You are on page 1of 2

SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY SA OTIS, INC.

(SAMAKO)

__________________
Petsa

________________________
________________________
________________________
________________________

SUBJECT: KUMPIRMASYON SA PAGPAPATULOY SA PAGIGING AKTIBONG MIYEMBRO


NG SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY SA OTIS, INC. (SAMAKO)

Dear ________________________,

Nais po namin tawagin ang inyong pansin kung nais pa po ninyong ipagpatuloy ang pagiging
aktibong myembro ng asosasyong Samahang Magkakapitbahay sa Otis, Inc. (SAMAKO). Ayon sa
naunang listahan at sa simula ng itatag ang SAMAKO, kabilang sa nakatala ang inyong pamilya.
Dahil dito, nais po uli naming kunin ang inyong kumpirmasyon sa pamamagitan ng sulat na ito kung
pananatilihin po uli ninyo ang pagiging aktibong myembro ng asosasyon.

Ang pangunahing layuning ipinaglalaban ng ating asosasyon ay mapagtagumpayan ang


expropriation sa lupain ng pamilyang Yabut at ng sa gayon ay magkaroon ng kaganapan ang ating
inaasam asam na pamamahagi ng lupa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa mga
myembro ng SAMAKO. Dahil dito, kung pananatilihin po ninyo ang pagiging aktibong myembro ng
asosasyon ay sana po ay handa po tayong makiisa sa mga sumusunod:

1) Handang dumalo sa ipapatawag na pagtitipon na dadaluhan ng mga myembro upang talakayin


ang mga istratehiyang pamamaraan tungkol sa ikatatagumpay ng layunin na ipinaglalaban ng
asosasyon.

2) Handang magbigay ng indibidwal na kontribusyon na siyang salaping kakailanganin upang


mapanatili ang pagpapatakbo ng operasyon ng asosasyon hanggang sa makamit ang layuning
ipinaglalaban nito.

3) Handang dumalo sa eleksyon o halalan na gagawin upang pumili ng mga lider na mangangasiwa
sa asosasyon.

Hanggang dito na lang po at kung interesado po kayo sa pagpapanatili sa pagiging aktibong


myembro. Inyong pong lagdaan ang nakasulat na CONFORME sa ibaba ng sulat. Nais po naming
malaman ang inyong sagot bago sumapit ang April 7, 2019. Kung walang sagot bago ang isinasaad na
nakatakdang petsa ay nangangahulugang hindi na po kayo interesado at hindi na po isasama ang
inyong pangalan sa Reportorial report sa HLURB.

Salamat po.

Gumagalang,

_____________________
Zenaida S. Miguel
Acting President
SAMAKO

__________________
CONFORME

You might also like