You are on page 1of 2

KONTRATA SA PAGLILINGKOD SA TAHANAN

Ang Kontrata ng trabaho sa tahanan ay napagsiyahan sa pagitan nina:

A. Pangalan ng Paglilingkuran, Filipino na nasa tamang gulang, at nakatira sa tirahan ng


Paglilingkuran (“Pinaglilingkuran”)

B. Pangalan ng Kasambahay, Filipino na nasa tamang gulang at nakatira sa tirahan ng


kasambahay (“Kasambahay”)

Nagkasundo sa mga sumusunod na tuntunin at kondisyon:

1. Lugar ng Trabaho:

2. Uri ng Trabaho: Tagalinis, Tagalakad ng mga aso, at Taga Laba

3. Mga tungkulin at gawain:


a. Araw-araw na maglinis ng mga kwarto, mga banyo at garahe
b. Maglinis ng mga kwarto ng kasambahay, apat na beses sa isang lingo
c. Maglaba at magplantsa ng mga damit
d. Mag-vacuum ng bahay
e. Ihanda ang gamit ng Pinaglilingkuran, tulad ng water bottle, office bag, gym bag, at iba
pa
f. Minsanang mag luto ng basic food items
g. Ilakad ang mga aso tuwing hapon sa labas

4. Oras ng trabaho: alas siyete ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi, at may isang oras na
pahinga para sa almusal, tanghalian at hapunan.

5. Buwanang araw ng pahinga: Sa unang araw ng buwan, ipapaalam ng Kasambahay sa


Pinaglilingkuran kung kalian niya nais gamitin ang dalawang araw ng pahinga.

6. Pasahod
a. Halaga ng buwanang sahod
i. Ang kasambahay ay makakatanggap ng MONTHLY SALARY (PhP ______.00)
sa unang tatlong buwan ng pagtatrabaho
ii. Pagkatapos ng tatlong buwang pagtatrabaho, ang sahod ng Kasambahay ay
matataasan at magiging MONTHLY SALARY (PhP ______.00) at
makakaltasan ng mga itinatakdang kaltas ng naaayon sa batas.
b. Takdang araw ng pagbabayad ng sahod: Tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan.
c. Ang Kasambahay ay makakakuha ng 13th month pay ng naaayon sa batas
d. Hindi magbibigay ng paunang sweldo (advance salary) ang Pinaglilingkuran.

7. Mga pinahihintulutang kaltas sa sahod: Pagkatapos ng tatlong buwang pagtatrabaho, ang mga
sumusunod ay ma-ikakaltas sa Kasambahay at ibabayad ng Pinaglilingkuran sa mga nauugnay na
opisina ng gobyerno:
a. SSS
b. PhilHealth
c. Home Development Mutual Fund or Pag-Ibig

8. Mga benepisyo
a. Taunang bakasyon na pitong (7) araw na may bayad. Ipapaalam ng Kasambahay sa
Pinaglilingkuran ang araw ng bakasyon dalawang buwan bago ang takdang araw ng
bakasyon.
b. Pitong (7) araw na bakasyon kung may sakit. Hindi makakatanggap ng bayad ang
Kasambahay para sa mga araw na siya ay naka bakasyon kung may sakit.

9. Iba pang mga benepisyo


a. Pagkain
b. Mga gamit sa banyo
i. Shampoo at Soap
ii. Toothbrush at Toothpaste
iii. Towels at Uniporme
10. Bayad sa pagwawakas ng trabaho/kontrata: Kung hindi makatarungan ang pagtanggal sa
kasambahay bago matapos ang termino ng kontrata, kinakailangan siyang bayaran ng
Pinaglilingkuran ng sahod para sa mga araw na nagtrabaho siya (ngunit hindi pa bayad).

11. Kung mangyayari na may pagtalunan ang magkabilang panig, ito ay maaaring pagkasunduan
muna sa barangay at kung walang mangyayari ay iaakyat ito sa DOLE-Regional/Provincial/Field
Office na nakakasakop sa lugar ng trabaho.

12. Ano mang pagbabago sa kasunduan ay may bisa lamang kung ito ay napagkasunduan at may
katumbas na kasulatan na nilagdaan ng dalawang panig

13. Ipinagbabawal ng Pinaglilingkuran na ipagsiwalat ng Kasambahay ang mga pribado o


kompidensyal na importmasyon na malalaman ng Kasambahay tungkol sa Pinaglilingkuran. Ang
prohibisyon na ito ay magpapatuloy kahit hindi na nalilingkuran ang Kasambahay sa
Pinaglilingkuran.

14. Ang mga prbisyon sa Repiblic Act No. 10361, or an Act Instituting Policies for the Protection and
Welfare of Domestic Workers ay itinuturing na kasama sa kontrata na ito.

Ang Pinaglilingkuran ay nangakong magbibigay sa Kasambahay ng lahat ng mga benepisyong itinakda sa


ilalim ng batas.

Ang Pinaglilingkuran at Kasambahat at kusang sumasang-ayon sa mga kondisyong nabanggit sa


kontratang ito.

Pangalan ng Paglilingkuran Pangalan ng Kasambahay


Pinaglilingkuran Kasambahay

Mga Saksi

___________________________ ___________________________

ACKNOWLEDGMENT

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )


) S.S.

BEFORE ME, this _________________ in ________________, Philippines, personally


appeared:

Pangalan ng Paglilingkuran Passport No. Exp. _______________


Pangalan ng Kasambahay ID No. __________________

Known to me to be the same person who executed the foregoing instrument, and he
acknowledged to me that the same is his free act and deed.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand and affixed my notarial seal, the day,
year, and place above written.

Doc No. ______; NOTARY PUBLIC


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of 2023.

You might also like