You are on page 1of 20

Conde Labac Integrated School

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


tungo sa
Pananaliksik
Epektibong Paggamit ng Social Media bilang Estratehiya sa Pagpapakilala

ng Small Online Business sa Conde Itaas Batangas City

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Gng. Michelle Delen

Guro sa SHS Filipino

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng aralin sa

Pananaliksik sa asignaturang Filipino na

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

nina

Ilustre, Alexia Eunice D.

Perez, Graciella Anne Marie A.

Suarez, Jerymie M.

Ilustre, Jessamae B.

Armonio, Angel V.

Oltiveros, Edison J.

Castillo, Arnel A.

XI- ABM Benevolence

Hunyo 2023
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik

PASASALAMAT

Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa pagbibigay ng pagkakataon na

makagawa ng ganitong pananaliksik tungkol sa epektibong paggamit ng social

media bilang estratehiya sa pagpapakilala ng small online business sa Conde

Labac Batangas City. Sa pagiging matagumpay ng pananaliksik na ito, ninanais

naming mga mananaliksik na gamitin ang pagkakataong ito upang

magpasalamat sa mga sumusunod:

Sa aming minamahal na mga magulang, kapatid na palaging nariyan

upang kami ay gabayan, ipagdasal at suportahan habang ginagawa ang

pananaliksik na ito: Sa aming mga kaibigan na palaging nariyan upang kami ay

pakinggan, bigyan ng payo, mga ideya at lakas ng loob na ang pananaliksik na

ito ay aming mapagtatagumpayan.

Sa aming guro sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa

Pananaliksik na si Gng. Michelle Delen, na nagbigay sa amin ng pagkakataon

upang makagawa ng ganitong pananaliksik, sa pagbibigay ng suporta at pag-

gabay, hindi lamang sa aming grupo ngunit pati na rin sa kanilang buong klase

ng baitang 11 benevolence.

Sa aming mga kamag-aral na palaging nariyan upang sumuporta sa hirap

man o ginhawa. Sa mga piling mga kalahok mula Conde Itaas Batangas City na

nga nagmamay-ari ng small online business na nakipag-partisipasyon sa aming

pakikipag-panayam.
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
Higit sa lahat sa Panginoon, na nakinig at tumupad sa mga panalangin,

nagbigay ng talas ng isipan at malakas na pangangatawan. Dahil kung wala siya

ang pananaliksik na ito ay hindi mapagtatagumpayan.


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay buong puso naming inihahandog unang una sa

Poong Maykapal sa pagbigay ng lakas ng loob at paggabay sa mga taong

kabilang sa pananaliksik na ito sa tungo sa aming tagumpay.

Buong puso rin ang aming paghahandog sa mga magulang sa walang

sawang supporta sa aming pangangailangan at sa kanilang pag-unawa sa amin.

Sa mga kamag-aral, kapwa mananaliksik, guro, sa mga mamamayan, at

sa darating pang mga henerasyon. Masasabing kayo ang dahilan sa aming

pagsisikap.
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat………………..………………..………………..………………..………… i

Pasasalamat………………..………………..………………..………………..…….ii

Dedikasyon………………..………………..………………..…….…………..…….iv

Talaan ng Nilalaman………………..………………..………………..…………….v

MGA KABANATA

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula………………..………………..………………..………………..

…………...1Paglalahad ng Suliranin.………………………..

………………………………...…...2

Kahalagahan ng Pag-aaral.………..………………..………………………………...3

Saklaw at Delimitasyon………..………………..…………………………………..….4

Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Mga Kaugnay na Literatura.………..………………..……………………………….5

Mga Kaugnay na Pag-aaral…..………..………………..……………………………7

Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik.………..………………..…………………………………11

Mga Kalahok.………..………………..………..………………..……………………11

Paraan ng Pangangalap ng Datos.………..……………..…………………………12

Paraan ng Pagsusuri ng Datos.………..………………..…………………………..12

Isyung Etikal.………..……………….. .………..………………..……………….…..13

Bibliyograpiya……….………..………..………..………..………..………..……...…14
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang Social Media ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, nakikipagpalitan ng mga ideya at

impormasyon sa pamamagitan ng isang virtual na komunidad at network. Bukod

dito ang social media ay mayroong iba't ibang platform tulad ng Facebook,

Instagram, Twitter, Tiktok, at Youtube, kung saan binibigyang kakayahan nito

ang isang indibidwal na makapagbahagi, lumikha, at tumalakay ng anumang

kanilang nais talakayin.

