You are on page 1of 3

KONTRATA SA PAGLILINGKOD SA TAHANAN

Ang kontrata ng trabaho sa tahanan ay napagpasiyahan sa pagitan nina:

A. Mag-asawang Jefferson at Gladies Mercurio – Pinaglilingkuran


84 Barangay Latoria, Naic, Cavite – 046 5070 312 o 0917 849 1120

B. Jericho – Kasambahay

Nagkasundo sa mga sumusunod na tuntunin at kondisyon:

1. Lugar ng trabaho: Poblete Residence, Naic, Cavite


2. Tagal/Panahon ng trabaho: Mula June 1, 2019; Hanggang May 31, 2020; Ang Kasambahay ay makakatanggap
ng karagdagang sahod sa susunod na taon kung nais manatili.
3. Uri ng trabaho: Yaya, Plantsadora at Tagalinis lamang
4. Mga tungkulin at gawaiin:
a. Araw-araw na maglilinis ng mga kwarto, banyo at kapaligiran sakop ng bahay.
b. Magplantsa ng mga damit;
c. Maging yaya sa tatlong bata kapag ka nasa labas ang pinaglilingkuran;
d. Samahan ang mga bata sa pagpasok sa eskwelahan kung kinakailangan lamang;
e. Linisan ang sasakyan isang beses sa isang linggo;
f. Iba pang iutos ng Pinaglilikuran.
5. Oras ng trabaho: Stay-in, pananatilihing hindi lalampas (70) sitenta oras kada linggo. Pribilehiyo ng
Kasambahay na magpahinga kung nais, magsabi lamang sa Pinaglilikuran.
6. Lingguhang araw ng pahinga: Ipagpapaalam ng Kasambahay sa Pinaglilingkuran kung kalian niya nais gamitin
(24) bente-kwatro oras o isang araw ng pahinga.
a. Walang karagdagang bayad sa Kasambahay kung nais magtrabaho sa lingguhang araw ng pahinga.
b. Subalit; ang pananatili sa bahay, pagkain ng taltong beses kasama ang meryenda ay sagot na ng
Pinaglilingkuran.
7. Pasahod:
a. Halaga ng buwanang sahod: Tatlong-libong piso (3,000)
b. Takdang araw sa pagbabayad ng sahod: Tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.
c. Ihuhulog sa Bank Account ng Kasambahay at ang passbook ang magsasadyang payslip.
d. Ang Kasambahay ay makakakuha ng 13th month pay ng naaayon sa batas. Ito ay iaabot tuwing buwan
ng Disyembre bago mag-pasko. Ang sumusunod na kalkulasyon:
(Sahod X ilan buwan nanungkulan) / 12 = 13th month pay
e. Hindi magbibigay ng paunang sweldo (advance salary) ang Pinaglilingkuran.
f. Ang pagtaas ng sahod bawat taon at karagdagang bonus ay base sa pagganap sa tungkulin.

