You are on page 1of 30

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/375895974

EPEKTO NG UNEMPLOYMENT SA PAMUMUHAY NG MGA LOKAL NA


MAMAMAYAN NG ISANG KOMUNIDAD

Thesis · November 2020


DOI: 10.13140/RG.2.2.32375.19367

CITATIONS READS
0 13

4 authors, including:

Mary Angel Centeno


Batangas State University
1 PUBLICATION 0 CITATIONS

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Mary Angel Centeno on 25 November 2023.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
Rajah Matanda St. Bagong Sikat, Lemery, Batangas

“EPEKTO NG UNEMPLOYMENT SA PAMUMUHAY NG MGA LOKAL NA MAMAMAYAN NG ISANG


KOMUNIDAD”

Isang pananaliksik na iniharap kay

G. Fernando Hernandez

Bilang Pagtupad sa Pangunahing Pangangailangan ng Asignaturang Kontekstuwalisadong


Komunikasyon sa Filipino

Nina:

Centeno, Mary Angel G.

De Leon, Myra A.

De Castro, Joana

De Grano, Hannah Zhel

Desepeda, Realyn

Nobyembre 2020

1
PAGPAPAKILALA

Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan kundi walang tulong ng bawat-isa.

Nagpapasalamat kami kay G. Fernando Hernandez, na walang sawang gumabay at nagtama ng aming

kamaliaan upang mapaganda at mas maging maayos ang kalalabasan ng pag-aaral na ito.

Sa aming mga magulang na nagsisilbing imspirasyon at nagbigay ng walang sawang suporta at pag-

unawa para maisakatuparan ito.

Sa mga taong aming nakapanayam na magiliw na nakiisa at tumulong upang mabigyang kasagutan ang

aming mga katanungan.

At higit sa lahat sa poong may kapal na nagbigay ng talino, lakas at gumabay sa amin upang maisagawa

nmin ng maayos ang aming pag-aaral na ito.

Mga mananaliksik:

Centeno, M.A

De Leon, M.

De Castro, J.

De Grano, H.Z

Desepeda, R.

2
TALAAN NG NILALAMAN

PANIMULA

INTRODUKSYON--------------------------------------------------------- 4

LAYUNIN NG PAG-AARAL-------------------------------------------- 6

NILALAMAN NG PANANALIKSIK----------------------------------- 6

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK------------------------------ 6

BALANGKAS------------------------------------------------------------------------ 9

KATAWAN NG PANANALIKSIK-------------------------------------- 10

KONKLUSYON------------------------------------------------------------ 19

MGA SANGGUNIAN----------------------------------------------------- 20

APENDIKS ----------------------------------------------------------------- 21

A. DOKUMENTASYON---------------------------------------- 22

B. TALATANUNGAN------------------------------------------- 24

C. CURRICULUM VITAE--------------------------------------25

3
INTRODUKSIYON O PANIMULA

Sa mundong ating ginagalawan ay may mga bagay na pilit na sumasalungat sa agos ng


buhay ng tao. Kasabay ng pagkamulat ng ating isipan at kamalayan ay ang pagusbong ng mga
bagay na sumusubok sa pamumuhay ng bawat-isa. Hindi lamang iisang indibidwal ang lubos na
nagdudusa sa suliraning kinakaharap at sa ngayon ay patuloy na ipinaglalaban para sa konreto at
matiwasay na kinabukasan. Ang unemployment ay ang kawalan ng trabaho o kakulangan ng mga
trabahong iniaalok sa mga naghahanap ng trabaho.

Isa sa mga pangunahing problemang panlipunan ay ang kawalan ng trabaho ng ilan sa


mga mamamayang Pilipino. Masasabing palabo at palaki na ang bilang ng mga pilipinong
walang trabaho. Ayon sa ayon sa World Bank as of 3rd Quarter of 2017 ay mayroon ang pilipinas
na 103.3 milyong pilipino at ayon naman sa Philippine Statistic Authority(PSA) ay mayroon ang
pilipinas na 94.3% na employed at 16.1% dito ay underemployed o hindi akma ang kanilang
trabaho sa kanilang Propesyon o pinag-aralan at mayroon naman na 5.7% ang unemployed o ang
mga walang trabaho katumbas ito ng 5.4 milyong pilipino ang walang trabaho ayon sa PSA
simula ng Abril 2005, ang bagong depinisyon ng unemployment na pinalawak ng National
Statistical Coordination Board(NSCB) resolusyon number 15 sa petsa ng Oktubre 20, 2004, at
sinasabi na ang kasama sa mga unemployed ay ang mga sumusunod: (A) without work and
currently available for work and seeking work: or (B) without work and currently available for
work but not seeking for for the following reasons:(1)Tired/believed no work available,
(2)Awaiting results of previous job application, (3)Temporary illness/disability, (4)Bad weather,
(5)Waiting for rehire/job recall. hindi na binibilang ng NSCB ang mga mag-aaral dahil hindi sila
full-time available for work.

