANG ito at sila ay aalis sa nasabing bahay sa loob ng tatlong araw matapos ang paglabag.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, kami ay lumagda ngayong ika 12 HUNYO 2023.

NEMIA I. SANTOS RUTH JOY S. SEASAT

Nagpapaupa Umuupa

You might also like