You are on page 1of 8

PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.

“Your partner in education since 1946”


______________________________________________ ____

Panimulang Pananaliksik sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Paksa: Gay Lingo

Pagtuklas sa mga Salitang Karaniwang Ginagamit sa Usapan ng mga Taong Nasa Ikatlong
Kasarian

Isinagawa at Ininhanda nina:


Balhon, Chillian Rose M.
Cabungcal, Kristine Res
Lumbera, Ivy Eunice
Cabael, Karl Aldrich B.
Frondozo, Kean P.

Ipinasa kay:
G. Ruel S. Lata
Guro ng Asignatura

Disyembre 2023

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____

INTRODUKSYON
Panimula
Ang social media ay naging malaking impluwensya sa mga estudyante lalo na sa panahon ngayon. Ang
hatirang pangmadla o sosyal medya ay ang tawag sa mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing
tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi, at paglilikha ng mga impormasyon, kaisipan, interes, at iba pang
uri ng mga pahayag sa mundong digital, sa pamamagitan ng mga birtwal na pamayanan at network. Ito rin ay
itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na
binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng
gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan
ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.
Ang social media ay isa sa pangunahing nakakatulong sa bawat tao mula noon hanggang ngayon at sa
mga susunod pang mga henerasyon. Ginagawang madali ang buhay ng mga kabataan o mag-aaral at nagiging
kasiya-siya. Sa madaling salita, ang social media ay malaking bahagi ngayon ng ating pang-araw-araw na
buhay at mahirap para sa mga estudyante ang mabuhay ng walang paggamit nito. Sa panahon ngayon, malaki
ang naiaambag ng social media sa buhay ng mga kabataan, madalas ito ay nakakatulong at may pagkakataon na
may nagiging masama itong epekto.
Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na naiaambag nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong
teknolohiya, ito ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na
magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral. Ang social media ay mayroong
mabuting naidudulot sa mga mag-aaral. Sa mga iba’t ibang sites, natutulungan ang mga mag-aaral na
mapagtibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at nagkakaroon ng
komunikasyon ang dating magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa social media
ang ating mga saloobin ngunit dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social media. Dapat
pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya umiikot ang ating
buhay.
Saklaw, Limitasyon, at Di-Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng bagay na epekto ng social media sa pag-uugali ng
mga mag-aaral ng Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc. Ang pangunahing saklaw ng pananaliksik na
ito ay mabigyang linaw ang mga kung ano nga ba ang katayuan ng social media sa buhay ng isang mag-aaral
partikular sa paraan ng kanilang pag-iisip. Kabilang din sa pananaliksik na ito ang kahalagahan ng social media
sa buhay ng bawat kabataan sa kasalukuyang panahon. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing tulong at