Malaki ang tulong na naidudulot nito sa pang araw-araw na pamumuhay.

Tulad na lamang sa pagnenegosyo, binibigyang daan ng social media ang

indibidwal na makapagbukas ng isang negosyo gamit ang paraang ito. Isa na

dito ang Facebook at Tiktok na araw-araw nating ginagamit dahil sa

pagkakaroon nito ng tinatawag na marketplace. Kung saan dito maari kang

bumili at magbenta ng iba't ibang produkto.

Maganda ang naitutulong ng mga sites na ito sapagkat nagiging mas

mabilis at madali ang pagpapakilala, pagbebenta, at pagbili ng mga mamimili ng

isang produkto Ngunit sa kabila ng kagandahang naidudulot nito ay mayroon pa

rin maaring masamang maidulot ang social media lalo na pagdating sa negosyo.

Dahil sa mabilis ang takbong negosyo sa social media ay talamak din ang mga
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
scammer dito kung saan kanilang pinupunterya ang mga mamimili sa

pamamagitan ng pakikipagtransaksyon sa kanila gamit ang social media.

Gayunpaman ay sa ngayon may mga batas na ang ating gobyerno na siyang

mangangasiwa sa mga gantong kaso. Mayroon na din ginagawang mga

paghihigpit ang mga nasabing social media platforms para sa mas ligtas na

paggamit nito.

Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay ng kaalaman sa mga nais

magtayo ng online business at sa mga mamimili online. Nais din ng pag-aaral na

ito na matuklasan ang iba’t ibang epekto ng paggamit ng social media platforms

bilang estratehiya ng mga may-ari ng small online business.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Epektibong Paggamit ng

Social Media bilang Estratehiya sa Pagpapakilala ng Small Online Business sa

Conde Itaas Batangas City ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano-ano ang mga Small Online Business sa Conde Itaas Batangas City?

2. Paano nakatutulong ang Social Media sa pagpapakilala ng negosyo?

3. Ano-ano ang mga estratehiya na ginamit upang ipakilala ang negosyo sa

pamamagitan ng social media?


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
4. Sa paanong paraan nagging epektibo ang paggamit ng Social Media

bilang estratehiya sa pagpapakilala ng Small Online Business?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay impormasyon tungkol sa

epektibong paggamit ng social media bilang estratehiya sa pagpapakilala ng

negosyo. Ito rin ay nagbibigay halaga at magsisilbing gabay at makakatulong sa

mga sumusunod:

 Mga Negosyante

Mahalaga ito upang maging karagdagang kaalaman para sa mga

magsisimula pa lamang ng isang maliit na negosyo. Malalaman din nila sa

pananaliksik na ito ang mga iba’t iba pang mga estratehiya na maaring

magamit sa kanilang pag-nenegosyo. At higit sa lahat sa pag-aaral din na ito

nila malalaman na mabisa ang paggamit ng social media bilang estratehiya

sa pagpapakilala ng negosyo.

 Mga Mamimili

Sa pag-aaral na ito matutuklasan nila na may mga negosyo na

maaring matangkilik sa pamamagitan ng social media. At sa paggamit ng

social media ay maaring maging tulong ito sa kanila kung sakaling magtatayo

ng negosyo.

 Mga Mag-aaral
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
Nagbibigay kahalagahan ito sa mag-aaral dahil sa pamamagitan nito

maaring malaman nila na hindi lamang sa pag-aaral maaring makatulong ang

social media kundi pati na rin sa pagnenegosyo.

