You are on page 1of 25

Pahina |1

Father Saturnino Urios University


BP. PUEBLOS SENIOR HIGH SCHOOL
Filipino 211 – FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Bb. Esly Cherish Joie B. Agustin Marso 6, 2018


Guro: G. Ryan V. Balolot, MAPF

PANGWAKAS NA GAWAIN
IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN

ABSTRAK

Mga Negosyo ng Pamilya ay andito para manatili at magsipag

May maraming negosyo sa mundo, at ang 30% nito ay ang mga negosyo
na ang mga pamilya ang nagpapatakbo. Ganito kalaki ang porsyento nila dahil sa
maraming aspeto. Itong negosyong pinapatakbo ng pamilya ay hindi lamang
simpleng ama at ina na negosyo dahil ang ibang mga negosyo kagaya ng Walmart,
Mars, o Newscorp, na mga malalaking negosyo ay siyang napabilang sa negosyong
pinapatakbo ng mga kapamilya lamang. Kaya ang mga negosyong ito ay
pinapatkbo lang ng kanilang pamilya dahil ayon sa pananaliksik ni Vikram Bhalla,
mabilis lumago ang mga negosyong pamilya ang nagpapatakbo.
Sa unang pananaliksik ni Vikram Bhalla, ang mga negosyo na pinapatakbo
ng pamilya ay mahina sa pagpapalaki ng kanilang negosyo, ngunit mataas ang
pagpapaalago ng negosyo kung ang kita nila ang babasehan at ang mga utang
nila ay hindi gaanong kalaki. Ngunit sa ilang taong pagsasaliksik ni Vikram Bhalla,
ito raw ay ang kabaliktaran, dahil mabilis lumaki ang negosyo ng mga pamilya,
malaki ang mga utang nito at mahina ang pagpalago ng kita nila sa kanilang
Pahina |2

negosyo o hindi gaano malaki ang kanilang kinikita rito. Pero napaisip siya kung
bakit ba talaga kailangan ipagpatuloy itong negosyo sa pamilya, sabi ni Vikram na,
dapat manatili dahil kapag ikaw ang may-ari, ang mga tao ay pagkakatiwalaan
kayo dahil alam niyo kung paano pinapatakbo ang negosyo dahil ito ay dumadaloy
na sa iyong dugo. Tapos, alam mo ang bawat sulok ng negosyong pinapatakbo.
Sunod ay dapat unawain ang isa’t isa dahil ang pamilya lamang ng makakatulong
sa paghanap ng solusyon sa mga problema, huwag magdamot. At higit sa lahat,
huwag kumopya ng mga ideya upang magkaroonng sariling mga ideya o
orihinalidad para sa sariling ikabubuti.
Kaya sa kabuuan, sabi ni Vikram Bhalla, dapat panindigna ang negosyo,
huwag itong iwanan o hayaang maibigay na sa iba ang negosyo dahil ito ang
magpapalago sa kani-kanilang buhay at magsisilbing sagot sa lahat ng tanong sa
kanilang buhay.

Sanggunian: Ted Institute. (2015, Setyembre 4). “Vikram Bhalla: Family


Businesses are here to stay, and struve.” Retrieved from
https://www.youtube.com/watch
Pahina |3

BIONOTE

Si Gng, Gemma Plaza Tabada ay nagtapos ng Bachelor of Science


Commerce, Major in Accounting sa Father Saturnino Urios University. At naging
isang Kapitan sa Barangay Baan at nagmamay-ari ng negosyo ng kontraksyon.
Nagsumikap siyang makapera para sa kanyang mga anak dahil siya lamang
nagbubuhay sa kanila dahil wala na siyang asawa. Nagkanegosyo siya sa
konstraksyon dahil nagdalo siya sa mga seminar sa mga kalampit na mga
diskusyon nito. Kaya hanggang ngayon may ikabubuhay siya sa kanyang mga anak
na maging inspirasyon din niya sa pagtatrabaho para maging matiwasay na ang
kanilang buhay.
Pahina |4

