You are on page 1of 1

KONTRATA SA PAGPAPAUPA NG BAHAY

Ako, EMILIANA D. BUNYI, may mga sapat na gulang at naninirahan sa Alabang Muntinlupa City ay pinauupahan kay
___________________________, may sapat na gulang, ang isang unit ng apartment (UNIT ______) na matatagpuan sa
184 Molina St, Purok 6 Alabang, Muntinlupa City.

1. Ang unit ay gagamitin bilang tirahan at epektibo ang kontrata sa loob ng taong 2019.
2. Ang upa sa nasabing unit ay P_________ na babayaran tuwing ika-______ ng buwan.
3. Mahigpit na ipinagbabawal na magpatira ang nangungupahan ng sinuman sa nasabing unit ng walang pahintulot
ng may-ari.
Pangalan ng nakatira sa unit Edad
______________________________________ _______
______________________________________ _______
______________________________________ _______
______________________________________ _______
4. Ang nangungupahan ay may tungkulin na panatilihin ang katahimikan, kalinisan at kaayusan sa unit at buong
kapaligiran ng apartment.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang malakas na paggamit ng sound system at videoke paglagpas ng ika-10 ng gabi.
Hindi rin maaring makipaginuman sa “hallway” ng apartment upang hindi makaabala sa ibang nangungupahan.
6. Ang lahat ng ipagagawa ng nangungupahan sa nasabing unit ay dapat ipagpaalam sa may-ari.
7. Ipinagbabawal ang pagbubutas sa pader, pagpipintura, paglagay ng “wallpaper” o anumang pagbabago sa loob ng
unit.
8. Anumang ipagagawa sa loob ng unit at ang bayad sa manggagawa na dulot sa kapabayaan ng nangungupahan
tulad ng baradong lababo dahil sa kanin o sebo, baradong toilet bowl dahil sa nagbarang gamit at iba pa ay
responsibilidad ng nangungupahan na bayaran.
9. Mahigpit na ipinagbabawal ang sinumang nangungupahan na pumunta sa tirahan ng may-ari o kanilang kamag-
anak sa dis-oras ng gabi upang humiram ng susi. Responsibilidad ng bawat nangungupahan ang susi ng inyong
unit.
10. Ang pagbabayad sa kuryente, tubig, telepono ay responsibilidad ng nangungupahan.
11. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng pangalan, address at contact number ng mga
may-ari ng apartment sa anumang personal na transaksyon ng nangungupahan.
12. Responsibilidad ng nangungupahan na ipagbigay-alam sa may-ari tatlumpong(30) araw bago lumipat sa ibang
tirahan.
13. Ang nagungupahan ay may advance at depositong P__________ na ibinigay sa may-ari bago ang pagtira sa unit.
Ang isang buwang deposito ay ibibigay lamang ng may-ari 30 araw matapos umalis sa nasabing unit upang
mabayaran ang mga naiwang bills sa ilaw, tubig at pagsasaayos ng mga sira sa unit.
14. Ang hindi pagtupad sa nabanggit na kasunduan ay nangangahulugan ng PAGKANSELA NG KONTRATA na ito at ang
nangungupahan ay aalis sa nasabing unit sa loob ng tatlong(3) araw matapos ang paglabag.

Sa katunayan ng lahat ng ito, kami ay lumalagda ngayong ika-_______ ng ___________ 2019 Alabang, Muntinlupa City.

______________________________ ____________________________

Nangungupahan Mrs. Emiliana D. Bunyi

You might also like