You are on page 1of 1

Mga Panuntunan/Regulasyon tungkol sa Renta

Kung ikaw ay bagong maninirahan sa apartment, pinapayagan ang may-ari na

maningil kung magkanong renta ang gusto niya.

Ang maaaring singilin ng may-ari sa iyo kapag mangungupahan ka ay bayad sa

unang buwang renta at down deposit para kung sakaling aalis ay may nakalaan para

sa nakonsumong tubig at kuryente, ito ay hindi pwedeng gamiting para sa renta.

Kapag nakalipat ka na, ang may-ari ay may pahintulot na magtaas ng renta ayon sa

patakaran, minsan lamang sa loob ng isang taon.

Ang may-ari ay maaaring maningil ng karagdagang upa sa bawat dagdag na titira dito.

Ang apartment ay para lamang sa isang pamilya na binubuo ng tatay, nanay, at mga

anak nito.

Ang May-ari ay maaaring maghain ng pagpapalayas sa mga sumusunod na dahilan:

Ang hindi pagbayad ng renta, kuryente o tubig sa loob ng dalawang buwan.

Madalas na atrasado sa pagbayad ng renta, kuryente o tubig

Kapag ikaw ang gumagawa o dahilan ng pinsala o perhuwisyo sa iyong apartment

Kung ikaw ay nagsagawa ng ilegal na gawain sa iyong apartment

Kung nakikialam ka sa resonableng kasiyahan ng may-ari o ibang mga

nangungupahan

Kung ang may-ari, miyembro ng kanyang pamilya ay lilipat sa iyong apartment

Kung ang apartment ay babaguhin o aayusin o titibagin/wawasakin

Nangungupahan

Rodolfo P. Santos Sayne S. Santos


Nagpapaupa Nagpapaupa

You might also like