SINOPSIS

Musika

May isang pamilya na masayang nabubuhay kasama ang musika, ngunit


isang araw ang ama ng pamilya ay umalis at hindi na bumalik pa, kaya inalis ng
ina ang lahat ng musika sa buhay nito. Habang lumipas ang panahon,
nakasanayan ito ng pamilya at lahat ng musika ay inayawan nila, ngunit ito’y hindi
naging hadlang kay Miguel, na apo ng pamilya, na talagang gustong maging isang
musikero. Dumaan sia sa maraming pagsubok napadpad sa mundo ng mga patay
at pinagpatuloy ang kanyang paglalakbay upang makamit ang minimithi, at
nakilala niya si Hector nna kanyang lolo pala at binigyan si Miguel ng biyaya mula
sa kanila upang ito ay makapagpatuloy sa kanyang buhay bilang isang musikero.
At si Miguel ay nakabalik na, naging isang musikero at ang mga memorya ng
kanyang nakalipas na pamilya ay palaging nasa kanilang mga puso.

Sanggunian: Unkrich, L. (2017). “Coco.” Walt Disney Pictures, Pixar Animation


Studios.
Pahina |5

SINTESIS

Pondo

Ang pondo ay importante sa maraming aspeto, lalo na sa bago


palang nagbubuo ng kanilang mga negosyo. Ang pondo ay hindi dapat basta-basta
lang. At ayon sa Investopedia, "A fund is a source of money that is allocated for a
specific purpose" ibig sabihin ay ang pondo ay ang pagmumulan ng pera para sa
nakalaan na tiyak na dahilan. Ang pondo ay maaaring maipagpatibay ng isang
dahilan, kagaya ng kapag ang gobyerno ay naglaan ng pera para magpatayo ng
gusali; isang kolehiyong paaralan na naglaan ng pera para sa pagpamimigay ng
scholarship; o isang insurance company naglalaan ng pera para sa pagbabayad sa
kanilang mga mamimili.
Ayon muli sa Investopedia, ang mga indibidwal, mga negosyo at ang
gobyerno ay lahat kailangan gamitin ang pondo upang makapaglaan ng pera. Ang
mga indibidwal at institutional investors ay maaaring maglagay ng pera sa
maraming iba’t-ibang klase ng pondo na may kasamang pagmimithi na makaipon
ng pera. Kagaya ng mutual funds na kung saan kinukuha ang pera galing sa
maraming investors. Habang ang gobyerno ay gumagamit ng pondo kagaya ng
tinatawag na special revenue funds upang sil ay makabayad sa mga pampublikong
bayarin.
Dapat natin alam ang importansya ng pondo. Ang pondo ay importante sa
indibidwal, mga kompanya at sa lipunan kasi ayon sa Fondbolagen forening, ang
pondo ay importante para sa mga personal na pananalapi at nagbibigay sa mga
nagtitipid ng parte sa pagtaas ng ekonomiya ng mundo. At ito rin ay nakatutulong
sa pananalapi ng mga kompanya sa kanilang pamumuhunan at sa pagtaas ng
socioeconomic dahil sa pagtitipid. Ayon naman sa Entrepreneur India (2016), ang
pagpopondo ng pera ay importante sa mga nagsisimula pa lamang sa
pagnenegosyo, dahil lahat ng pasimula pa na negosyo ay dapat may layuning
Pahina |6

makamtan at maipatayo ang kanilang negosyo na may kasiguradoang pagtaas ng


kita nila na walang hadlang at parang sumasang-ayon ang sabi ni Victoria Duff
(2017, Setyembre 26), na ang pera ay ang pampadulas at gasolina dahil sa ito ang
nagpapakinis ng desinyo, produksyon at marketing ng isang produkto; at ito ay
nagpapanatili sa paggawa ng mahusay. At ang huli ayon kay K.A. Francis, ang
negosyo ay walang-wala kapag walang pondong makukuhanan dahil mas aangat
ang sarili nitong mga utang.
Kaya masasabi talagang ang pondo ay ay maraming importansya at may
maraming maitutulong sa iba’t-ibang klase ng tao sa mundo.