Hindi maikakaila na isa ang unemployment sa pinakamalking problemang kinakahap


ngayon ng ating bansa lalo na sa panahon ngayon na may pandemya. Karamihan sa mga walang
trabaho ay napipilitang na lamang na magpunta ng ibang bansa upang makahanap ng trabaho.
Tunay na hindi sumasapat ang bilang ng trabahong inaalok sa bilang ng mga naghahanap ng
trabaho kung kayat kalimitan ang mga Pilipino ay nagiging “jobless”. Ang kakulangan sa
edukasyon ay isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang walang trabaho.
Kalimitan ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay hindi nabibigyan ng oppurtunidad sa

4
magandang trabaho. Dagdag pa rito ay napakaraming mga reserve na graduates na walang
trabaho kagaya na lamang ng mga nurse na nabigong bigyan ng trabaho dahil sa dami na ng mga
nurse dito sa pilipinas kung kayat karamihan sa kanila ay nag iibang bans ana lamang. Kaugnay
na din ng pagtaas ng unemployment ay ang pagtaas din ng krimen at prostitusyon dahil sa
kakulangan ng trabaho at antas ng kanilang naabot sa pag aaral ay napipilitan ang ibang
kababayan natin na pumasok sa krimen at prostitusyon dahil na din sa matinding
pangangailangan nila kaya naman nag palabas ang Department of Education(DepEd) ng isang
programa na Tinawag na Alternative Learning System(ALS) upang matulungan ang mga hindi
nakapag tapos ng pag aaral upang masukat ang kanilang kakayanan at pag naipasa nila ang
programang ito ay bibigyan sila ng diploma na katumbas din ng mga estudyante na nakatapos ng
kolehiyo.

Kaugnay din ng unemployment ay ang patuloy na paghirap ng pamumuhay ng mga


mamamayang Pilipino. Dahil sa kawalan ng trabaho ay hindi na masustentuhan ang mga
pangangailangan ng sariling pamilya at ito ay nagtutulak sa kanila upang gumawa ng illegal para
lamang kumite ng pera na ipangtutustos sa kanilang pamilya.

Mahirap labanan ang salungat na pag-agos ng alon sa iyong buhay. Hayaan mong ang
sarili mo ang sumabay at sumunod dito. Ang paksanhg tungkol sa Unemployment ay pinili ng
mananaliksik upang malaman ang mga sanhi at epekto nito sa pamumuhay ng mga lokal na
mamamayan ng isang komunidad. Nais ng mga mananaliksik na mas bigyan pa ng pansin ang
totoong sitwasyon na nangyayari sa ating bansa.

5
II. LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay may layunin na malaman ang mga pananaw o saloobin ng
mga tao sa komunidad ukol sa isyu ng kahirapan. Mahalagang malaman ang mga kasagutan na
ito sapagkat ito ang gagamitin na batayan ng kalalabasan ng naturang pag-aaral. Sa pananaliksik
na ito, malalaman at matutugunan ang mga tanong na lingid sa kaalaman ng karamihan. Dito din
malalaman ang iba pang impormasyong tungkol sa paksa. Upang malaman ng bawat Pilipino
kung ano ang unemployment, ang mga maaaring dahilan, epekto at solusyon kung paano
malalampasan ang isyu ng kawalan ng trabaho. Upang maipamahagi namin ang mga
impormasyon ukol sa unemployment na nagmula sa aming kaalaman mismo at sa iba’t-ibang
maaaring pinagmulan ng kaalaman kagaya ng aklat at internet. Gayundin, layunin ng pag-aaral
na ito na mabigyan solusyon ang problema sa trabaho na kasalukuyang kinakaharap ngayon ng
mga mamamayang Pilipino. Bahagi din ng pananaliksik na ito ang mabigyan sagot ang mga
tanong na nakapaloob sa pananaliksik.

III. NILALAMAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay may paksa tungkol sa unemployment, nakapaloob dito ang
mga depenisyon at ilan sa mga komentaryo ng indibidwal bilang batis ng pananaliksik.
Nakalahad din dito ang mga dahilan kung bakit nga ba madaming mamamayang Pilipino ang
nakakaranas ng kawalan ng trabaho. Kasama rin sap ag-aaral na ito ang mga epekto at sanhi
ng nasabing isyu. Malalaman din kung papaanong ang kawalan ng trabaho ay nakakaapekto
sa pmumuhay ng tao, kalagayan ng komunidad, ekonomiya ng bansa, pagtaas ng populasyon
at kahirapan Matatagpuan din dito ang mga kaalaman ng mga mananaliksik ukol sa paksa at
ang mga opinyon o tugon ng mga taong nakapanayam ng mga mananaliksik.

IV. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay detalyadong pag-aaral o pagsusuri sa isang problema o suliranin.


