You are on page 1of 19

PORTFOLIO

SA
PAGBASA AT
PAGSUSURI
LORA ALYSSA A. UNTALAN
11 – DAWRWIN
MA’AM IRENE GARCIA
PERSUASIB
PROYEKTONG PANGKABUHAYAN, TANGKILIKIN
Anong uri ng lipunan ang inyong ginagalawan kung walang pamahalaang may kakayahang
magpanatili ng kapayapaan at kaayusan? Kung ang lipunan ay punung-puno ng kapangyarihang
walang iniisip kundi ang pansariling interes. Mahalaga ang pamahalaan, sila
ang nagbibigay ng proteksyon sa mga karapatan ng tao at nagpapataw ng parusa sa mga lumalabag
sa karapatan ng tao.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang Pilipinas ay patuloy sa pagpapangkat ng kabuhayan ng mga


Pilipino at sa pagpapahalagang moral ng tao maging sino ka man. Iba’t ibang proyekto ang mabisang
naisagawa ng pamahalaan. Isa rito ang naisagawang pambansang rekonsilasyon ang nagbigay sa
mga dating komunista at humiwalay sa pamahalaan ng tulong sa mga proyektong pangkabuhayan.
Ang layunin ng proyekto ay maiangat ang kalagayan sa lipunan.
Ang Departamento ng Pamahalaang Panglokal ang pangunahing ahensya ng pamahalaan ang
nagtaguyod sa Pambansang Rehabilitasyon at Programang Pangkalinangan sa pakikipag-ugnayan
sa Departamento ng Kalakal at Industriya, Departamento ng Agrikulttura, Repormang Pang Sakahan,
“National Housing Authority” at iba pang pangunahing ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga proyektong pangkabuhayan ay produksyon ng bigas at mais, pag-aalaga ng baboy,
at sari-sari store, manukan at pag-aalaga ng kambing at “see weeds farming”. Nais ring matulungan
ang mga dating rebelde na maging produktibo at magkaroon ng mapayapang buhay. Ang ayaw na
manirahan sa dati nilang lugar ay ipadadala sa iba’t ibang sentro ng bayanihan sa buong kapuluan.
Sa proyektong ito, umasa ang pamahalaan na maraming rebelde ang susubo at maaaring
makaatulong sa paglutas ng problemang “insurgency” upang matamo ang tunay na kapayapaan sa
sariling bansa.

Mabisa ang proyektong ito, marami pang ginagawa ang pamahalaan para sa kabutihan ng lahat ng
uri ng mamamayan, mahirap man o mayaman, matalino man o mangmang, bata o matanda, may
kapansanan o wala at kahit saan mang sulok ng Pilipinas ay magpapatuloy ang ating pamahalaan sa
kanyang dakilang layunin.

Halina at makiisa tayo sa ikatatagumpay ng lahing Pilipino!


I. Angkop baa ng pamagat sa nilalaman ng teksto?
- Oo, dahil nakasaad sa teksto ang mga pangkabuhayan ng mga Pilipino at sinasaad
din din ang mga batas ukol dito.
II. Mga salitang nararapat bigyang kahulugan
- Rekonsilyasyon – pagkakasundo
- Insurgency – pagbabangon
- Mangmang - isang hindi kaaya-ayang katawagan para sa mga mamamayang hindi
marunong bumasa o sumulat
- Rehabilitasyon - nagbibigay ng maraming serbisyo kasama pati pisikal, pananalita at
pang gamutan.
III. Paksa ng teksto.
- Ang paksa ng teksto ay maiangat ang kalagayan ng lipunan. Nais bigyang pansin ang
kabuhayan ng mga Pilipino dahil napapansin na maraming mamamayan ang wala
pang trabaho. Dahil dito ay dapat bigyang pansin ng ating Pamahalaan at bigyan ng
pondo upang magibyan na ng trabaho ang mga ito.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig.
- Sarili: Dapat din nating pangalagaan ang ating pag-aaral. Tayo ay magsikap upang
hindi tayo maging pabigat sa ating pamilya at tayo ay makatulong na din sa ating
bansa.
- Pamilya: Nakakatulong ito sa atin dahil nais din nating mapaunlad hindi lang ang ating
sarili kundi pa din ang ating bansa.
- Bansa: Dapat na bigyang pansin ng ating pamahalaan ang ganitong sitwasyon dahil
hindi tayo uunlad kung patuloy na dumadami ang mga mamamayang hindi pa
nakakapag trabaho.
- Daigdig: Dapat din na makiisa ang ating kapwa bansa upang tayo ay mas mapaunlad.
Mararapat lang na tayo ay magkawang gawa.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay as uri.
- Sa aking palagay ay hindi ito angkop Persuasib dahil hindi koi to nakitaan ng
panghihikayat. Mas nagbibigay siya ng impormsyon kaysa sa panghihikayat.
HALINA’T SUMALI SA AMING KAPATIRANG BETA SIGMA

