You are on page 1of 25

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad


DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

SAMAHAN NG MGA KABABAIHANG


MAGWAWALIS
(Concept Paper & Campaign Paper)

Sa bahagyang katuparan ng mga kinakailangan para sa asignaturang


SOCIAL ENTERPRISE RESOURCE GENERATION, UTILIZATION AND
MANAGEMENT
COOP 40113

Ipinasa ni:
Carpio, Carol M.
BSC CECD 4-4

Ipinasa kay:
Prop. Rimando Felicia
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

DAHON NG PAGPAPASYA

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis


ng Barangay Maugat, isang natatanging Social Enterprise sa Bayan ng San Antonio,
lalawigan ng Nueva Ecija. Ang papel na ito ay inihanda ni Bb. Carol M. Carpio, isang
mag-aaral na may kursong BS Cooperatives-Cooperative Education and Community
Development mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na sa kasalukuyan ay nasa
ikaapat na taon sa kolehiyo. Ang pag-aaral na ito na isinagawa sa bahagyang katuparan
ng mga kinakailangan para sa asignaturang SOCIAL ENTERPRISE RESOURCE
GENERATION, UTILIZATION AND MANAGEMENT (COOP 40113) ay inaprubahan ng
gurong tagapayo.

G. Rimando Felicia
Gurong Tagapayo
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

DEDIKASYON

Ang pamanahong papel na ito ay inihahandog ng mananaliksik sa mga


sumusunod:

Sa kanyang propesor na gumabay sa kanya at nagbahagi ng mga kaalamang


kanyang nagamit upang mabuo ang pamanahong papel na ito.

Sa kanyang mga kamag-aral na kanyang nakatuwang sa panahong siya ay


nahihirapan sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagbuo ng pamanahong papel.

Sa kanyang pamilya na walang humpay ang suporta na ipinamalas at


ipinaramdam sa kanya habang binubuo ang pananaliksik na ito.

Sa Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis sa pagpapaunlak sa kanya upang


sila ay maging paksa at bahagi ng papel na ito.

Higit sa lahat, sa Panginoon na kanyang naging sandalan at pangunahing


pinagkunan ng lakas upang matapos ang pananaliksik at ang pamanahong papel. Hindi
malalampasan ng mananaliksik ang lahat ng pagsubok na kaniyang nakaharap sa
pagsasagawa ng pananaliksik at pamanahong papel na ito kung hindi dahil sa Panginoon.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

TALAAN NG MGA NILALAMAN

PANIMULA……...………………………………………………………………………….…1-2
I. PAGPAPAKILALA SA ORGANISASYON ……………………………………2-4
● PROFILE
● KASAYSAYAN NG ORGANISASYON
● KAUGNAYAN AT KAHALAGAHAN NG ORGANISASYON
II. PAGSUSURI AT PAGTATAYA SA REKURSO NG ORGANISASYON…………...4-12
● PISIKAL (PHYSICAL RESOURCES)
● PINANSYAL (FINANCIAL RESOURCES)
● YAMANG TAO (HUMAN RESOURCES)
● SOSYAL (SOCIAL RESOURCES)
● KONKLUSYON
● REKOMENDASYON
III. RESOURCE MOBILIZATION CAMPAIGN PAPER……………………………….13-18
● PAMAGAT NG KAMPANYA
● MGA SULIRANING TINUTUGUNAN (CONTEXT)
● MGA KAHALAGAHAN NG KAMPANYA (RELEVANCE)
● MGA LAYUNIN (OBJECTIVES)
● MGA PROSESO (PROCESS)
● PROPOSED BUDGETARY REQUIREMENTS
● BASIC INFORMATION ON THE PROPOSED ACTIVITY
● RESPONSIBLE UNIT
IV. MGA SANGGUNIAN………………………………………………………………………19
V. APPENDICES……………………………………………………………………….......20-21
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

PANIMULA

Ang tradisyunal na walis na matatagpuan sa Pilipinas ay tinatawag na "walis tambo". Ito ay


nagsisilbing pangkaraniwang kagamitan sa paglilinis sa loob ng mahabang panahon. Ang kagamitan na ito
ay gawa sa isang katutubo at ligaw na damo na tinatawag na “tiger grass” (thysaolaena maxima) o
“buyboy”, na mas kilala bilang "tambo" sa wikang Pilipino. Ang ligaw na damong ito ay maaaring lumalaki
nang 2.5 metro. Karaniwan itong tumutubo sa mga lugar na pinagpuputulan ng mga puno, mga dalisdis ng
bundok at mga bangin. Ang tiger grass ay laganap sa matataas na lugar ng Ifugao at Mt. Province. Sa
Pilipinas, ang paggawa ng walis tambo ay nagsisilbing pangunahing kabuhayan ng marami kabilang na sa
munisipalidad ng San Antonio lalawigan ng Nueva Ecija. Sa katunayan, ang munisipyo ay nagdiriwang ng
taunang pagdiriwang para sa walis tambo. (Pinoyentre, 2011)

Ang walis tambo ay kinilala rin bilang One Town One Product (OTOP) ng bayan ng San Antonio.
Ang One Town One Product (OTOP) ay isang programa ng Department of Trade and Industry (DTI) para
sa mga micro, small, and medium-scale enterprises (MSMEs). Ang programang ito ay nakatutulong sa mga
lokalidad at komunidad na matukoy, bumuo, sumuporta at magsulong ng mga produkto o serbisyo na
nakaugat sa lokal na kultura at mapagkukunan ng komunidad (Department of Trade and Industry, n.d.).
Ang paggawa ng walis tambo ay kinakitaan ng potensyal bilang isang alternatibong kabuhayan ng mga
residente, kung kaya’t ang paggawa nito ay kinilala bilang One Town One Product (OTOP) ng bayan ng
San Antonio.