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
gabay sa bawat mag aaral upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa impluwensya ng social media sa
kasalukuyan.
Kabilang sa limitasyon ng pag-aaral nito ay ang limitadong kaalaman ng mga mananalisik sa
kadahilanang ito ang unang beses na magsasagawa ng papel-pananaliksik. Gayundin, limitado ang mga
mapagkukunan ng impormasyon at ang oras na ilalaan sa pangangalap nito. Ang mga mag aaral lamang ng
Padre Vicente Garcia Memorial Academy ang gaganap bilang respondente. Ang pag-aaral ay limitado lamang
sa dalawampung (20) bilang ng mga mag aaral ng Senior High School na gaganap bilang respondente ng
pananaliksik. Kaugnay nito ang ginamit na paraan sa pangangalap ng datos ay ang survey questionaire sa
kadahilanang ito ang pinaka-angkop na gamitin sa lahat ng paraan na mayroon.
Tanging mga piling mag-aaral lamang ng Senior High School ang makikiisa sa pagbuo ng mahalagang
datos. Ang resultang makukuha ay nakabase lamang sa Senior High School at wala ng ibang kaugnayan sa iba
pang uri ng pangkat o antas.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita ang epekto ng social media sa buhay ng bawat kabataan lalo
na sa panahon ngayon. Sa pananaliksik na ito, hindi lamang natin masasaksihan ang kahalagahan pati narin ang
mga nagiging epekto nito, masama man o mabuti sa mga kabataan lalo na panahon ngayon. Mahalagang
maipakita ang wastong kahalagahan at tamang pagggamit ng may kahusayahan. At kaugnay nito ang mga mag
aaral sa Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc. ay bibigyan ng atensyon upang magkaroon ng mas
maayos na impormasyon ang mga mananaliksik patungkol sa nagiging epekto ng social media sa kanila, upang
makatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman tungo sa epektibong paggamit ng social media.
Para sa mga mag-aaral. Bilang mga indibidwal na parte ng henerasyon na ito, kung saan nagkakaroon
ang social media ng malaking epekto, dapat ang mga mag-aaral ay mayroong sapat na kaalaman sa limitasyon
at epekto ng paggamit nito. Magiging sangkap ang pananaliksik na ito upang magbigay ng makatotohanang
impormasyon na siyang magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa nasabing paksa. Ito rin ay magiging
daan upang marinig ang pananaw ng bawat mag-aaral ukol sa nasabing paksa.
Para sa mga guro. Bilang pangalawang magulang ng mga bata, ang paggabay ng mga guro sa paaralan
ay isa sa pinkamatibay na paraan upang magabayan ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng social media. Sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito, inaasahang maiintindihan ng mga guro ang mga bagay sa social media na
nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ito rin ay para maggabayan ang mga guro hinggil
sa negatibo at positibong epekto ng social media sa mga mag-aaral.
Para sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maging gabay at daan nawa ng mga magulang
upang lubos nilang maunawaan at malaman ang mga epekto ng social media sa kaisipan at akademikong
pagganap ng kanilang mga anak. Magsisilbi rin itong batayan upang mas mabantayan nila ang kanilang mga
anak ukol sa mga epekto ng social media sa kaisipan ng bawat mag-aaral.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
Para sa mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magiging daan ng mga mananaliksik upang
makapagbigay ng kaalaman na makatotohanan at makatutulong. Makatutulong rin ang pananaliksik upang mas
mapalalim ng mga mananaliksik ang kanilang kaalaman sa social media lalong lalo na’t isa sila sa mga
kabataan na siyang gumagamit at nakararanas ng epekto nito.
Para sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod na
mananaliksik sapakat ito ay maaring mapagkuhanan ng makatotohanang datos na hango sa mga piling mag-
aaral na piniling respondente ng grupo. Ang mga impormasyon rin na ilalatag sa pag-aaral na ito ay kapaki-
pakinabang para sa mga gagawing pag-aaral sa hinaharap na may kahalintulad na paksa.
Layunin ng Pag-aaral
Ang mga sumusunod ay ang nagsisilbing layunin ng pag-aaral patungkol sa epekto ng Social Media sa mga
mag-aaral na Senior High School:

 Makapagbigay ng impormasyon patungkol sa mga positibo at negatibong epekto ng social media sa mga
mag-aaral at iba pang mambabasa.

 Makapangalap ng makatotohanag datos mula sa mga taong gumagamit nito at mga katiwa-tiwalang
impormasyon na na siyang gagamitin sa pag-aaral upang makatiyak na tama ang mga ibabahaging
kaalaman.

 Maipapaliwanag at maipapahayag kung paano nakatutulong ang social media sa mga mag-aaral.

 Magsisilbing tulong at gabay sa bawat isa upang mapaunlad ang kaalaman sa impluwensya ng social
media sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.

 Mapakinggan ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral ng PadreVicente Garcia Memorial Academy
Inc. ukol sa epekto ng social media.

Kaugnay nito, Sinasagot din ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan na magsisilbing
gabay tungo sa pag-aaral:
1. Ano ang naidudulot ng social media sa mga mag-aaral?
1.1 Positibong epekto
1.2 Negatibong epekto
1.3 Impluwensya sa kaisipan at ugali

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
2. Ano-ano ang maaaring gamit sa social media?

