You are on page 1of 7

Ika-18 ng Hulyo 2020

Tanggapan ng Senior Citizens Organization


Lungsod ng Malolos
Lalawigan ng Bulacan

Tanggapan ng Federation of Senior


Citizens Association
Lungsod ng Malolos
Lalawigan ng Bulacan

Paksa: 1. Norberto Alvaro – Pangulo


2. Florinda Sibangan – Kolektor
1. Pagkawala ng Tiwala at Pananalig
( Lost of Trust and Confidence )
2. Kawalan ng Kakayahang Mamuno
( Incompetence )

SA MGA KINAUUKULAN:

Kami pong mga concerned Senior Citizens ng Barangay Mambog, Lungsod


ng Malolos ay nais na ipagbigay alam sa inyo ang mga kapabayaan sa tungkulin at
responsibilidad ni Pangulong Norberto Alvaro at ni Florinda Sibangan, kolektor,
na naging sanhi ng kakulangan at kawalan ng wastong pamumuno at pagkalinga
sa mga lehitimong miyembro ng pederasyon lalung-lalo na sa malaking bahagi o
porsyento ng mga senior citizens na hindi kasapi ng pederasyon.

MAKATOTOHANANG MGA PANGYAYARI

1. KASO NA MAY KINALAMAN KAY RESTITUTA GERONIMO:

a. Si Gng. Restituta Geronimo ay hindi napagkalooban o nakatanggap ng


mga benepisyo ng mamatay ang kanyang asawang si Anacleto Geronimo
noong Nobyembre, 2019 dahil sa kapabayaan ni Florinda Sibangan na
itinalagang kolektor at ni Norberto Alvaro bilang pangulo na iremit ang
halagang ₱320.00 na ibinayad ng mag-asawa bilang membership fee na
may OR No. 4349 para kay Restituta Geronimo at OR No. 4350 para kay
Anacleto Geronimo upang mapabilang at maging kasapi sa Federation of
Senior Citizens Association. Kalakip nito ang Xerox copy ng mga resibo
na pirmado ni Florinda Sibangan na minarkhang Annex “A” at Annex “B”.
Sa kapabayaan na gampanan ni Florinda Sibangan at Norberto Alvaro
ang kanilang tungkulin at responsibilidad, ang biyudang si Gng. Restituta
Geronimo ay napagkaitan ng karapatang tumanggap at mapagkalooban
ng benepisyo na siyang pinakamahalagang layunin at mithiin ng isang
nagnanais maging miyembro ng pederasyon na ginagawa ang lahat ng
makakaya at paraan upang kahit papaano ay maging kasapi ng
pederasyon. Ang pag-asang inasam-asam ni Gng. Geronimo na para sa
kanya ay napalaking tulong ang maidudulot nito ay nawalang saysay
lahat. Kalakip nito ang Sinumpaang Salaysay ni Gng. Restituta Geronimo
na minarkahang Annex “C”.

b. Nang mamatay si Anacleto Geronimo noong nakaraang Nobyembre,


2019, sa pangambang baka magkasakit si Restituta Geronimo na dahil
dito ay maaring mabunyag ang ginawa nilang anomalyang hindi nila ito
nairehistro sa FSCAP ay gumawa ng paraan ni Norberto Alvaro na
paluwalan ang halagang Isang Daan at Animnapung Piso (P160.00)
upang ihabul ang rehistro ni Restituta at sa gayon ay lalabas na ayos ang
lahat at ligtas na sila sa maling nagawa. Ngunit lalabas pa rin na ang
membership fee na karaniwang binabayaran tuwing buwan ng Enero
bawat taon ay bakit naremit ito sa FSCAP noon lamang ika-20 ng
Disyembre 2019 na halos sampung (10) buwan na ang nakalipas.
Kalakip nito ang OR No. 16680 na may petsa December 20, 2019 na
minarkahang Annex “D” mula sa FSCAP.

Kapansin-pansin na ang transmittal ay nagtataglay lamang ng iisang


pangalan ni Gng. Restituta Geronimo na karaniwan ang transmittal ay nagtataglay
ng sampu o higit pang mga miyembro na nagbayad ng membership fees.
Kapansin-pansin pa rin na ang transmittal ay isinagawa mismo ni Norberto Alvaro
na karaniwan ay isinasagawa ni Gng. Dolores Villaflor na Ingat-Yaman ng
Samahan. Ito ay nagpapatunay lamang na ang membership fee para kay Restituta
Geromino na hindi nairemit noong Enero 2019 ay sadyang inihabol para sa taong
2019.