Inaanyayahan po naming kayo na sumali o sumapo sa aming kapatirang Beta Sigma Palawan State
University Chaptr. Nangangailangan po kami ng mga estudyanteng masisipag mag-aral, matataas
ang mga marka at walang bagsak na grado sa kinukuhang kurso. Iniimbitahan po naming kayo na
dumalo sa aming oryentasyon na magaganap sa College of Engineering Architecture and Technology
(CEAT) sa Petroleum Building Room number 14. An gaming kapatiran ay makakatulong sa intog pag-
aaral lalo na’t kung ikaw ay kumukuha ng kurso sa Engineering dahil nag-aalok kami ng libreng
pagtuturo o tutorial lalo na sa Matekamtika dahil karamihan sa amib ay nag-aaral at nagtapos sa
Engineering at isang Propesor na nagtuturo sa CEAT.
We are not just a Fraternity,
We are Family and a Brotherhood of Scholars.
No hazing just Indoctrination and Service.
Benefits if you join:
- Free tutorials especially in your math subjects
- To train as a good leader
- To make a good influence citizen
- Have an endless friendship and brotherhood

Kaya join na sa aming kapatiran.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng tektso?


- Oo, dahil nanghihikayat ang teksto na mapabilang sa kanilang samahan.
II. Mga salitang nararapat bigyang kahulugan.
- Kapatiran – grupo ng isang samahan at ito ay may iisang layunin.
- Propesor – isang guro sa kolehiyo na nagtuturo ng kanilang piling kurso
- Marka – ito ay ang resulta ng iyong pagsusulit; grado
III. Paksa ng teksto
- Ang paksa ng teksto ay ang paghihikayat sa mga mag-aaral na dumalo at sumali sa
kanilang kapatiran na nagngangalang Beta Sigma. Inaanyayahan at kumukuha sila ng
mga mag-aaral upang maging miyembro ng kanilang samahan o kapatiran.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa daigdig.
- Sarili: Makakatulong ito sa ating pag-aaral dahil ito ay may libreng pagtuturo lalo na
sa mga kumukuha ng Engineering.
- Pamilya: Makakatulong ang samahan na ito sa kanilang mga anak upang hindi sila
bumagsak sa kani-kanilang kurso. Makakatulong din ito sa kanila upang sila ay
makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
- Bansa: Makakatulong din ito sa ating bansa dahil isa ito sa tumutulong upang
mapabuti ang lagay ng mag-aaral at mabibigyan sila ng inspirasyon upang sila pa ay
magpatuloy at magsipag sa kanilang pag-aaral. Makakatulong din ito na mapaunlad
ang ating bansa.
- Daigdig: Makakatulong ito sa ating daigdig sa paraang lahat ay magiging edukado at
may respeto sa ating kapwa tao. Mapapaunlad din nito an gating daigdig kung tayo ay
magkakaisa na bigyang pansin ang edukasyon ng bawat isa.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop sa uri.
- Ito ay angkop sa Tekstong Persuasib dahil ito ay nanghihikayat ng mga mag-aaral na
sumali sa kanilang samahan o kapatiran. Nagbigay din ito ng benepisyo sa mga mag-
aaral na nakakapang-akit ng atensyon sa kanila. Ito rin ay may mga hangarin na lalong
magbibigay ng panghihikayat sa mga mambabasa.
DESCRIPTIB
NARATIBO
ARGUMENTATIB
PROSEDURAL
ANG GINTO SA ATING KAPALIGIRAN
May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-
araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na
matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto,
ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang.
Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating
kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo
sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga
malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa
pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya,
nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog
na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural
ang pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos.
Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing
linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga
kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na
nagdadagdag kagandahan sa paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng
pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na
mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil nilalahad ng teksto an gating kapaligiran na sumisimbolo sa ginto.
Sinasabi din dito na hindi lamang ginto ay mismong ginto. Maaari din itong maging
ating kapaligiran na dapat nating alagaan.
II. Mga salitang nararapat bigyang kahulugan.
- Kapaligiran – makikita sa pang-araw araw na pamumuhay ng isang tao; paligid.
- Planeta – ang ating daigdig.
- Sangkap – mga kagamitan sa isang partikular na bagay.
- Nasisilayan – nakikita
III. Paksa ng teksto.
- Nilalahad nito ang ating kapaligiran na isang ginto na dapat nating ingatan. Dapat
din natin itong pahalagahan dahil isa ito sa tumutulong sa ating upang mabuhay
araw-araw.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig.
- Sarili: Dapat nating ingatan ang ating kapaligiran dahil tayo ay tinutulungan nito.
- Pamilya: Makakatulong tayo sa ating kapaligiran sa simpleng paglinis ng ating
tahanan. Dapat magkaisa ang bawat miyembro ng ating pamilya upang makamit
ang hangarin na ito.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tektong dekriptib dahil ito ay naglalahad at nagbigay ng
eksplenasyon na magbibigay kaalaman sa atin. Inilahad niya na dapat nating
ingatan ang ating kapaligiran at ito ang pinaka-magandang gintong ipinagkaloob
sa atin ng Diyos.
BORACAY
Boracay ay isang tropkial na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa
timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng panay sa Kanlurang
Visayas ng Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa.
Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 na
barangay na binubuo ng bayan ng Malay). At nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine
Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang
Panlalawigan ng Aklan.