Sanggunian:
Duff, V. (2017, Setyembre 26). “The importance of Funding for Business.” URL:
https://bizfluent.com/info-7752992-importance-funding-business.html
Entrepreneur India, (2016). “Know the importance of fundraising and funding for
start-ups.” URL: https//www.entrepreneur.com/amphtml/278450
Francis, K.A. (n.d.) “The importance of Funding for Business.” URL:
http://smallbusiness.chron.com/importance-funding-business-59.html
Fondbolagen forening. “The importance of funds for individuals, companies and
society.” URL: http://fondbolagen.se/en/About-us/The-importance-of-
funds-for-individuals-companies-and-society/
Investopedia. “Fund.” URL: https://www.investopedia.com/terms/f/fund.asp
Pahina |7

MEMORANDUM

Father Saturnino Urios University


BP. Pueblos Senior High
San Francisco St., Cor. J. C. Aquino Avenue, Butuan City

Para sa: Pangkat “Spatial” ng Father Saturnino Urios University, Bp. Pueblos
Senior High School, St. Benedict of Nursia

Mula kay: Esly Cherish Joie B. Agustin, mag-aaral, Father Saturnino Urios
University, Bp. Pueblos Senior High School, St. Benedict of Nursia

Petsa: 26 Enero 2018

Paksa: Pagdesisyon sa gagawing iba’t-ibang uri ng sining sa ekshibit

Mayroong magaganap na isang pagpupulong ngayong Enero 26, 2018 sa


pagdesisyon ng gagawing iba’t-ibang uri ng sining para sa nararating na ekshibit
sa Filipino 211. Inaanyayahang dumalo ang mga miyembro ng pangkat “spatial”
upang mapag-alaman ng kung ano-ano ang mga gagawin ng isa’t-isa sa nasabing
okasyon. Lubos na rin na hinihikayat na ang mga miyembro ay maging handa sa
nalalapit na iskedyul.
Pahina |8

ADYENDA

Oras: 3:00
Petsa: Enero 26, 2018
n.h. –
3:40 n. h.

Lugar: Ikaapat na palapag ng Father Saturnino Urios University, Bp. Pueblos Senior
High School, CBS 409 - St. Benedict of Nursia

Paksa/Layunin: Pagdesisyon sa mga gagawing iba’t-ibang uri ng sining sa ekshibit.

Mga Dadalo:
1. Esly Cherish Joie Agustin (mag-aaral)

2. Rovi Ray Patino (mag-aaral)

3. Mary Grace Balacuit (mag-aaral)

4. Jashery Orilla (mag-aaral)

Mga Paksa o Adyenda Taong Tatalakay Oras


1. Mga iba’t-ibang uri ng sining Rovi Ray. D. Patino 20 minuto

2. Magtatalaga kung sino gagawa ng tiyak na Mary Grace G. 20 minuto


uri ng sining Balacuit
Pahina |9

KATITIKAN NG PULONG

Father Saturnino Urios University


BP. Pueblos Senior High
San Francisco St., Cor. J. C. Aquino Avenue, Butuan City

Layunin ng Pulong: Ang pagpaplano/pagdedesisyon sa mga gawain na iba’t-


ibang uri ng sining sa ekshibit.
Petsa/Oras: Enero 26, 2018/3:00 - 3:40 ng hapon
Tagapanguna: Rovi Ray D. Patino
Bilang ng mga dumalo: Apat (4)
Mga dumalo: Esly Cherish Joie B. Agustin, Mary Grace G. Balacuit, Jashery V.
Orilla at Rovi Ray D. Patino

I. Call to Order
Sa ganap na alas 3:00 ng hapon ay pinasimulan ni Rovi Ray D. Patino
ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag ng atensyon ng mga kagrupo.
II. Pananlita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malungod na tinanggap ni Rovi Ray D. Patino,
tagpanguna ng pulong.
III. Pagtatalakay sa Adyenda ng Pulong
Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinatalakay sa
pulong.
Paksa Talakayan Aksyon Taong
Magsasagawa
P a h i n a | 10

1. Pagtatalakay sa 1. Tinalakay nina 1. Nagmungkahi 1.


mga iba’t-ibang uri Rovi Ray D. Patino ang lahat na bawat ▪ Esly Agustin
ng mga sining na at Mary Grace G. isa ay may dapat na
▪ Mary Grace
maaaring gawin ng Balacuit kung ano gawing sining
Balacuit
tiyak na miyembro. ang atasin sa isang upang may awtput
tiyak na sining. ang bawat isa sa ▪ Jashery Orilla

ekshibit. ▪ Rovi Ray Patino

2. Pagtatalaga sa 2. Tinalakay ni Mary 2. Nagmungkahi 2.


bawat miyembro sa Grace . Balacuit ang bawat isang ▪ Mary Grace
tiyak na sining na kung sino gagawa miyembro na kung Balacuit
gagawin sa ekshibit. sa isang tiyak na alin ang gagawing
sining. sining sa ekshibit.
IV. Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangan talakayin at
pag-uusapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na alas 3:40 ng hapon.
Iskedyul ng susunod na Pulong
Enero 29, 2018 sa CBS 409 ng Father Saturnino Urio University, 5:00 ng
hapon.

