You are on page 1of 9

PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.

“Your partner in education since 1946”


______________________________________________ ____

Panimulang Pananaliksik sa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pagtataya sa Antas ng Kaalaman at Kakayahang Pangwika ng mga Mag-aaral sa Padre Vicente Garcia
Memorial Academy Inc.

Isinagawa at Inihanda nina:

Lunar, Joshua D.
Arguelles, Lourence A.
Javier, John Kevin B.
Aguila, Ella Mae Alexis S.
Beco, Rubelyn Rose B.
Ellaga, Ma. Allyana Rosiel A.
Estrabo, Rhoylyn V.
Pinero, Denisse Mae V.
Tamang, Roselyn A.

Ipinasa kay:

G. Ruel S. Lata
Guro sa Asignatura

Disyembre 2022
Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____

Panimula
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan o komunikasyon na ginagamit sa araw-araw. Kalipunan ito
ng iba’t ibang uri ng simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang ibig sabihin ng partikular
na kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng anim na libo (6,000) hanggang pitong libo (7,000) ang mga wika sa buong
daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at
mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang
salitang “wika” mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika:
ang salitang ”lengguwahe”. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng “language” na tawag sa wika sa Ingles.
Nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang “lingua” ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit
ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog. Samakatuwid ang "wika" ay nangangahulugang
anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit kadalasang mayroon.
Ang wika ay isa sa mga sumasagisag sa nasyonalidad na nagsisilbing pagkakakilanlan. Na nagbibigay daan
para sa epektibong komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Tulad ng ginamit ni Noam Chomsky at iba pang mga
dalubhasa sa wika, Ang kakayahang pangwika ay hindi isang terminolohiya na nasusuri. Sa halip, tumutukoy ito
sa likas na kaalamang pangwika na nagpapahintulot sa isang tao na tumugma sa mga tunog at mga kahulugan. Sa
Mga Aspeto ng Teorya ng Syntax na inilathala noong taong isang libo’t siyam na daan at animnapu’t lima (1965),
sumulat si Chomsky, "Sa gayon gumawa kami ng isang pangunahing pagkakaiba sa pagitan kakayanan (kaalaman
ng tagapakinig sa kanyang wika) at pagganap (ang tunay na paggamit ng wika sa mga konkretong sitwasyon)".Sa
ilalim ng teoryang ito, ang kakayahan sa wika lamang ang gumana ng maayos sa ilalim ng mga ideyalisadong
kundisyon, na aalisin ng teoretikal ang anumang mga hadlang sa memorya, abala, damdamin, at iba pang mga
kadahilanan na maaaring maging sanhi kahit mahusay magsalita ang tagapag-salita upang makagawa o
mabibigyang pansin ang mga pagkakamali sa gramatika. Ito nakaugnay sa konsepto ng generatibong grammar, na
pinangangatwiran na ang lahat ng mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay walang malay na pang-unawa sa
mga "panuntunan" na namamahala sa wika. Samakatuwid, kahit ang nakasanayang wika ang ginagamit, tunay na
mahalaga na mapataas ang lebel ng kahusayan sa pag-unawa ng wika upang tuluyang maisakatuparan ang
paghahatid ng impormasyon at mensahe sa pamamagitan ng epektibong ugnayan bunsod ng wastong paggamit sa
wika.
Sa patuloy na pakikipagtalastasan gamit ang wika, Naipapakita nito ang direktang ugnayan sa ating tradisyon
at kultura na bahagi ng ating pinagmulang kasaysayan maging ang pagkakakilanlan. Kaakibat nito ang wastong
paggamit sa wika tungo sa epektibong kaalaman at kakayahan gayon din ang pagpapakita ng pang-dama at
pagpapahalaga sa mga itinuturing na sagisag na malaki ang ginagampanan sa pang araw-araw na komunikasyon at
pakikipag-ugnayan.
Sa bawat hinaharap na sitwasyon na mayroong kaugayan sa komunikasyon, Mahalagang maipakita ang
wastong kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wika. Ito ay upang makapaglahad ng kapaki-pakinabang na
impormasyon na makakatulong sa pagpapataas ng lebel ng kahusayan sa iba pang mga aspeto pati na rin ang
pagpapahalaga sa mga wastong gawi na marapat ipakita sa bawat isinasagawang ugnayan. Ito ang magisilbing

