You are on page 1of 49

Pasasalamat

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod

na nakatulong para sa pagsasakatuparan ng tesis na ito. Taos-puso kaming

nagpapasalamat sa mga sumusunod:

Sa ating Panginoong Hesukristo na siyan nagbibigay ng kalakasan,

katatagan, at sa ating pangangailangan upang mabuo at maisakatuparan ang

tesis na ito.

Ginoong Alvin A. Aprecio, Pangulo ng paaralan, para sa maayos na

pamamalakad sa paaralang ito.

Ginang Carlota S. Aran, Punong-guro na nag-apruba sa aming pamagat.

Dr. Mercado, na aming Consultant, sa tiwala at sa pag-apruba ng aming

pamagat.

Bb. Lyssa Marie D. Rubaya, Guro sa asignaturang Filipino, para sa

pagbabahagi ng kanyang kaalaman upang magawa ng maayos ang tesis na ito.

Bb. Wendy Celetstra, ang aming tagapayo na tumulong din sa amin

upang malaman ang Istradistikang Gagamitin sa tesis na ito.

Sa mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng Accounting, Business and

Management na siyang nagsilbing tagatugon sa aming mga katanungan sa tesis

na ito. Maraming Salamat.

1
PAGHAHANDOG

Ang tesis na ito ay inihahandog ko sa Panginoon sa kanyang pagbibigay

ng lakas ng loob at karunungan na kung hindi dahil sa kanyang awa ay hindi

mabubuo ang tesis na ito. Salamat Panginoon.

Inihahandog ko rin ang tesis na ito sa aking mga magulang na sina Pablito

L. Alejandro Jr at Jeannie Marie SJ. Alejandro na walang sawang sumusuporta

at nagmamahal sa kabila ng aking mga kahinaan at sa patuloy na paniniwala na

ang lahat ng ito ay aking magagawa. Gayundin, ito ay inihahandog ko sa nag-iisa

kong kapatid na si Jenevha Paye SJ. Alejandro na walang sawang sumusuporta

sa akin sa paggawa ng tesis. At sa mga pinsan ko na walang sawa sa pagtama

ng aking kamalian. Kung hindi dahil sa tulong at suporta niyo sa akin, hindi ko

magagawa ang tesis na ito.

Sa mga kaguruan ng Child Jesus of Prague School, lalo na sina Bb.

Rubaya at Bb. Celestra, maraming salamat po sa mga payo at gabay upang

mabuo ang tesis na ito.

2
PAGHAHANDOG

Ang tagumpay ng tesis na ito ay inihahandog ko sa; Una, sa Poong

maykapal na nagbibigay ng kaalaman at pagmamahal sa aming mananaliksik at

walang sawang nagbibigay ng lakas at ngiti sa akin.

Ikalawa, sa aking mga magulang na sina: Ma. Corazon A. Doblada at

Faustino C. Doblada na walang sawang sumusuporta at ibigay lahat ng aking

pangangailangan upang matapos ko lang ito, kaya alay ko sainyo ang aking

pinaghirapan.

Ikatlo, sa aking dalawang kapatid na sina: Carlo Rafael Doblada at Carl

Russel Doblada na kahit na palagi niyo akong iniistorbo at ginagalit, napapagaan

niyo ang aking pakiramdam tuwing ako ay may problema.

Ikaapat, sa aking dalawang kagrupo na sina Kristelle Marisse at Jouraine

Paula salamat sa lahat ng tulong na inyong ginawa sa akin, Masaya ako dahil

natapos, nalagpasan at nakayanan ang hamon na ito.

Ikahuli, ang aking mga kaibigan na walang sawang sumusuporta sa akin.

Kahit madalas na masungit ako patuloy niyo pa rin ako sinusuportahan at

pinapalakas ang loob upang matapos ko ang hamon na ito. Kaya handog ko rin

sainyo ng paghihirap na ito.

Sa mga guro ng Child Jesus of Prague School, sa 13 taon na itinagal ko

sa paaralan na ito, marami ang natutunan at naisabuhay, maraming salamat sa

gabay, pagmamahal at pag-unawa sa akin.

3
PAGHAHANDOG

Ang tesis na ito ay inihahandog ko una, sa Poong maykapal sa pagbibigay

buhay, lakas at kaalaman kung hindi dahil sa kanyang paglikha at awa, hindi

namin mabubuo ang pag-aaral na ito. Salamat Panginoon.

Iniaalay ko rin ito sa aking mga magulang na sina Emily Rogando Bautista

na kahit siya ay nasa ibang bansa, iniaalay ko ang tesis na ito para sa kanya

dahil kung wala siya, wala ako sa lugar na ito. Ang paghihirap niya sa ibang

bansa ang dahilan kung bakit ako nag-aaral at sa aking ama na si Edgardo

Feliciano Bautista inihahandog ko ito sa kanya dahil sa patuloy na paggabay sa

aking pag-aaral binibigyan niya ako ng inspirasyon para ayusin ito. Maraming

salamat sa aking mga magulang. Gayundin, ito ay inihahandog ko sa aking mga

kapatid na sina Katherine Ashley Rogando Bautista at Kristian David Rogando

Bautista sa walang sawa na pagsuport sa akin at pagbibigay lakas ng loob oras

ng aking kahinaan. Salamat aking mga kapatid.

Handog ko rin ito sa aking Tita at Tito na tumayo kong pangalawang

magulang, sa aking mga pinsan lalo na kay Patricia na itinuturing na rin akong

kapatid, sa walang sawa nilang pagmamahal, pagunawa at suporta. Sa aking

mga kapwa naghirap sa pag-aaral na ito na sina Carla at Paula sa kanilang

paghihirapan upangg mabuo ito maraming salamat.

Sa mga guro ng Child Jesus of Prague School na gumabay sa pag-aaral

na ito na sina Bb. Lyssa Marie D. Rubaya at Bb. Wendy Celestra. Maraming

Salamat po sa mga payo at sa paggabay sa pag-aaral na ito.