Mahalaga ang pananaliksik upang mas lumawak pa ang ating kaalaman tungkol sa isang
paksa o isyu. Sa ganitong paraan malalaman natin kung magkakakonekta ba o mahalaga ang

6
mga bagay sa isa’t-isa, dahil din sa pananaliksik ay naaabot natin ang mga bagay na lingid sa
ating kamalayan. Marami ng personalidad ang sumikat dahil sa larangan ng pananaliksik
sapagkat nakakadiskubre at nakakaimbento sila ng mga bagay na kailangan pala ng mga tao.
Kung gusto talagang malaman ang isang bagay, kailangan nating magsaliksik upang ito ay
mapagtagumpayan. Ang ating mga interes, hinala, tanong at kuryosidad ay nalalaman o
natutugunan sa pamamagitan ng isang pananaliksik.

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral upang mamulat sila kung ano
nga ba ang dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga Pilipinong walang
trabaho. Gayundin sa tulong ng pananaliksik ang mga mananaliksik ay umaasang
maimumulat ang mga mambabasa na magsumikap sila sa buhay upang gumanda at
magkaroon sila ng matatag na pamumuhay. Magagamit din nila ang pag aaral na ito bilang
batis kapag sila ay magkakaroon ng pananaliksik at konektado sa paksa na ito. Ang
pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman para sa mag-aaral, kung bakit
mahalaga ang pag-aaral natin at paghahanda para sa ating kinabukasan. Naniniwala ang mga
mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng ilan sa mga kaalaman Para sa mga
walang trabaho na maaari nilang magamit upang maghanap ng solusyon sa kani kanilang
problema ukol sa paghahanap ng hanapbuhay. Ito din ay maaring maglinaw sakanila ng mga
dahilan sa kanilang suliranin na ayon sa iba’t ibang pag-aaral na naisagawa.

Suliranin ng Pag-aaral

Upang lubusang maunawaan ang pag-aaral kailangan sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano-ano ang sanhi ng unemployment sa isang komunidad?

2. Ano-ano ang mga epekto at bunga ng kawalan ng trabaho ayon sa;

A. Pamumuhay ng tao

B. Kalagayan ng Komunidad?

3. Paanong ang patuloy na pagtaas ng bilang ng unemployment ay nagiging dahilan ng mga;

A. Pagtaas populasyon

7
B. Kahirapan

C. Pagbaba ng ekonomiya at,

D. Pagkasangkot sa mga illegal na gawain?

4. Bakit patuloy na tumataas ang unemployment sa isang komunidad?

5. Sino ang apektado ng unemployment?

6. Paano masosolusyunan ang problema sa unemployment?

8
BALANGKAS

I. Panimula: Epekto ng Unemployment sa pamumuhay ng tao.

II. Mga sanhi ng unemployment

a. Kakulangan sa edukasyon

b. Hinid tugma ang bilang ng inaalok na trabaho sa bilang ng aplikante

c. Mababang sweldo

III. Epekto ng unemployment sa kalagayan ng komunidad

a. Gumugulo ang komunidad

b. Dumadami ang mga tambay

IV. Bunga ng kawalan ng trabaho

a. Patuloy na naghihirap ang tao

b. Kagutuman at hindi payak na kalusugan

c. Tumataas ang populasyon

d. Nasasangkot sa illegal na Gawain ang mga nakakaranas ng kawalan ng trabaho.

e. Pagbaba ng ekonomiya

V. Mga apektado ng unemployment.

a. Mga pamilya

b. mga kabataan

VI. Mga Solusyon sa kawalan ng trabaho.

a. Libreng edukasyon

b. Bagong mga Negosyo at pagbabalanse sa populasyon.

c. Pagpapababa o Pagbabawas ng Tax

9
KATAWAN NG PANANALIKSIK

Upang lalong maunawaan ang pagaaral inilahad sa ibaba ang mga sanhi, epekto, at
solusyon sa unemployment. Ang mga mahahalagang impormasyon sa ibaba ay magbibigay ng
linaw sa mga mambabasa kung ano ang epekto ng unemployment sa pamumuhay ng mga
mamamayan ng isang komunidad.

Unemployment

Ito ay ang bahagi ng lakas na paggawa na walang trabaho ngunit naghahanap ng


mapapasukang trabaho. May mga uri ng unemployment ito ay ang frictional, cyclical, seasonal at
structural. Ang frictional ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho mula
sa dating trabaho. Ang cyclical naman ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya
samantalang ang seasonal naman ay nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago
ng panahon at okasyon. At ang huling uri ng unemployment ay ang structural kung saan
nagaganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya
sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.