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
pundasyon para sa isang matatag at progresibong pamayanan, sapagkat wastong nagagamit ang wika para sa
pagpapalawig ng kamalayan sa mga aspetong nakapaloob sa kahusayan ng kaalaman at kakayahan.
Kaugnay nito, napili ng mga mananaliksik ang paksang ito upang malaman ang antas ng kaalaman at
kakayahan ng mga mag-aaral ng Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc. patungkol sa wika. Sa ganitong uri
ng pamamaraan, ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga mananaliksik na mabigyang solusyon ang mga
suliranin, sirkumstansya at probleman na kinakaharap ng bawat mag-aaral upang lalong mapa-unlad ang kanilang
kakayahang pangwika. Dahil sa kaangkupan ng isyung ito na may kinalaman sa komunikasyon, na likas sa bawat
isa, makakatulong ito para sa lalong pagpapa-unlad ng kaalaman tungo sa epektibong pagpapahayag at maayos na
daloy ng ugnayan.

Saklaw, Limitasyon at Di-Limitasyon


Ang pananaliksik na ito ay tungkol lamang sa antas ng kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-
aaral. Pangunahing saklaw ng pananaliksik na ito ay ang pag-unawa sa lawak ng kaalaman at kakayahan ng mga
mag-aaral patungkol sa wastong paggamit ng wika. Sa loob ng pananaliksik na ito ipapahayag ng mga
mananaliksik ang iba’t ibang kahalagahan ng wika sa pagpapataas ng antas ng kaalaman at kakayahan ng mga
mag-aaral sa Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa
mga mag-aaral na mapalawak at mapa-unlad ang kaalaman sa wika at kung paano ito magagamit ng wasto sa pang
araw-araw na komunikasyon at pakikipag-ugnayan tungo sa pagkamit ng karunungan at kaalaman.
Ang mga mag-aaral lamang ng Padre Vicente Garcia Memorial Academy ang gaganap bilang respondente.
Sapagkat ang pag-aaral na ito ay para sa pagpapataas ng antas ng kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-
aaral mula sa napiling paaralan.
Matatalakay rin dito ang suliranin na bumabagabag sa bawat mag-aaral na nakaka- hadlang upang
mapataas ang antas ng kanilang kakayahang pangwika. At ang mga suliranin o problema na ito ay marapat
magkaroon ng karampatang aksyon o hakbang upang higit na magampanan ang mga responsibilidad sa pakikipag-
ugnayan. Na makapagpapakita ng positibong pagbabago, sa pamamagitan ng wastong solusyon tungo sa katatagan
at kaunlaran.

Ang pag-aaral ay limitado lamang sa tatlumpu’t dalawa (32) na bilang ng mga mag-aaral ng Senior High
School na gaganap bilang mga respondente ng pananaliksik. Ito ay dahil sa kakulangan sa oras at pinansyal na
kakahayan ng mga mananaliksik. Kaugnay nito, ang ginamit na paraan sa pangangalap ng datos ay ang
quantitative o survey questionnaire na magkakaloob ng mga kapaki-pakinabang na impormasyon para sa
ikatatagumpay ng pananaliksik.

Samantala, Hindi saklaw sa pag-aaral ang mga mag-aaral mula sa Junior High School at tanging mga piling
mag-aaral lamang sa Senior High School ang makikiisa sa pagbuo ng mga mahalaga at kailangang datos. Ang
disenyong ginamit sa pag-aaral ay tanging paglalarawang pananaliksik o deskriptibong pananaliksik at hindi
kasama ang iba pang uri ng pananaliksik. Higit sa lahat, ang resultang makukuha ay nakabase lamang sa Senior
High School at walang tiyak na kaugnayan sa iba pang uri ng pangkat o antas.
Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas
Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang wika ay bahagi ng reyalidad, maging ng ating pamumuhay na marapat pahalagahan na nagsisilbing
daluyan ng ating komunikasyon at ugnayan. Dahil sa wika nagkakaroon ang bawat isa ng pagkakataong
makapagpahayag ng nararamdaman, emosyon at saloobin. Ito ay nagtataglay ng iba’t-ibang mga katangian at
gamit na marapat malaman at mapahalagahan na maaaring makapagdulot upang lalong maging bihasa sa
komunikasyon at pakikipag-ugnayan na makakapagdulot upang patuloy na maging bukas ang isipan sa pagtuklas
ng iba’t-ibang kaalaman. Sa pamamagitan nito, mas mapapalawak ang kakayahang magpahiwatig, magpadama,
maghatid at magpahayag ng mga saloobin, nararamdaman at simpatya na maaaring makapagpabago at
makapagpa-unlad tungo sa mabuting uri ng pamumuhay.