Ang Boracay ay ang pinakamatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista. Ang


pinakamagandang bahagi sa isla ay ang apat na kilometrong ‘White Beach” na ito ang
pinakamagandang baybayin sa buong mundo at nahirang noon 2012 sa Travel at Leisure
Magazine bilang “best island in the world.” Ang nagpapaligid nitong tubig ay mababaw at
ang buhangin at mas mapino at maliwanag sa iba’t ibang baybayin sa kapuluan.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil naglahad ito ng impormasyon tungkol sa Boracay. Nagbigay din
ito ng deskripsyon ayon sa nasabing lugar.
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Pulo o Pulo– isang bahagi ng lupa na mas higit na maliit sa kontinente at
higit na Malaki sa baton a napapaligiran ng tubig.
- Matatagpuan – makikita at/o mapupuntahan.
- Baybayin – tabing dagat.
III. Paksa ng teksto
- Ang paksa nito ay nagpapahayag at naglalahad tungkol sa Boracay.
Nilahad nito ang mga barangay katulad ng Manoc-Manoc, Balabag at
Yapak. Sinabi din sa teksto na isa ito sa pinakamagandang isla sa buong
mundo at ito ay pinakatanyag na baybayin na dinarayo ng mga turista.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: Maihahalintulad natin ang ating sarili sa ganda at kaayusan ng isla
ng boracay. Kung aalagaan natin ito ay lalo pa itong gaganda at magiging
maunlad din ito. Katulad sa ating sarili, dapat nating pangalagaan ang sarili
natin.
- Pamilya: Magbigay ng impormasyon sa bawat miyembro ng pamilya ukol
sa kaayusan at kagandahan ng isla ng Boracay.
- Bansa: Ang isla boracay ay matatagpuan sa ating bansa—Pilipinas. Tayo
ay maswerte dahil nandito sa atin ang isa sa pinakamagandang isla sa
buong daigdig.
- Daigdig: Malaman ng buong daigdig na tayo ay may ganitong kagandang
isla at dapat nilang puntahan at tangkilikin ito.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Deskritib dahil ito ay naglahad at nagbigay ng
datos patungkol sa isla ng Boracay. Nilahad nito ang angking kagandahan
ng isla at inilahad din nito ang kagandahan at kaayusan ng White Beach ng
isla.
ANG ALAMAT NG MACOPA
Noong unang panahon ay may isang bayan na malapit sa bundok na halos napapaligiran ng
malapulong gubat. Ang mga mamamayan dito ay maligaya at sagana sa kanilang pamumuhay. Sa
mga bukirin ay may masaganang ani, na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.

Ang kanilang simbahan ay may mataas na kampanaryo na may isang kampanang ginto na may
napapaloob na hiwaga at ang paniniwala nila’y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa at buo
ang tunog. Kapag naririnig nila ang tunog nito, ang bawat tao’y sapilitang mapapaluhod at taimtim na
nagdarasal at nagpapasalamat dahil sa biyaya nilang tinatanggap.