I. Mga Sanhi ng Unemployment

Sa panahon ngayon ay patuloy parin tumataas ang bilang ng mga taong walang
trabaho ngunit ano nga ba ang mga sanhi ng pagdami ng bilang ng mga unemployed. Ilan sa mga
dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang kakulangan sa edukasyon at ang hindi tugmang bilang ng
inaalok na trabaho sa bilang ng aplikante.

a.) Kakulangan sa Edukasyon- Kasabay ng paglaki ng populasyon ng bansa ay kasabay


din ang pagtaas ng pangangailangan ng bawat pamilya at upang matugunan ito ay
kailangan ng tao ang mag-trabaho. Ayon kay Leynes (2018), ang kakulangan sa
edukasyon ang pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho, sinabi niya na
karaniwang ang tinatanggap ngayon sa trabaho ay ang mga tapos sa kolehiyo kung
kayat ang mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay mas kakaunti ang
oppurtunidad kumpara sa mga mga nakapagtapos ng kolehiyo. Dagdag pa ni
konsehala De Leon, Ang mga naging sanhi ng unemployment sa isang komunidad ay
ang kakulangan sa edukasyon ng mga tao. Kalimitan kasing mataas ang standard ng

10
mga nag-aalok ng trabaho, higit nilang pinagtitingnan ang tinapos ang isang
aplikante. Di maikakaila na ang nais na ngayon ng mga nagaalok ng trabaho ay may
natapos o nakatapos sa kolehiyo. Isa pang sanhi ng kawalan ng trabaho ay ang
kakulangan ng bilang ng inaalok na trabaho, mas marami pa ang bilang ng
naghahanap ng trabaho kesa sa inaalok na trabaho.

b.) Hinid tugma ang bilang ng inaalok na trabaho sa bilang ng aplikante- Kulang
ang trabahong inaalok ng gobyerno kung kayat marami ang walang trabaho kung
minsan pa ay hindi rin tugma ang inaalok na trabaho sa kursong tinapos ng aplikante
kung kayat nagiging unemployed nalang ang mga ito. Sinabi ni Magtalas (2017), Isa
rin sa problema ng unemployment ay ang mga di nakapagtapos ng pag-aaral at
sobrang dami ng reserve graduates na walang trabaho, noong taon ng 2012 ay
mayroon 200,000 registered nurse dito sa pilipinas at hindi pa kabilang ang mga
gagraduate na may bilang na 80,000 kaya naman ang iba o halos sa mga ito ay nag
iibang bansa. Ayon naman kay Philippine Overseas Employment Administration
(POEA)-CAR Director Delfina Camarillo, dahil sa kulang ang inaalok na trabaho ay
napipilitan na lamang mag-ibang bansa ang karamihan sa mga ito. Sinasabing ang
kawalan ng magandang trabaho ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga
Filipino, propesyunal man o hindi ay pinipiling iwanan ang kanilang pamilya upang
magtrabaho sa ibang bansa. Ang laki ng populasyon ay nagiging sanhi din ng
unemployment. Sa dami ng bilang ng tao,hindi lahat ay nabibigyan ng trabaho. ‘di
nagiging balanse ang ratio ng bilang ng trabaho sa bilang ng taong nais
maghanapbuhay.
c.) Mababang sweldo- Nagiging rason din mababang sweldo nila mula sa kanilang
karera kung magtatrabahosila sa ilalim ng gobyerno. Halimbawa na lang ay ang mga
nakapagtapos ng nursing, may ibangmas pinipiling mag-apply at magtrabaho sa isang
call center kaysa magsilbi sa mga pampublikong ospital dahil sa maliit na sahod mula
sa gobyerno. Isa din sa mga rason ng pagtaas ng unemployment ay ang pag-resign ng
isang empleyado dahil narin sa tinatawag na work-environment at human relation ng
isang trabahador kungnakakasundo ba niya ang kanyang mga katrabaho o hindi may
iba na nagreresign ang iba namanay nagpapalipat ng department. Batay kay Badillo
na isa sa aming nakapanayam, ang kababaan ng sweldo ay isa rin sa nagiging dahilan

11
ng kawalan ng trabaho sapagkat hindi sapat ang sweldo na natatanggap upang
matutusan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Dagdag pa niya, kung minsan pa
daw ay mas Malaki pa ang nagagastos na pera sa trabaho kesa sa natatanggap na
sweldo kung kayat nagdedesisyon ang mga ito na magresign nalang at humanap ng
ibang trabaho, subalit ang iba sa kanila ay natatagalan bago makahanap ulit ng
trabaho kung kayat sila ay nagiging unemployed pansamantala.
II. Epekto ng unemployment sa kalagayan ng komunidad

Sa pagdami ng bilang ng walang trabaho dumadami ang mga taong walang


mapagkaabalahan at ang karamihan sa kanila ay nagiging tambay nalang. Kung minsan
ay sila pa ang nagiging dahilan ng kaguluhan sa isang komunidad.

a. Gumugulo ang komunidad- isa nga sa nagiging epekto ng unemployment ay

ang pagkakaroon ng gulo sa komunidad. Ito ay dahil sa wala silang

pinagkakaabalahan kung kayat ang ilan sa knila ay madalas nagiinom,

napapatambay at napapaaway na siyang nagdudulot ng kaguluhan sa

komunidad.

b. Dumadami ang tambay- ayon sa mga ilang opisyal ng barnggay na aming


nakapanayam ang pagdami ng tambay ay epekto ng kawalan ng trabaho.
Sinabi nil ana ito ay dahil ang mga kabataang hindi nakapgtapos ng trabaho ay
kalimitang hindi nakakahanap ng trabaho at nauuwe sa pagiging tambay.
Kung kaya naman para maiwasan ito hinihikayat ng Department of Education
(DepEd) ang mga mag-aaral na kumuha ng mga vocational courses kaysa mga
kursong propesyunal na limitado ang oportunidad na makakuha ng trabaho.

