You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PANGUNGUPAHAN

SA LUPA AT BAHAY

HAYAG SA SINO MANG MAKAKABASA NITO:

Na ang KASUNDUAN ito ay isinagawa at nilagdaan sa Pamamagitan nina:

G. at Gng. Arnold C. Matic, Pilipino, may sapat na


gulang, at naninirahan sa Caingin,
San Rafael, Bulacan, na sa pamamagitan ng
kasulatan ito ay tatawaging UNANG PANIG

- at -

FAITH JOY DERLA Pilipino. may sapat


Na gulang at naninirahan sa Bagong Nayon,
Baliuag, Bulacan, na sa pamamagitan ng kasulatan
Ito ay tatawaging IKALAWANG PANIG

PAGPAPATUNAY

Na ang UNANG PANIG ang siyang nagmamay-ari ng ISANG BAHAY NA


NADADATAL / MAKIKITA SA BARRIO SAMPALOC, SAN RAFAEL, BULACAN

Na ang IKALAWANG PANIG ay syang mangungupahan sa nasabing bahay na


binabanggit sa itaas.

Na dahil at alang-alang sa halaga, patakaran at kondisyones na babanggitin sa


dakong ibaba ng kasulatang ito ay pinauupahan ng UNANG PANIG sa IKALAWANG
PANIG ang nasabing BAHAY at sang-ayon ang dalawang panig sa mga alituntunin at
patakaran gaya ng mga sumusunod:

1. Na ang kasunduang ito ay nagsimula / magsisimula nuon / ngayong ika – 27


ng Hulyo 2014 at matatapos sa Hunyo, 2015 at maaaring ipagpatuloy pa
alinsunod sa mga mapagkasunduan ng magkabilang panig na ilalagay sa
isang “Kasuduan ng Pag-upa”;

2. Na ang buwanang upa ay Dalawang Libong Piso (P2,000) na


babayaran ng IKALAWANG PANIG sa UNANG PANIG tuwing ika -30 ng
bawat buwan.

3. Na ang IKALAWANG PANIG ay nagbigay sa UNANG PANIG ng isang (1)


deposito sa halagang Dalawang Libong Piso (P2,000)bilang deposito at
halagang Dalawang Libong Piso (P2,000) bilang paunang bayad o advance
payment;

4. Na kung sakali at hindi nakabayad ang IKALAWANG PANIG sa Loob ng


Dalawang (2) buwan na magkasunod na upa ay may karapatan ang UNANG
PANIG na sila ay paalisin;

5. Na ang ilaw at tubig ay sariling gastos ng IKALAWANG PANIG gayon din


ang utos ng pamahalaan sa kalinisan at iba pa na tungkulin ng umuupa na
isagawa at walang kinalalaman ang UNANG PANIG.

6. Na ang paglalagay ang anumang mehora o anumang renovation sa nabanggit


na puwesto / bahay ay alinsunod sa mapagkasunduan ng magkabilang panig.
KASUNDUAN SA PANGUNGUPAHAN

7. Na ang magiging kasiraan ng nasabing BAHAY na hindi sa kapabayaan o


masamang paggamit ng IKALAWANG PANIG ay ipagawa ng UNANG
PANIG sa kanilang gugol, ngunit kung kasiraan ay bunga ng kapabayaaan at
masamang paggamit ng IKALAWANG PANIG ang magpapagawa at gugugol
sa sarili niyang gastos at ang pagtanggi sa bagay na ito nang walang sapat na
dahilan ay mapapaalis saya ng UNANG PANIG;

8. Mahigpit ding ipinagbabawal sa kasunduang ito na ang nasabing BAHAY


inuupahan ng IKALAWANG PANIG ay patirhan o paupahan sa ibang tao.

9. Na kung sakaling ang kasunduang ito ay magkakaroon ng anomang


suliranin sa panig ng IKALAWANG PANIG ang deposito at paunang bayad
ay hindi na ibabalik ng may-ari para sa kapakanan ng UNANG PANIG.

10. Na ang kasulatang ito ay igagalang ng magkabilang panig habang ang


kasunduang ito ay may lakas at tibay;

SA KATUNAYAN NG LAHAT, lumagda kami ngayong ika – 28 ng Hulyo 2014


dito sa San Rafael, Bulacan.

FAITH JOY DERLA ARNOLD C. MATIC


Umuupa / Ikalawang Panig May-ari / Unang Panig
ID No. RC No. 012004031
Issued on: Feb. 7, 2014
Issued at : San Rafael, Bulacan

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

_______________________ ________________________
Saksi Saksi

ACKNOWLEDGEMENT

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )


SAN RAFAEL, BULACAN ) S.S.

BEFORE ME, a Notary public for and in the province of Bulacan this ___
Day of ___________ personally appeared the parties with comm..Tax / ID No.
indicated above known to me to be the same person who executed the foregoing
instrument consisting of two (2) pages signed by the parties and witnesses on both
pages and they acknowledge to me that the same is their free and deed.

WITNESS MY HAND AND NOTARIAL SEAL

Doc No. ______


Page No. ______
Book No. ______
Series of ______

You might also like