 Mga Susunod na Mananaliksik

Maari nilang magamit ang pananaliksik na ito bilang kuhanan ng

impormasyon para sa kaugnay na pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay pokus lamang sa mga epektibong paggamit ng

social media bilang estratehiya sa pagpapakilala ng small online business. Ito rin

ay sumasaklaw lamang sa mga may-ari ng online business sa Conde Itaas

Batangas City at hindi saklaw ang mula sa ibang barangay. At tanging mga

nagmamay-ari lamang maliliit na negosyo ang saklaw sa pag-aaral na ito.

Upang malaman ang mga epekto ng paggamit ng social media sa

pagnenegosyo. Sasakupin lamang ng pag-aaral ang mga kasagutan, pananaw,

at opinyon ng mga kalahok na may-ari ng small online business.


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na

babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng

dagdag na kaalaman ang literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na

ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang

mga kasama sa bahagi ng pag-aaral. Mayroon ding bahagi na makapagbibigay-

ambag sa napapanahong isyu particular na sa larangan ng pag-nenegosyo.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang negosyo ay ang nagsisilbing kabuhayan ng mga tao. Isa ang

Negosyo sa pinagmumulan ng kita ng mga taong hindi empleyado. Sa tulong ng

pagnenegosyo, nailsalba nila ang kanilang mga sarili sa kahirapan. Higit pa rito,

sa pamamagitan ng Negosyo ay nagkakaroon tayo ng sapat na pang-sustento

para sa ating sarili at sa ating pamilya. Sa panahon ngayon, karamihan sa atin


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
ay nasisiyahang gumamit ng mga online na negosyo o mga networking site.

Matanda o bata, mapa-babae o mapa-lalaki, at mayaman man o mahirap.

Ayon sa pananaliksik, ang mga social media site tulad ng Facebook,

Twitter, at Instagram ay makabuluhang nakatulong sa paglago ng maliit mga

negosyo (Bundgaard & Vatrapu, 2015). Bukod pa rito, maaaring kumita ng pera

sa pamamagitan lamang ng online networking o negosyo. Dahil sa

makabuluhang epekto ng social media, kabilang ang Facebook, Twitter,

Youtube, Instagram, at marami pang mga social media networking site, mabilis

na nagbago ang online na negosyo.

Gayunpaman, ang pagbuo ng isang online na negosyo ay mas simple at

hindi gaanong mahal para sa isang negosyante. Ang mga taong nagnanais na

magsagawa ng negosyo nang mabilis at abot-kaya, tulad ng mga mag-aaral,

solong magulang, at maging ang mga taong gustong manatili sa bahay, ay

malaking tagahanga ng online na negosyo.

Ang isa sa mga kamangha-manghang pagtuklas na nagbibigay-daan sa

mga indibidwal na bumili mula sa kanilang mga tahanan ay online na pamimili.

Hindi na nila kailangang bumisita sa mga outlet ng produkto, magsama-sama, at

maghintay sa linya sa counter. Maaari na silang bumili ngayon gamit lang ang

kanilang mobile o laptop. Isang click mo lamang ay mabilis at simple (Ice Cube

Digital, 2018).

Ayon kay Tarrum Mittal (2017), ang online na pagnenegosyo ay

nagbibigay-daan sa mga mamimili na mahusay at masigasig makabili mula sa

kaginhawaan ng kanilang mga tahanan. Hindi na kailangang tumingin kung


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
saan-saan o makipagtawaran para makakuha ng magandang deal. Sa online na

negosyo ay mas mabilis na matatangkilik ng mga mambibili ang inyong produkto.

Sa kadahilanang ito ay mas simple, mas mura, at nagkadaragdag ng

kanilang kumpiyansa sa kalidad ng produkto, ginusto ng mga Pilipino na bumili

ng mga produkto online (Manila Times, 2014). Para sa mga taong may mga

abalang iskedyul at walang oras na magliwaliw sa mga shopping mall, ang online

na pamimili ay isa na sa pinakamabilis na paraan upang makakuha ng mga

produkto at mga kagamitan na maaring magamit sa pang-araw araw (Ice Cube

Digitsi, 2018).