Ang bawat komunidad ay binubuo ng mga samahan, asosasyon, o organisasyon ng mga tao na may
kanya-kanyang layunin at tungkulin na ginagampanan. Isa na rito ang Samahan ng mga Kababaihang
Magwawalis ng Barangay Maugat, San Antonio, Nueva Ecija na may layunin hindi lamang upang
makatulong sa mga miyembro nito kung hindi pati na rin sa kapaligiran. Ang samahan ay may gampaning
makapagbigay ng hanap-buhay at mapagkakakitaan sa mga miyembro nito sa pamamagitan paggawa at
pagbebenta ng mga walis tambo.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ng Barangay


Maugat. Layunin ng papel na ito na maipakilala ang nasabing organisasyon kabilang na ang pagtalakay sa
kanilang kasaysayan, layunin at tungkulin na ginagampanan, pati na rin ang kahalagahan ng organisasyon
sa kapaligiran at komunidad na kanilang kinabibilangan. Matatalakay rin sa papel na ito ang mga rekurso

Page | 1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

ng nasabing organisasyon, mga problemang kinakaharap, at mga rekomendasyon upang mapakilos ang
kanilang rekurso na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang samahan.

I. PAGPAPAKILALA SA ORGANISASYON

Profile

Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis na matatagpuan sa Sitio Pulo, Barangay


Maugat ay isang boluntaryong samahan at social enterprise sa bayan ng San Antonio,
lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay kasalukuyang pinamumunuan ng kanilang pangulo na si Gng.
Daisy Santos, pangalawang pangulo na si Gng. Lolita Sasano, kalihim na si Gng. Elizabeth
Lizarondo, ingat-yaman na si Gng. Edith Reyes, at auditor na si Gng. Juvie Lizarondo. Ang
organisasyon ay binubuo ng isang daan at apatnapung (140) mga kasapi, at lahat ng mga
miyembro nito ay aktibo sa mga kaganapan sa kanilang samahan, kabilang na rito ang pagdalo
sa mga pagpupulong, sa kanilang pang-araw-araw na operasyon, at sa produksyon ng kanilang
natatanging produkto. Ang mga miyembro ng samahan ay mga kababaihan lamang, ngunit ang
kanilang mga mister ay tumutulong din sa nasabing samahan bilang mga tagapaghatid ng mga
walis tambo sa kanilang mga konsyumer o mamimili. Ang mga miyembro ng nasabing
organisasyon ay tinatayang may edad na animnapung (60) taon at pababa.

Ayon kay Gng. Santos, ang samahan, ang samahan ay nakakalikha ng tinatayang isang
daang (100) walis tambo sa loob ng isang araw at ang presyo ng mga walis tambo ay
nakadepende sa sukat nito. Ang isang walis tambo ay nagkakahalaga ng pitumpu (70) kung ito
ay maliit (small), siyamnapu hanggang isang daan (90-100) kung ito ay katamtaman (medium),
at dalawang-daan at limampu (250) naman kung ito ay malaki (large).

Ang samahan ay walang nakasulat na pahayag patungkol sa larawang-diwa, tungkulin,


at hangarin ng nasabing organisasyon, ngunit ang mga miyembro nito ay may kamalayan sa
dahilan ng kanilang pag-iral kung kaya’t sila ay kumikilos nang naaayon sa kanilang
pangunahing layunin na makapagbigay ng hanap-buhay at mapagkakakitaan sa mga miyembro
nito, makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at komunidad na kanilang
kinabibilangan sa pamamagitan ng paggawa ng walis tambo, at sa pagpapatatag sa pagkakakilanlan

Page | 2
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Nueva Ecija bilang isa sa mga pangunahing prodyuser ng
walis tambo.

Ang samahan ay mayroon mga tuntunin o patakaran na sinusunod tulad ng ang lahat
ng miyembro at opisyal ng samahan ay nararapat na makitungo sa lahat ng may paggalang,
aktibong makilahok sa pang-araw-araw na operasyon ng kanilang samahan, at siguraduhin na
ang produkto na kanilang nililikha at binebenta ay nananatiling may mataas na kalidad. Ang
samahan ay mayroon ding balangkas ng pamunuan na binubuo ng pangulo, pangalawang
pangulo, kalihim, ingat-yaman at auditor, at ito ay nagsusulong ng isang malaya at epektibong
pamamaraan ng pamumuno. Ang bawat miyembro nito ay may kalayaang makilahok sa
proseso ng pagtatala ng mga opisyal at maging sa proseso ng paggawa ng mga desisyon sa loob
ng kanilang samahan. Ayon sa pangulo ng organisasyon ay hindi nagkakaroon ng mga alitan
sa pagitan ng mga miyembro at kapwa miyembro nito, maging sa pagitan ng mga opisyal at
kapwa opisyal nito, at sa pagitan ng mga miyembro at mga opisyal. Ang mga ito ang
nagsisilbing patunay na ang istilo ng pamumuno at pamamahala na mayroon ang samahan ay
epektibo, nararapat, at nakatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang samahan.