Para sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay isang instrumento upang magkaroon ng kamalayan at
kaalaman ang mga mag-aaral sa mga paraan na makakapagpataas ng antas ng kanilang kaalaman at kakayahang
pangwika tungo sa epektibong pakikipag-ugnayan. Malaki ang maitutulong nito upang malaman ng mga mag-aaral
ang mga karampatang aksyon sa mga suliranin na kanilang kinakaharap na may kaugnayan sa kanilang
kakayanhang makipag-ugnay gamit ang wika. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng
mga mag-aaral ang mga paraan upang epektibong magampanan ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin na
may kaugnayan sa wastong paggamit ng wika.

Para sa mga guro. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga guro sapagkat makatutulong ito upang
mabatid nila ang mga suliranin na nakakahadlang upang higit na mapa-unlad ng kakayahang pangwika ng mga
mag-aaral. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay labis na makatutulong upang magsilbing gabay at upang mas
matutukan ng mga guro ang pagbabahagi ng mga kaalaman sa tamang paggamit at pagpapahalaga sa wika na
nagsisilbing daluyan ng impormasyon at ideya para sa epektibong pagkatuto at pagkamit ng karunungan ng bawat
mag-aaral.

Para sa mga mananaliksik. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik upang
makapagbahagi ng kaalaman at kamalayan patungkol sa antas ng kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-
aaral, Gayondin ang mga paraan upang ito ay lalong mapa-unlad. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din upang
magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga mananaliksik sa tamang paggamit ng wika upang epektibong
makapagpahayag at wastong pagpapakita ng ugnayan.

Para sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay makatotohanang pag-aaral ng mga kaalaman at
kakayahang pangwika ng kanilang mga anak. Ito ay makapagdudulot upang matulungan nilang malinang ang mga
kakayahang ito, tungo sa produktibong komunikasyon at ugnayan. Ito ay bilang bahagi ng kanilang obligasyon at
tungkulin sa pagpapabuti ng kalagayan ng kanilang mga anak na mayroong kaugnayan sa pagpapataas ng antas ng
kaalaman at kakayahang pangwika.

Para sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maitutulong sa mga susunod
na mananaliksik. Ito ay maaari nilang pagkunan ng mga karagdagang kaalaman at impormasyon hinggil sa
paksang kanilang pinag-aaralan. Gayundin, ang pag-aaral na ito ay labis na makatutulong upang magbigay ng

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
suporta at gabay kung ang kanilang paksang pinag-aaralan ay halintulad sa ginawang pag-aaral. Samakatuwid,
makakatulong ito upang maging epektibo at matagumpay ang kanilang pananaliksik.

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ang nagsilbing layunin ng pag-aaral patungkol sa Pagtataya sa Antas ng Kaalaman at
Kakayahang Pangwika ng mga Mag-aaral sa Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc.:

 Maipahayag at maipaliwanag ang kakayahang pangwika ng mga mag-aaral.


 Tumuklas ng bagong datos at impormasyon patungkol sa pag-usbong ng kaalamang
pangwika ng mga mag-aaral.
 Upang lumawak at lumalim ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa wika.
 Mahasa ang mga kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa mga konsepto na may
kaugnayan sa wika.
 Upang magsilbing tulong at gabay sa bawat isa upang mapa-unlad ang kakayahang
pangwika.