Inihanda at isinumite ni:


Esly Cherish Joie B. Agustin
P a h i n a | 11

POSISIYONG PAPEL

Pamimigay ng Condom: Isang Lamang o Hindi?

Ang Department of Health o DOH ay may planong magbigay ng condom sa


mga paaralan para sa mga estudyante dahil ayon sa DOH mula noong taong 2984
hanggang sa taong 2016 ay mayroong 38,114 na bilang ng taong may HIV(human
immunodeficiency virus) cases na ibig pinapahiwatig ng DOH ay dumarami na ang
bilang ng may sakit na ito. Ang DOH ay talgang naalarma o naabala sa pagtaas
ng bilang nito lalo na at ayong sa kanilang sarbey na ang edad mula 15 hanggang
24 ay ang mayroong mas naapektohan nito, na ibig sabihin lamang nito ay halos
ang kabataan ang naaapektohan ng HIV kaya naisipan nila ang stratehiyang
tinatawag nilang business unusual. Ang business unusual na stratehiyaay ang
pagbibigay ng mga condom ng libre sa mga estudyante, na gusto sana nila na
maipatupad at makasama ang Department of Education o DepEd sa planong ito
na tuparin ang stratehiya. Ayon naman kay Secretary Ubial ng DOH, ituturo rin
naman nila sa kabataan ang pamamaraan bago ito ipamigay, lalo na sa mga
magulang ng kabataan at gusto rin talaga ng DOH na kasama ang DepEd sa
planong ito dahil para makampante sila at mapadali ang pamimigay.
Ito kayang pamimigay ng condom sa kabataan na plano ng DOH ay isang
lamang? O hindi kaya ay maging hadlang lamang sa pagkamit ng DOH sa kanilang
gusto na bumaba ang bilang ng mayroong HIV? Ilahad muna natin lahat ng mga
lamang na maidudulot ng stratehiyang gustong ipatupad ng DOH: una ay
magkakaroon na ng safe sex ng dahil sa condom, lalo na at libre at direkta itong
mabibigay sa kabataan; pangalawa ay mababawasan na ang bilang ng kaso ng
abortion at maiwasan ng mawasak ang kinabukasan ng mga kabataan. Ngayon
naman ay ating ilahad ang mga hadlang o magiging mali kapag napatuloy ang
pamimigay ng condom: una ay ang pagkabukas ng malay ng mga kabataan na
P a h i n a | 12

pumasok na agad sa iresponsableng pakikipagtalik dahil magkaroon na sila ng


pag-iisip na pwede na kahit hindi pa sila kasal o kaya ay wala pa sa tamang edad;
pangalawa ay ang mga kabataan ay magdedepende na lamang sa condom na
ibibigay sa kanila; pangatlo ay mas lumalaki ang posibilidad na sila ay
makikipagtalik sa kahit kanino dahil ang nasa isipan nila ay pwede lahat gawin
dahil sa mayroon na silang condom na magagamit at akala nila ay maayos na ang
lahat apag may condom; at pang-apat, mabubuo nalang sa kanilang isipan na
maaari ng mag-sex o makipagtalik dahil may condom na ipinakilala sa kanila kahit
dapat pang-proteksyon lang itoo.
Maraming maaaring maging positibo at negatibong epekto itong nasabing
stratehiya ngunit may kanya-kanya tayong opinyon at para sa akin ay hindi ako
sang-ayon dahil sa mas nakumbinsi ako na mas makakasama ito kontra sa
makakatulong ito. At hindi ako sumasang-ayon dahil mismo ang simbahang
Katoliko na rin ang ayaw nito dahil sa maraming maaaring masamang mangyari.
Ngunit kahit ano pa ang masasabi natin sa isyung ito, dapat tayong manatiling
paniwalaan ang gusto at hindi gawing basehan ang tingin ng iba.