KASAYSAYAN AT MGA KAGANAPAN SA ORGANISASYON

Kasaysayan

Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ay naitatag ng labinlimang kababaihan


noong ika-4 ng Mayo taong 2010 na may layunin hindi lamang upang makapagbigay ng hanap-
buhay at pagkakakitaan sa mga kababaihan sa Barangay Maugat kung hindi pati na rin ang
makatulong sa kapaligiran. Ang samahan ay nairehistro sa lokal na pamahalaan ng Bayan ng
San Antonio noong taong 2010. Ang nasabing organisasyon ay nakarehistro rin sa Securities
and Exchange Commission (SEC) at tinutulungan ng Department of Labor and Employment
(DOLE), LGU, at Department of Trade and Industry (DTI). Mula noon, nagkaroon ng
mapagkakakitaan ang mga kababaihang miyembro ng samahan at sila ay nakatulong sa
pagpapalaganap ng kalinisan sa kanilang komunidad sa tulong ng produkto na kanilang
nililikha.

Page | 3
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

KAUGNAYAN AT KAHALAGAHAN NG ORGANISASYON

Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ng Barangay Maugat ay may


ginagampanang mahalagang papel sa pagbibigay ng hanap-buhay at mapagkakakitaan sa mga
miyembro nito, sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at komunidad na kanilang
kinabibilangan, at sa pagpapahusay sa pagkakakilanlan sa bayan ng San Antonio bilang isa sa
pangunahing prodyuser ng walis tambo. Ito ay isang boluntaryong samahan ng mga kababaihan na
nagsisikap para sa ikauunlad ng kanilang samahan at komunidad sa pamamagitan ng ibayong
paglilikha ng kanilang de kalidad na produkto. Ayon kay Gng. Santos, ang pangulo ng samahan,
ang paggawa at pagbebenta ng walis tambo ng kanilang organisasyon ay nakatutulong sa mga
miyembro nito upang mapag-aral ang kani-kanilang mga anak at magkaroon ng panggastos sa pang-
araw-araw tulad ng pambili ng kanilang mga pagkain.

Ang produktong likha ng samahang ito ay nakatutulong hindi lamang sa mga residente ng
barangay Maugat, kung hindi pati na rin sa iba pang Pilipino na patuloy na tumatangkilik ng walis
tambo upang panatilihing malinis ang kani-kanilang mga bahay, opisina, paaralan at maging mga
ospital. Ang kawalan ng ganitong uri ng samahan ay magreresulta sa pagkakaroon ng maruming
paligid at ang iba ay maaaring mapilitang tumangkilik sa mga produktong maaaring makasama sa
kapaligiran.

II. PAGSUSURI AT PAGTATAYA SA REKURSO NG ORGANISASYON

Ang samahan ay sinuri batay sa mga kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta sa


kanilang mga rekurso tulad ng Pisikal (Physical resources), Pinansyal (Financial resources),
Yamang Tao (Human resources), at sosyal (Social resources).

1. PISIKAL (Physical Resources)

Ang pangunahing pisikal na rekurso ng samahan ay ang mga materyales na kanilang


ginagamit sa paggawa ng walis tambo tulad ng pinatuyong tiger grass, kawayan/kahoy na patpat,
plastic string/split rattan at alambre. Ang damo na kanilang ginagamit sa paggawa ng walis tambo

Page | 4
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

na tinatawag na tiger grass ay nagmumula sa kanilang bayan at sa iba pang lugar tulad ng Baguio,
La Union, at Bicol. Sa kabilang dako, ang nagsisilbing lugar kung saan gumagawa ng walis tambo
ang mga myembro ay ang kani-kanilang mga bahay lamang sapagkat sila ay walang opisina o
tangggapan. Ayon kay Gng. Daisy, mayroon din namang pagkakataon kung saan ang mga
myembro ay nagtitipon sa bahay ng kanilang pangulo upang doon ay sama-samang gumawa ng
mga walis tambo.

Higit sa lahat, ang mga walis tambo na kanilang nililikha ay isa rin sa mga pisikal na
rekurso ng samahan, Ngunit ayon kay Gng. Santos, ang gamit na pangalan na nakalagay sa
hawakan ng mga walis tambo na kanilang ginagawa at binebenta ay “Baguio City’ at hindi “San
Antonio”. Ayon sa kaniya, iyon ay dahil sa nakasanayan na raw. Pinuna rin daw ito ng DTI at
binigyan sila ng hulmahan ng istiker ng Nueva Ecija na panlagay sa walis tambo, ngunit hindi rin
nagtagal ay bumalik sila sa paggamit ng pangalan na “Baguio City” bilang tatak ng mga walis
tambo. Batay naman sa pagsusuri ng mananaliksik, ito ay maaaring sa kadahilanang ang walis
tambo na may tatak na “San Antonio” ay bago pa sa paningin ng mga masa kung kaya’t ito ay hindi
pumatok, at nakaapekto sa benta at kita ng samahan. Sa madaling salita, ang mga materyales at
mga kasangkapan, mga tahanan ng mga myembro, at ang mga walis tambo na ginagawa at
binebenta ng samahan ang nagsisilbing pisikal na rekurso ng kanilang organisasyon.

