You are on page 1of 7

PAGPAPAYAMAN SA PAG-UNAWA

Pananagutan ng mga Organisasyon sa Lipunan

Kalikasang Panlipunan: Ugat ng Pagbuo ng Samahan

Ang tao ay may kalikasang panlipunan kaya natural na bumuo ng mga pangkat na kabibilangan.
Ang mga pangkat na ito ay lehitimo sa isang lipunan kaya nararapat na igalang at pangalagaan sila ng
estado bilang pagsunod sa mga prinsipyo ng subsidiarity at solidarity para sa kabutihang panlahat.

Ang tao ay marami ring mga kakulangan at pangangailangan na mahirap matugunan sa


pamamagitan ng sarili lamang. Kaya mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga samahan sa lipunan.
Gayunpaman, hindi rin ganap na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga institusyong
kinabibilangan dahil sa iba’t-ibang kadahilanan. Dahil dito, iba’t-ibang pangkat at organisasyon ang
nabubuo na naglalayong mapangasiwaan nang maayos ang pagtugon sa pangangailanagn ng mga tao.

Layunin ng Pagbuo ng Organisasyon

Ang pagbuo ng isang organisasyon o samahan upang matugunan ang mga pangangailan ay likas
na Karapatan ng bawat indibidwal. Ang bawat isa ay may naisin tungo sa maayos na pagpapaunlad ng
sarili. Upang makamtan ang naising ito, kailangang makiugnay siya sa ibang tao bukod sa kanyang
pamilya at mga kakilala. Ang mga organisasyon sa lipunan ay pinangangasiwaan, pinagsasama-sama, at
pinalalakas ng mga kasapi upang mas madaling maabot ang kanilang layunin.

Samakatwid, ang bawat organisasyon na nabubuo sa lipunan ay tumutugon sa isang


pangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit bawat organisasyon ay may moral na pananagutan sa
bawat tao. Inaasahang ibibigay ng organisasyon sa tao ang serbisyo na siyang layunin ng kanyang
pagkatatag. Ito ay nararapat na makatarungan at makabubuti kung hindi man sa lahat ay sa higit na
nakararami. Ito ang dahilan kung bakit mahirap maging kasapi ng mga organisasyon. Kailangan ng
sakripisyo sa layuning magserbisyo o maglingkod sa bayan. Bukod sa may moral na tungkulin sa
sandaling tanggapin ang gawain, kailangan din ang matapat at makatarungang pagsasagawa nito. Ngunit
ang pagmamahal sa kapwa ang siyang magbubunsod sa mga kasapi ng mga organisasyong ito, kahit
mahirap, upang gawin nila ang kanilang dapat na ginagawa.

Iba’t Ibang Uri ng Organisasyon

Ang mga pangkat na ito, pampamahalaan o Government Organization (GO) at di-pampamahalaan o


Non-Government Organization (NGO), ay nabubuo batay sa dami at pagkaiba-iba ng pangangailangan ng
lipunan. Ang tungkulin at gawain ng lipunan, kung gayon, ay naibabahagi sa mga organisasyong ito
upang makatuwang ng lipunan sa pagtugon ng mga kakulangan nito. Kaya nararapat na ang mga kasapi
sa organisasyon na siyang gumagawa sa tungkuling ito ay kakitaan ng dedikasyon at pananagutan sa
pagkasatuparan ng gawaing iniatang sa kanila.

Sa kasalukuyan, iba’t-ibang pampamahalaang organisasyon ang binuo upang matugunan ang


anumang pangangailangan ng mamamayan – may maga kinalaman sa edukasyon, kalusugan,
kabuhayan, at iba pa. Ang mga ito ay mga samahan na magsasakatuparan sa mga programa ng mga
sangay ng pamahalaan. Ang pribadong sector naman, dahil nadarama at nakikita nila ang kakulangan ng
kanilang kababayan ay bumubuo ng mga organisasyon. Dito sila nag-uukol ng kanilang panahon, pagod,
at salapi para sa ikabubuti ng mga kababayan. Wala silang hinihintay na anumang kapalit maliban
marahil sa kasiyahan na sila ay nakatutulong sa iba. Dahil na rin ito sa kalikasang panlipunan ng tao
kaugnay sa pagtulong at pagdamay sa kapwa.

Sa mga hindi pa bahagi ng pampamahalaan o di-pamapamahalaang organisasyon, sila ay


makatutulong pa rin. Makababahagi sila sa mga layunin at gawain ng mga samahang ito sa pamamagitan
ng pagiging sensitibo sa pangangailangan ng iba at pagpapahatid sa nkinauukulan ng kalagayan ng mga
pangangailangn sa kanilang paligid..