Sanggunian: Aurelio, J. (2016). Inquirer: “DOH to start giving out condoms in


schools next year.” Retrieved from
https://www.google.com.ph/amp/newsinfo.inquirer.net/
P a h i n a | 13

PANUKALANG PROYEKTO

Panukala sa Pagpapaayos sa mga Kable ng Kuryente


sa Ochoa Avenue, Barangay Limaha
Butuan City

Mula kay Esly Cherish Joie B. Agustin


Ochoa Avenue, Barangay Limaha
Butuan City
Ika-6 ng Pebrero 2018
Haba ng Panahong Gugugulin: 2-3 na linggo

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga suliranin na ikinahaharap at nararanasan ng mg taga
Ochoa Avenue, Barangay Limaha ay ang mga kableng hindi maayos-ayos
at ang mga poste ng kuryente na hindi na matibay o di kaya ay natumba
na. At dahil dito karamihan sa mga naninirahan ay naiinis, nagrereklamo
o pinapatawag na sa may nakakaalam kasi ito ay nakakadulot ng brown-
out at ito rin ay delikado dahil maaari itong maguho, maputol o kahit ano
pang dahilan. At dahil dito, nakakaantala na ito sa pang-araw-araw na
gawain at kailangan na maaaring resulta rin ng mga sirang kable.
At dahil sa problemang ito, mangangailangan ang Ochoa Avenue,
Barangay Limaha ng mga kagamitan at mga tao na mag-aayos ng mga
kable at poste upang maiwasan na ang pagkawaka ng kuryente sa Ochoa
Avenue at walang masasaktan o maiwasan ang mga delikadong kable o
poste sa mga maninirahan doon.
II. Layunin
P a h i n a | 14

Mapalitan at maisaayos ang mga kable at poste ng mga kuryente upang


hindi na delikado at maiwasan na ang pagkawala ng kuryente.
III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagbibigay at pagpapaaproba sa punong tagapamahala ng Barangay .
(dalawang araw)

2. Pakikipagpulong sa mga miyembro ng proyektong pagpapaayos.


(dalawang araw).

3. Pagbibigay ng badyet para sa proyekto. (isang linggo)

4. Paghahanap at pagbibili ng mga materyales na gagamitin sa pag aayos.


(dalawa hanggag tatlong araw)

5. Iskedyul sa pagsasagawa ng proyekto. (dalawang araw)

IV. Badyet
Mga gastusin Halaga
1. Mgaa materyales para sa pagsasaayos P 50,000- P 80,000
ng mga kable at poste.
2. Ibabayad sa magsasagawa ng P 50 000- P 60 000
operasyon.

V. Layunin
Ang pagsasaayos ng mga sirang kable at poste sa Ochoa Avenue, Barangay
Limaha ay magbibigay kaligtasan sa mga naninirahan dito, ito rin ay makaktulong
na maiwasan ang pagkawala ng kuryente ito ay hindi na makakaantala sa mga
pang araw-araw ng gawain ng mga nakatira sa Ochoa Avenue at higit sa lahat
maiiwasan ng magkaroon ng problema na maidudult ng sirang kable at poste.
P a h i n a | 15

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Pagkalunod sa sobrang pag-iisip

Dumadaan ang isang tao sa madami at iba’t-ibang klase ng pagsubok, taon-


taon, araw-araw, oras-oras, minu-minuto o kahit na kada segundo ng buhay nito
kaya minsan hindi maiwasang mapag-iisap na lamang ng bigla kung ano ang
maaaring mangyari sa buhay? Bakit kaya ito nangyayari? Kailan kaya ang panahon
na ako ay magiging masaya na talaga? Saan? Kanino? Parati na lamang na nasa
isipan ay ang mga negatibong mangyayari. Paminsan-minsan ay nagmumokmok
lamang sa gilid parang wala sa mundo. Palaging wala sa sarili, para bang walang
naiintindihan sa sarili. Gusto nito, gusto niyan, halos lahat ay gustong mangyari o
gustong maangkin dahil sa sobra-sobra na ang pag-iisip.
Mahirap talaga intindihin kung ano ang iniisip ng tao, sarili ko nga hindi
madaling maintindihan, paano pa kaya ang iba. Ngunit marami akong teyorya kung
bakit hindi ko maintindihan ang aking sarili. Una ay dahil siguro hindi ko gustong
makarinig sa mga masasamang masasabi ng iba sa akin kaya minsan ay tahimik
lang akong nakaupo sa gilid ngunit ang isipan ay sobrang maingay. May panahon
din na sa tingin ko ay mali ako parati o ang kabaligtaran na ako ay parating tama,
kaya maingay na naman itong isipan ko. May mga araw din na bigla na lamang
gusto kong mapag-isa, siguro dahil gusto ko tahimik lang pero ang totoo ang isipan
ko lamang ang talagang maingay. Ilan lamang iyan sa mga pangyayaring
naranasan ko, na kung bakit hindi ko maintindihan ang aking isipan. Pero dumating
rin ang araw na napagtanto ko na dapat ko na sigurong iwasan magmokmo, mag-
isip at mag-isip ng kung ano-ano dahil ako lang mismo ang nagpapahirap sa aking
sarili. Dapat isipin kong hindi dapat laging sakto sa lahat ng gagawin o hindi dapat
palaging planado ang lahat ng ginagawa.
P a h i n a | 16