MGA KALAKASAN MGA KAHINAAN

Ang Samahan ng mga Kababaihang Ang samahan ay mayroong sapat na


Magwawalis ay mayroong napagkukunan ng mapagkukunan ng mga materyales at kasangkapan
sapat na mga materyales at kasangkapan na na kinakailangan sa paggawa ng walis tambo
kanilang kinakailangan kung kaya’t ang ngunit karamihan dito ay kanilang inaangkat mula
kanilang produksyon ng walis tambo ay hindi pa sa ibang lugar, na maaaring makadagdag pa sa
naaantala. Ang paglikha ng samahan ng mga mga gastusin ng samahan. Dagdag pa rito, ang
walis tambo na may mataas na kalidad ay isa walis tambo na nililikha ng samahan ay mga
rin sa kanilang kalakasan. gawang-kamay lamang kung kaya’t isa sa
kahinaan ng kanilang organisasyon ay ang

Page | 5
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

kakulangan sa mga modernong kagamitan sa


paggawa ng kanilang produkto. Ang paggamit ng
pangalan na “Baguio City” sa tatak ng
binebentang walis tambo ay isa ring kahinaan ng
samahan. Dahil dito, iba ang kinagisnan na
pagkakakilanlan sa pinanggagalingan ng kanilang
produkto at ang pagtatama dito o pagbabago ng
pangalan/tatak nito ay nangangailangan ng mas
maraming rekursong pampisikal, pinansyal at
maging sosyal.

MGA OPORTUNIDAD MGA BANTA

Ang pagpagpapalawak ng lugar ng Ang mga posibleng sakuna o kalamidad ay isang


produksyon ng tiger grass sa bayan ng San banta para sa organisasyon. Ang lindol, baha at
Antonio ay isang oportunidad para sa bagyo ay makakaapekto sa mga pisikal na rekurso
samahan upang madagdagan ang kanilang ng samahan partikular sa mga materyales na
supply at mabawasan ang kanilang gastos sa kinakailangan sa paggawa ng walis tambo. Isa
pag-aangkat ng mga hilaw na materyales. pang banta sa pisikal na rekurso ng organisasyon,
Isang oportunidad din para sa samahan ang partikular sa kanilang produkto, ay ang
makatanggap ng donasyon tulad ng mga kagustuhan o preference ng mga mamimili na
hilaw na materyales na kanila ring magagamit tangkilikin ang kanilang produkto, lalo na kung
sa paggawa ng walis tambo. Ang pakikilahok sila ay walang sapat na kaalaman patungkol sa
rin sa mga seminar o training na tunay na prodyuser ng walis tambo na binebenta
makapagbibigay ng dagdag kaalaman at ng samahan. Dahil dito, maaaring higit nilang
kasanayan sa mga myembro tungkol sa mga tangkilikin ang mga walis tambo na may tatak na
estratehiya na kanilang magagamit upang “Baguio City” kung sakaling ang gagamiting
maiendorso ang kanilang produkto gamit ang pangalan ng samahan ay “San Antonio”.
ngalan o tatak na “San Antonio”, at maging
tungkol sa pagpapaunlad ng kanilang

Page | 6
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

produkto ay isa ring oportunidad para sa


samahan.

2. PINANSYAL (Financial Resources)

Ang samahan ay nakakalikom ng pondo sa pamamagitan ng mga butaw na kailangang


bayaran ng mga miyembro nito tuwing sila ay nagkakaroon ng pagpupulong. Ito ay nagkakahalaga
ng 20 pesos kada myembro. Ayon kay Gng. Daisy, sila ay nakakalikom na ng ₱15,000.00 ngayong
taon at ito ay ginagamit sa pag-aangkat ng tiger grass tuwing ang kanilang nakukuhang supply sa
kanilang bayan ay nagkukulang. Ayon din sa pangulo ng kanilang samahan na si Gng. Daisy
Santos, ang kanilang samahan ay tinutulungan ng Local Governement Unit of San Antonio (LGU)
at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong
pinansyal na ibinabahagi sa mga myembro ng samahan.

MGA KALAKASAN MGA KAHINAAN

Ang mga myembro ng samahan ay aktibong Isang kahinaan sa pinansyal na rekurso ng samahan
nagbabayad ng kanilang butaw na nagsisilbing ay ang kanilang pagkadepende sa mga tulong
kalakasan ng kanilang organisasyon, sapagkat ito pinansyal na kanilang natatanggap. Ang samahan ay
ay patunay na ang mga myembro nito ay mayroong walang proyekto o aktibidad na nailulunsad upang
partisipasyon at pakikiisa sa mga patakaran ng ang kanilang organisasyon ay makapag-generate o
samahan. Ang halaga ng butaw na kanilang makalikha ng pondo na magagamit upang mapaunlad
binabayaran ay abot-kaya para sa mga myembro ang kanilang samahan at maging ang produkto nito.
nito. Isa pang kalakasan ng samahan ay ang mga
tulong pinansyal na kanilang natatanggap mula sa
LGU at DOLE kung kaya’t sila ay mayroong
pandagdag sa kapital na magagamit sa pagprodyus
ng mas maraming walis tambo.