Sa paggamit ng social media sa iyong pagnenegosyo, mahalagang

isaalang-alang din ang mga dapat at hindi dapat gawin. Sa ganitong paraan, mas

mapapadali mo at mapapatakbo mo ng maayos ang iyong negosyo online.

Matutong kumilala ng mapagkakatiwalaang source at ang pagkakaiba nito sa

fake news o maling balita na makakasama sa inyo at sa ating komunidad.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang negosyo ay ang nagsisilbing kabuhayan ng mga tao. Sa

pamamagitan ng negosyo, nagkakaroon tayo ng sapat na pang-sustento para sa

ating sarili at sa ating pamilya. Ang negosyo na walang social media ay isang

negosyo na walang potensyal na customer.

Sinasabi ni Lakshmi (2016) na binago na ng internet ang mga notions ng

mga mamimili sa aspeto ng kaginhawahan, bilis, presyo, at impormasyon tungkol

sa produkto o serbisyo. Dahil sa iba’t ibang klase ng teknolohiya, napadali na


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
ang pagsisimula ng sariling patok na negosyo nang hindi kinakailangan lumabas

ng bahay.

Higit pa rito, sinabi din ni Lakshmi na ang e-commerce at online na

negosyo ay nagbibigay sa mga mamimili ng higit pang mga pagpipilian,

karagdagang impormasyon at higit pang mga paraan upang bumili. Kaya naman,

naging posible para sa isang mamimili na bumili ng kahit ano sa anumang oras,

mula sa kahit saan sa pamamagitan ng online shopping. Malaki ang paglago ng

e-commerce ngayong panahon ng pandemya.

Nagkaroon ng iba't ibang plataporma na maaaring gamitin para

makapagbenta ng sariling online negosyo. Mayroong iba't-ibang online business

sites katulad ng Shopee at Lazada. Sa pamamagitan nito, mas pinapadali ang

pamimili ng mga produkto online.

Marami din ang gumagamit ng social media katulad ng Facebook at

Instagram para mapalawak ang pagbebentahan. Hindi mahirap pasukin ito

sapagkat kinakailangan lang ng smartphone at internet connection para

makapagsimula ng patok na negosyo sa Pinas. Sa isang online na social

presence, naaabot ng iyong visibility ang mas malawak na audience sa

pamamagitan ng pag-post at pagbabahagi ng content tulad ng mga blog. video,

at larawan. Mahalagang gamitin mo ang iyong online presence para tumugon sa

lahat ng kinakailangang tanong at alalahanin habang nakikinig sa mga kritisismo.

Kailangan mong ipadama sa iyong mga customer na naririnig at aktibong

nakikipag- ugnayan sa iyong mga sumusunod sa araw-araw,


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
Ayon kina Lepkowsak-White (2004) karamihan sa mga mamimili sa mga

negosyong online ay may pag-aatubili sa pagbili ng mga produkto online dahil sa

pag- aalala tungkol sa pampinansiyang panganib at panganib sa privacy. Ang

social media ay naging pinakamahusay na paraan para sa mga customer upang

malutas ang mga problema at matuto ng impormasyon tungkol sa kumpanya.

Kung nagpapatakbo ka ng isang malit na lokal na negosyo o isang malaking

internasyonal na distributor, ang social media ay naging isang mahalagang

bahagi ng anumang diskarte sa marketing ng negosyo, Mahalagang gamitin ang

aspetong ito ng online presence para makipag- ugnayan sa iyong mga customer.

Habang tila umuunlad araw-araw ang mga social channel, palaging inilalabas

ang mga bagong feature – nagbibigay-daan sa iyong patuloy na pagbutihin ang

pakikipag-ugnayan sa iyong mga customer. Halimbawa, maaari mong bigyan

ang iyong mga customer ng behind-the-scenes na pagtingin sa proseso ng iyong

kumpanya o kahit isang office tour sa pamamagitan ng paggamit ng mga kwento

sa Instagram. Mahalaga rin na tumugon sa mga direktang mensahe at komento

upang ipakita na nagmamalasakit ang iyong negosyo sa customer. Gusto ng

lahat na makaugnay sa isang bagay at gusto ng lahat ang pagiging tunay Kung

ipapatupad mo ang dalawang pangunahing aspetong ito sa iyong social media

araw-araw, hindi lamang lalago ang iyong mga sumusunod kundi pati na rin ang

iyong negosyo sa pamamagitan ng pagtaas ng mga benta.