4
5
6
7
8
Kaligiran ng Pag-aaral

Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang

mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi1 upang kumita at

mapalago. Ito ay nagtatayo ang mga tao ng negosyo upang gumanap sa mga

gawaing ekonomiya. Maliban sa ilan namamalagi ang negosyo upang kumita. Sa

ibang salita, bilang isa sa mga layunin ng mga may-ari at tagapagpalakad ng

isang negosyo ang tumanggap o tumubo ng pananalaping pagkabalik ng

kanilang oras, sikap at puhunan.1

Ang pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan

ng produkto at serbisyo sa mga mamimili. Ang pagnenegosyo ang pangunahing

pinaggagalingan ng kita ng mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga

negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong sektor. Mayroong dalawang klase ng

Pagnenegosyo, Una ay pagnenegosyo dahil sa kapakinabangan kung saan

nagnenegosyo sila upang kumita, at ang pangalawa naman ay ang

pagnenegosyo hindi dahil sa pakinabang maaring ang dahilan ay makatulong. 2

Ang layunin nito ay ang pagbebenta ng mga produkto para sa pag-unlad

ng ekonomiya ng isang lipunan o isang mamayan. Ito rin ay nakatutulong sa mga

taong nangangailangan ng pera para sa araw-araw na gastusin. Ang

pagnenegosyo ay isang paraan upang makalikom ng pera ang isang pamilya at

isang mangagawa. Ang isang negosyo din ay maaaring makatulong sa

1https://tl.wikipedia.org/wiki/Negosyo.
2https://pinoynegosyo101.wordpress.com/2011/12/02/ano-ba-ang-negosyo-at-
pagnenegosyo/
9
pagdagdag ng trabaho para sa mga mangagawang walang mapasukang

trabaho.3

Sa kasaysayan, ang negosyo o kalakal ay tumutukoy sa mga gawain o

interes. Sa pinahabang kahulugan (simula noong ika-18 siglo), naging

kasingkahulugan ng salitang ito ang pagkakaroon ng pansariling

pangasiwaang pangkalakalan (commercial). Sa mas pangkalahatang

kahulugan, ito ang pagkadugtong-dugtong ng mga gawaing

pangkalakalan (commercial).

Nagtatayo ang mga tao ng negosyo upang gumanap sa mga

gawaing ekonomiya. Maliban sa ilan (katulad ng kooperatiba, corporate

bodies, di kumikitang kapisanan at institusyon ng pamahalaan), namamalagi ang

negosyo upang kumita. Sa ibang salita, bilang isa sa mga layunin ng mga may-

ari at tagapagpalakad ng isang negosyo ang tumanggap o tumubo ng

pananalaping pagkabalik ng kanilang oras, sikap at puhunan.

Binubuo ng isang lupon ng magkakaugnay na negosyo ang

isang industriya, katulad ng industriya ng mga libangan o industriya ng gatasan.

Kawangis ito ng isa sa mga mas pangkalahatang kahulugan ng "negosyo", at

mukhang pinagpapalit ang mga katagang negosyo at industriya sa kadalasan.

Sa ganitong paraan, maaaring sabihin ng isang mangingisda na (mas kolokyal)

nasa negosyo siya ng pangingisda o (tila may pagkadakila) nagtratrabaho siya

3 http://humphreydumpty.weebly.com/blog/layunin
10
sa isang industriya ng pangingisda. Maaaring magsilbi na katubas ng "negosyo"

at "industriya" ang salitang "pakipagkalakalan" (trade).

Sa isang malawakang industriya, maaari ring magkaroon ng mga

tinatawag na sub-industries. Sa industriya ng mga pagkain at inumin, may

mga sub-industries ito tulad ng industriya ng fast-food, industriya ng pagkaing

pangmerienda at ng mga softdrinks.

Maaaring i-uri ang negosyo sa maraming paraan. Sa mga akawntant,

binibigyang diin ang uri nito ayon sa nag-mamay-ari. Sa mga ekonomista, inuuri

ito ayon sa laki o dami ng puhunan. Sa mga nagtitinda (marketers), kinikilala ang

mga negosyo ayon sa kanilang operasyon o pagpapalakad.4

Mayroong din mga operasyon na ginagamit ang bawat negosyo upang lumago

ang kanilang puhunan sa negosyo. Ito ang mga sumusunod:

Produksiyon (Manufacturing)

Ito ay ang proseso ng pagsasama ng iba-ibang materyal at di-materyal na

bagay upang makagawa ng produkto na maaaring gamitin ng tao. Ito ay ang

paraan ng paggawa ng gamit o serbisyo na may halaga at importansya sa buhay

ng tao.

Ang kalagayan ng ekonomiya ay nakabatay sa proseso ng produksyon na

ang layunin ay maibigay ang pangangailangan ng bawat tao.Dito nasusukat ang

kaginhawaan o kagalingan ng ekonomiya. Sa produksyon, may dalawang

4 https://tl.wikipedia.org/wiki/Negosyo
11
kategorya na nagpapaliwanag ng pag-angat ng ekonomiya. Ito ay ang pagtaas

ng kalidad ng produkto sa binabayarang presyo, at pagtaas ng kita ng produkto

mula sa epektibong distribusyon sa merkado publiko.5

Serbisyo (Service)

Ito ay isang uri ng negosyo na kung saan kumikita sa pamamagitan ng

mga trabahador (labor) o ibang serbisyo para sa gobyerno, ibang mga negosyo,

o mga bumibili (consumers). Halimbawa nito ay ang mga restawrant, Barber

Shop, Spa, at marami pang iba.6

Retail

Ito ay tawag sa pagbili ng mga produkto ng paunti-unti o maliliit na bahagi.