Page | 7
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

MGA OPORTUNIDAD MGA BANTA

Isang oportunidad para sa samahan ay ang Ang kalagayan ng ekonomiya at kapaligiran na


pagkakaroon ng proyekto o aktibidad na kinabibilangan ng mga lider ng samahan ay
makatutulong sa kanila upang makalikom o nagdudulot ng banta sa kung paano nila pamahalaan
makakolekta ng pera/pondo na kanilang magagamit at pakilusin ang pinansyal na rekurso ng kanilang
upang ipandagdag sa kanilang puhunan sa paggawa organisasyon. Sa madaling salita, nang dahil sa
at pagbebenta ng mga walis tambo. Ang samahan implasyon na nagbubunga ng kahirapan at kaguluhan
ay maaaring ring makilahok sa mga seminar at sa kapaligiran, ang mga lider ay maaaring mapilitang
training patungkol sa tamang pamamahala at gamitin ang kanilang pinansyal na rekurso hindi para
tamang alokasyon ng kanilang pinansyal na sa kapakanan ng mga miyembro nito kundi para na
rekurso. Sa ganitong pamamaraan, ang kaalaman at lamang sa pansariling kapakinabangan.
kasanayan na kanilang matatamo ay makatutulong
sa tamang pagpapakilos at paglalaan ng kanilang
mga pinansyal na rekurso.

3. YAMANG TAO (Human Resources)

Ayon kay Gng. Daisy Santos, mayroong mga pagkakataon na ang mga myembro ng
samahan ay nagtuturo sa ibang mga tao o asosasyon patungkol sa kung paano gumawa ng walis
tambo. Ito ay patunay lamang na bawat miyembro ng samahan ay may sapat na kakayahan at
kaalaman sa paggawa ng mga walis tambo na may mataas na kalidad. Ayon din sa pangulo ng
samahan, ang mga myembro nito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa paggawa
ng walis tambo. Ang ilan ay nakatoka sa pag-aayos ng mga tiger grass ayon sa haba nito, ang iba
naman ay tagatali, tagalagay ng palamuti sa hawakan, at iba pa. Dagdag pa rito, ang lakas paggawa
ng samahan ay sapat at hindi nagkukulang.

Page | 8
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

MGA KALAKASAN MGA KAHINAAN

Ang pagkakaroon ng mga miyembro na may Ang mga myembro ng samahan ay hindi aktibo sa
malawak na kaalaman at kasanayaan sa paggawa ng pakikilahok sa iba pang seminar o pagsasanay na
walis tambo ay nagsisilbing kalakasan ng makatutulong uppang ang kanilang kaalaman at
organisasyon sapagkat dahil dito ay makagagawa sila kasanayan at mapayabong. Ilang halimbawa nito ay
ng produkto na may mataas na kalidad, at sa gayon ay ang mga pagsasanay o seminar patungkol sa mga
magiging madali sa kanila na makuha ang tiwala ng estratehiya na magagamit sa pagpapaunlad at
mga mamimili ng kanilang produkto. pagpapatatag ng pakakilanlan ng kanilang produkto,
tungkol sa tamang pamamahala sa kanilang
samahan, at maging tungkol sa tamang
pagpapakilos ng kanilang mga rekurso.

MGA OPORTUNIDAD MGA BANTA

Ang pagsali sa mga seminar/training na Ang masamang intensyon o negatibong pag-


makapagpapayabong sa kaalaman at kasanayan ng uugali ng mga opisyal at mga miyembro ng
mga myembro ay isang oportunidad para sa nasabing samahan ay nagsisilbing banta sa kanilang samahan.
rekurso ng samahan. Isang halimbawa nito ay ang Ito ay maaaring makaapekto sa relasyon ng mga
pagdalo at pakikilahok sa mga seminar o training myembro ng samahan, maging sa kanilang lakas
tungkol sa tamang pagpapakilos ng kanilang mga paggawa at yamang tao.
rekurso, tungkol sa mga estratehiya na magagamit sa
pagpapaunlad at pagpapatatag ng pakakilanlan ng
kanilang produkto at ng samahan, at maging tungkol
sa tamang pamamahala sa kanilang samahan.

4. SOSYAL (Social Resources)

Ayon sa pagsusuri ng mananaliksik, ang samahan ay may natatanging ugnayan sa mga


kawani ng barangay, Department of Labor and Employment (DOLE), at sa lokal na pamahalaan
ng bayan nga San Antonio. Dagdag pa rito, ang samahan ay mayroon ding ugnayan sa mga

Page | 9
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

komunidad kung saan sila ay umaangkat ng tiger grass at nag-su-supply ng mga produktong
walis tambo.

MGA KALAKASAN MGA KAHINAAN

Ang pagkakaroon ng ugnayan ng samahan sa Ang kawalan ng sapat na ugnayan ng samahan sa


mga kawani ng barangay, Department of Labor iba pang indibidwal, organisasyon o komunidad na
and Employment (DOLE), lokal na pamahalaan makatutulong sa kanila sa pagbibigay ng dagdag
ng bayan nga San Antonio, at maging ang mga kaalaman at kasanayan tungkol sa mga estratehiya
komunidad kung saan sila ay umaangkat ng tiger sa pagpapaunlad ng samahan at ng kanilang
grass at nag-su-supply ng mga produktong walis produkto, at tamang pagpapakilos sa mga rekurso
tambo ay isang kalakasan ng samahan sapagkat ay isang kahinaan ng samahan. Ito ay nagdudulot
ang mga kaugnay na indibidwal, komunidad at ng pagkakaroon ng limitasyon sa kakayahan o
organisasyon na ito ang siyang dahilan ng kapasidad ng samahan at ng mga myembro nito.
patuloy na operasyon ng nasabing samahan.