III. Bunga ng kawalan ng trabaho

a. Patuloy na naghihirap ang tao – Batay kay myonnie na isang


estudyante, dahil sa unemployment patuloy na naghihirap ang pamumuhay ng
mga mamamayan ng komunidad dahil dito ay nawawalan sila ng pantustos sa
kanilang pamilya. Hindi narin nila masuportahan ang pag-aaral ng kanilang anak
kung kayat naman hindi din nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga kabataan at

12
nauuwi din sa pagiging unemployed. Karaniwang nahihirap ang mga taong
walang trabaho dahil sa kakulangan sa perang gastusin ayon sa Bagong
Alyansang Makaba¬yan (Bayan) lumala na nang husto ang nararanasang
kahirapan ng buhay sa kasalukuyan. Sa isang artikulong sinulat ni Danilo Araña
Arao sa Bulatlat noong Hunyo, makikitang ang isang pamilyang may dalawang
magulang at apat na anak-ang karaniwang pamilyang Pilipino-ay
nangangailangan ng P594 sa isang araw upang mabili ang lahat na
pangangailangan. Gumamit si Arao ng datos mula sa National Wages and
Productivity Commission para sa artikulong nasabi. Kailangan ng isang
ordinaryong pamilya ng P858 para mairaos ang pangangailangan sa araw-araw.

b. Kagutuman at hindi payak na kalusugan- dahil sa ang unemployment


ay nagbubung ng kahirapan ito ay nagreresulta din sa kagutuman at hindi payak
na kalusugan ayon kay Leynes (2017) dahil sa karamihan sa kanila ay hindi
nakakatanggap ng paksang pangunahing pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng
mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang pinaka sakit sa mga taong
nakakranas ng kahirapan dulot ng unemployment, ito ay dahil sa sila ay may
kakulangan sa wasto at masustansyang pagkain.

Ang kawalan ng trabaho ang dahilan ng kahirapan na nagdudulot ng


kagutuman at di tiyak na kalusugan sa pamilya ng mga taong walang trabaho.
Dahil sila ay walang napagkukunan ng pera sila ay walang pangtustos sa
pangangailangan ng pamilya nila kung kayat kalimitan sa mga ito ay nagugutom
at kung minsan ay nagdudulot ng kamatayan. Sa isang meta-analysis ng 42 mga
mananaliksik na may data sa 20 milyong mga tao tungkol sa relasyon sa pagitan
ng kawalan ng trabaho at ang panganib ng kamatayan, isang koponan ng mga
mananaliksik sa Stony Brook University ay natuklasan na ang panganib ng
kamatayan ay 63 porsiyentong mas mataas sa mga na nakaranas ng isang episode
ng kawalan ng trabaho kaysa sa mga hindi. Natuklasan din nila na ang nadagdag
na panganib ay mas mataas para sa mga kalalakihan (78 porsyento out of 100)
kaysa sa mga kababaihan (37 porsyento out of 100). Iniulat sa Social Science &
Medicine, ang mga pangkalahatang mga resulta ng pag-aaral ay ibinunyag na ang

13
relasyon sa pagitan ng kawalan ng trabaho at panganib ng pagkakamatay ay
nanatiling pare-pareho para sa nakalipas na 50 taon.

c. Tumataas ang populasyon - Ang laki ng populasyon ay nagiging sanhi din


ng unemployment. Sa dami ng bilang ng tao,hindi lahat ay nabibigyan ng
trabaho. ‘di nagiging balanse ang ratio ng bilang ng trabaho sa bilang ng taong
nais maghanapbuhay.
May 103.3 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang
pag-aaral ngIBON Foundation, may 88 porsiyento ng 103.3 milyong taong
ito-samakatwid ay 90.9 milyon-ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line.
Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging
pinagbubuntuhan ngsisi sa paglala ng kahirapan sa bansa.
Sa isang pag-aaral ng dalawang Pilipinong siyentipiko noong 1983,
napatunayang anglahat ng yamang likas ng Pilipinas ay may kakayahang
bumuhay ng hanggang sa 500 milyongtao. Kayrami nang mga sumunod na
pagsusuri sa ating problema sa populasyon, subalitmagpahanggang ngayo'y
walang nakapagpapabulaan sa pag-aaral na isinagawa noong 1983.
Dagdag pa ni Magsino, dahil sa mga taong walang trabaho ay walang
pinagkakaabalahan at hindi nakakapagcontrol o nakakapagplano kung kayat
hindi mapigilan ang pagdami ng populasyon.
d. Nasasangkot sa illegal na Gawain ang mga nakakaranas ng kawalan ng
trabaho.- Ang pagtaas ng unemployment ay kasabay din nito ang pagtaas ng
crime rate sa pilipinas at maraming kabataan ang napipilitan na pumapasok sa
illegal crimes ang mga under age na crimenal na tinatawag na juveniles ng
ating gobyerno ay hindi pwedeng ipasok sa adult prison kaya hina-hand over
nila ang mga juveniles sa Department of Social Welfare and
Development(DSWD). Bukod pa dito ay ang kababaihan ang nasasangkot din
sa prostitusyon, ito ang naisip nilang paraan upang matugunan ang pang-araw-
araw na pangangailangan.
Sanhi nga nang pagkawala ng pinagkukunan ng hanap buhay, maraming
kababaihan ang nahihikayat na pumasok sa prostitusyon. Ayon sa The
International Labor Organization (ILO) at The Coalition Against Trafficking