Minsan ito ay ginagawa upang makakuha ng pinal na produkto katulad na lang

ng pagkain at damit. Kadalasan ito ay ginagawang libangan. Ito rin ay tinatawag

na window shopping kung saan tinitignan lamant ngunit hindi binibili. 7

Distributor/Pakyawan (Distributor/Wholesale)

Isang entidad na bumibili ng mga produkto at binebenta sa mga retailer o

direkta sa mga mamimili. Karamihan sa mga distributor ay mayrrong mga

masisipag na trabahador at may natatanggap na pera mula sa supplier. Sila rin

5 https://tl.wikipedia.org/wiki/Produksiyon
6 https://pinoynegosyo101.wordpress.com/mga-negosyo/service-businesses/
7 https://en.wikipedia.org/wiki/Retail

12
ay nagbibigay ng serbisyo katulad ng impormayson patungkol sa produkto na

binebenta sa kanilangmga mamimili. 8

Mayroong din Iba’t Ibang Uri ng Negosyo, ito ang Financial Business,

Manufacturing, Real estate Business, Retailers and Distributors, Service

Business, Transportation Business, Utilities, Information Business at ang

Agriculture and Mining

Mga kinakailangan ng karaniwang negosyo:

Puhunan

Ito ang pagbili ng isang bagay na may halaga upang ito'y magbunga ng

kita o tumaas pa ang halaga sa hinaharap at maaaring ipagbili sa mas mataas

na presyo. Ang pagdeposito sa bangko o sa ibang magkatulad na institusyon ay

karniwang hindi tinatanggap bilang puhunan. Ang terminong ito ay kadalasang

ginagamit upang tumukoy sa isang pangmatagalang layunin. Kasalungat nito

ang pagkalakal o pag-espekula, kung saan ito’y pangmaikling panahon lamang

at mayroong mas mataas na panganib. Maraming anyo ang puhanan mula sa

ligtas ngunit may mababang kitang government bonds hanggang sa mapanganib

ngunit may mataas na kitang international stocks. Ang isang mahusay na

paraang pamumuhunan ay ang paghihiwalay ng portfolio ayon sa mga

pangangailangan. 9

8 http://www.businessdictionary.com/definition/distributor.html
9 https://tl.wikipedia.org/wiki/Pamumuhunan
13
Tauhan

Ito ang mga tao na nagpapatakbo ng negosyo. Sila rin ang humaharap sa

mga mamimili kapag sila ay may tanong.

Makina at Kagamitan

Ang makina ay isang mekanikal o de-kuryenteng bagay ng naglilipat o

nagbabago ng enerhiya upang makagawa o makatulong sa mga gawain ng tao.

Kagamitan ay mga bagay na ginagamit upang makatulong sa pagpapadali ng

mga gawain. Umunlad ang mga kasangkapan sa padaan ng panahon. 10

Ang ilan sa pangunahing bahagi ng isang negosyo:

Yamang tao ( Human Resources)

Isang mabilisang lumalawak na katawagang tumutukoy

sa pamamahala o pangangasiwa ng "puhunang mga tauhan" o "pondong mga

tao," ang mga tao ng isang samahan o organisasyon. Umusad ang larangan

mula sa isang tradisyunal na tungkuling pampangangasiwa papunta sa isang

mayroong estratehiyang kumikilala sa ugnayan sa pagitan ng may talentong at

nakatutok na mga tao at sa tagumpay na pang-organisasyon. 11

10 https://tl.wikipedia.org/wiki/Makina
11 https://tl.wikipedia.org/wiki/Yamang_tao
14
Akawnting at Pananalapi (Accounting and Finance)

Akawnting ay ang larangan at pamamaraan ng pagsusuri pagsusukat,

pagpoproseso, at pamamahayag ng mga ari-arian, ng mga pananagutan, ng

mga kita, ng mga resulta ng mga gawaing ekonomiko ng isang grupo ng tao, at

pinansiyal na kalagayan o katayuan ng isang negosyo o organisasyon, at ang

pagpapahiwatig nitong mga resulta sa mga tao, kasama na ang mga

namumuhunan (investors), nangagasiwa (regulators), at nanunustos (suppliers).

Ito ay tinagurian ding “wika ng pagnenegosyo” at magkasingkahulugan ang

accounting at pag-uulat ng pananalapi (financial reporting). Tinatawag na

accountant ang taong nagsasanay sa larangang ito. 12 Ang pananalapi ay ang

kung paano pinag-aaralan ng mga tao at sinusuri kung paano nagkakamit at

gumagamit ng salapi o pera ang mga tao, mga negosyo, at mga pangkat.

Tinatawag din itong pamimilak (mula sa

salitang pilak, pinansiya, panustos, panggugol (mula sa salitang gugol, tulad

ng pondo), at pamuhunan (mula sa salitang puhunan o kapital). 13

Produksiyon at Operasyon (Production and Operation)

Ang produksyon ay ang proseso ng pagsasama ng iba-ibang materyal at

di-materyal na bagay upang makagawa ng produkto na maaaring gamitin ng tao.

Ito ay ang paraan ng paggawa ng gamit o serbisyo na may halaga at

importansya sa buhay ng tao. 14

12 https://tl.wikipedia.org/wiki/Accounting
13 https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananalapi_(pinansiyal)
14 https://tl.wikipedia.org/wiki/Produksiyon

15
Pagtitinda (Marketing)

Isang pamamaraan ng pagpapahayag ng halaga ng isang bagay o

serbisyo sa mga mamimili upang maibenta ang nasabing produkto o serbisyo.