MGA OPORTUNIDAD MGA BANTA

Ang pakikipag-ugnayan at pakikipagsosyo sa Ang layunin ng mga kaugnay na indibidwal at


iba pang indibidwal, organisasyon, at komunidad organisasyon ng samahan ay isang banta, dahil
ay isang oportunidad upang mapaunlad ang sila ay maaaring may masamang intensyon sa
kapasidad ng kanilang organisasyon at mga samahan at sa produkto nito. Bukod doon, ang
myembro nito, lalo na ang kanilang sosyal na mga kaugnay na indibidwal o organisasyon ng
rekurso. Dagdag pa rito, ang paggamit ng samahan ay may kani-kaniyang kultura na
pangalan o tatak na “San Antonio” sa halip na maaaring makaapekto sa kultura ng samahan
“Baguio City” ay makatutulong sa mga kaugnay dahil sa kanilang pakikisalamuha rito.
na indibidwal, organisasyon o komunidad na
magkakaroon ng kaliwanagan patungkol sa tunay
na pinagmulan o pagkakakilanlan ng produkto na
kanilang sinusuportahan at tinatangkilik.

Page | 10
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

KONKLUSYON

Ang konlusyon na ito ay nakabatay sa pagsusuri at pagtataya sa mga rekurso ng samahan


na isinagawa ng mananaliksik sa ikalawang bahagi. Samakatuwid, ang resulta ay ang mga
sumusunod:

1. Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ay mayroong mapagkukunan ng sapat na


materyales na kinakailangan sa paggawa ng walis tambo ngunit ang pangunahing materyales
na tiger grass ay kanila pang inaangkat mula sa ibang lugar, na nagiging sanhi ng pagtaas ng
kanilang production cost.

2. Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ay walang proyekto o aktibidad na


nailulunsad upang makapag-generate ng pondo o pinansyal na rekurso na magagamit sa
pagpapaunlad ng kanilang produkto at organisasyon, at ang samahan ay nakadepende sa mga
tulong pinansyal na kanilang natatanggap.

3. Ang bawat myembro ng samahan ay mayroong sapat na kaalaman at kakayahan sa paggawa


ng walis tambo, ngunit sila ay walang sapat na kaalaman sa tamang pamamahala at alokasyon
ng pinansyal na rekurso.

4. Ang social enterprise ay mayroong ugnayan sa mga organisasyon na nakatutulong sa


pagpapaunlad ng kanilang pinansyal na rekurso ngunit ang samahan ay walang sapat na
ugnayan sa iba pang indibidwal, organisasyon o komunidad na makatutulong sa pagbibigay ng
dagdag kaalaman at kasanayan tungkol sa mga estratehiya sa pagpapaunlad ng samahan at ng
kanilang produkto, at tamang pagpapakilos sa mga rekurso nito.

Page | 11
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

REKOMENDASYON SA PAGPAPAUNLAD NG ORGANISASYON

Ang rekomendasyon na ito ay nakaayon sa mga konklusyon na matatagpuan sa ikalimang


bahagi. Samakatuwid, ang mga sumusunod ay iminumungkahi:

1. Pagpagpapalawak ng lugar ng produksyon ng tiger grass sa bayan ng San Antonio upang


madagdagan ang kanilang supply at mabawasan ang kanilang gastos sa pag-aangkat ng
mga hilaw na materyales. Pagkikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang makapag-
request ng mga donasyon tulad ng mga hilaw na materyales na kinakailangan sa paggawa
ng walis tambo.

2. Pagkakaroon ng proyekto o aktibidad na makatutulong upang makalikom o makakolekta


ng pondo na magagamit bilang pandagdag sa puhunan ng samahan. Pagkikilahok ng
samahan sa mga seminar na may tema patungkol sa tamang pamamahala sa mga pinansyal
na rekurso.

3. Pakikilahok ng mga myembro at opisyal ng samahan sa mga seminar o pagsasanay na


makatutulong upang sila ay magkaroon ng dagdag na kaalaman at kakayahan patungkol sa
mga estratehiya sa pagpapaunlad ng kanilang produkto at organisasyon, at maging tungkol
sa tamang pagpapakilos ng mga rekurso.

4. Pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal at organisasyon na maaaring magsagawa ng training


o seminar upang makapagbigay ng dagdag na kasanayan at kaalaman sa pagpapaunlad sa
produkto ng samahan. Pagkikipag-ugnaya sa iba pang komunidad upang mapalawak ang
merkado ng samahan.

Page | 12
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

III. RESOURCE MOBILIZATION CAMPAIGN PAPER

Ang bahagi ng papel na ito ay tumatalakay sa kampanya na makatutulong upang mapakilos


ang mga rekurso ng Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis tungo sa pagkakaroon ng
karagdagang pinansyal na rekurso na maaaring makatulong upang kanilang mapaunlad ang iba
pang rekurso tulad ng pisikal, yamang-tao, at sosyal na rekurso. Ang kampanyang nakasaad sa
papel na ito ay nagmumungkahi ng isang aktibidad na nakabatay sa konklusyon at
rekomendasyon at nabuo sa pamamagitan ng pagsuri sa mga kalakasan, kahinaan, oportunidad,
at banta sa mga rekurso ng samahan.

PAMAGAT NG KAMPANYA

Ang pamagat ng kampanya o aktibidad na iminumungkahi ay “Mag-BINGO, Tumulong at


Manalo!”. Ito ay isang aktibidad na naglalayong makalikha ng pondo na makatutulong sa
pagkakaroon ng dagdag na pinansyal na rekurso ng nasabing samahan, sa pamamagitan ng
paghikayat sa publiko na makilahok sa iminumungkahing aktibidad na Mag-BINGO,
Tumulong at Manalo!. Ito ay makapagpapakita rin ng mga isyung kinakaharap ng samahan
patungkol sa kanilang pinansyal na rekurso at tamang pagpapakilos dito. Matatalakay din sa
campaign paper na ito ang mga layunin at proseso upang maisakatuparan ang
iminumungkahing kampanya/aktibidad para sa Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis.

