You are on page 1of 4

Lolo na sumobra ang bayad sa SSS

higit 6 buwan naghintay ng refund


 Isang lolo ang dumulog sa "Tapat Na Po" upang ireklamo ang umano'y mabagal na
pagproseso ng Social Security System (SSS) sa pagbalik ng kaniyang sumobrang
kontribusyon sa ahensiya.
Kuwento ng 64 anyos na si Mario Atienza, mahigit 1 dekada siyang naging overseas
Filipino worker (OFW) sa Middle East kaya sigurado siyang kumpleto ang kaniyang hulog
sa SSS.
Nang kukubrahin niya na ang kaniyang retirement benefit, napag-alaman na sobra-sobra
pala ang naibigay niya.
Pebrero nagsumite ng mga dokumento si Atienza para sa refund pero umabot na ng
kalahating taon ay hindi pa rin naibibigay ang kaniyang sobrang hulog.
Idinulog ng Tapat Na Po sa SSS ang problema at katuwiran nila ay inaayos pa muna kasi
ang retirement benefit ni Atienza.
"Nanghihingi kami ng konting pasensiya. Iyung refund na 'yun maibibigay sa miyembro
after ma-settle 'yung kaniyang retirement application," paliwanag ni Lucrecia Martinez,
acting head ng SSS Member Communications Assistance Department.
Sa wakas, noong Setyembre 27 ay naiabot na kay Atienza ang kaniyang inaasam na
refund.
Mga tanong:
1. Ano ang dapat gawin para maiwasan ang ganitong pangyayari?
2.Sa tingin niyo, dapat bang ipagbuti ng SSS ang kanilang service?
Opinyon:
Bullet: Para sa akin, dapat ipagbuti ng SSS ang kanilang gawain, dapat
ay maibigay nila kaagad ang kailangan ng kanilang customer dahil
importante na ibigay nila ang pera na hindi sa kanila.

JM: Para sa akin buti nalang na chineck ni lolo ang kanyang perang
hinuhulog sa SSS kasi, kung hindi baka hindi nya nalaman na sobra
sobra pala yung perang hinuhulog nya at kung hindi nya nirefund yon o
nireklamo baka hindi lang 6 buwan ang abutin baka higit pa o hindi na
talaga nya makuha kaya tama lang na ginawa nya yon.

You might also like