Isa sa mga pinakaluma, simple at natural na paraan ay ang pananalita, kung

saan ang mga mamimili ay nagpapahayag ng kanilang mga karanasan tungkol

sa mga produkto o serbisyo at ito'y napapasa sa kanilang pang araw-araw na

komunikasyon. Ito ay pwedeng magdulot ng positibo o negatibong tingin sa mga

produkto o serbisyo. 15

Tinutukoy ng karamihan sa mga legal na hurisdiksiyon ang mga anyo na

kailangan kunin ng isang negosyo, at mayroon naisulong sa bawat uri ang isang

katawan ng batas pangkalakalan (commercial). Kinabibilangan ng

mga negosyong samahan (partnership), korporasyon (kilala din bilang

kompanyang may hangganan ang responsibilidad), at negosyong may nag-

iisang may-ari (sole proprietorship) ang mga ilang pangkaraniwang uri. 16

Ang mga karaniwang anyo ng pagnenegosyo ay ang mga sumusunod:

Solong Pagmamay-ari (Sole Proprietorship)

Ang negosyo ay pagmamay-ari lamang ng iisang tao. Ito ang

pinakasimpleng legal na uri: sa pamamagitan ng pagsisimula ng mga operasyon

at pagtitinda ng iyong produkto at serbisyo, ikaw ay ipinapalagay bilang isang

solong nagmamay-ari. Ikaw ang negosyo at hindi isang empleyado ng

15 https://tl.wikipedia.org/wiki/Pamimili
16 https://tl.wikipedia.org/wiki/Negosyo
16
kumpanya. Ang kita ng kompanya ay magiging iyong kita at idadagdag sa iyong

personal na kita. Ang isang solong pagmamay-ari ay responsable sa lahat ng

mga utang at ang negosyo ay awtomatikong nagsasara kapag inabandona ito ng

may-ari. 17

Kooperatiba (Cooperative)

Ang negosyong ito ay naiba sa korporasyon sa pamamagitan ng

karapatang magdesisyon lahat ng miyembro. Ito ay isang samahang awtonomo

ng mga boluntaryong taong nagkakaisa para makamit ang kanilang

karaniwang pang-ekonomiya, panlipunan at pang-kalinanganmga mga hangad at

pangangailangan sa pamamagitan ng sama-samang ariin at demokratikong

pamahalaan ang negosyo.

Kabilang sa mga kooperatiba ang mga pamayanang samahan na di-

kumikita na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga tao na gumagamit ng

kanilang serbisyo (isa kooperatibang pang-mamimili); sa pamamagitan ng mga

taong nagtratrabaho doon (isang kooperatibang manggagawa); sa pamamagitan

ng mga taong nakatira doon (isang koopertibang pambahay); mga halong

ganoong mga kooperatiba katulad ng mga kooperatibang manggagawa na mga

koopertibang manggagawa o unyong kredito; mga koopertibang

maraming stakeholderkatulad ng mga kooperatibang na tinitipon ang lipunang

sibil at mga lokal na gumaganap upang maihatid ang pangangailangan ng

17 http://tagalog.inmylanguage.org/article.aspx?cat=WORKCAN&docid=2272266
17
pamayanan; at mga koopertibang nasa ikalawa o ikatlong baytan na ang mga

kasapi ay ibang kooperatiba. 18

Sosyohan (Partnership)

Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao na

pantay pantay ang karapatan at responsibilidad. Ito ay isang solong

pagmamay-ari na hinati sa 2 o mas maraming prinsipal na mga

nagmamay-ari ng negosyo. Gayunpaman, ang anumang utang na

nahiram ng 1 kasosyo sa kapakanan ng negosyo ay responsibilidad rin ng

ibang mga kasososyo. 19

Korporasyon (Corporation)

Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao ngunit hindi

pantay pantay ang karapatan at responsibilidad

Mayroong pwedeng magdesisyon at mayroong hindi maaring magbigay ng

desisyon na miyembro.20 Ang pagsasama ay gumagawa ng

isang independenteng entidad na nakahiwalay sa mga "kasosyo"

("shareholders") o mga nagmamay-ari. Ang may-ari ay binabayaran ng mga

dibidendo o pinaghatiang mga tubo at maaaring bayaran bilang isang

empleyado.

Ang pangunahing mga bentahe ng isang pagsasama ay:

18 https://tl.wikipedia.org/wiki/Kooperatiba
19 http://tagalog.inmylanguage.org/article.aspx?cat=WORKCAN&docid=2272266
20 https://pinoynegosyo101.wordpress.com/tag/filipino-entrepreneur/

18
 Ang isang korporasyon ay maaaring magbigay ng mga kabahagi

(shares) na siyang nakapagpapataas ng kapital.

 Ang nagmamay-ari ay protektado laban sa utang o mga

pananagutan ng korporasyon (sa karamihan ng mga kaso).

 Ang isang pagsasama ay maaaring makapagpaganda ng anyo ng

kumpanya, o maaaring ito ay hingiin sa ilang mga industriya.

Halimbawa, ito ay kinakailangan kung nais mong makakuha ng

mga kontrata mula sa pamahalaan.

 Maaari ring may mga bentahe sa buwis mula sa kita sa mga

ispesipikong antas ng netong kita. 21

Ang isang magandang halimbawa at matagumpay ng Korporasyon na

makikita sa Pilipinas ay ang Jollibee.

Jollibee Foods Corporation o mas kilala rin sa tawag na JFC, at kilala

bilang Jollibee. Ito ay isang multinational chain of fast food restaurants kung saan

ang head quarter ay nasa Pasig. JFC ay ang may-ari ng sikat na fast food brand

Jollibee. Dahil sa naging matagumpay ang tatak, ang JFC nagkaroon ng marami

pang fast food chain tulad ng Chowking, Greenwich Pizza, Red Ribbon, Mang

Inasal, at Burger King Pilipinas. Dahil naging sobrang matagumpay ang

korporasyong ito, nagkaroon ito ng ibat ibang pwesto sa iba’t ibang bansa gaya

ng Estados Unidos, Hong Kong, Vietnam, Indonesia, Dubai at Brunei. Kilala din

21 http://tagalog.inmylanguage.org/article.aspx?cat=WORKCAN&docid=2272266
19
ang Jollibee sa pagkakaroon ng maskot na pulang bubuyog at myroong malusog

na pangangatawan at mahilig magpasaya ng mga bata.