Mga Ilang Organisasyon

Isang NGO ang naglista sa Internet ng ilang organisasyon sa ating bansa. Ito ay ang Philippine
Council for NGO Certification (PCNC). Ito ay pribado at boluntaryo, at isang pangserbisyong samahan.
Ang pangunahing layunin nito ay magkaroon ng sistema sa pagbibigay sertipiko o patunay sa mga non-
profit organization na bukas sa publiko at mapanagutan ang mga ito. Ibinibigay lamang ang patunay
kung ang mga organisasyong ito ay tumutugon sa mga pamantayan para sa pangangasiwa ng pondo at
tamang pagkukuwenta para sa pagsisilbi sa mga maralitang Pilipino. Ang PCNC ay nagbibigay din ng
maayos na sistema para sa mas malawakang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga GO at NGO.

Sa Webpage ng PCNC (http://www.pcnc.com.ph/ngo-list.php), makikita ang listahan at mga


detalye tungkol sa mga di-pampamahalaang organisasyon. Iba’t-iba man ang kanilang layunin at
pamamaraan, iisa ang tunguhin -kabutihang panlahat at moral na pamumuhay ng lipunang Pilipino. Ilan
sa unang nakalista dito ay makikita sa ibaba. Kapag nag-click ka sa huling hanay, makikita mo ang
detalyeng impormasyon tungkol sa bawat organisasyon. Makikita rin sa ibaba ang isang halimbawa.
Ginamit ang ABS-CBN dahil sa malawakang pagkakilala natin sa mga gawain nito para sa mga
mamamayang nangangailangan ng tulong sa buong bansa.

List of Certified NGOs

Name Address Contact Person Details


Chance’s Bakeshoppe,
Sr. Genara T.
A Chance for Poor Sacred Heart Convent, NGO
Sarigumba, MSM / Sr.
Foundation J.C. Aquino Ave., Details
Jocelyn Baluran, MSM
Butuan City
H.O Aboitiz Corporate
Mr. Augusto P.I Carpio
Center, Gov. M. NGO
Aboitiz Foundation, Inc. III / Mr. Danilo M.
Cuenco Avenue, Details
Cerence
Banilad, Cebu City
Blk. 10 Lot 29, Skylark
St., Zabarte Subd., Brgy Philip Flores / Dr. NGO
Abot-Kamya, Inc.
Kaligayahan, Michael Sing Details
Novaliches, Q.C.
ABS-CBN Foundation, ABS-CBN Foundation Ms. Regina Paz Lopez / NGO
Inc. Bldg., Mother Ignacia Ms. Clarissa G. Ocampo Details
St., Brgy South
Triangle, Diliman,
Quezon City
Unit 96, 9th Floor
Academe Foundation, Columbia Towers, Ms. Mary Ann V. Sy / NGO
Inc. Ortigas Avenue, Ms Alana Nadal-Reyes Details
Mandaluyong City
Name: ABS-CBN Foundation, Inc.
Address: ABS-CBN Foundation Bldg., Mother Ignacia St., Brgy South Triangle,
Diliman, Quezon City
Region: NCR (National Capital Region)
City/Province:
Email:
Telephone Number: (02) 922-4842 / 415-3287 / 415-2272 L3752
Fax Number: (02) 415-2487
Newly Established: No
Contact Person: Ms. Regina Paz Lopez / Ms. Clarissa G. Ocampo
Position: Managing Director / Chief Finance Officer
Website Address: www.foundation@abs-cbn .com
Purpose for which organized: Social Development
Company Description:
ABS-CBN Foundation, Inc. (AFI) was registered with the SEC as a non-
stock, non-profit organization on July 5, 1989. It was established as
socio-civic arm of ABS-CBN Broadcasting Corporation. It is on Avenue
corner Eugenio Lopez Sr., Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City. The
foundation has regular staff of 176, project-based staff of 217, 150
regular volunteers which can be 3,000 when needed, and 9 members
of the Board of Trustees. It was certified for 5 years on Nov. 18, 2005
and has applied for renewal of certification. Total donations received
of Php415,707,855.00 for the year 2010. Its purposes, among others,
are to commit significant impact in the strategic areas of child care,
environment, education, disaster management by leveraging the
power and reach of media and partnering with concerned sectors of
the society. The foundation’s programs now focus on the following
areas: Child Protection services through Bantay Bata 163, a 24-hour
Hotline center offering a comprehensive program for the rescue and
rehabilitation of victims as well as for public education on the
prevention of all forms of child abuse; Environmental protection and
conservation services; Educational television/radio program materials
development; Disaster management, relief and rehabilitation services.
Its sources of income include fundraising activities, donations from
ABS-CBN Broadcasting Corporation, various donations from other
corporations and individuals and interest income. They have approved
budget of Php 463,268,000.00 for the year 2011.
PAGBUO NG PANGUNAHING PAG-UNAWA

A. Gumawa ng dayagram na magpapakita ng mga konseptong natalakay tungkol sa mga


tungkulin ng mga organisasyon sa lipunan. Gamitin ang mga salita at mga hugis sa ibaba.
Dagdagan ang mga ito kungkinakailangan. Sumulat ng pagpapaliwanag sa ibaba nito.