3. Paano nakaapekto at makakaapekto ang social media?

4. Ano ang kahalagahan ng pananaliksik na ito? (sa mga sumusunod)

4.1 Mga Mag-aaral


4.2 Mga Mananaliksik
4.3 Mga Magulang
4.4 Mga Guro
4.5 Mga susunod na mananaliksik

Depinasyon at Terminolohiya
Ang mga sumusunod na terminolohiya at salita ay ginamit sa pag-aaral at bibigyan ng kahulugan conceptual na
paraan:
Social Media. Ito ay isang interaktibong teknolohiya ng media na nagpapadali sa paglikha at
pagbabahagi ng impormasyon, ideya, interes at iba pang anyo ng pagpapahayag sa pamamagitan ng mga
birtuwal na komunidad. (Wikipedia 2022)
Akademikong Pagganap. Ito ay ang kaalamang nakukuha o kakayahang napapaunlad sa mga
asignatura sa paaralan na kadalasang sinusukat sa pamamagitan ng iskor sa mga pagsusulit, pagganap sa
klase, at paggawa ng mga aktibidad. (Samroy, 2014)
Pandemya. Ang isang pandemya ay isang pagkalat ng sakit na sumasaklaw sa ilang bansa at
nakakaapekto sa maraming tao. Ang mga pandemya ay pinakamadalas dulot ng mga virus, tulad
ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), na madaling kumakalat sa mga tao.
Senior High School. Ito ay ang huling yugto ng programang K-12. Dito ay mayroong dalawang
baitang upang lubusang maihanda ang mga mag-aaral sa kolehiyo, ang baitang 11 at 12.
Epekto. Ang epekto ay ang resulta, ang wakas, ang konklusyon, ang kinahinatnan, na nagmula
sa isang sanhi, mula doon nagmula ang pangunahing prinsipyo ng sanhi-epekto, mula sa agham at
pilosopiya. (tl.ninanelsonbooks.com, n.d)
PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
Disenyo ng Pananaliksik
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Sa lahat ng
uri ng deskriptibong pananaliksik, napagdesisyonan ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey
Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali
ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
Ayon kay Toquero (2013) ang Descriptive Survey Method ay ang mga kaganapan sa pag-aaral na
ginagamitan ng palarawang pananaliksik ay kinapapalooban ng pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan,
pagsusuri at paghahambing. Layunin ng ganitong disenyo na sistematikong mailarawan ang sitwason at
kundisyon nang makatotohanan at buong katiyakan. Ito ay binubuo ng obserbasyon, pagsasagawa ng sarbey,
panayam, standardized tests at case studies. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito
para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
Kaugnay nito, nauunawaan ng mga mananaliksik na ang Descriptive Survey Research Design ay
nababagay sa pag-aaral na isinasagawa kahit na limitado lamang ang kanilang respondente. Ito ay sa
kadahilanang hindi lamang sila nakadepende sa mga sagot sa kanilang talatanungan kundi ay maaari rin silang
magsagawa ng panayam at obserbasyon upang idagdag sa mga nakalap nilang datos at impormasyon. Limitado
lamang ang bilang ng mga sasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang
nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik
na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon upang
makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.
Dagdag pa rito, ang deskriptibong uri metodolohiya ng pananaliksik ang napiling gamitin ng mga
mananaliksik upang makuha ang tama at ang mga nararapat na datos. Sapagkat ang datos ang bumubuo at
nagdadagdag sa kaalaman at mahahalagang impormasyon sa pag-aaral. Ito ang angkop na disenyo sa pag-aaral
ng paksang ito sapagkat ang layunin ng mga mananaliksik ay makakalap ng impormasyon na magiging
epektibo sa pananaliksik. Makakatulong ito upang magkaroon ng sapat na kahulugan o deskripsyon ang
paksang ito. Maisasagawa ang pagkuha ng datos sa isang tiyak na pamamaraan. Ito ay ang paggawa ng
talatanungan (survey questionnaire) na ibibigay sa respondente ng pananaliksik upang makapagbigay sila ng
kanilang karampatang mga tugon. Ito rin ang magiging dahilan upang mabilis na maisagawa ang pananaliksik
na ito at para mas madaling makapagbigay ng kaalaman at kamalayan sa bawat isa upang higit na mapa-unlad
ang kanilang kaalaman sa social media.
Batayan ng Pananaliksik
Dahil sa epekto ng social media sa mga estudyante at ang malaki nitong impluwensya kung kaya’t ang