Kaya sa huli ay naisip ko na hindi naman talaga ako nag-iisa dahil may
pamilya at mga kaibigan ako na maaaring tumulong sa akin sa pamamagitan ng
pagsasabi ko ng aking mga problema sa kanila, mga problemang galing sa aking
sarili at pati na sa pang-araw-araw na buhay. Dapat hindi ko kinikimkim sa aking
sarili itong mga problema. Hindi ko rin dapat hinahayaang mag-ingay ang aking
isipan dahil sa mga problema. Huwag na huwag ko na dapat itong hayaan mag-
ingay ulit lalong lalo na kung angkapaligiran ay tahimik dahil may marami pang
dapat tingnan sa buhay. At dapat hindi talaga palaging mag-isip kasi ayon kay
Robert M. Drake “Don't think. It complicates things. Just feel and if it feels like
home, then follow its path” na ibig sabihin ay pinapagkomplikado lamang nito ang
mga bagay, at dapat damdamin lang ito at kapag nadama na ang parang nariyan
na ang iyong kapamilya at mga kaibigan ay sundan mo lang ang daan na iyon at
hindi dapat isipin muli ang gagawin.

Sanggunian: Drake, R. (2018). Goodreads Inc.: Qoutable Qoute; “Don’t think. It


complicates things. Just feel, and if it feels like home then follow its path.”
P a h i n a | 17

LAKBAY SANAYSAY

Ang Paglalakbay sa Isang Maaliwalas na Lugar

Camiguin, Philippines

Sa panahon na ito, noong kami ng aking pamilya ay naglakbay sa Camiguin


ay hindi ko pa talaga alam na magagamit ko pala ang mga larawan o litratong
kinuha ko habang kami ay bumabiyahe or patungo o di kaya noong pauwi na kami
at lalong-lalo na noong oras na nandoon kami sa mga magagandang parte ng
Camiguin.

Kaya itong lugar ng Camiguin ang naisipan kong gawan ng lakbay sanaysay,
hindi lamang dahil sa marami akong nakunan na litrato pati na rin dahil maraming
magagandang tanawin at magagandang kaganapan ang naranasan ko doon.

Sisimulan ko ang aking pagkukwento sa


mga pangyayari sa aming paglalakbay sa
imaheng ito, dito kami ng aking pamilya at
kaibigan ng aming pamilya naghintay upang ang
aming sasakyan at pati na kami ay makasakay
ng barko patungo sa isla ng Camiguin. Kaya
habang naghihintay naisipan kong kumuha ng
litrato dahil gusto lang sana ito ipakita sa aking
mga kaibigan, at hindi ko naman inakala na
magagamt ko rin pala ito para maipahayag ang
naranasan ko dito sa lakbay sanaysay.
P a h i n a | 18

At dito naman sa litratong ito, ako ay napagod


sa kakaantay namin na kami na ang susunod na
maisakay sa barko, dahil sa panahong ito ay tag-init,
ibig sabihin maraming turista ang gusto rin makaranas
sa ganda ng Camiguin. Kaya sa panahon diyan sa
litratong iyan ay ako ay napagod sa paghihintay at
napakuha na lamang ng litrato ng aking sarili.

Sa panahon ng pagkuha ko ng litratong


ito ay malapit na malapit na kami kaya
pinagsabihan ko ang aking kapatid na kunan ako
ng litrato para may maalala ako sa nangyari sa
amin sa panahon na ito, at dahil na rin ako ay
talagang sabik na sabik ng makaabot sa Camiguin.
Kaya nga rin mayroon na akong suot na
‘sunglasses’ kahit hindi pa kami nakaabot sa
Camiguin.