Kaugnay nito, Sinasagot din ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan na magsisilbing
gabay tungo sa proresibong pag-aaral:

1. Ano ang kasalukuyang antas ng kakayahang pangwika ng mga mag-aaral? (sa tuntunin ng:)
1.1 Wikang Filipino
1.2 Wikang Ingles
1.3 Ibang uri ng wika
2. Anu-ano ang mga makabagong impormasyon na nagdulot upang umusbong ang kaalamang pangwika ng
mga mag-aaral?
3. Paano mapapalawak o mapapalalim ang kaalaman ng bawat mag-aaral patungkol sa wika? (sa
pamamagitan ng:)
3.1 Sosyal Medya o (Social Media)
3.2 Personal na interaksyon o ugnayan
4. Paano mahahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa mga konsepto na mayroong kaugnayan sa
wika?
5. Ano ang magsisilbing gabay at kahalagahan ng pananaliksik? (sa mga sumusunod:)
5.1 Mga Mag-aaral
5.2 Mga Guro
5.3 Mga mananaliksik
5.4 Mga magulang
5.5 Mga susunod na mananaliksik

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
Ang mga sumusunod na termino ay ginamit sa pag-aaral at binigyang kahulugan sa
conceptual at operational na kahulugan:
Akademikong Pagganap. Ito ay ang kaalamang nakukuha o kakayahang napapaunlad sa
mga asignatura sa paaralan na kadalasang sinusukat sa pamamagitan ng iskor sa mga pagsusulit,
pagganap sa klase, at paggawa ng mga aktibidad. (Samroy, 2014)
COVID-19. Ito ay isang nakahahawang sakit na dulot ng SARS-CoV-2 virus (WHO, 2021)
Edukasyon. Ito ay ang sistema ng pag-iipon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang bagay na
inaasahang makakabuti sa pagkatao at kinabukasan ng indibiduwal. (Fuertes, 2013)
Mixed Modality. Ito ay pinaghalong paggamit ng teknolohiya at mga print na papel sa
pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Modular Distance Learning (MDL). Ito ay ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng
mga mag-aaral gamit ang iba't ibang mga print na papel o digital.
New normal. Ito ay ang kalagayan ng ekonomiya, lipunan, etc. matapos makaranas ng isang
krisis, kung saan ay naiiba sa dating kalagayan bago ang krisis.
Online Distance Learning (ODL). Ito ay pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-
aaral gamit ang iba't ibang teknolohiya na mayroon sila.
Pandemya. Ito ay isang malaking problema na nararanasan na tao, ito ay pagkakahawa-
hawa ng isang sakit na nakakaapekto sa maraming tao sa buong mundo.
Salik. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari o pagkakataon na nagdadala ng resulta. Ito
ay elemento na bumubuo sa isang bagay kung ano ito (Dela Cruz,2012)
Senior High School. Ito ay huling bahagi ng programang K-12 kung saan kinapapalooban
ng dalawang antas ng pag-aaral – Baitang 11 at Baitang 12.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Ang


deskriptibong uri ng pananaliksik ay pinag-aaralan ang kasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan.Sa paraang
ito, kinalap ang mga datos upang malaman ang kasalukuyang kakayahan ng anumang pinag-aralan. Kinalap at inipon
ang mga datos upang makakuha ng mga mahahalagang impormasyon para mas maging handa sa pagbabago at upang
matulungang umunlad ang kapakanan ng karamihan sa kasalukuyan. Sa paraan ding ito, maaaring makapagbigay ng
kaalaman at karunungan sa bawat isa upang higit na mapa-unlad ang kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-
aaral.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
Kaugnay nito, ang pamamaraang deskriptibo o paglalarawang uri ng pananaliksik, ay kumalap ng mga
datos na siyang magiging batayan ng mga konklusyon, rekomendasyon at pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na
impormasyon na siya namang pinagbabatayan ng mga inihanda na hakbang tungo sa pagbabago at pagpapaunlad ng
antas ng mga karunungan at kaalaman patungkol sa wika ng bawat mag-aaral.

Ayon kay Aquino (1974), Ang pananaliksik ay may detalyadong depenisyon. Ayon sa kanya, Ang
pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon higgil sa isang tiyak na paksa o
suliranin. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng karampatang aksyon o hakbang upang tuluyang
mapagtagumpayan ang partikular na suliranin na may kaugnayan sa komunikasyon at pakikipag-uganayan.
Magbibigay daan rin ito upang masiguro na magiging matagumpay ang isinagawang pag-aaral o pananaliksik.