papel ng pananaliksik ay isang mahalagang kasangkapan sa aspeto ng pag-alam kung ang social media ay
makatutulong ba o makakasama para sa mga mag-aaral. Ang ginampanan nito ay ang pagtuklas at pag-alam sa
isyu patungkol sa impluwensya ng social media sa mga mag-aaral. Malaki ang epekto ng social media sa mga
mag-aaral sa kanilang pag-uugali at pakikipag-interaksyon sa iba. Dahil dito ay ginawa itong batayan upang
malaman kung ano ang kahalagahan ng social media sa buhay ng kabataan ngayon at kung ano ang pakinabang
nito sa mga mag-aaral.
Sa pagtagal ng panahon, nagiging mahusay ang bawat kabataan sa paggamit ng social media at dahil
dito ay nagkakaroon ito ng iba’t ibang mga epekto. May iba-ibang epekto ang social media sa mga mag-aaral na
maaaring masamang epekto o mabuting epekto. Kung kaya’t mahalaga na dapat alam ng bawat mag-aaral ang
Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
wastong paggamit ng social media. Sapagkat kung alam nila ang wastong paggamit nito at kung ano ang
kahalagahan nito, mas mapapadali rin ito para sa kanila at nagkakaroon din sila ng kaalaman patungkol dito.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mabigyan ng kaalaman at kamalayan ang mga mag-aaral at
para mapalawak ang pananaliksik patungkol sa napapanahong paggamit ng social media ng mga kabataan o
mga mag-aaral. At kung ano ang iba’t ibang opinyon at mga ideya ng iba iba ring mga mag-aaral na patungkol
sa tamang paggamit at kung ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Isa rin sa kahalagahan ng pananaliksik
na ito ay upang mapa-unlad ng mga mag-aaral ang kanilang karunungan at mga kakayahan patungkol sa
pangwika na gamit ang social media sa kasalukuyang panahon.
Paraan ng Pagsusuri
Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan (survey questionaire) upang
makalikom ng mga datos. Upang maisakatuparan ang pananaliksik, mag-sasagawa ang mga mananaliksik ng
iba’t ibang hakbang upang maging epektibo ang pangangalap ng mga datos.
Una, ang mga mananaliksik ay nagtipon-tipon at nagplano kung ano ang magiging paksa at pamagat ng
pag aaral at siniguro ng mananaliksik na ang bawat mag aaral ay may malawak na kaalaman sa napapanahong
paksa na napili.
Ikalawa, nagkaroon ng pagpupulong ang mga mananaliksik upang maglahad ng mga ideya at
katanungan tungkol sa napiling paksa.
Ikatlo, ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon tungkol sa paksa gamit ang internet,
sinigurado ng mga mananaliksik na ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa paksa ay pawang katotohanan
lamang.
Ika-apat, sinuri ng mga mananaliksik na maayos at malinis ang bawat detalye tungkol sa paksa.
Ika-lima, mas lalo pang pinalawak ng mga mananaliksik ang mga impormasyon at detalye na
nakapaloob sa paksang napili.
Ika-anim, ang mga mananaliksik ay gagawa ng mga questionaire kung saan nakapaloob ang mga
katanungang makakatulong sa katuparan ng pananaliksik.
Ika-pito, ilalahad ng mananaliksik ang mga solusyon at hakbang tungkol sa suliranin ng paksa.

Respondente
Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay napagkasunduan ang pagkakaroon ng dalawampu (20) na
mga piling mga mag-aaral upang maging respondente ng kasangkapan sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik
ay napagpasiyahan na ang mga respondente ay ang mga piling mag-aaral sa lahat ng baitang at pangkat ng
Senior High School sa Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc. Ito ay kinabibilangan ng lahat ng strand:
ABM, HUMSS at STEM mula sa Baitang 11 at Baitang 12.
Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
Napili ang mga nasabing mag-aaral mula sa lahat ng baitang at pangkat ng Senior High School ng
nasabing paaralan sa kadahilanan ng sa kanila mismo nakatuon ang pag-aaral na isinagawa ng mga
mananaliksik patungkol sa epekto ng social media sa mag-aaral.
Kung kaya't nararapat lamang na sila ang maging respondente na makikiisa para sa ikatatagumpay ng
pananaliksik. Upang malaman ang mga mahahalagang impormason para sa pag-aaral o pananaliksik ukol sa
paksang epekto ng Social Media sa mga mag-aaral nagkaroon ng patas na pagpili sa bawat respondente na
siyang kumatawan sa kinabibilangan nitong baitang at pangkat.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160

You might also like