You are on page 1of 1

AC Micro Apartment

Petsa: May 5, 2014


Panuntunan at Kasunduan sa Umuupa at Nagpapaupa:
Magbibigay ng Kaukulang Halaga bilang Deposit na katumbas ng 2 buwan, ( 1 month deposit/1 month advance At
1000 bilang deposit sa tubig at kuryente).
Bilang ng gagamit o titira sa paupahang apartment _______katao . Ang bilang ng titira o gagamit ng apartment ay
naaayon sa napagkasunduan. Hindi maaring magdagdag ng kasama sa bahay ng walang pahintulot ang may-ari ng
paupahan. At ang nasabing karagdagang bilang ng gagamit ng paupahan ay hindi lalagpas sa 1 linggo. Maliban
kung may pagkakaunawaan sa magkabilang panig.
Magbabayad ng buwanang obligasyon sa Apartment, Meralco at sa Marwadis. At ang resibo ng binayaran ay
ibibigay sa may-ari. Ang hindi pagbabayad sa tamang panahon (1 week pagkaraang matanggap ang Bill) ay may
katumbas na disconnection sa tubig. Bago dumating ang takdang araw ng pagbasa ng metro ng tubig tuwing ika-5.
Ang umuupa ay hindi kailanman binibigyan ng karapatan na pakialaman o baligtarin ang metro ng kuyente sa
anumang kadahilanan at pagkakataon.
Pananatilihin ang Kalinisan, Katahimikan at Kaayusan sa labas at loob ng paupahan.
Walang babaguhin sa straktura. Anumang inilagay ay di na aalisin pa.
*** Pagbibigay liwanag:
Ang Deposito sa Paupahan, Meralco at Marwadis ay hindi maaaring gamitin bilang panakip na bayad sa Apartment. Ito
ay gagamitin lamang sakaling aalis na ang umuupa. Ang deposito sa tubig at kuryente ay kukuwentahin batay sa huling bill
ng umuupa at kung mayroong refund ito ay ipagkakaloob ng nagpapaupa matapos ang computation na nauukol.
. Ang lahat ng kakulangan sa kaukulang bayarin ay nasasakop bilang balance sa upa sa Apartment at hindi maaring pagtakpan ng deposit.
Amount Deposited:
2.500 - 1 Month deposit
2.500 - 1 Month advance
1.000 Marwadis/Meralco
6.000 Total Deposit
Status
March 1 1.500 balance

400 Marwadis
April 1 - 2.500 Apartment
4.400 Total
May 1 - 2.500 Apartment
6.900 Total
737 Marwadis (March April)
7.637 Total Balance for May Payment
Napagkasunduan ng Magkabilang Panig:

_______________________________ ______________________________
Umuupa (Printed & Signature) Nagpapaupa (Printed & Signature)

You might also like