You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig sa araw na ito August 8, 2022, dito sa Blk
5 Lot 8 CTH2 Subd. Pulo Cabuyao, Laguna, ni Gng. Iren M. Capacia, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan
sa #8 Thaddeus Street MRV Barangay Sta. Lucia, Pasig City na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, dito kay
G./Gng./Bb. Ana May E. Cansico, Pilipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa 61 San Isidro Cabuyao, Laguna
na siyang tatawagin UUPA o UMUUPA.

PAGPAPATUNAY

Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG BAHAY, na


matatagpuan sa Block 5 Lot 8 CTH2 Subd., Pulo Cabuyao, Laguna.

Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang nasabing
bahay sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod.

1. Na ang nasabing bahay ay gagamitin lamang bilang tirahan sa loob ng isang (1) taon na magsisimula sa
August 12, 2022 at matatapos sa August 11, 2022, at maaring paupahang muli sa bagong kasunduan.

2. Na ang nasabing UUPA sa bahay ay hindi hihigit sa anim (6) tao lamang o sila ay payapang umaayon na lilisan
ang nasabing PAUPAHAN.

3. Na ang UUPA ay magbibigay ng Six Thousand Pesos (Php 6,000.00) para sa isang buwan na deposito at Six
Thousand Pesos (Php 6,000.00) para sa isang buwan na paunang kabayaran sa upa.

4. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang Php 6,000.00, bilang kabayaran o upa sa loob ng isang (1) buwan
at dapat bayaran tuwing ika-isa (1) ng bawat buwan.

5. Na ang nasabing Php 6,000.00 buwang deposito ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus ay dapat tapusin
ng UMUUPA at ang nasabing deposito ay magagamit lamang sa huling buwang UPAHAN.

6. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG ay sa sariling gastos o gugol ng UMUUPA.

7. Na kung sakaling ang UMUUPA ay hindi makakabayad ng kaukulang UPA sa loob ng dalawang (2) buwang
sunudsunod, ang kasunduang ito ay mababaliwala at ang UMUUPA ay pumapayag na lisanin ang naturang
paupahan sa maayos at matahimik na paraan.

8. Na ang nasabing BAHAY PAUPAHAN ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag sa batas tulad ng
sugal at iba pa.

9. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay ng walang nakasulat na pahintulot o
pagsangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing BAHAY PAUPAHAN.

10. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan at pangkalusugan.

11. Na ang anumang pagkasira ng nasabing PAUPAHAN dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay ipapaayos o
ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.

12. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung (30) araw
bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayon August 8,
2022 dito sa Blk 5 Lot 8 CTH2 Subd., Pulo, Cabuyao Laguna sa tulong ng Poong Maykapal. N I L A G D A A N

Iren M. Capacia Ana May E. Cansico


MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN #

You might also like