Ang deskriptibong uri metodolohiya ng pananaliksik ang napiling gamitin ng mga mananaliksik upang
makuha ang tama at ang mga nararapat na datos. Sapagkat ang datos ang bumubuo at nagdadagdag sa kaalaman at
mahahalagang impormasyon sa pag-aaral. Ito ang angkop na disenyo sa pag-aaral ng paksang ito sapagkat ang
layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang antas ng karunungan at kakayahang pangwika ng mga mag-aaral.
Makakatulong ito upang magkaroon ng sapat na kahulugan o deskripsyon ang paksang ito. Maisasagawa ang pagkuha
ng datos sa dalawang tiyak na pamamaraan. Una ay ang pakikipag-usap o interaksyon sa mga taong nakapaligid para
magkaroon ng sapat na panayam tungkol sa kung ano ang antas ng kanilang karunungan at kakayahang pangwika.
Pangalawa ay ang paggawa ng talatanungan (survey questionnaire) na ibibigay sa respondente ng pananaliksik upang
makapagbigay sila ng kanilang karampatang mga tugon. Gayon din upang malaman ang kanilang antas ng
karunungan at kakayahang pangwika. Sa pananaw at perspektibo ng mga mananaliksik ito ang pinaka-epektibo at
produktibong paraan para makakuha ng mga datos at impormasyon na pupuno sa pag -aaral. Ito rin ang magiging
dahilan upang mabilis na maisagawa ang pananaliksik na ito at para mas madaling makapagbigay ng kaalaman at
kamalayan sa bawat isa upang higit na mapa-unlad ang kanilang kakayahang makipag-uganayan sa pamamagitan ng
wastong paggamit ng wika.

Batayan ng Pananaliksik

Dahil sa paglaganap ng iba’t-ibang mga suliranin at pag-unlad ng maka-bagong teknolohiya, ang papel ng
pananaliksik ay mahalagang kasangkapan sa aspeto na pang-intelektuwal. Ang malaking ginagampanan nito ay ang
pagtuklas ng mga kaalaaman at katotohanan ng isang isyu o paksa. Malaki ang naging epekto ng makabagong
teknolohiya patungkol sa mga makabagong pamamaraan ng interaksyon o ugnayan. Dahil dito, hindi na masyado
naisasagawa ang harapang interaksyon na mas kapaki-pakinabang. Bagkus, ay dumedepende na lamang ang
karamihan sa alternatibong uri ng pamamaraan na ito.

Sa paglipas ng panahon, ang bawat mag-aaral ay nagkakaroon ng iba’t ibang mga suliranin patungkol sa
epektibong komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Malaki rin ang naging epekto ng mga suliraning pangwika sa mga
mag-aaral sapagkat nahihirapan silang itintindihin ang mga gawaing pam- paaralan, na nagdudulot ng negatibong
epekto sa aspetong pang-akademya. Nangangahulugan lamang na mayroong direktang ugnayan ang kakayahang
umunawa sa wika at ang kakayahang pang-akademya. Sapagkat kung mayroong wastong kakayanan umunawa ng
partikular na wika ay epektibong mauunawaan ang mga leksyon sa paaralan. Ngunit nakakabahala rin sa mga mag-

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
aaral ang paggamit sa internet o makabagong teknolohiya dahil dumedepende na ang mga ito sa mga gawaing pang-
internet na nagdudulot upang mabawasan ang kanilang kakayahang makipag-interaksyon o ugnayan ng harapan.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mabigyan ang mga mag-aaral ng kaisipan, kaalaman at
kamalayan sa pagsasaayos sa paggamit ng wika na mayroong kaugnayan sa makabagong teknolohiya. Ang
kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang magkaroon ng maunlad na antas ng karunungan at kakayahang pangwika
ang mga mag-aaral na magiging kapaki-pakinabang sa pagkamit ng karunungan ng kaalaman gayon din ang wastong
pagpapakita ng mga gawi sa bawat interaksyon at ugnayan.

