You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PALITAN NG LUPA

MAY 15, 2022

Ang kasulatang ito ay isinagawa upang magsilbing patotoo sa kasunduan ukol sa palitan ng lupa.

Florencio S. Bustamante, Punong Barangay; Kumakatawan sa Sangguniang Barangay


bilang Unang Panig;

Jerome Ocampo; Kumakatawan sa may-ari ng lupang kahanga bilang Ikalawang Panig.

Na ang Unang Panig at Ikalawang Panig ay nagkasundo na magpalitan nang kapirasong


lupa na humigit kumulang siyam na metro kuwadrado (9 sqm) upang maisaayos ang gagawing
garahe ng rescue vehicle ng barangay para sa Unang Panig at malagay sa kaayusan ang sukat ng
daan patungo sa gate ng Ikalawang Panig.

Na ang kasunduang ito ay iiral at igagalang ng dalawang panig sa ikapapayapa at


kapanatagan sa hinaharap na mga panahon.

Na malaya ang magkabilang panig na ayusin at paunlarin ang naging kapalit na lupa na
walang gagambala.

Na ang kasunduang ito ay patototohanan at magkakabisa sa pamamagitan ng mga lagda


ng kinauukulan.

FLORENCIO S. BUSTAMANTE JEROME OCAMPO


Punong Barangay Anak ng May-ari ng Lupang Kahanga
UNANG PANIG IKALAWANG PANIG

SAKSI:

You might also like