Noong 1975, Tony Tan Caktiong at ang kanyang pamilya ay nagbukas ng

isang Magnolia Ice Cream parlor sa Cubao, Quezon City. Noong 1978, siya at

ang kanyang mga kapatid ay nakikibahagi sa mga serbisyo ng isang

management consultant na si Manuel C. Lumba, na negosyo ang pokus mula

ice cream hanggang sa hotdog at pagkatapos ng kanyang pag-aaral ay may

isang pamilihan ang nagaantay sakanya.

Ang Jollibee ay nakaranas ng mabilis na paglago. Nakayanan nitong

kumita at umasenso noong 1981 dahil noong taong iyon ay ang McDonald’s ay

lumabas sa bansang Pilipinas na kung saan ito ay nakasentro rin sa mga

pagkain na may panlasang Pinoy.

Ito ay binuksang matagumpay na tindahan at sa mga sumusunod na taon:

ang ika-100 na kainan ay matatagpuan sa Davao 1991; ang ika-200 na kainan

ay matatagpuan naman sa Malolos, Bulacan noong 1996. Ang ika-300 na kainan

ay matatagpuan sa Balagtas, Bulacan noong 1998; ang ika-400 na kainan ay

matatagpuan sa Intramuros, Manila noong 2001; Ang kanyang ika-500 na

kainan ay matatagpuan sa Basilan noong 2004; ang ika-600 na kainan ay

matatagpuan sa Aparri sa 2007; ang ika-700 na kainan ay matatagpuan sa

Harrison Road, Baguio City noong 2010. Ang ika- na kainan ay matatagpuan sa

Malaybalay City, Bukidnon noong Oktubre 18, 2013 at ang ika-900 na kainan ay

matatagpuan sa Palo, Leyte noong Setyembre 30, 2015. Noong Marso 2006,

20
mayroon nang 1,287 na tindahan ang Jollibee sa Pilipinas at 161 naman sa

ibang bansa.

Ang Jollibee ay isang American-style fast food restaurant na may

impluwensya ng mga Pilipino na pagkain tulad ng burgers, spaghetti, manok at

ilang mga lokal na Pilipino pagkain. Sa Pilipinas, ang Jollibee ay gumagamit ng

Coca-Cola para sa mga inuming nito at sa ibang bansa naman ay mga produkto

ng Pepsi. Kilala ang Jollibee sa pagbibigay ng masarap na pritong manok, na

kung saan ay tinatawag na Chicken joy. 22

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pangunahing dahilan ng

pagtingkilik ng mga tao sa pagkain sa Jollibee Food Corporation. Saklaw din ng

pag-aaral na ito kung ano-ano ang mga iba’t ibang reaksyon at opinyon tungkol

sa pananaliksik na ito at kung paano ito nakaaapekto sa kanilang dahilan sa

pagkain sa Jollibee Food Corporation.

Ang mga mananaliksik ay pinili ang dahilan ng mga tao sa pagtangkilik sa

Jollibee sa kanilang isinasagawang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay

naglalayon na makakakuha ng respondete mula sa mga tao na kumakain sa loob

ng Jollibee mapabata man o matanda. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng

50 respondente babae o lalaki.

22 https://en.wikipedia.org/wiki/Jollibee#cite_note-JollibeeMilestonesHistory-7
21
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may maitutulong upang maging batayan sa

pagpapaunlad ng negosyo, makita ang halagahan ng isang negosyo sa isang

lugar at makita ang mga dahilan ng mga tao sa patuloy na pagtangkilik dito.

Sa Administrasyon ng negosyo - bilang isang namumuno sa isang

negosyo mahalaga na malaman ang mga saloobin ng mga tao tungkol sa

kanilang inihahandang pagkain. Ito rin ay magsisilbing gabay at hamon upang

mas mapagbuti pa ang pagbibigay serbisyo sa mga tao.

Sa mga magtatrabaho ng Jollibee - patuloy na gawin ang trabaho at

pagseserbisyo sa mga tao at upang maeganyo sila at tangkilikin ang produkto o

negosyo.

Sa mga susunod na mga mananaliksik - ang tesis na ito ay maaring

maging gabay upang kayo ay may maisagawang bagong pananaliksik at maging

isang batayan sa pag-aaral.

Sa mga tao - ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng

interes na pag-aralan ang mga negosyo na patuloy na tinatangkilik ng mga tao.

Sa pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa mga dahilan

at kahalagahan ng mga negosyo sa isang bansa at mabuksan ang bawat

kamalayan sa mga bagay-bagay kung paano at para saan ang mga ito at

mabigyan din ng kasagutan ang iba pang katanungan tungkol sa paksa.

22
Katuturan ng mga Katawagan

Salapi o pera ay kahit anong pangkalakalang bagay o kaparaanan, na

maaaring sa anyo ng papel (bill), barya o sinsilyo (coins, token), bono

(bond), utang o kredito (credit) atbp. Ito ay nagpapanatili ng halaga ng bagay o

serbisyong nauugnay o nailaan para rito. Ang halaga ng pera (sa kaniyang iba't

ibang kaparaanan) ay tumataas (deflation) at bumamaba (inflation).

Ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o

ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at

ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon,

at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

Kumita, kita o kinita (Ingles: income) ay ang pagkakataon ng

pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan” sa loob ng

isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng

kasunduang pampananalapi

Industriya Sa larangan ng ekonomiya, ang iba't ibang

ng pagmamanupaktura at mga serbisyo ay pinaghihiwala-hiwalay sa mga

pangkat na tinatawag na mga industriya. Ang industriya ay ang produksiyon ng

isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng

isang ekonomiya. Maraming mga uri ng iba't ibang mga industriya, katulad

ng pagmimina, pagsasaka, at pagtotroso.

Pakikipagkalakalan, ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo,

o pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na

23
pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan. Ang pinagmulan ng

kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng mga produkto at mga serbisyo. Ang

mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang pangkalahatan sa

halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng salapi.