14
in Women-Asia Pacific (CATW-AP), umabot ng kalahating milyon ang bilang
nga mga prostitutes sa Pilipinas, noong taong 1993 at 1994, at 400,000 naman
noong 1998. Ang prostitusyon ay nakaaapekto sa turismo lalong-lalo na sa
Pilipinas, mas kilala ito sa tawag na “Sex Tourism” kung saan ang pagbibigay
aliw ang dinarayo ng mga tao. Ang prostitusyon sa Pilipinas ay kumekeyter sa
mga lokal na kostomer at mga dayuhan na siya namang madalas na maging
kliyente ng mga nasabing prostitutes. Kahit na ipinagbabawal ang mga
ganitong gawain, hindi maiiwasan ang mga ito. At kahit marami na ang mga
nahuhuli, hindi pa rin nasusupil ang prostitusyon.

e. Pagbaba ng ekonomiya- Bataykay Delacion (2020), Dahil sa pagdami ng


mga unemployed bumababa ang ekonomiya, ang kawalan ng trabaho ay maaaring
makaimpluwensya sa pananalapi ng bansa. Mas marami ang nagiging gastos
kaysa pumapasok na pera. Ang kawalang-trabaho at kalagayan ng ekomnomiya
ay maaaring maimpluwensiyahan ng bansa sa pamamagitan ng patakarang
pampananalapi, bilang halimbawa. Bukod pa riyan, makaiimpluwensiya ang
awtoridad ng salapi ng bansa, tulad ng bangko sentral, sa pagkakaroon at gastos
para sa pera sa pamamagitan ng patakarang pang-salapi nito.

Karagdagan sa mga teorya ng kawalang-trabaho, ginagamit ang iilang


pagkakakategorya nito para sa mas tumpak na pagmomodelo sa mga epekto nito
sa loob ng sistemang pang-ekonomiya. Kabilang sa mga pangunahing uri ng
kawalang-trabaho ang istruktural (structural), pakiskis (frictional), siklikal
(cyclical), di-boluntaryo (involuntary) at klasikal (classical). Nakatuon ang
istruktural sa mga problema sa pundasyon ng ekonomiya at pagkawalang-liksi na
likas sa mga merkado ng paggawa, kabilang ang hindi pagtutugma ng pagpupuno
at pangangailangan ng mga manggagawa na may kinakailangang mga kasanayan.
Nagbibigay-diin ang mga argumentong istruktural sa mga sanhi at solusyon na
may kaugnayan sa mga teknolohiyang nakakagambala and globalisasyon.
Nakatuon naman ang mga talakayan sa pakiskis sa mga boluntaryong pagpapasya
na magtrabaho ayon sa pagpapahalaga ng indibiduwal sa kanyang sariling trabaho
at kung paano ito maihahambing sa kasalukuyang antas ng sahod pati sa oras at

15
pagsisikap na kinakailangan para maghanap ng trabaho. Madalas tumutugon ang
mga sanhi at kalutasan para sa pakiskis na kawalang-trabaho sa bungad ng
pagpasok sa trabaho at mga antas ng sahod.

IV. Mga apektado ng Unemployment.

Hindi lng mga trabahador ang apektado ng lumalalang bilang ng unemployed kundi pati

narin ang pamilya nito, mga anak at pati narin ang mamamayan.

c. Mga pamilya- Ayon kay Nicole Leynes (2017), isang dulot ng unemployment ay

kahirapan na ang naapektuhan kalimitan ang ang mga pamilya ng mga

unemployed. Dahil sa kakulangan sa kinikitang pera ang mga pamilya ay hindi

natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Sinabi din ni konsehala Teopista

na isa sa aming nakapanayam na ang apektado ng unemployment ay ang mga

mamamayang Pilipino. Kung patuloy ang kawalan ng trabaho pati magiging mga

anak ay maaapektuhan, gayundin ang bansa. Lalong maghihirap at babagsak ang

ekonomiya ng bansa.

d. Mga kabataan- Isinaad ni De Grano na dahil sa kahirapan dulot ng

unemployment hindi natutustusan ang pag-aaral ng kabataan. Hindi sila

nakakatanggap ng sapat na kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya.