Dito naman sa litratong ito, kinuha ko


ang litratong ito dahil sa nakita na namin ang
sasakyan namin na gagamitin sa paglalakbay
doon sa Camiguin, ibig sabihin makakasakay
na kami sa barko at ilang oras nalang
makakaabot na kami sa aming destinasyon.
P a h i n a | 19

Kaya dito sa litratong ito,


sabi ng aming ina ay kumuha na
raw kami ng litrato kami
magkakapatid para may
mababalik-tanaw kami sa susunod
at maaalala namin na kasama
namin ang isa’t isa sa kahit saan
man kami mapunta o sa kahit saan
man maglakbay.

Sa wakas ay nakasakay na
kami sa barko at papunta na kami
sa isla ng Camiguin, at habang
naghihintay na makaabot ay
kinunan ko ng litrato ang paligid at
ako ay umupo lamang at binigyang
pansin ang kagandahang taglay
nito.

At kami ay nakarating na rin sa Camiguin, kung


saan may maraming tanawin na maaliwalas sa
mata kung tingnan at kung saan ka
makakapagpahinga at maengganyo sa likas na
yaman na taglay at lalo mo itong matatamasa
kung kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
P a h i n a | 20

Ang paglalakbay namin ay


nagsisimula pa lamang at ang unang
napuntahan namin sa isla ng Camiguin ay
ang kanilang ‘Sunken Cementery’ na
noong ay isang simpleng sementeryo lang
hanggang sa ito ay natabunan ng tubig
kaya ito itinawag na ‘sunken cementery’.
Dito maeengganyo ka sa tanawin lalo na
kung kagaya sa amin noong umabot kami
doon ay malapit nang gumabi kaya makikita mo ang araw na medyo palubog na
at saktong-sakto ng mamahinga habang tinatamasa ang tanawin.

Bago kami pumunta sa tutulugan namin ay


dumaan kami sa “Ardent Hot Spring Resort’ at
nagpahinga dahil sa pagod na ang lahat sa mga lakad
na nangyari sa araw na iyan at nagkukwentohan
lamang kami ng aking pamilya upang masulit ang
sandali.

Kinabukasan ay
ipinagpatuloy namin ang aming
paglalakbay at kami naman ay
napadpad sa tinatawag nilang
‘Naked Island’ ng Camiguin dahil
sa wala kahit isang puno ng
niyog ang nandoon sa islang
iyon. At noong nandoon na
kami, ako ay sumisid sa ilalim at tiningnan ko ang ganda na nakatago sa ilalim ng
P a h i n a | 21

dagat kung saan makikita mo ang iba’t ibang klase ng isda at doon din ako
naengganyong lumangoy-langoy kasama ang aking mga kapatid.

Pagkatapos, kami naman ay nakarating sa


‘Katibawasan Falls’ ngunit noong nandoon kami ay
tumingin-tingin lamang kami sa lugar at hindi kami
pumunta doon upang maligo o lumangoy. Pero kahit
na hindi kami naligo doon ay namangha naman kami
sa ganda ng lugar at kumuha kami ng maraming litrato
at isa nga lamang ito sa dami-dami kong kinuhang
litrato.

Sa litratong ito naman ay kinunan sa


sumunod na araw at itong araw na ito ay
mamamaalam na kami sa Camiguin dahil uuwi
na kami dahil natapos na rin ang aming
paglalakbay, mauulit pa man o hindi ay palagi
ko itong babalik-tanawin upang maalala ko ang
mga magagandang karanasan ko habang nasa
Camiguin kami.

Kinuha ko ang litratong ito dahil talagang


papalakad na kami palabas sa lugar kung saan kami
natutulog. Ibig sabihin ay talalagang paalam na muna
Camiguin at sa susunod na naman na paglalakbay ko
ng aking pamilya ay baka mabisita ka muli.
P a h i n a | 22

Mabilis kaming nakarating sa


barko at kumuha kami ng aking
pamilya ng litrato upang mapabilang
ito sa magiging memorya namin sa
paglalakbay na ito kahit halata na
talagang nakakapagod maglakbay
ay ngumiti pa rin kami at talagang
naengganyo naman kami sa
naranasang paglalakbay.