LIPUNAN Samahan

Kabutihang
NGO Panlahat at Moral
GO Indibidwal
na Buhay

Pangangailangan Panlipunang Kalikasan

B. Pagnilayan ang Pangunahing Pag-unawa at sagutin ang kasunod na Pangunahing


Tanong.

Moral at panlipunang pananagutan ang dahilan kung bakit maraming


pampamahalaan at di-pampamahalaang organisasyon ang patuloy na naglilingkod
sa bayan. Ang mga organisasyong ito ay tumutulong sa mga institusyon ng lipunan
upang matamo ang kabutihang panlahat at moral na pamumuhay. Ang kanilang
mga gawain ay may epekto na pamumuhay at kapaligiran ng bawat isa kung kaya
dapat pahalagahan at makiisa sa kanilang layunin.

Paano nakikiisa ang mga organisasyon sa lipunan sa pagpapaunlad ng


buhay ng mga mamamayan?
C. Pagnilayan ang kahulugan ng pahayag at ipaliwanag ang iyong pagkaunawa rito.

Kung personal mong pangangailangan ang pag-uusapan,


pinakamabuting magkaroon lamang ng ilang nilalahukan, ilang obligasyon, ilang
pinagkakaabalahan, negosyo o anupaman. Subalit kapag interes ng pamayanan
ang nakasalalay, kailangan mong lahukan lahat ng puwede mong lahukan at
gawin lahat ng puwede mong gawin.

-Dalai Lama

PAGSASABUHAY

A. Pag-usapan sa klase kung paano ka maglilingkod sa iyong mga kababayan sa


pamamagitan ng pagsapi sa isang organisasyon sa iyong barangay. Batay sa iyong
kahandaan, maaaring tagapamasid ka muna kung hindi ka pa handang maging kasapi.

1. Pumili ng isang organisasyon para sa mga kabataan na puwede kang magmasid o


maging kasapi.

2. Siguruhin na ito ay gagawin sa labas ng oras ng klase (maaaring bakasyon o araw na


walang pasok tulad ng Sabado)

3. Itala sa ibaba ang mapagkasunduan.

Organisasyong sasaniban o oobserbahan


Lugar/Pook na pinaglilingkuran o kung
saan magmamasid

Layunin ng paglilingkod

Araw at oras ng pagsisilbi o pagmamasid


bilang kasapi
Inaasahang kinalabasan ng pagsisilbi o
pagmamasid

Mga natutuhan sa gawain


B. Humingi ng ulat o permiso sa guro na ipakita ito sa iyong mga magulang. Gayundin,
humingi ng sulat para sa puno ng barangay at pinuno ng organisasyon upang payagan
kang sumapi o magmasid at kumilos sa mga angkop na gawain ng organisasyon.

C. Sa panahon ng pagsasagawa ng gawain, isulat sa iyong journal ang pasalaysay na ulat ng


sa bawat oras gayundin ang iyong natutuhan mula sa mga ito. Maaaring sundin ang
mungkahing pormat sa ibaba. Palagdaan ito sa namamahala sa iyong gawain sa
organisasyong napili.

Lagda ng
Araw Gawain Natutuhan
Pinuno

PAGTATAYA

A. Sabihin kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. Kung mali, ipaliwanag kung bakit.

1. Mas Mabuti kung ang mga organisasyong pampamahalaan at di-pampamahalaan ay


may kompetisyon upang higit na mabisa ang kanilang proyekto.

2. Dapat lang na maging pangunahing layunin ng isang organisasyon ang kanilang kikitain
sa mga proyekto upang maipagpatuloy nito ang layuning makatulong sa tao.

3. Kung magagaling ang mga organisasyon sa isang lipunan, puwedeng ipagkatiwala na


lamang ng mga panlipunang institusyon ang kanilang gampanin sa mga ito.

4. Ang mga pribadong organisasyon ay huwag pabayaang makialam sa mga gawain at


proyekto ng pamahalaan upang magkaroon ng maayos na hatian ng gampanin.

5. Ang mga organisasyon ay may moral na pananagutan sa lipunan, kaya sila dapat ang
sinunod ng mga tao.

6. Ang mga organisasyong binubuo ng mga indibidwal ay tumutulong sa mga institusyong


panlipunan na pangasiwaan at tugunan ang mga pangangailangan ng lipunan.

7. Ang mga organisasyong pampamahalaan at di-pampamahalaan ay nabubuo ayon sa


iba’t ibang pangangailangan ng mga tao.
8. Ang organisasyon ay may moral na pananagutan sa lipunan at sa tao na makapagbigay
ng serbisyo ayon sa layunin ng kanilang pagkakatatag.

9. Nararapat na ang bawat isa sa atin ay makibahagi at makiisa sa mga gawain ng mga
organisasyon dahil itinatag ng gobyerno ang mga ito para sa ating kabutihan.

10. Mahirap maging kasapi ng organisasyon dahil malamang na mapapahamak ang pag-
aaral ng kabataan.

You might also like