You are on page 1of 1

AC Micro Apartment

Petsa: ____________________

Panuntunan at Kasunduan sa Umuupa at Nagpapaupa:


Magbibigay ng Kaukulang Halaga bilang Deposit na katumbas ng 3 buwan, (2 buwan: 1 month deposit / 1 buwan advance deposit). At 1 buwan bilang deposit sa tubig at kuryente). Bilang ng gagamit o titira sa paupahang apartment _______katao . Ang bilang ng titira o gagamit ng apartment ay naaayon at hindi lalagpas sa napagkasunduan. Hindi maaring magdagdag ng kasama sa bahay ng walang pahintulot ang may-ari ng paupahan. At ang nasabing karagdagang bilang ng gagamit ng paupahan ay hindi lalagpas sa 1 linggo. Maliban kung may pagkakaunawaan sa magkabilang panig. Magbabayad ng buwanang obligasyon sa Apartment, Meralco at sa Marwadis. At ang resibo ng binayaran ay ibibigay sa may-ari. Ang hindi pagbabayad sa tamang panahon (1 week pagkaraang matanggap ang Bill) ay may katumbas na disconnection sa tubig. Ang umuupa ay hindi kailanman binibigyan ng karapatan na pakialaman o baligtarin ang metro ng kuyente sa anumang kadahilanan at pagkakataon. Pananatilihin ang Kalinisan, Katahimikan at Kaayusan sa labas at loob ng paupahan. Walang babaguhin sa straktura. Anumang inilagay ay di na aalisin pa.

*** Pagbibigay liwanag: Ang Deposito sa Paupahan, Meralco at Marwadis ay hindi maaaring gamitin bilang panakip na bayad sa Apartment. Ito ay gagamitin lamang sakaling aalis na ang umuupa. Ang deposito sa tubig at kuryente ay kukuwentahin batay sa huling bill ng umuupa at kung mayroong refund ito ay ipagkakaloob ng nagpapaupa matapos ang computation na nauukol. Ang lahat ng kakulangan sa kaukulang bayarin ay nasasakop bilang balance sa upa at hindi maaring pagtakpan ng deposit. Napagkasunduan ng Magkabilang Panig: Amount Deposited: Apartment - ________________________________ Meralco & Marwadis - ________________________ _______________________________ Umuupa (Printed & Signature) ______________________________ Nagpapaupa (Printed & Signature)

You might also like