Umaandar na ang barko at pabalik na kami, ako


ay nalulungkot at babalik na naman muli sa bahay kasi
wala na namang magagawa kung hindi ay
magmukmok at matulog. Kaya ako ay talagang
kumuha ng litrato ng aking sarili na nalungkot dahil
uuwi na. Pero ayos lang dahil hindi lahat ng tao ang
nakakaranas ng paglalakbay ng ganitong klase dahil
sa magastos din kasi ang maglakbay kaya dapat
nalang natin isipin na masaya lamang at huwag
maging negatibo.

Kaya hanggang sa muli Camiguin, at baka sa


susunod na paglalakbay ko ay mabisitang muli ang
napakagandang tangi. Sa litratong ito ay gusto kong
ipakita na mahal na mahal ko ang paglalakbay lalo na
kung may dala akong ‘sunglasses’ dahil makikita mo
ang tanawin kahit sobrang init man. At talagang
napagod na akong kumuha ng aking sariling litrato
dahil papababain na kami sa barko sa mga oras na
iyan at kumuha nalang ako ng litrato sa may likorang
ng mabilisan upang makababa na ako agad.
P a h i n a | 23

TALUMPATI

Para sa mga nang-aapi

Sa mga nang-aapi sa mga taong alam nilang mahina, salamat sa inyo. Sa


mga nang-aapi ng mga mahihina ang kumpiyansa sa sarili, salamat sa inyo. Sa
mga nang-aapi sa mga taong walang tiwala sa sariling kakayahan o talento,
maraming salamat sa inyo. Sa lahat ng klase ng mga nang-aapi, mapa-pisikal man
o berbal, salamat.
Salamat, salamat, sa mga salitang masasakit na salita kung para sa inyo ay
parang bula lamang na mabilis mawala, ngunit para sa lahat ng naaapi ay parang
tatu na ang marka ay panghabang-buhay ng nakalapat sa puso at isipan at ito ay
nawa’y naging tulong sa lahat ng naaapi, dahil sa mga salitang iyon ay ang
nagpamulat ng aking mga mata ng lahat sa katotohanan na dapat maging matatag
sa kahit anumang salita ang ibato o itapon mapaharap man o hindi. Salamat,
salamat, dahil pinahina ninyo ang kumpiyansa ng mga mahihina, sa mga oras na
talagang kinakailangan ito ng nakararami, kasi ito ang nagsilbing ilaw upang
magmulat sa liwanag na dapat ng lakasan ang tiwala sa sarili, sa kakayahan at sa
talento, at hindi na dapat pansinin ang mga opinyon na nagpapahina ng
kumpiyansa sa sarili. Salamat, salamat, sa pagiging malupit na pagtrato na
hanggang sa itinuring din itong motibasyon sa sarili upang makatayo mula sa
pagkatumba sa mga kinakaharap na pagsubok sa buhay. Salamat, salamat, sa
pagiging inspirasyon, kahit na hindi man sa magandang pamamaraan ay nagsilbi
itong tulong sa lahat ng naaapi dahil pinaniwala niyo ang lahat ay may kakayahan
na itinatago o hindi pa naipapalabas ang talento o kakayahan dahil sa pagkakulang
sa sarili.
Kaya salamat, salamat, sa lahat ng mga nang-api dahil hindi ninyo na
namalayan na may maalaking tulong ito dahil hindi agad namalayan sa simula na
may malaking tulong ang mga mali ninyong nagawa at hindi rin namalayan na
P a h i n a | 24

may malaki itong parte sa pagiging mapagtagumpay ng isang tao sa kanilang


buhay dahil kayo ay nagsilbing daan upang makakamit ang mga gustong
makamtan at kayo ay nagsilbing sandata sa sariling kalaban, ang sarili. At dapat
pasalamatan talaga angmga nang-aapi dahil ayon kay Mahatma Gandhi
“Whenever you are confronted with an opponent, conquer him with love.” na ang
ibig lamang sabihin ay dapat kung ating haharapin ang ating mga kaaway o
kalaban o ang mga nang-aapi ay labanan sila ng pagmamahal imbes na batohin
ito ulit o awayin kasi lalo lamang itong nakakasama.

Sanggunian: Gandhi, M. (2018). Goodreads: Enemies Quotes; “Whenever you are


confronted with an opponent, conquer him with love.”
P a h i n a | 25

PHOTO ESSAY

You might also like