Page 1 of 3
KONTRATA SA PAGLILINGKOD SA TAHANAN
8. Mga premium na kinakailangan gampanan ng Pinaglilingkuran para sa Kasambahay na ayon sa batas:
a. 10.4% nang naturang sahod ang babayaran ng Pinaglilikuran sa SSS.
b. Minimum na kontribusyon na babayaran ng Pinaglilikuran sa Philhealth.
c. Minimum na kontribusyon na babayaran ng Pinaglilikuran sa Pag-ibig.
d. Ang premium ay taunang babayaran, ang mga resibo ay ibibigay sa Kasambahay.
e. May karapatan ang Pinaglilingkuran na ibawas sa kasambahay ang kabuuan ng premium kapag
lumabag sa kontrata o kaya sa di inaasahang pag-alis ng Kasambahay.
9. Mga benepisyo:
a. Taunang bakasyon na talumpung (30) araw na may bayad. Ipagpaalam sa Kasambahay sa
Pinaglilingkuran ang araw ng bakasyon dalawang buwan bago ang takdang araw. Ninanais ng
Pinaglilingkuran na itaon ng Kasambahay ang bakasyon sa araw ng walang pasok sa eskwela.
b. Kung ang Kasambahay ay nais na manatili mag serbisyo sa panahon ng taunang bakasyon na may
bayad, ang taunang bayad ay papalitan ng 14th month pay. Ito ay matatanggap lamang makalipas
ang buwan Hunyo. Ang 14th month pay ay ibabase sa kasalukuyang kabuuan ng sweldo.
c. Kaugnay sa taunang bakasyon, sagot na ng Pinaglilikuran ang pamasahe ng Kasambahay papunta at
pabalik. Ito ay hindi naaangkop kung mananatiling ituloy ang trabaho.
d. Libreng atensiyong medikal isa sa mga pribilehiyo ng Kasambahay. Ito ay limitado lamang sa minor
sickness at injuries.
10. Karadagang benepisyo para sa Kasambahay:
a. Pagkuha ng birth certificate ay sasagutin ng Pinaglilingkuran
b. Pagkuha ng NBI clearance ay sasagutin ng Pinaglilingkuran
c. Pagkuha ng Postal ID ay sasagutin ng Pinaglilingkuran
d. Pagtulong ng Pinaglilingkuran makapagbukas ng sariling Bank Account ang Kasambahay kung saan
ihuhulog ang sahod
e. Libreng kaalamang pang pinansyal at suporta pang edukasyon katulad ng pamasahe at baon; limitado
lamang ito sa mga libreng programa ng gobyerno sa pinakamalapit na ahensya.
11. Iba pang benepisyo ng Kasambahay:
a. Wifi connection
b. Pagkain – Almusal, Tanghalian, Hapunan pati narin ang Meryenda.
c. Maayos na silid-tulugan
d. Toothbrush at shampoo
e. Sabon panligo at panlaba
f. Uniporme at kagamitan pangkaligtasan

Page 2 of 3
KONTRATA SA PAGLILINGKOD SA TAHANAN
12. Mga bagay na ipinagbabawal:
a. Pagtanggap ng bisita o pag-alis ng bahay ng walang paalam sa Pinaglilingkuran
b. Pakikipagusap or pagpapasok sa bahay ng mga taong hindi kakilala ng Pinaglilingkuran
c. Magsiwalat ng mga pribado o kompidensyal na impormasyon na nalalaman ng Kasambahay tungkol
sa Pinaglilingkuran. Ang prohibisyon na ito ay magpapatuloy kahit hindi na naglilingkod ang
Kasambahay.
13. Bayad sa pagwawakas ng trabaho/kontrata: Kung hindi makatarungan ang pagtanggal sa kasambahay bago
matapos ang termino ng kontrata, kinakailangan siyang bayaran ng Pinaglilingkuran ng sahod para sa mga
araw na nagtrabaho siya (ngunit hindi pa bayad).
14. Kung mangyayari na may pagtatalunan ang magkabilang panig, ito ay maaring pagkasunduan muna sa
barangay at kung walang mangyayari ay iaakyat ito sa DOLE-Regional/Provincial/Field Office na nakakasakop
sa lugar ng trabaho.
15. Ano mang pagbabago sa kasunduan ay may bias lamang kung ito ay napagkasunduan at may katumbas na
kasulatan na nilagdaan ng dalawang panig.
16. Ang mga probisyon sa Replubic Act No. 10361, or an Act Instituting Policies for the Protection and Welfare of
Domestic Workers ay itinuturing na kasama sa kontrata na ito.

Ang Pinaglilingkuran ay nangangakong magbibigay sa Kasambahay ng lahat ng mga benepisyong itinakda sa


ilalim ng batas.

Ang Pinaglilingkuran at Kasambahay ay kusang sumasang-ayon sa mga kondisyong nabanggit sa kontratang ito.

Lagda ng Pinaglilingkuran Lagda ng Kasambahay

Petsa ng paglalagda Petsa ng paglalagda

Saksi Saksi

Page 3 of 3
KONTRATA SA PAGLILINGKOD SA TAHANAN

You might also like