Sa tulong ng iba't-ibang online platforms, naipapabatid nito sa mga tao

ang nais iparating na mensahe at impormasyon sa mga mambibill. Mayroong

Facebook, Twitter, at Instagram na may kanya-kanyang kahusayan sa


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
pagpapakilala ng isang brand sa publiko. Ito ang mga halimbawa na

makakatulong sa isang negosyo upang mas mapaunlad at magkaroon ng

madaming customers. Kailangan mo lang isipin kung alin dito ang mas

naaangkop sa iyong binebenta.

Maaari ka rin sumubok ng higit sa isa upang mas maraming tao ang

maaabot ng iyong mga post. Nakakatulong ang pagkakaroon ng madaming

online friends upang mas mapadali ang pagkalat ng mga impormasyon ukol sa

iyong negosyo. Siguraduhin lang na kakayanin mong bigyan ang bawat isa ng

angkop na pansin. Para sa mabisang pagpapakilala ng iyong negosyo sa mga

potensyal na customer, angkop na gamitin ang social media site na Instagram.

Dahil pag-post ng larawan ang pangunahing gamit ng Instagram sa mga tao, ito

ay magandang plataporma para ipagmalaki ang iyong produkto.

Pinahihintulutan ng mga social platform ang mga kumpanya na direktang

makipag- ugnayan sa kanilang mga customer. Sa tulong ng iba’t-ibang

halimbawa nito, masa pinadadali ng mga seller ang pagbebenta sa kanilang mga

customer. Sa halip na tawagan ng mga customer ang isang linya ng serbisyo sa

customer at i-hold nang ilang minuto sa isang pagkakataon, maaari na silang

bumaling sa mga iba’t-ibang online platforms tulad ng Facebook, Instagram at

kahit Twitter para direktang makipag-ugnayan sa isang kumpanya. Ito ay isa

pang paksa kung ano ang inaalok ng social media sa mga customer:

kaginhawaan. Hindi na mahihirapan pa ang mga customer na magpunta pa sa

malalayong lugar sapagkat mahahanap na ang mga gusto at kailangang bilhin

online.
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
Sa paggamit ng social media sa iyong pagnenegosyo, mahalagang

isaalang-alang din ang mga dapat at hindi dapat gawin. Sa ganitong paraan, mas

mapapadali mo at mapapatakbo mo ng maayos ang iyong negosyo online.

Matutong kumilala ng mapagkakatiwalaang source at ang pagkakaiba nito sa

fake news o maling balita na makakasama sa inyo at sa ating komunidad.

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo at

pamamaraan ng pananaliksik na mailugnay sa Epektibong paggamit ng Social

Media bilang Estratehiya sa Pagpapakilala ng Small Online Business sa Conde

itaas Batangas City.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang kuwalitatibong pananaliksik Kung saan

aanalisahin ang bawat impormasyon mula sa pag-iinterbyu ng mga kalahok na

syang maglalarawan ng mga datos na may kaugnayan sa pag-aaral,

Layunin din ng pananaliksik na ito na mailahad ang mga epekto ng

paggamit ng social media bilang estratehiya sa pagpapakilala ng small online

business sa Conde Itaas Batangas City.