Dahil sa kahirapan napagkakaitan ang mga batang makapagaral at mahkaroon ng

magandang kinabukasan. Ayon naman sa isa sa aming nakapanayam na si Liezel,

ang bawat mamamayan ng isang komunidad ang apektado ng unemployment lalo

na ang mga kabataan na fresh graduate.

V. Mga Solusyon sa kawalan ng trabaho.

16
Sa kasulukuyan patuloy parin sa pagsasagawa at pagsasapatupad ng mga programa ang

gobyerno upang malunasan at masugpo ang problema sa kawalan ng trabaho.

a. Libreng edukasyon- Sa Pilipinas, ang mga batang walang kakayahan na

makapasok sa paaralan ay binibigyan ng pagkakataon ng Department of

Education. Ikaw ay magsasanay sa loob ng 10 buwan o maaring higit pa at

pagkatapos nito ay bibigyan ka ng “Accreditation & Equivalency Test”. Dito

malalaman kung ang iyong natutunan ay katumbas ba ng diploma sa mababa o

mataas na paaralan. Sa mga edad na 12 pababa,ito ay katumabas ng diploma

para sa elementarya at sa edad 15-16 naman,ito ay katumbas ng diploma para

sa hayskul. Ang pagkuha ng Alternative Learning System ay may dalawang

paraan. Sa pamamagitan ng modules o sa pamamagitan ng internet. Isa sa

kilalang personalidad na nakinabang dito ay ang tanyag na boksingerong si

Manny Pacquiao. Siya ay nakatapos lamang ng unang antas ng hayskul at

kumuha ng ALS at nakamit ang diploma para sa hayskul na nagbigay daan

sakanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

b. Bagong mga Negosyo at pagbabalanse sa populasyon.- Ang pagtatayo ng

mga bagong Negosyo at paghahanap ng mga inbestor ay malaking

oppurtunidad upang makapaglaan ng trabaho sa mga mamamayan. Ayon kay

Delgado , ang pagsasagawang ng mga proyektong imprastraktura ay

magbubukas ng pinto sa mga mangagawa na may mapasukang trabaho.

Dagdag pa niya, makakatulong din kung may mahihikayat ang gobyerni na

mga imbestor na silang mamumuhunan sa pagpapalawak ng pagtatayo ng mga

17
Negosyo, industriya at pagawaan ng magbibigay ng trabaho sa ating

maraming manggagawa.

Ang pagbabalanse sa populasyon ay isa ring solusyon sa pagpapababa

ng bilang ng unemployment. Dapat tumugma ang bilang ng inaalok na trabaho

sa bilang ng mga aplikante kung kayat mainam na balansehen ang bilang ng

populasyon.

c. Pagpapababa o Pagbabawas ng Tax- Ayon sa aming guro na si Ginoong

Zoren, kung bababa ang tax ng gobyerno ay makakahikayat ito ng mga

bagong negosyante na magtayo ng mga bagong establisyemento na

magbibigay ng malaking opurtunidad para sa mga walang trabaho/

18
KONKLUSYON

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito nalaman ng mga mananaliksik ang mga sanhi, epekto

at mga apektado ng kawalan ng trabaho. Nalaman ng mga mananaliksik na ang pangunahing

dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang hindi tugmang trabaho at kurso ng aplikante. Isa pang

dahilan nito ay ang kakulangan sa edukasyon. May mga pagkakataon na may bakante ngang

trabaho ngunit ‘di naman angkop sa natapos o kaalaman ng isang manggagawa. Sa madaling

sabi, maraming bagay ang saklaw ng unemployment. Madami ang maaring sanhi nito at

nakapagdudulot din ito ng mga hindi magagandang epekto. ‘di lamang sa isang indibidwal kung

hindi damay na din ang madaming bilang ng taong nakapaligid sa kanya. Dagdag pa rito

natuklasan din ng mga mananaliksik na ang unemployment ay isa sa malaking paktor sa

pagkasangkot ng mga mamamayan ng isang komunidad sa illegal na Gawain. Ang mga

mananaliksik ay nagbigay din ng maaaring solusyon sa problema sa trabaho, ito ay ang

pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan, pagpapababa ng buwis na

makapanghihikayat ng mga mamumuhunan o imbestor na maaaring magpalawak ng

pagpapatayo ng imprastraktura na magbubukas ng oppurtunidad sa maraming walang trabaho.