Paraan ng Pagsusuri

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pagsusuri. Ito ay naglalarawan
patungkol sa kung ano, sino-sino, at paano ito nagkaroon ng koneksyon sa paksa ng mga mananaliksik. Nagsagawa
ang mga mananaliksik ng masusing pananaliksik sa mga mahahalagang mga impormasyon upang maging kaagapay
sa pagkalap ng mga tama at mapagkakatiwalaang mga datos.
Una, nagkaroon ng mga ideya at humanap ang mga nasabing mananaliksik ng akmang paksa upang pag-
aralan ang napapanahon na suliranin na nararanasan ng bawat isa patungkol sa kakayahang pangwika. Sunod nito ay
ang pag-iisip ng maaaring pamagat sa pag-aaral.

Ikalawa, nagkaroon ng pag-iisip ang grupo ng mananaliksik patungkol sa maaaring maging pamagat ng
pag-aaral na agad tinulungan at ginabayan ng guro sa asignatura.

Ikatlo, nagkaroon ng pagpupulong ang mga mananaliksik upang pag-aralan ang napiling paksa. Na kung
saan ay naglahad ng sari-sariling ideya at katanungan na maaaring konektado sa napagdesisyunang paksa.

Ika-apat, ang pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa paksa gamit ang internet at iba pang kaugnay na
impormasyon ukol dito, para na rin maisagawa at mapa-unlad ang mga ideyang naiisip ng mga mananaliksik para sa
pag-aaral.

Ika-lima, ang mga mananaliksik ay sinuring mabuti ang Suliranin at Kaligiran ng pananaliksik, Nagbigay
ang bawat isa ng mga detalye na nakalap na may kaugnayan at konektado sa napling paksa.

Ika-anim, bumuo naman ang mga mananaliksik ng mga Kaugnay na Pag-aaral na naglalayong ipabatid
nang mabuti sa mga mambabasa ang mga kaugnay na layunin at mga konseptong gagawin sa kabuuan ng pag-aaral.
Ika-pito, nagkaroon ang mga mananaliksik ng Disenyo at Paraan ng pananaliksik na makatutulong upang
maging epektibo ang pamamaraan pag-aaral.
Ika-walo, isinagawa ang Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos upang higit na maunawaan at
malaman ang mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng tekstuwal at biswal na pamamaraan. Ito rin ang

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”
______________________________________________ ____
magsisilbing paraan upang magkaroon ng matibay na basehan ang isasagawang hakbang at solusyon patungkol sa
suliraning pangwika na kinakaharap.
Ika-siyam, inlathala ang Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon ng isinagawang pananaliksik, ito ay upang
higit na makapagbahagi ng mga makabuluhang impormasyon na mayroong kaugnayan sa pagpapataas ng antas ng
kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-aaral.
Ika-sampu, ipapatupad ng mga mananaliksik ang mga solusyon at hakbang upang matiyak na mapataas ang
antas ng kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-aaral. Ito ay sa pamamagitan ng Sosyal Medya (Social
Media) at Personal na interaksyon o ugnayan.

Respondente

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay napagkasunduan ang pagkakaroon ng tatlumpu’t dalawa
(32) na mga piling mga mag-aaral upang maging respondenteng kasangkapan sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik
ay napagpasiyahan na ang mga respondente ay ang mga piling mag-aaral sa lahat ng baitang at pangkat ng Senior
High School sa Padre Vicente Garcia Memorial Academy Inc., Ito ay kinabibilangan ng lahat ng strand: ABM,
HUMSS at STEM mula sa Baitang 11 at Baitang 12.

Napili ang mga nasabing mag-aaral mula sa lahat ng baitang at pangkat ng Senior High School ng
nasabing paaralan sa kadahilanang sa kanila mismo nakatuon ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik
patungkol sa antas ng kaalaman at kakayahang pangwika ng mga mag-aaral. Kung kaya’t nararapat lamang na sila
ang maging respondente na makikiisa para sa ikatatagumpay ng pananaliksik.
Upang malaman ang mga mahahalagang impormasyon para sa pag-aaral o pananaliksik ukol sa paksang
“Antas ng Kaalaman at Kakayahang Pangwika ng mga Mag-aaral” nagkaroon ng patas na pagpili sa bawat
respondente na siyang kumatawan sa kinabibilangan nitong baitang at pangkat.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats1946.registrar@gmail.com
Tel Nos: Accounting Office: (043) 311-3927
Principal’s Office: (043) 783-8951
Registrar’s Office: (043) 341-5160

You might also like