Sahod (Salary) Ito ay isang uri ng umuulit na pagbabayad mula sa sa

isang tagapagpahanapbuhay o tagapagpatrabaho papunta sa isang

naghahanapbuhay o manggagawa o trabahador, na maaaring tinukoy sa isang

kontratang panghanapbuhay. Ito rin ay tinatawag ding perang pinagpaguran,

upa, paupa, bayad, o pabuya, kaya’t ito ay ang kinita ng mga manggagawa

Pamayanan Ito ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na

panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak,

o pamamahay na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may

matibay na pagsasamahang panlipunan. Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-

uugnayang mga tao, na nabubuhay na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon

sa puwang, oras, o ugnayan.Ang pamayanan ay ang pagiging isang pangkat ng

mga organismo, maaaring ibang hayop na bukod pa sa tao, na may interaksiyon

o ugnayan na namumuhay at nagsasalo ng isang kapaligirang may populasyon.

Entidad ( entity) ay isang bagay na umiiral na nag-iisa, bagaman ito ay

maaaring maging hindi isang pag-iral ng isang materyal, katulad ng

mga abstraksiyon at mga likhang-isip na legal. Sa pangkalahatan, wala

ring sapantaha na ang isang entidad ay may buhay o gumagalaw (animado).

24
Pamamaraan ng Pananaliksik at Mga Pinagkunan ng Datos

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay ang mga piling tao na kumakain sa

Jollibee.

Ang mga mananaliksik ay pinili ang mga tao na kumakain sa Jollibee sa

kadahilanan na ang mga tao na ito ay mayroong sapat na kakayahan at

kaalaman upang masagutan ang tseklis. Sa mga katangian na ito ay tamang-

tama.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga dahilan ng mga tao kung

bakit nila patuloy na tinatangkilik ang Jollibee. Malaki ang papel ng mga tao

patungkol sa usaping ito at mas dapat maibigay ang kanilang saloobin upang

masolusyonan ang kanilang suliranin na kinaharap sa nasabing paksa. Dito

malalaman, masasagutan, at matutugunan ang mga katanungang hindi pa

nalalaman ng karamihan. Dito malalaman ang mga dahilan kung bakit patuloy

nila tinatangkilik ang Jollibee. Nais ng mananaliksik na maisawalat ang mga

datos na kanilang nakalap sa pananaliksik na ito.

Ang Jollibee ay nagsimula noong 1978 si Ginoong Tony Tan Caktiong at

an kanyang pamilya ay nagsimula magbukas ng kompanya na nangangalang

Magnolia Ice cream sa Cubao, Quezon City at kinalauan ito rin ang unang

25
naging Jollibee outlet at habang tumatagal nakilala at lumago ang Jollibee. At

ngayon Ito na ay isang fast food na kompanya nakabase sa Pilipinas at na

makikita rin sa Estados Unidos, Hong Kong, Vietnam, Indonesia, Dubai at

Brunei. Isa siyang uri ng istilong Amerikanong fast food na may panlasang

pagkaing Pilipino. Ang mga pagkain dito ay pritong manok, burgers, at spaghetti.

Dahil sa tagumpay ng Jollibee Foods Corporation nakuha nito ang ilan sa mga

katunggaling negosyo sa Pilipinas at sa ibang bansa tulad ng Chowking,

Greenwich Pizza, Mang Inasal, Red Ribbon at Burger King Philippines. Ito ay

isang American-style fast food restaurant na may impluwensya ng mga Pilipino

na pagkain tulad ng burgers, spaghetti, manok at ilang mga lokal na Pilipino

pagkain. Sa Pilipinas, ang Jollibee ay gumagamit ng Coca-Cola para sa mga

inuming nito at sa ibang bansa naman ay mga produkto ng Pepsi. Kilala ang

Jollibee sa pagbibigay ng masarap na pritong manok, na kung saan ay tinatawag

na Chickenjoy

Ito ay binuksang matagumpay na tindahan at sa mga sumusunod na taon:

ang ika-100 na kainan ay matatagpuan sa Davao 1991; ang ika-200 na kainan

ay matatagpuan naman sa Malolos, Bulacan noong 1996. Ang ika-300 na kainan

ay matatagpuan sa Balagtas, Bulacan noong 1998; ang ika-400 na kainan ay

matatagpuan sa Intramuros, Manila noong 2001; Ang kanyang ika-500 na

kainan ay matatagpuan sa Basilan noong 2004; ang ika-600 na kainan ay

matatagpuan sa Aparri sa 2007; ang ika-700 na kainan ay matatagpuan sa

Harrison Road, Baguio City noong 2010. Ang ika- na kainan ay matatagpuan sa

Malaybalay City, Bukidnon noong Oktubre 18, 2013 at ang ika-900 na kainan ay

26
matatagpuan sa Palo, Leyte noong Setyembre 30, 2015. Noong Marso 2006,

mayroon nang 1,287 na tindahan ang Jollibee sa Pilipinas at 161 naman sa

ibang bansa. Noong Marso 2006, mayroon nang 1,287 na tindahan ang Jollibee

sa Pilipinas at 161 naman sa ibang bansa. Ngayon, ang Jollibee ay mayroon ng

higit 1,000 na fastfood chain na matatapuan sa buong mundo at isa na rito ay

matagapuan sa Pantok Highway Binangonan, Rizal na sinasabi na ika-994 na

fastfood chain na matatagpuan sa Pilipinas.

27
Pigura 1

Mapa ng Jollibee sa Pantok Highway Binagonan, Rizal

28
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay nalalaman ng Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng

Datos.

Istadistikang Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Pearson Chi-Square upang mabatid

ang higit na nakakaapektong salik sa pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee.

Ayon sa suliranin tungkol sa mga Personal na Datos ng mga Mag-aaral

Ayon sa Edad at Kasarian ay ginamitan ng Percentage Method. Ang pormula na

ginamit ay ang mga sumusnod:

F
𝑥 100%
n

F = ito ang bilang o dami ng mga tagatugon ayon sa bawat kategorya.

N = ito ang kabuuan ng lahat ng mga taga tugon.

100% - ito ang constant.