19
MGA SANGGUNIAN

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Teenage_pregnancy

http://www.tesda.gov.ph/page.aspx?page_id=10

https://www.news-medical.net/news/20110411/16858/Filipino.aspx

http://www.google.com.ph/#q=pananaliksik+sa+pagkawala+ng+interes+sa+pag-

aaral&hl=tl&ei=AwSaTNLgHILfcaL-iNoH&start=10&sa=N&fp=ea825986733ab442

http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/79959/sun-star-kawalan-ng-trabaho-

nagtutulak-sa-pinoy-na-mangibang-bansa/story/

https://www.google.com/publicdata/explore?

ds=d5bncppjof8f9_&met_y=sp_pop_totl&idim=country:PHL:JPN&hl=en&dl=en#!

ctype=l&strail=false&bcs=d&nselm=h&met_y=sp_pop_totl&scale_y=lin&ind_y=false&rdim=r

egion&idim=country:PHL:JPN&ifdim=region&tstart=-

290505600000&tend=1476720000000&hl=en_US&dl=en&ind=false

https://medium.com/@jajarivera/balita-kakulangan-sa-trabaho-ng-mga-pilipino-

62590c03e419

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kawalang_trabaho

https://www.academia.edu/36117240/Perspektibo_tungkol_sa_Trabaho

20
APENDIKS

21
DOKUMENTASYON

22
TALATANUNGAN
“EPEKTO NG UNEMPLOYMENT SA PAMUMUHAY NG MGA LOKAL NA MAMAMAYAN NG ISANG
KOMUNIDAD”

Pangalan:___________________________ Trabaho:______________________

23
Edad:_________________________________

Upang lubusang maunawaan ang pag-aaral kailangan sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano-ano ang sanhi ng unemployment sa isang komunidad?

2. Ano-ano ang mga epekto at bunga ng kawalan ng trabaho ayon sa;

A. Pamumuhay ng tao

B. Kalagayan ng Komunidad?

3. Paanong ang patuloy na pagtaas ng bilang ng unemployment ay nagiging dahilan ng mga;

A. Pagtaas populasyon

B. Kahirapan

C. Pagbaba ng ekonomiya at,

D. Pagkasangkot sa mga illegal na gawain?

4. Bakit patuloy na tumataas ang unemployment sa isang komunidad?

5. Sino ang apektado ng unemployment?

6. Paano masosolusyunan ang problema sa unemployment?

CURRICULUM VITAE

I. Personal na Impormasyon

24
Pangalan: Mary Angel G. Centeno

Tirahan: Iba, Taal, Batangas

Araw ng Kapanganakan: September 17, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Batangas Rigional Hospital

Pangalan ng Ina: Maria Teresa G. Centeno

Pangalan ng Ama: Rodrigo M. Centeno

Relihiyon: Romano Katoliko

II. Bakgrawnd sa Edukasyon

Elementarya: Balisong Elem School

Sekondarya: Rizal College of Taal

Tersarya: Batangas State of University Lemery Campus

I. Personal na Impormasyon

25
Pangalan: Myra A. De Leon

Tirahan: Labac, Taal, Batangas

Araw ng Kapanganakan: Agosto 04, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Labac, Taal, Batangas

Pangalan ng Ina: Juana A. De Leon

Pangalan ng Ama: Arnulfo C. De Leon

Relihiyon: Romano Katoliko

II. Bakgrawnd sa Edukasyon

Elementarya: Aguedo L. Asinas Mem. Elem. School

Sekondarya: Taal National High Scool

Tersarya : Batangas State University- Lemery Campus

I. Personal na Impormasyon

26
Pangalan: Hannah Zhel B. De Grano

Tirahan: Nonong Casto Lemery Batangas

Araw ng Kapanganakan: December 23,2000

Lugar ng Kapanganakan: Nonong Casto Lemery Batangas

Pangalan ng Ina: Analiza B. De Grano

Pangalan ng Ama: Ismael A. De Grano

Relihiyon: Born Again

II. Bakgrawnd sa Edukasyon

Elementarya: Jesus For the World Christian Academy

Sekondarya: Governor Feliciano Leviste Memorial National High School Lemery


Colleges

Tersarya: Batangas State of University Lemery Campus

I. Personal na Impormasyon

27
Pangalan: Realyn B. Desepeda

Tirahan: Calangay, San Nicolas Batangas

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 12, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Calangay, San Nicolas Batangas

Pangalan ng Ina: Anastacia B. Desepeda

Pangalan ng Ama: Virgillo O. Desepeda

Relihiyon: Roman Catholic

II. Bakgrawnd sa Edukasyon

Elementarya: Calangay Elementary Schol

Sekondarya: San Nicolas National High School Rizal College of Taal

Tersarya: Batangas State of University Lemery Campus

I. Personal na Impormasyon

28
Pangalan: Joana C De Castro

Tirahan: Tubuan lemery batangas

Araw ng Kapanganakan: setyembre 28, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Tubuan Lemery batangas

Pangalan ng Ina: Nancy De Castro

Pangalan ng Ama: Joey De Castro

Relihiyon: Romano Katoliko

II. Bakgrawnd sa Edukasyon

Elementarya: Tubuan elementary school

Sekondarya: Gflmnhs

Tersarya: Batangas State of University Lemery Campus

29

View publication stats

You might also like