Maliwanag lamang na ang ganitong magkasabwat na maling gawain na


tangkang pagtakpan ng isa pang maling gawa ay lisya at di naaayon sa isang
sinumpaang tungkulin na matapat na paglilingngkod. Ito ay lumalabas na isang
pagsasamantala sa kahinaan lalong-lalo na sa mga matatanda na dapat mabigyan
ng wastong pagkalinga at paggabay. Lumalabas lamang na ang ganitong klase ng
pag-iisip ay hindi dapat taglayin ng isang namumuno sa isang organisasyon na
maaaring magakay sa kanyang mga kasamahan sa mali at tiwaling paglilingkod.

Kung sakaling si Anacleto Geronimo ay hindi namatay, ang ginawa nilang


katiwalian ay hindi na nabunyag at mananatiling lihim na lamang at ligtas na sila
sa anumang pananagutan. Marahil ay marami pang ibang mga ganitong
kaparehong pangyayari na hindi nabunyag dahilan na rin sa paglipas ng panahon
at sumapit ang petsa ng renewal ng membership fee na walang nagkasakit o
namatay kung kaya’t walang pagsisiyasat na ginawa.

2. ROSANA CARPIO:

Si Rosanna Carpio ay nagbayad rin ng membership fee kay Florinda


Sibangan noon pang Enero 2019 at sa pagsasaliksik na isinagawa ng mga
concerned senior citizens sa opisina ng Federation of Senior Citizens Association,
si Rosana Carpio ay wala sa listahan at hindi nakarehistro sa talaan ng mga
lehitimong kasapi ng pederasyon. Ngunit ng ito ay magkasakit, ay nagbigay si
Erlinda Sibangan ng halagang P1,000.00 na ayon kay Florinda Sibangan ay
ipinagkaloob ng pederasyon. Lumalabas lamang na ang halagang P1,000.00 ay
galing sa sarili niyang bulsa upang palabasin na si Rosana Carpio ay lehitimong
kasapi sa pederasyon ngunit sa katunayan ay batid ni Florinda Sibangan at alam
niya sa kanyang sarili na ito ay walang katotohanan at para lamang pagtakpan ang
kanilang ginawang panloloko sa kapwa at palabasin na maayos ang lahat.

3. DAMAYAN:

Sa damayan, may mga pagkakataon na ang perang nakolekta sa mga kasapi


ng damayan ay inaabot ng halos tatlong (3) linggo bago maibigay sa isang
miyembrong nagkasakit na lumalabas na ang koleksyon ay ginagamit muna ng
kolektor para sa pansariling kapakinabangan na dapat na ito ay ibinibigay agad sa
taong nagkasakit.

4. ZENAIDA LUCAS:

Si Gng. Zanaida Lucas ay sampung (10) buwang hindi nakatanggap ng


tulong pinansyal at dahil na rin sa masigasig at matiyagang pagfollow-up na
isinagawa ng ilang concerned senior citizens, si Gng. Zenaida Lucas sa
kasalukuyan ay muling nakakatanggap na ng buwanang tulong pinansyal.

5. GLORIA LAQUINDANUM:

Si Gloria Laquindanum ay isa rin sa mga nabibiyayaan ng buwanang tulong


pinansyal ngunit sa ngayon ay may tatlong (3) taon nang hindi na rin ito
nakakatanggap sa di malamang dahilan.

Si Norberto Alvaro kadalasan ay lumalakad ng mag-isa upang


mangilak o magsolicit sa mga sangay ng pamahalaan, sa mga pribadong
kumpanya o mga kilalang tao man sa mga pagkakataon gaya ng pasko at
walang isinasagawang paguulat para sa kaalaman ng mga miyembro. Sa
humigit kumulang na sampung (10) taon niyang pagiging pangulo,
magpahanggang sa ngayon ay wala pa ring maituturing na tanggapan o
opisina ang Samahan ng Senior Citizen sa Barangay Mambog.

TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG ISANG PANGULO LALO


NA ANG MAGING PANGULO NG ISANG HINDI PANGKARANIWANG
SAMAHAN O CLUB KUNDI ISANG SEKTOR NG LIPUNAN NA BINUBUO
NG MGA SENIOR CITIZENS:

Sa isang pagpupulong na isinagawa ng mga concerned senior citizens na


kasama si G. Norberto Alvaro ay inihayag niya ang kanyang matigas na paniniwala
at paninindigan na siya ay pangulo lamang ng mga miyembro ng pederasyon at
hindi ng lahat senior citizens na hindi kasapi ng pederasyon.

Ang ganitong klase ng kaisipan ng isang pangulo ay nagdudulot ng


pagkawasak at pagkakahiwa-hiwalay ng sektor ng mga senior citizens. Paano
natin mapagbubuklod bilang isang samahan ang sector ng mga senior citizens
kung ang mismong pangulo ay may taliwas na paniniwala. Ang pagkakaisa ay
isang gintong layunin ng sino mang naghahangad na mamuno at magsilbing isang
gabay, sandigan at kabalikat na tutugon sa pangangailangan ng mahinang
matatanda na bumubuo ng sector ng mga senior citizens.

Dapat taglayin ng isang namumuno na may hangaring maglingkod na ang


TUNGKULIN, PANANAGUTAN at RESPONSIBILIDAD mga katangiang magkaagapay
upang mabigyan ng isang matagumpay na pag-angat ang isang samahan. Wala
dapat itong kinikilalang antas ng kabuhayan, mayaman, mahirap o kapos sa
kaalaman.
Sa mga kadahilanang nakasaad sa itaas, ang mga ganitong tuwirang
kapabayaan at pagsasawalang bahala sa pagganap sa isang napakahalagang
tungkulin at responsibilidad ay katumbas ng kawalan ng tiwala, pananalig at ng
kakayahan na humawak at mamuno ng isang samahan at gampanan ang isang
tungkulin na dapat ay nakapagbibigay ng ibayong pagkalinga lalo-lalo na sa
kahinaan ng mga matatanda na nangagailangan tulong at umaasa sa isang
organisasyon katulad ng samahan ng mga senior citizens.

Ang kanyang matigas na pagtanggi na pamunuan ang mga Senior Citizens


na hindi kasapi ng pederasyon ay isa pa ring tuwirang pagtalikod sa sinumpaang
tungkulin at pagamin na wala siyang panahon at tiyaga sa pagkalinga sa mga
kapus palad na Senior Citizens na walang kakayahang magbayad ng membership
fee.
Kung siya pa rin ang mananatiling pangulo hanggang taong 2022, ay habang
panahon na walang aasahang tulong ang mga senior citizens na hindi kasapi ng
pederasyon, dahil sa mahigit na sampung (10) taon na pagiging pangulo ni
Norberto Alvaro ay wala siyang nagawang mahalagang pagbabago at bakas ng
pagkalinga lalung-lalo na sa mga senior citizens na hindi kasapi ng pederasyon.

Ang ganitong mga kapabayaan na hindi lamang isang beses nangyari ay


dapat nang mapigilan upang hindi na muling maulit pa sa mga darating pang mga
panahon. Para sa mga taong pinagkalooban ng pagtitiwala, pananalig at
pagkakataong mamuno lalung-lalo na sa mga matatanda sa sandaling ito ay
mawala at mabahiran ng mga tiwaling gawain na may patunay na mga
dokumento ay hindi na kailangang maghintay pa at mabigyan ng isa pang
pagkakataon. Nararapat lamang na si Norberto Alvaro at Florinda Sibangan ay
magsagawa ng agarang pagbaba sa pwesto at pagbibitiw sa tungkulin upang
mabigyan ng pagkakataon ang organisasyon na umunlad, kumilos ng maayos at
maisagawa ang mga proyektong magpapaunlad sa kalagayan ng mga senior
citizens na napabayaan nang humigit kumulang na sampung (10) taon ng walang
pagbabago.