MGA SULIRANING TINUTUGUNAN (CONTEXT)

Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ay mayroong kinakaharap na suliranin


patungkol sa pinansyal na rekurso na mahalaga sa pagprodyus ng kanilang produkto na walis
tambo. Batay sa isinagawang pagsusuri patungkol sa pinansyal na rekurso ng samahan, ang
pangunahing pinagkukunan ng pondo ng samahan ay ang butaw na binabayaran ng lahat ng
mga myembro nito, at ang mga tulong pinansyal na kanilang natatanggap mula sa Lokal na
Pamahalaan ng Bayan ng San Antonio at Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon
sa pangulo nito na si Gng. Daisy Santos, ang tulong pinansyal na kanilang natatanggap ay
ginagamit bilang pandagdag sa kanilang puhunan upang makagawa at makabenta ng mas
maraming produkto. Sa kabilang banda, ang samahan ay nakadepende sa mga tulong pinansyal
na kanilang natatanggap at sila ay walang proyekto o aktibidad na nailulunsad upang makapag-

Page | 13
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

generate o makalikha ng pondo para sa pagpapaunlad ng kanilang prokduto at organisasyon.


Ito ay isang suliranin na kinakaharap ng samahan sapagkat ang kanilang pinansyal na rekurso
ay maaaring lubos na maapektuhan kung ang mga nagbibigay ng tulong pinansyal sa kanilang
organisasyon ay mababawasan, maantala, o ang malala pa ay mahinto.

Dagdag pa rito, ang samahan ay mayroon ding kinakaharap na suliranin sa pag-aangkat ng


mga materyales, lalo na ang tiger grass na kinakailangan sa paggawa ng walis tambp. Ang pag-
aangkat ng nito ay nakadadagdag sa gastusin ng samahan, kung kaya’t ang iminumungkahing
aktibidad ay ang proyektong naglalayong makalikom ng pondo para sa samahan na tinatawag
na “Mag-BINGO, Tumulong at Manalo!”. Ang pondo na malilikom sa aktibidad na ito ay
maaaring magamit sap ag-angkat ng mga materyales na kinakailangan sa paggawa ng walis
tambo mula sa ibang lugar.

MGA KAHALAGAHAN NG SOCIAL ENTERPRISE (RELEVANCE)

Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ng Barangay Maugat ay may


ginagampanang mahalagang papel sa pagbibigay ng hanap-buhay at mapagkakakitaan sa mga
miyembro nito, sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at komunidad na kanilang
kinabibilangan, at sa pagpapatatag ng pagkakakilanlan ng samahan at ng bayan ng San Antonio
bilang isa sa mga pangunahing prodyuser ng walis tambo.

Ang produktong likha ng samahang ito ay nakatutulong hindi lamang sa mga residente ng
barangay Maugat, kung hindi pati na rin sa iba pang Pilipino na patuloy na tumatangkilik ng walis
tambo upang panatilihing malinis ang kani-kanilang mga bahay, opisina, paaralan at maging ang
ospital. Ang kawalan ng ganitong uri ng samahan ay magreresulta sa pagkakaroon ng maruming
paligid at ang iba ay maaaring mapilitang tumangkilik sa mga produktong maaaring makasama sa
kalikasan tulad ng mga kagamitan na gawa sa plastik at kumokonsumo ng kuryente.

Dagdag pa rito, ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ay nakatutulong sa mga


indibidwal, organisasyon at komunidad na magkaroon ng kaalaman sa paggawa ng walis tambo
sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga kasanayan at kaalaman sa paggawa ng
nasabing produkto. Dahil dito, maaari na rin nilang gawing hanap-buhay ang paggawa ng walis

Page | 14
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

tambo. Sa ganitong paraan nakatutulong ang samahan sa pagpapaunlad sa kaalaman,


kasanayan, at kabuhayan ng mga tao sa isang komunidad.

MGA LAYUNIN (OBJECTIVES)

Ang mga layunin ng iminumungkahing kampanya o aktibidad na ito sa Samahan ng mga


Kababaihang Magwawalis ay ang mga sumusunod:

Mga Panandaliang Layunin (Short-term)

● Upang makalikom ng pondo na magagamit sa pagbili ng mga materyales na kinakailangan


sa paggawa ng walis tambo

Mga Pangmatagalang Layunin (Long-term)

● Upang makapagbigay ng karanasan at kaalaman sa mga myembro ng samahan sa


pagtataguyod ng proyekto o aktibidad na makatutulong sa pag-ge-generate ng dagdag na
pondo para sa kanilang samahan

● Upang makilala ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis bilang pangunahing


prodyuser ng mga walis tambo sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Nueva Ecija

Page | 15
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

PROSESO (PROCESS)
a. Pagtukoy sa mga Rekursong Kinakailangan at Gaps (Identifying Resource Needs and
Gaps)

RESOURCES
ACTIVITY/ RESOURCE RESOURCE RESOURCE
PROGRAM GAPS/ PROVIDERS TIMELINE CLASSIFICA
NEEDS TION
REQUIREMEN AVAILABLE YR YR Y
T 1 2 R3