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik

Mga Kalahok

Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng mga kalahok na nagmula

sa Barangay Conde Itaas Batangas City na may kaugnayan sa pagbebenta ng

iba’t ibang produkto gamit ang social media. Ang mga mananaliksik ay pipili ng

kalahok na kakapanayamin upang masagot ang ibang katanungan para

malaman ang estratehiya pa sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang paraang gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos ay

ang pakikipanayam sa mga kalahok kung saan ay may mga nakahandang

katanungan na ang sasagutin ng kalahok upang maisakatuparan ang mga

layunin ng pag-aaral Maingat na isinagawa ng mga mananaliksik ang

talatanungan upang lubos na maunawaan ang epektibong paggamit ng social

media bilang estratehiya sa pagpapakilala ng small online business Naghanda

ang mga mananaliksik ng mga katanungan para masagutan ang mga piling

kalahok Ang nalikom na datos ay ang batayan ng mga mananaliksik sa kanilang

pag-analisa at pagbigay ng interpretasyon sa higit ng pag-unawa ng epektibong

paggamit ng social media bilang estratehiya sa pag papakilala ng small online

business.

Paraan ng Pagsuri ng Datos


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
Sa pagsusun ng mga nakalap na datos sa pag aaral na ito, ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng mga sumusunod na pamamaraan:

 Pag-aanalisa ng mga datos sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga

kasagutan ng bawat kalahok sa mga katanungan.

 Gagamit din ng deskriptibong pamamaraan ng pagsuri ng datos ang mga

manananliksik upang mailahad ang mga inat ibang estratehiya na

ginagamit ng small business owners upang ipakilala ang produkto sa

pamamagitan ng social media.

Isyung Etikal

Tinitiyak ng mga mananaliksik na maigalang ang isyung ebkal sa bawat

hakbang ng pag-aaral. Taglay ang espisipikong hanay ng mga layunin ng pag-

aaral, ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa mga kalahok bago

isagawa ang pag-linterbyu. May takdang oras ang pag linterbyu na hindi abala sa

kalahok. Hindi rin basta sisimulan ang pakikipanayam sa pangunahing tanong,

magkakaroon muna ang mga mananaliksik ng maikling paliwanag kung para

saan ang isasagawang interbyu, Habang nangangalap ng datos ay sinusulat ang

mga mahahalagang impormasyon, hiniling sa mga interbyuhin upang magamit

ang kanilang mga datos. At higit sa lahat ay igagalang ang kanilang mga ibinigay

na impormasyon o mga datos na binigay nila.


Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik

Bibliyograpiya

Bundgaard, M., & Vatrapu, R. (2015). Social media in business: Promise,

challenges, and prospects. Journal of Organizational Computing and Electronic

Commerce,25(3),279 https://www.google.com/url?

sa=t&source=web&rct=j&url=https://core.ac.uk/download/pdf/

161423643.pdf&ved=2ahUKEwjRwcXedz_AhXwxjgGHeWeD34QFnoECA4QAQ

&usg=AOvVaw2JrXxWtXEtOtEUMutCzDLq

Jacobson, L. (2017). The impact of social media on small businesses. Journal of

Applied Management and Entrepreneurship, 22(3), 50-60.

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.researchga

te.net/publication/

295246692_Impact_of_Social_Media_Applications_on_Small_Business_Entrepr
Conde Labac Integrated School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa
Pananaliksik
eneurs&ved=2ahUKEwiMu__0dz_AhV67jgGHbioAOcQFnoECA8QAQ&usg=AOv

Vaw06uCVVhpp4NedzgdP_a-xL

O’Connor, Y., & Murphy, M. (2015). Social media and small business: A literature

review. Journal of Small Business and Enterprise Development, 22(4), 611-632.

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://

digitalcommons.uri.edu/cgi/viewcontent.cgi%3Farticle%3D1001%26context

%3Dtmd_major_papers&ved=2ahUKEwjUjsCYtz_AhXn8jgGHbFsAAsQFnoECA

4QAQ&usg=AOvVaw1Oui0v0yVjbcun_t1bOR7M

The Impact of Social Media on Small Business Performance

https://www.studocu.com/en-us/document/florida-southern-college/business

ethics-communication-and-risk-management/impact-of-social-media-marketing-

on-small-business-performance/58104494

Epekto ng Makabagong Teknolohiya , mga Negosyo, at Kalikasan

https://ayens2872757.wordpress.com/2019/03/18/epekto-ng-makabagong-

teknolohiya

You might also like