MGA MATIBAY NA KATOTOHANAN AT PATUNAY

1. Ang pagsasabwatan ni G. Norberto Alvaro at Florinda Sibangan sa


hindi nila pag-reremit ng membership fee ng mag-asawang Anacleto
Geronimo at Restituta Geronimo ang ay tahasang paglabag sa tiwala
ay hindi na nangangailangang bigyan ng isang pang pagkakataon
upang ito ay maulit muli;

2. Ang ginawang pagbabayad ng membership fee ni Restituta


Gernomino noong ika-20 ng Disyembre 2019 na hindi nila nairemit sa
pederasyon noon pang buwan ng Enero 2019 ay isang tuwirang
pagtatakip (cover-up) upang palabasin na areglado ang lahat;

3. Dahil sa hindi pagkaremit sa pederasyon ng membership fee ni


Anacleto Gernimo nang ito ay mamatay, ito ay napagkaitan na
mabigyan ng halagang P2,000.00 tinatanggap ng mga namamatay na
kasapi;

4. Tahasang sinasabi ni Norberto Alvaro na hindi niya responsibilidad


ang mga senior citizens na hindi kasapi ng pederasyon. Ito ay isang
iresponsableng paguugali na taglay niya nang mahigit na sampung
taon magpahanggang sa ngayon at nagresulta ng kapabayaan sa mga
senior citizens na hindi miyembro ng pederasyon.
MGA KAHILINGAN

Sa lahat ng kaganapang nabanggit sa itaas, ito ay nagpapatunay lamang na


si G. NORBERTO ALVARO, ay nagmalabis sa paggamit ng kanyang kapangyarihan
at nilabag ang mandato ng kanyang tungkulin.

Ang tiwala na ipinagkaloob sa kanya ng mga kasapi ng samahan ay ginamit


niya sa maling paraan upang makagawa ng mga bagay na taliwas sa kagandahang
asal. Nangangahulugan lamang ito na si G. NORBETO ALVARO ay wala nang
karapatang humawak ng napakahalaga at maselang tungkulin na
nangangailangan ng TIWALA lalung-lalo na sa mga senior citizens na dapat
mabigyan ng wastong paggabay sa kanilang kahinaan.

Dahil dito ay nais po naming MAGHAIN ng mga sumusunod na mga


KAHILINGAN:

1. Ang katiwaliang kanilang nagawa ay labag sa batas at dapat nilang


panagutan.

2. Pawalang bisa ang pagiging Pangulo ng mga senior citizens ni G.


NORBERTO ALVARO dahil sa kaniyang ginawang katiwalian na naging
sanhi ng pagkawala ng tiwala upang mamumuno at dahilan na rin sa
paninindigan niyang pangulo lamang siya ng mga senior citizens na
kasapi lamang ng pederasyon at hindi ng mga senior citizens hindi
kasapi ng pederasyon dahil kawalan ng kakayahang magbayad ng
Php 160.00 na membership fee;

3. Ideklara bilang bagong pangulo si G. FIDELINO A. CABALLERO na


siyang kasalukuyang Pangalawang Pangulo.

4. Bigyan ng karapatan si G. FIDELINO A. CABALLERO bilang Pangulo na


magtalaga ng bagong pangasiwaan na magiging kaagapay niya
sapanunungkulang maglilingkod sa mga kasaping Senior Citizens;

5. Magtalaga si G. FIDELINO A. CABALLERO ng mga kawani katulad ng:

1. Pangalawang Pangulo
2. Kalihim
3. Ingat Yaman
4. Kolektor
5. Purok Leaders

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG NASASAAD SA ITAAS, kami pong mga senior


citizens, kasapi man o hindi ng pederasyon, FSCAP, ay lumagda sa petisyong ito
upang hilingin ang agarang pagbaba at pagbibitiw sa tungkulin ni NORBERTO
ALVARO bilang Pangulo at FLORINDA SIBANGAN bilang kolektor ng Samahan ng
mga Senior Citizens ng Barangay Mambog.

FIDELINO A. CABALLERO PLARIDEL B. DELA PENA

ALFREDO D. CRISOSTOMO REMIGIO B. LAQUINDANUM, JR.

EDGARDO C. SIBANGAN ROGELIO C. CARPIO

ATANACIO L. DE JESUS, JR. NILDA B. GAMBOA

MARCIANO JUMAQUIO, JR. DOLORES C. VILLAFLOR

NELSON N. CRUZ

Sa Pamamatnubay ni:

BERNARDO P. SANTIAGO, JR.


Punong Barangay
Barangay Mambog. Lungsod ng Malolos-

You might also like