May mga tao naman na masama ang kanilang hangarin sa kampanang ginto. Nais nilang nakawin ito
at ipatunaw dahil sa malaki ang halaga nito. Isang araw, nagimbal ang buong bayan dahil nawawala
ang kampanang ginto. Ito raw ay ninakaw at hindi nila alam kung saan itinago. Nalingkot ang mga tao
pagkat hindi na nila maririnig ang tunog ng kampana na nagbibigay sa kanila ng suwerte sa
pamumuhay. Lumipas ang maraming buwan, ang kampana ay tuluyan ng nawala at hindi na makita.
Ang bayan ay nabalot ng kalungkutan at ang mga tao ay nakalimot na sa kanilang pagdarasal at wala
ng pumupunta sa simbahan.

Isang umaga, ay maraming tao ang nagulat isang punong-kahoy na tumubo sa tabi ng kumbento. Ito’y
punong-kahoy ng bunga na hugis kampana. May matandang nagsabi sa kanila na ang puno ay
palatandaan lamang na wari’y doon nakalibing ang kampanang ginto at ito’y dapat nilang hukayin.
Hinukay ng mga lalaki ang puno at kanilang nakita ang kampanang ginto. Laking tuwa ng mga tao at
lahat sila’y nagtungo sa simbahan para magpasalamat sa pagkabalik ng kanilang kampana.
Makailang sandali ay naibalik na ito sa dating kinalalagyan at narinig na nila abg tunog nito na tanda
ng kasiyahan at katahimikan ng buong bayan.

Ang puno ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng bunga na kawangki ng kopa at ito’y tinawag nang
makopa.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil isinalaysay niya ang bawat pangyayari. Isinalaysay nito ang alamat ng
macopa at bakit ito tinawag sa ganitong pangalan.
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Hangarin – matamasa o layunin ng isang indibidwal
- Tinatamasa – natamong yaman o sarap sa buhay.
- Kumbento - tumutukoy sa komunidad ng relihiyosong kababaihan habang ang
monasteryo ay sa relihiyosong kalalakihan; subalit noo'y ginagamit ito ng halinhinan.
III. Paksa ng teksto
- Ang paksa nito ay tungkol sa alamat ng macopa na noong unang panahon ay isang
kampana. Ang kampana ay nagsisimbolo ng kaginhawaan at kapayapaan ng kanilang
bayan.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: Muugnay natin ang macopa sa ating sarili bilang isang matino at mapayapang
tao. Na walang kasamaan ang nasa isip at pagiging mabuti ang hangarin. Dapat din
tayo ay laging nagdarasal. Sa bawat biyaya at pagsubok na binibigay sa ating ng
Diyos.
- Pamilya: dapat nating ipatupad ang kapayapaan sa ating pamilya. Dapat walang ay
hidwaan na magaganap sa bawat miyembro ng pamilya at walang gulo.
- Bansa: Katulad sa pamilya ay dapat nating panatiliin ang kapayapaan sa ating bansa
at dapat na lamang na itigil na ang kung ano mang hidwaan na nagaganap sa loob ng
ating bansa.
- Daigdig: dapat na tayo ay magkaisa at magkaroon ng kapayapaan at tahimik na
pamumuhay. Dapat na itigil na din ang mga hidwaang nagaganap sa mga bansa dahil
tayo tayo din ang magtutulungan sa huli.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Naratibo dahil ito ay nagkwento ng alamat ng Macopa.
Nagsalaysay din ito ng pangyayari na kung paano naging macopa ang pangalan ng
punong ito. At naglahad din ito ng iba pang pangyayari.
ANG GALIT NG ALON SA TINIG NI MARIA
Noong unang panahon, sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang
magbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa
naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay isang anak ng isang mangingisfa na namatay sa gitna
ng pasipiko dahil sa hampas ng alon, simula noon ay lagi siyang pumupunta sa dalampasigan ng
mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala
ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na may
kapangyarihan ang ginituang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kanyang pagkahinto sa
paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.

Sa katahimikan ng gabi ay naghasik ang napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain
sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon
muli ay naghampas siya ng napakalaking alon, nagmadaling araw tinawag ng isang matanda si Maria
at sinabi nitong kailangan ng buong mamamayan, ng buong isla ang kanyang kapangyarihang tinig
upang tumigil ang Haring Alon.

Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon. Hindi niya ininda ang hampsa
ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan. Nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon
at mula noon ay hindi na muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga
tao ng walang takot ay pangamba sa kanilang puso.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil isinalaysay niya ang bawat pangyayari. Isinalaysay nito ang bagsik ng alon
ni Haring Alon at kung paano napaamo ni Maria gamit ang kanyang ginintuang boses
ang mababagsik na alon nito.
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Naghasik – nakipaglaban; nagsaboy ng galit
- Dalampasigan – anyong lupa na mabuhangin na katabi ang katawang tubig o dagat.
- Ininda – tiniis ang isang sitwasyon, bagay o pangyayari.
- Pangamba – takot o hinala
- Sagupaan – pag-aaway sa dalawang indibidwal o grupo.
III. Paksa ng teksto
- Ang paksa nito ay tungkol sa galit ni Haring Alon na ang makakapagpawi lang non ay
ang ginituang tinig ni Maria. Sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik at
kumakalma ang mga alon sa dagat. Nang tumigil si Maria sa pagkanta ay tila nagalit
ito at noong kinagabihan ay naghasik ito ng lagim. Nakipaglaban ang babae kay haring
Alon dahil marami na ang namamatay sa malalaking hampas ng alon nito.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: Maging matatag at matapang upang maipagtanggol ang ating sarili sa mga
taong mapang-api.
- Pamilya: Dapat na tayo ay magtulungan dahil walang makakatulong satin sa huli kundi
ang sarili at pamilya lamang natin.
- Bansa: Mawawalan ng pangamba ng mga mamamayan kung tayo ay may proteksyon
at magiging mapayapa ang ating pamumuhay kung walang mapang-api ang dadating.
- Daigdig: Hindi matatakot ang mga tao na maglibot sa mga lugar na di pa nila
napupuntahan.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Naratibo dahil ito ay nagkwento tungkol sa galit ng Haring
Alon at sa ginintuang tinig ni Maria. Nagsalaysay din ito ng pangyayari na kung paano
nagalit ang haring Alon at kung paano napaamo at napatigil ni Maria ang paghampas
ng alon ni Haring Alon dahil sa kanyang matinding galit.
SMOKING KILLS, DI NGA BA?
Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan,
28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo
sa isip ko dahil sa obserbasyong ito, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?".

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga ng usok mula
sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao
kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil
sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung
gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi
lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa
sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa
paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69
dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang mga
naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari pa ring maapektohan ang mga taong ito
kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit ng kapahamakan
ang mga tao kahit hindi sila humithit ng sigarilyo.

Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa paggamit ng sigarilyo at


hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y modelo ng bansa. Nakikita naman nating
may aksyong ginagawa ang pamahalaan ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao.
Kailangan nilang mas pag-igihin ang pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang
supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para makasigurong ligtas
ang mamamayang Pilipino mula sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo.

Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro ang pagkilos at
kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa pamahalaan ang paghahanap ng solusyon
sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa masamang epekto ng paninigarilyo,
kung sisimulan ng mga "smokers" ang pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, nagbigay ito ng konseptong tungkol sa paninigarilyo ng bawat mamamayan. At ang
masamang epekto nito sa ating kalusugan.
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Pag-eensayo – pagsasanay upang mapagtagumpayan ang isang bagay o pangyayari.
- Bingit – dulo o katapusan.
- Makalanghap – makaamoy.
- Pangamba – takot o hinala.
III. Paksa ng teksto
- Ang paksa nito ay tungkol sa paninigarilyo ng bawat mamamayan. Isinaad dito ang di
magagandang mga epekto nito sa ating katawan at kalusugan. Sinabi din dito na dapat
bigyang solusyon ang sitasyong ito dahil marami ang maapektuhan kung hindi ito natigil o
nabawasan. At sinabi din na dapat ang mga naninigarilyo ang kusang tumigil upang
mabago at masanay silang makontrol ang kanilang sarili.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: Dapat na pahalagahan natin ang ating sarili at huwag ng manigarilyo dahil
nakakasma ito sa ating kalusugan at walang magandang dulot ito.
- Pamilya: Lubos na maapektuhan ang kalusugan ng ating pamilya lalong lalo na ang mga
miyemro ng pamilya na hindi naninigarilyo. Dapat na itigil ito dahil marami ang
maapektuhan.
- Bansa: Dapat gawan ng aksyon ng pamahalaan ang isyung ito. Dapat na magsagawa ng
plano upang matigil o mapaonti ang mga naninigarilyo dahil hindi lamang sila ang
maapekuhan kundi tayo din mismo.
- Daigdig: Dapat na magkaisa hindi lamang ang bawat isa kundi na din ang mga bansa na
ipagbawal na ang paninigarilyo.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Argumentatibo dahil naglalayon itong mapatunayan ang
katotohanan na masama ang paninigarilyo sa ating katawan at kalusugan. Naghayag din
ito ng kanyang saloobin na dapat bigyang aksyon ng pamahalaan ang isyung ito.
NANINIWALA KA BA SA FOREVER?
May FOREVER, at maniniwala akong may forever hangga’t may nagmamahal at minamahal. Ang
Forever kase hindi lang naman yan nakatuon sa pag-ibig lang sa kapareha mo na dapat mo lang
paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa lawak at kakayahan mong magmahal sa mga nakapalibot sayo.
Para sa akin maituturing mong forever ang pagmamahal kahit isa ka lang na nagmamahal, ibig sabihin
mananatiling mahal mo siya kahit walang tugon ng pagmamahal mula sa iyong sinta. Hangga’t may
kakayahan kang magmahal at may nagmamahal naniniwala ako at maniniwala parin ako sa forever.
Sapagkat ang tao’y nabubuhay sa pagmamahal at pagmamahal lamang. Para sa akin isang
kahibangan ang pagiging bitter, sila kase yung mga hindi naniniwala sa forever dahil nasaktan sila,
pero ganoon naman sadya kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka dahil kaakibat nito ang
sakit at kabiguan. “Hindi ka pa kase nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng
isang bitter?”, alam ko ang pakiramdam na yan dahil lahat naman tayo nasasaktan kapag
nagmamahal, pero hindi yun dahilan para itaga sa sarili mo na walang forever. Huwag mong ikulong
ang galit at sakit na nararamdaman mo dahil lang sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o
pagmamahal mo sa iisang tao lamanng dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong
nakapalibot sa iyo, yung mga taong hindi mo napapansin, yung mga taong nasa likod mo lang.

Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil Oo lahat may katapusan, lahat ay
mamamatay, lahat ng bagay binibigyan ng life span. Pero hindi ito ang basehan na wala talagang
forever. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin, di ba forever yun?, ang pagmamahal natin sa pamilya
natin, sa mga kaibigan natin, sa lahat ng taong mahalaga sa atin di ba forever yun? Hangga’t
naniniwala ka at may pagmamahal kang nadadama, may FOREVER, maniwala ka.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil sinasagot niya ang tanong sa pamagat na “Naniniwala ka ba sa forever?”
Nagbigay ito ng kanyang opinyon na sumusuporta sa kanyang sagot.
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Galit – poot na nararamdaman o matinding negatibong emosyon na nararamdaman ng
isang indibidwual sa kanyang kapwa.
- Ituon – ibigay ang atensyon; ibaling ang pansin sa isang bagay o pangyayari
III. Paksa ng teksto
- Ang paksa nito ay tungkol sa taong naniniwala na sa forever. Nagbigay ito ng mga opinyon
na sumusuporta sa kanyang sagot at nagbigay ito ng matibay na saloobin na siya nga ay
naniniwala sa forever o sa tagalog ay walang hanggan.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: Dapat tayo ay mamuhay ng matiwasay at walang halong galit sa kapwa natin.
Huwag din tayo magtanim ng sama ng loob dahil tayo lang din ang mahihirapan sa huli.
Dapat tayo ay matutong magpatawad dahil sino ba tayo? Kung ang atinbg Diyos nga ay
nagpapatawad, tayo pa kayang mga tayo na ginawa lamang Niya.
- Pamilya: I-ugnay natin ang salitang forever o walang hanggan sa ating pamilya. Walang
hanggan dahil walang katapusan ang pagmamahalan o pagbibigay ng pagmamahal sa
bawat miyembro ng ating pamilya. Huwag din dapat tayo magtanim ng sama ng loob sa
bawat isa. At kahit ano pa an gating sabihin o gawin, mananatili natin silang kapamilya sa
ayaw man o sa hindi.
- Bansa: Tayo ay dapat na magbigay ng pagmamahal sa ating kapwa at huwag na huwag
tayong magtatanim ng sama ng loob. Dahil sa huli ay tayo lamang din ang nagtutulungan
dito.
- Daigdig: Katulad ng nasabi ko sa bansa ay dapat na magbigay ng pagmamahal sa ating
kapwa at huwag magtanim ng sama ng loob sa kanila. Dapat tayo ay magkaisa upang
makamit ang ting tinatamasang kapayapaan at walang away o alitan na nangyayari sa
pagitan ng mga bansa.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Argumentatibo dahil naglalayon itong mapatunayan na totoo
ang forever. Nagbigay ito ng matibay na saloobin na siya ay naniniwala sa sinabing salita
at nagbigay din ito ng ng opinyon na sumusuporta sa kanyang sagot.
PAANO MAGLUTO NG ADOBONG BABOY
Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa kani-kanilang hapag kainan dahil sa
bukod sa madali itong iluto, maaari ka ring mag-eksperimento ng iba’t-ibang klase ng luto nito. Bukod
sa karne ng baboy, pwede ring mag-adobo ng manok, seafoods o pagsamahin ang karne ng baboy
at manok.
Mga Sangkap ng Adobong Baboy
500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake
3 piraso ng bawang na pinitpit
1 kutsaritang pamintang buo
3 dahon ng laurel
1/2 tasa ng toyo
1/3 tasa ng suka
1 kutsarang asukal
asin
mantika
Paraan ng pagluto ng Adobong Baboy
1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at imarinate
ng 30 minuto.
2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang
karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.
5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.
6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.
7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.
8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil nagbigay ito ng tamang pagkakasunod sunod ng dapat gawin kung paano
maluluto ang ulam na Adobong Baboy.
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Marinate - ibabad
III. Paksa ng teksto
- Mga presidyur kung paano ang tamang pagluto ng Adobong Baboy at mga sangkap na
dapat gamitin.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: dapat nating matutunan ang putaheng ito dahil isa ito sa mga patok o isa ito sa sikat
na ulam sa ating bansa—Pilipinas.
- Pamilya: Tayo ay magkakaroon ng simpleng salu-salo dahil na dito sa simpleng pagkain
ng sabay sabay ng ulam na ito.
- Bansa: Tayo ay maswerte dahil may ganito tayong kasarap na ulam na maibabahagi natin
sa mga karatig bansa.
- Daigdig: Pwede nila itong masubukan dahil patok na patok ang putaheng ito sa ating
bansa.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Prosedyural dahil nagbigay ito ng paraan kung paano gawin ang
Adobong Baboy. Nagbigay din ito ng sunod sunod na impormasyon kung paano
maisagawa ang paggawa ng Adobong Baboy.
PININYAHANG MANOK