Tungkol sa ikalawang katangunagn ayon sa mga Salik na Nakakaapekto


sa Mga Dahilan nga mga tao sa Pagtangkilik sa Jollibee ginamitan ito ng Item
Weight Analysis ang pormula ay ang mga sumusunod:

TW
IW = TR

IW = ito ang weight ng bawat tanong

TW = total weight o kabuuan ng mga tanong ayon sa mga tagatugon.

TR = total respondents o kabuuan ng mga tagatugon.

29
Ayon sa Makabuluhang Pagkakaiba ng mga Salik na Nakakaapekto sa

Pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee ito ay ginamitan ng Pearson Chi-Square ang

pormula ay ang mga sumusunod:

1. 𝑥𝑐2 = ∑ (𝑂𝐹−𝐸𝐹
𝐸𝐹
)2

𝑆𝑈𝑀 𝑅𝑂𝑊 𝑥 𝑆𝑈𝑀 𝐶𝑂𝐿𝑈𝑀𝑁


2. EF = 𝐺𝑅𝐴𝑁𝐷𝑆𝑈𝑀

OF = Obseve Frequency

EF = Expected Frequecy

30
Ang talahayan bilang 1, ay nagpapakita ng datos ng mag-aaral ayon sa

edad.

Talahayan Bilang 1

Talaan ng Datos ng mga Respondente

Ayon sa Edad

Edad Bilang ng mga Bahagdan

Respondente

2 - 15 9 18%

16 - 30 27 54%

31 - 45 9 18%

46 pataas 5 10%

Kabuuan 50 100%

Ipinapakita sa talahayan bilang 1, ng datos ng mga respondente ayon sa

edad. Makikita na higit na marami sa mga taga-tugon ay nasa edad labing-anim

(16) hanggang tatlumpu (30) na may limampu at apat (54) na bahagdan.

Sumunod ay nasa edad dalawa (2) hanggang labing-lima (15) at tatlumpu at is

(31) hanggang apatnapu at lima (45) na may bahagdan na labing-walo (18). At

huli na may pinakaunti na respondente ay nasa edad apatnapu at anim (46)

pataas na may bahagdan na sampu (10).

31
Ang talahayan bilang 2, ay nagpapakita ng datos ng mag-aaral ayon sa kasarian.

Talahayan Bilang 2

Talaan ng Datos ng mga Respondente

Ayon sa Kasarian

Kasarian Bilang ng mga Bahagdan

Respondente

Lalaki 23 46%

Babae 27 54%

Kabuuan 50 100%

Ipinapakita sa talahayan bilang 2, ng mga datos ng mga respondent ayon

sa kasarian na ang mga lalaki ay may bilang na dalawampu at tatlo (23) at may

bahagdan na apatnapu at anim (46). Sumunod dito ay ang mga babae na may

bilang na dalawampu at pito (27) at may bahagdan na limampu at apat (54).

Halos magkadikit ang bilang ng lalaki sa babae kaya nakaroon ng halos

na pantay na pananaw ang mga respondent.

32
Ang talahayan bilang 3, ay nagpapakita ng datos ng Talaan ng Bahagdan

ng mga Dahilan ng Pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee

Talahayan Bilang 3

Talaan ng Bahagdan ng mga Dahilan ng Pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee

Mga Tanong Oo Bahagdan Hindi Bahagdan Interpretasyon

1. Masarap ang Chicken 49 98% 1 2% A

2. Masarap ang fries 49 98% 1 2% A

3. Masarap ang burger 50 100% 0 0% A

4. Pangmasa ang pagkain 50 100% 0 0% A

5. Ligtas kumain 43 86% 7 14% A

6. , Malinis ang lugar 40 80% 10 20% A

7. Malinis ang kagamitan 43 86% 7 14% A

8. Mabilis na serbisyo 29 58% 21 42% A

9. Maaliwalas ang lugar 50 100% 0 0% A

10. Sapat ang espasyo 41 82% 9 18% A

11. Maayos na pakikitungo 44 88% 6 12% A


ng empelyado
12. Sapat na kagamitan 48 96% 2 4% A

A. Higit na nakaaapekto B. Hindi Nakaaapekto

33
Makikita sa Talahayang bilang 3, ang mga tanong na Higit na

nakakaapekto sa pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee ito ang mga sumusnod:

Masarap ang Chicken, Masarap ang fries, Masarap ang burger, Pangmasa ang

pagkain, Ligtas kumain, Malinis ang lugar, Malinis ang kagamitan, Mabilis na

Serbisyo, Maayos na pakikitungo ng empelyado at ang huli ay Sapat na

kagamitan.

Ayon sa pag-aaral ang mga tanong na ito ay nakakaapekto sa

pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee. Lumabas na labing-dalawa (12) sa labing-

dalawa (12) ang higit na nakakaapekto sa dahilan ng mga tao

34
Talahanayang Bilang 4

Talaan ng Salik na Nakakaapekto sa Pagtangkilik ng mga tao sa Jollibee

Mga salik na
nakaaapekto
sa
pagtangkilik Oo Bahagdan Hindi Bahagdan
ng mga tao
sa Jollibee

Pagkain 148 98.7% 2 1.3%

Presyo 50 100% 0 0%

Seguridad 43 86% 7 14%

Kalinisan 83 83% 17 17%

Serbisyo 73 73% 27 27%

Lugar 91 91% 9 9%

Kagamitan 48 96% 2 4%

Makikita sa Talahanayan bilang 4, ang mga dahilan ng mga tao sa

pagtangkilik sa Jollibee ito ang mga sumusunod: pagkain, presyo ng mga

pagkain, seguridad ng lugar, kalinisan ng lugar at pagkain, serbisyo ng mga

trabahador ng Jollibee,pagkakaroon ng sapat na lugar para sa mga kakain, at

mayroong mga sapat na kagamitan para sa mga tao.

