You are on page 1of 2

PANGKALAHATANG SAMAHAN

NG MGA NAKATATANDANG MAMAYAN


NG BARANGAY MAMBOG

PATAKARAN UPANG MAKATANGGAP NG MGA BENEPISYO

MGA KINIKILALANG MIYEMBRO: Ang isang lehitimong miyembro ng samahan


ay kinakailangang magtaglay ng mga sumusumod na kwalipikasyon:

1. Mga naninirahan o residente ng Barangay Mambog na may edad na animnapung (60)


taong gulang pataas.

2. Mga bagong lipat na residente na galing sa ibang barangay na may edad na


animnapung (60) taong gulang pataas at naninirahan na sa Barangay Mambog ng may
humigit kumulang na anim na (6) buwan.

3. Mga bagong lipat na residente na galing sa ibang barangay na may edad na


animnapung (60) taong gulang pataas at nangungupahan lamang ng matitirahan sa
Barangay Mambog ng may humigit kumulang na anim (6) buwan.

BAYAD SA PAG-SAPI: Ang kabayaran sa pagsapi sa samahan ay gagamitin para


pantulong pinansyal na gaya ng mga nakasaad sa Artikulo V (Damayan) Namamagitang mga
Batas (By-Laws):

a. Ang isang mamamayan o residente ng Barangay Mambog na dito na ipinanganak at


nanirahan hanggang sa sumapit ang kanyang ika-60 kaarawan ay maituturing na isang
lehitimong nakatatandang mamamayan (Senior Citizen) ng Barangay Mambog.
Dahil dito ay may karapatan na siyang makabilang sa mga tumatanggap ng IRA na
ipinamamahagi ng Pamahalaang Barangay at di na kinakailangan pang magbayad ng
butaw sa pagsapi nito sa samahan. Maliban na lamang kung:

b. Ang isang lehitimong mamamayan na sumapit sa edad na animnapung (60) taong


gulang na ipinanganak sa buwan ng Pebrero hangggang Disyembre bawat taon, sa
kadahilanang sila ay hindi nasaklaw o nasakop ng IRA na ipinagkaloob ng
Pamahalaag Barangay noong buwan ng Enero ay kinakailangang magbayad ng
Limampung Piso (Php50.00) bilang butaw sa pagsapi.

c. Ang bayad o butaw sa pagsapi ng isang nagnanais na sumapi at maging miyembro ng


samahan ay Isang Daang Piso (Php100.00) lamang. Ang patakaran at kautusang ito
ay sasakop lamang sa mga senior citizen na bagong lipat na galing sa ibang barangay
at naninirahan na sa Barangay Mambog. Kailangan din na siya at may anim (6) na
buwan nang tuloy-tuloy na naninirahan sa Barangay Mambog.
d. Ang bayad o butaw sa pagsapi ng isang nagnanais na sumapi at maging miyembro ng
samahan ay Isang Daang Piso (Php100.00) lamang. Ang patakaran at kautusang ito
ay sasakop lamang sa mga senior citizen na bagong lipat na galing sa ibang barangay
at nangungupahan lamang ng matitirahan sa Barangay Mambog. Kailangan din na
siya at may anim (6) na buwan nang tuloy-tuloy na naninirahan sa Barangay
Mambog.

DAMAYAN: Ang Damayan ang magsisilbing pantulong pinansyal sa bawat miyembro


ng samahan kung dumarating ang panahon ng biglaang pangangailangan.

a. Karapatang tumanggap ng tulong pinansyal na pangkalusugan sa halagang Isang


Libong Piso (Php 1,000.00) kung ang isang kasapi ay magkasakit at pagpalipas ng
isang (1) gabi o higit pa sa ospital.

b. Ang tulong pinansyal na pangkalusugan na halagang Isang Libong Piso


(Php1,000.00) ay maaari lamang ipagkaloob sa isang kasaping nagkasakit isang beses
lamang sa loob ng isang (1) taon.

c. Ang mga naiwang kaanak ng isang namatay na kasapi ay may karapatang tumanggap
ng halagang Dalawang Libong Piso (Php2,000.00).

d. Maituturing na kaanak ng namatay na kasapi ay ang kanyang asawang legal o mga


anak kung ang asawa ay namatay na rin.

e. Ang mga naiwang kaanak ng isang namatay na kasapi ay may karapatang pa ring
tumanggap ng halagang Isang Libong Piso (Php1,000.00) bilang karagdagang tulong
pinansyal na kokolektahin sa mga kasapi.

You might also like