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken fillet
1 small can Pineapple Tidbits
1 clove garlic
1 medium onion
salt, pepper and sugar
2 tbsp sugar
1 tbsp. cornstarch
1 slice ng cheddar cheese
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng
kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan.
5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa
7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese.
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
9. Ihain habang mainit

I. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng teksto?


- Oo, dahil nagbigay ito ng tamang pagkakasunod sunod ng dapat gawin kung paano
maluluto ang ulam na Pininyahang Manok
II. Mga salitang nararapat bigyang pagpapakahulugan.
- Marinate – ibabad
- Prito – isinalang sa kumukulong mantika
III. Paksa ng teksto
- Mga presidyur kung paano ang tamang pagluto ng Piniyahang Manok at mga sangkap na
dapat gamitin.
IV. Pag-uugnay sa sarili, pamilya, bansa, daigdig
- Sarili: dapat nating matutunan ang putaheng ito dahil isa ito sa mga patok o isa ito sa sikat
na ulam sa ating bansa—Pilipinas.
- Pamilya: Tayo ay magkakaroon ng simpleng salu-salo dahil na dito sa simpleng pagkain
ng sabay sabay ng ulam na ito.
- Bansa: Tayo ay maswerte dahil may ganito tayong kasarap na ulam na maibabahagi natin
sa mga karatig bansa.
- Daigdig: Pwede nila itong masubukan dahil patok na patok ang putaheng ito sa ating
bansa.
V. Pagpapatunay na ito ay angkop batay sa uri.
- Ito ay angkop sa tekstong Prosedyural dahil nagbigay ito ng paraan kung paano gawin ang
Adobong Baboy. Nagbigay din ito ng sunod sunod na impormasyon kung paano
maisagawa ang paggawa ng Piniyahang Manok.
TEKSTONG NARATIBO: Ang alamat ng Sampaguita

Noong unang panahon sa baryo ng Gueya ay may isang magandang dilag na


nagngangalang Meguita. Siya ay kabigha-bighani at biniyayaan ito ng isang magandang
tinig. Siya ay maputi, balingkinitan ang katawan, mabait, magalang. Sa madaling salita
ay nasa kanya na ang lahat. Lagi itong nakasoot ng putting bistida na lalong nagpatingkad
sa kanyang kaputian.

Halos lahat ng lalaki sa kanilang baryo ay nabibighani sa ganda nito. Araw-araw itong
hinaharanahan ng iba’t ibang lalaki na labis na ikina-inggit ng mga kababaihan sa
kanilang baryo. Walang natipuhan si Meguita sa mga ito at tila hindi binibigyang pansin.
Ngunit, pansin niyang labis siyang kinamumuhian ng halos lahat ng kababaihan sa
kanilang baryo kaya wala na lamang itong kaibigan.

Isang araw ay may lumapit sa kanyang babae na nagngangalang, Amelia.