Mag-BINGO, -Publication - -Publication -Ang / -Pisikal na


Tumulong at materials Publication materials nagmumungkahi Rekurso
Manalo! -Facebook materials -Bingo Cards ng kampanya na
-Pagbibigay ng Page -Facebook -Others si Bb. Carol -Pinansyal na
mga -Cellphone page (speakers, Carpio Rekurso
publication -Internet -Smart microphones, - Ang Samahan
materials Connection phone etc.) ng mga
-Paggawa ng -Bingo Cards -Internet - Prizes (1st Kababaihang
Facebook -Others Connection Prize-₱3,000.00, Magwawalis ng
Page ng (speakers, (prepaid) 2nd Prize-1 sack Barangay
samahan microphones, of rice (budget- Maugat
-Pagsasagawa etc.) ₱1,700) (35kg),
ng aktibidad - Prizes (1st 3rd Prize – 1000
na “Mag- Prize- worth of
BINGO, ₱3,000.00, 2nd groceries, 4th
Tumulong at Prize-1 sack of Prize-₱550.00,
Manalo!” rice (budget- 5th Prize-
₱1,700) ₱350.00)
(35kg), 3rd
Prize – 1000
worth of
groceries, 4th
Prize-₱550.00,
5th Prize-
₱350.00)

Page | 16
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

b. Operational Plan

ACTIVITIES STAFFING IMPACT/OUTPUT BUDGET RESOURCE


ADMINISTRATION NEEDS/GAPS

Mag-BINGO, -Pagtatalaga ng mga -Dagdag na pondo ₱8,820.00 -Publication materials


Tumulong at myembro na magiging para sa pag-aangkat -Bingo Cards
Manalo! reponsable sa ng materyales na ₱8,820/140 -Others (speakers,
-Pagbibigay ng produksyon o printing kinakailangan sa (myembro)=₱63 microphones, etc.)
mga ng publication materials paggawa ng walis -Prizes (1st Prize-
publication -Pagtatalaga ng mga tambo ₱3,000.00, 2nd Prize-1
materials sa myembro ng samahan - Pagkakaroon ng ₱63.00 kada sack of rice (budget-
mga bumibili na magsisilbing kkaranasan, kaalaman myembro (ang ₱1,700) (35kg), 3rd
ng walis tagapagpalaganap o at kasanayan ng mga magiging Prize – 1000 worth of
tambo mula sa tagapagpakalat ng mga myembro ng samahan kontribusyon) groceries, 4th Prize-
ibang lugar publication materials sa pagtataguyod ng ₱550.00, 5th Prize-
-Paggawa ng -Pagtatala ng isang proyekto o aktibidad ₱350.00)
Facebook myembro na na makatutulong sa ₱8,820-₱8,764=
Page ng magsisilbing admin sa pagpapaunlad at ₱56.00
samahan panukalang Facebook pagpapakilos sa mga (available
-Pagsasagawa ng Page ng samahan rekurso ng samahan balance)
aktibidad na -Pagtatalaga ng mga
“Mag- myembro na responsible
BINGO, sa pagsasagawa ng
Tumulong at iminumungkahing
Manalo!” aktibidad

Proposed Budgetary Requirements


Ang iminumungkahing budget para sa nasabing aktibidad ay ang sumusunod:
PARTICULARS BUDGET
Printing of publication materials
-Brochure & flyer-60 copies each (120 copies ₱ 1,064.00
x7=840)
-Tarpapel 4x4-2 copies (32 x 7=224)
250 pcs. Bingo Cards ₱ 500.00
1 Bingo Shaker
Prizes ₱ 6,600.00
Others (mic, speaker, etc.) ₱ 600.00

Total ₱8,764.00

Page | 17
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

BASIC INFORMATION ON THE PROPOSED ACTIVITY/ ACTIVITY DESIGN

PROPOSED TARGET NO. OF


TARGET PROPOSED EXPECTED
DATE/TIME OF BINGO CARDS TO
PARTICIPANTS ACTIVITY VENUE BE SOLD INCOME/PROFIT

250 Bingo Cards x ₱70.00


Mga residente ng September 24, each = ₱17,500.00
San Antonio 250 pcs. Bingo
bayan ng San 2023
Municipal Cards (₱70.00
Antonio, Nueva (1:00 PM-4:50 ₱17,500-₱8,764
Gymnasium each)
Ecija PM) (expenses) =
₱8,736.00

RESPONSIBLE UNIT
Ang Samahan ng mga Kababaihang Magwawalis ng Barangay Maugat, San Antonio, Nueva Ecija
ang nakatalagang manguna o mamuno sa pagsasagawa ng iminumungkahing aktibidad na may pamagat
na “Mag-BINGO, Tumulong at Manalo!”.

Page | 18
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

IV. MGA SANGGUNIAN

Department of Trade and Industry. (n.d.). One Town One Product (OTOP) Philippines.
Nakuha sa https://www.dti.gov.ph/negosyo/otop-ph/

Pinoyentre. (2011). TIger Grass or Tambo Production. Nakuha sa https://www.pinoy-


entrepreneur.com/2011/04/27/tiger-grass-or-tambo-production/

Page | 19
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

V. APPENDICES

(Panayam sa pangulo ng samahan, Hunyo 5, 2023)

Page | 20
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad
DEPARTAMENTO NG KOOPERATIBA
& PANLIPUNANG PAG-UNLAD
Mabini Campus, Sta. Mesa, Maynila

Page | 21

You might also like