You are on page 1of 3

KONTRATA SA PAGLILINGKOD SA TAHANAN

Ang Kontrata ng sa trabaho sa tahanan ay napagpasiyahan sa pagitan nina:

A. Dr. Bob Minion at Atty. Tina Minion, Filipino, may tirahan sa #115 Kennedy St.
North Greenhills, San Juan city, Metro Manila at telepono bilang 775-56-67
(“Pinaglilingkuran”).

B. Ligaya Dimaunahan, Filipino, single, may edad na 23, at may tirahan sa 11A
Remedios St, San Antonio, Cebu City at telepono bilang 774-65-89
(“Kasambahay”)

Nagkasundo sa mga sumusunod na tuntunion at kondisyon:

1. Lugar ng trabaho: #115 Kennedy St. North Greenhills, San Juan city, Metro Manila.

2. Tagal/Panahon ng Trabaho: Mula unang araw ng Mayo taon dalawang libo’t


labing siyam (September 1, 2019), Hanggang sa unang araw ng Mayo dalawang
libo’t dalawampu (December 31, 2020)

3. Uri ng trabaho: Tagalinis, Tagaluto, at Labandera.

4. Mga tungkulin at Gawain:

a. Araw-araw na maglinis ng bahay, kwarto, at banyo;


b. Maglinis ng mga kwarto ng mga kasambahay tatlong beses sa isang linggo;
c. Maglaba at magplantsa ng damit;
d. Mag-vacuum ng bahay;
e. Ihanda ang gamit ng Pinaglilingkuran, tulad ng damit, sapatos at iba pa;
f. Magluto ng pagkain ayon sa iuutos ng Pinaglilingkuran; at
g. Iba pang maaring iutos ng Pinaglilingkuran na naaayon sa batas.

5. Oras ng trabaho: alas syete (7) ng umaga hanggang alas otso (8) ng gabi, at may
isang oras na pahinga para sa almusal, tanghalian at hapunan.

6. Lingguhang araw ng pahinga: Sa unang araw ng buwan, ipapaalam ng


Kasamabahay sa Pinaglilingkuran kung kalian niya nais gamitin ang araw ng
pahinga.

1
7. Pasahod:

a. Halaga ng buwanang sahod: Walong-libong piso (Php 8,000.00)


b. Takdang araw ng pagbabayad ng sahod: Tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.
c. Ang Kasambahy ay makakakuha ng 13th month pay ng naaayon sa batas.
d. Maaaring magbigaay ng paunang sweldo (advance salary) ang
Pinaglilikuran sa Kasambahay base sa rason nito.

8. Mga pinapahintulutang kaltas ng sahod:


a. SSS
b. PhilHealth
c. Home Development Mutual Fund or Pag-ibig

9. Mga benepisyo:
a. Taunang bakasyon na dalawampung (20) araw na may bayad. Ang
Kasambahay ay ipapagpaalam sa Pinaglilingkuran ang araw ng bakasyon
isang buwan bago ang takdang araw ng bakasyon.
b. Isang ticket sa eroplano papunta at pauwi ng probinsya ang ibibigay ng
Pinaglilingkuran sa Kasambahay.
c. Sampung araw na bakasyon kung may sakit. Makakatanggap pa rin ng bayad
ang Kasambahay para sa mga araw na siya ay may sakit nan aka bakasyon
ngunit ibabawas ito sa kanyang taunang bakasyon.

10. Iba pang mga benepisyo:


a. Pagkain
b. Pangunahing Pangagailangan tulad ng:
i. Toothbrush
ii. Toothpaste
iii. Soap
iv. Towels at
v. Underwear
c. Uniporme

11. Bayad sa pagwawakas ng trabaho/kontrata: Kung hindi makatarungan ang


pagtanggal sa kasamabahay bago matapos ang termino ng kontrata, kinakailangan
siyang bayaran ng Pinaglilingkuran ng sahod para sa mga araw na nagtrabaho siya
ngunit hindi pa bayad.

2
12. Kapag natapos ang termino ng kasunduan ay maaaring awtomatikong ulitin ito at
maging epektibo kung patuloy na maninilbihan ang kasamabahay sa
pinaglilingkuran.

13. Kung mangyari na may pagtalunan ang magkabilang panig, ito ay maaring
pagkasunduan muna sa barangay at kung walang mangyayari ay iaakyat ito sa
DOLE-Regional/Provincial Field Office na nakasasakop sa lugar ng trabaho.

14. Ano mang mga pagbabago sa kasunduan ay may bias lamang kung ito ay
napagkasunduan at may katumbas na kasulatan na nilagdaan ng dalawang panig.

Ang Paglilingkuran ay nangakong magbibigay sa Kasambahay ng lahat ng


benepisyong itinakda sa ilalim ng batas.

Ang Pinaglilingkuran at Kasambahay ay kusang sumasang-ayon sa mga kondisyong


nabanggit sa kontratang ito.

MGA PINAGLILINGKURAN:

________________________________ ________________________________
Dr. Bob Minion Atty. Tina Minion
Petsa: Petsa:

________________________________
Ligaya Dimaunahan
Petsa:

MGA SAKSI:

________________________________ ________________________________
DINA MACUJA ISA BILANG
Petsa: Petsa:

You might also like