“Magandang umaga, Meguita.” Ani Amelia.

Labis na natuwa ang dalaga dahil sa wakas ay may magiging kaibigan na siyang babae.
Simula noong araw na iyon ay lagi na itong magkasama. Makalipas ang tatlong buwan
ay may lumapit na lalaki kay Meguita na lubos siyang nabihag nito.

“Maaari ba akong makiupo sa tabi mo, Meguita?” ani ng lalaki.

Namula ang dalaga. Kiming itong tumango at umusog para makaupo ang binata. Hindi
alam ng dalaga ay ito ang lalaking natitipuhan ng kanyang kaibigan na si Amelia kaya
labis na nagselos ito sa kanila. Hindi nagtagal ang panahon ay naging sila na ng binata.
Ngunit sa paglipas din ng panahon ay lalong tumitindi ang galit at selos ng kanyang
kaibigan. Dahil sa nabulag ito sa kanyang galit ay may nabuo itong masamang balak.

Nang makita niya si Meguita na mag-isa lamang sa kanilang tahanan ay pinuntahan niya
ito at dali-daling pinukpok sa ulo ng walang malay. Dinala niya ito sa likod ng kanilang
bakod at doon siya inilibing ng buhay. Kinabukasan ay nagtataka ang mga magulang ni
Meguita sa biglaang pagkawala nito at lalo lamang silang nagulat dahil biglang may
tumubong putting bulaklak sa kanilang pagod. Dumaan ang sampung buwan ay hindi na
nila nahanap si Meguita. Nagpasya na silang itigil ito dahil hindi naman magpapakita sa
kanila ang dalaga at inisip nilang wala na at patay na ito.

Tila naalala ng kanyang mga magulang na may tumutubong puting bulaklak sa kanilang
bakuran at labis silang natuwa ng makita ang pagkadami daming tubo nito. Dahil na din
sa kulay ng kutis ni Meguita ay pinangalanan nila ito sa kanya at tinawag itong
Sampaguita.
TEKSTONG PROSIDYURAL: Paano gumawa ng brownies?

Lingid sa kaalaman natin ay isa itong patok na miryenda sa ating bansa.


Kaya nais kong ibigay sa inyo ang prosidyur kung paano gumawa ng
Brownies.

Mga sangkap:
½ tasa ng butter o mantekilya
1 tasa ng asukal
1 tasa ng vanilla extract
2 itlog
½ tasa ng arina
1/3 tasa ng cocoa
¼ kutsarita ng baking powder
¼ kutsarita ng asin
½ tasa ng tinadtad na mani

Paghahanda:
1. Kumuha ng isang malaking mangkok, at haluin ang butter, asukal at
harina.
2. Idagdag ang itlog at haluin ng mabuti.
3. Sa hiwalay na mangkok, haluing mabuti ang harina, cocoa at asin.
Pagkatapos maihalo ilagay ito sa batter mixture at haluin ng mabuti.
4. Ilagay ang mani.
5. Ilagay sa oven.

Paraan ng pagbibake:
1. Painitin ang oven 350 degrees Fahrenheit.
2. I-bake ng 20-25 minuto o hanggang maging kulay brown ito.
3. Pagkatapos maluto ay ilabas sa oven.
4. Hiwain ng parisukat.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO: Mga bisyo, itigil na.

Lingid sa ating kaalaman na masama sa ating kalusugan ang mga


bisyo katulad ng yosi, alak at droga. Dapat natin itigil o kahit
limitahan ang paggamit, pag-inom nito dahil labis na maapektuhan
an gating kalusugan. Hindi lamang tayo ang maaapketuhan ngunit
pati na din ang mga tao sa ating kapaligiran. Ayon sa GMA News
online ay 10 pinoy ang namamatay bawat oras dahil sa sigarilyo.
Six million (tao) taon- taon ang namamatay sa epekto ng sigarilyo.
At another 600,000 dahil sa epekto ng second hand smoke.
HUMIGIT-KUMULANG na 2.5 milyong katao ang namamatay
bawat taon dahil sa sobrang pag-inom ng alak, ayon sa World
Health Organization (WHO).

Ayon kay Dr. Shekhar Saxena, direktor ng Mental Health and


Substance Abuse Department ng WHO, sinasabi ng isang
isinagawang pag-aaral na 9 na porsiyento ng kamatayan ng tao ay
bunsod ng “alcohol use.”

Dapat natin itong tigilan dahil masama talaga ito sa ating


kalusugan. Maraming itong masamang epekto sa atin at sa ating
kapaligiran.

You might also like