35
Talahanayan Bilang 5

Talaan ng Makabuluhang Pagkakaiba sa mga Salik na nakakaimpluwensya sa

Pagtangkilik ayon sa Edad

Mga Salik Chi-Square df Sig. Ho VI

1. Pagkain 2.189 3 7.815 A NS

2. Presyo 0 3 7.815 A NS

3. Seguridad 4.459 3 7.815 A NS

4. Kalinisan 4.258 3 7.815 A NS

5. Serbisyo 3.782 3 7.815 A NS

6. Lugar 0.614 3 7.815 A NS

7. Kagamitan 1.563 3 7.815 A NS

Makikita sa talahanayan bilang 5, ng makabuluhang pagkakaiba sa Mga

Piling Salik na nakakaimpluwensya sa pagtangkilik ayon sa Edad. Lumabas sa

pag-aaral na halos lahat sa Mga Piling Salik ay walang makabuluhang

pagkakaiba. Nangangahulugan lamang ang Salik na ito ay may makabaluhang

relasyon ayon sa edad.

36
Talahanayan Bilang 6

Talaan ng Makabuluhang Pagkakaiba sa mga Piling Salik na

nakakaimpluwensya sa pagtangkilik ayon sa Kasarian.

Mga Salik Chi-Square df Sig. Ho VI

1. Pagkain 2.857 1 3.841 A NS

2. Presyo 0 1 3.841 A NS

3. Seguridad 1.028 1 3.841 A NS

4. Kalinisan 0.031 1 3.841 A NS

5. Serbisyo 0.130 1 3.841 A NS

6. Lugar 5.041 1 3.841 R S

7. Kagamitan 0.054 1 3.841 A NS

Makikita sa talahanayan bilang 6, ng makabuluhang pagkakaiba sa mga

Piling Salik na nakakaimpluwensya sa Pagtangkilik ayon sa kasarian. Ayon sa

lumabas na resulta na anim (6) sa pitong (7) Mga Salik na nakakaimpluwensya

sa Pagtangkilik ay walang makabuluhang pagkakaiba maliban sa isa (1) na salik

na nagsabi na mayroong makabuluhang pagkakaiba.

37
Sa kabuuan kalahati ay walang makabaluhan at kalahti naman ay mayroong

makabuluhang pagkakaiba sa mga Piling Salik na nakakaimpluwensya sa

Pagtangkilik ng mga tao ayon sa kasarian.

38
Kongklusyon at Rekomendasyon

Kongklusyon

Sa mga nakalap o nakuha at inilahad na datos sa pananaliksik na ito ay

nabuo ang kongklusyon na patuloy na kumakain ang mga tao sa Jollibee sa

kadahilanan na ang Jollibee ay nagbibigay ng sapat na mga rason upang sila ay

balik-balikan ng mga tao mapa-pagkain, presyo, seguridad, kalinisan, serbisyo,

lugar at kagamitan sila ay panalo sa mga mamimili.

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay nagrerekomenda na huwag sila magbabago ng

estilo, pagdating sa mga pagkain, presyo, seguridad, kalinisan, serbisyo, lugar at

kagamitan. Paniguraduhin na hindi nila maiiba ang mga serbisyo tumatak sa

mga isip ng mga tao na tumatangkilik sa kanila, dahil dito sila lumago at dito sila

nakilala ng mga tao mapabata man o matanda.

39
Sanggunian

A. Aklat

Barr, N. (2004) Problems and definition of measurement. In Economics of the


welfare state. New York: Oxford University Press.

Cho, E. & G.N. McLean (2004) Advances in Developing Human Resources.


California: SAGE Publications.

Go, J. (2001). Fundamentals of Marketing: In The Philippine Setting. Quezon


Road. Design Plus.

Johansen B.P. & McLean G.N. (2006) Advances in Developing Human


Resources. California: SAGE Publications.

B. WebSite

Banzon, A. (20018, Mach 17)

Jollibee opens 600th store in RP galing


sahttp://goodnewspilipinas.com/2008/03/17/jollibee-opens-600th-store-in-
rp/

Deveza, JB. R. (2013 October 26).

Jollibee opens 800th store galing sa


http://business.inquirer.net/149421/jollibee- opens-800th-store

Montealegre, K. (2015, November 1)

"Jollibee aims to expand in UK, Italy next year" galing sa


http://www.bworldonline.com/content.php?section=Corporate&title=jollibee
-aims-to-expand-in-uk-italy-next-year&id=117911

Roa, AM. G. (2010 November 27 )

Jollibee opens 700th store in Baguio galing sa http://news.abs-


cbn.com/business/11/27/10/jollibee-opens-700th-store-baguio

40
C. Blog

(2014, July 2). Humphrey Dumpty. galing sa


http://humphreydumpty.weebly.com/blog/layunin

Baguhangrakista (2011, December 2). Filipino Entrepreneur. galing sa


https://pinoynegosyo101.wordpress.com/2011/12/02/ano-ba-ang-negosyo-at-
pagnenegosyo/

D. Elektroniko

http://www.jollibee.com.ph/about-us/#milestones-history

http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/

http://tagalog.inmylanguage.org/article.aspx?cat=WORKCAN&docid=2272266

https://tl.wikipedia.org/wiki/Ekonomiya

https://tl.wikipedia.org/wiki/Salapi

https://tl.wikipedia.org/wiki/Industriya

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalakalan

https://tl.wikipedia.org/wiki/Sahod

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pamayanan

https://tl.wikipedia.org/wiki/Entidad

41
APENDIK

42
APENDIK

43
APENDIK

TALATANUNGAN

44
APENDIK

Routine Slip

45
KURIKULUM

BITA

46
Bautista, Kristelle Marisse R.
Blk 85 Lot 31 Phase 2-A Mauhay Homes Pantok
Binangonan, Rizal

Sekundarya : Child Jesus of Prague School

(June 2012 – March 2016) Batingan, Binagnoan Rizal

Elementarya: Genesis de Rizal School

(June – March 2012) Pantok, Binagonan Rizal

Personal Background

Petsa ng Kapanganakan: April 14, 2000

Lugar ng Kapangankan: Manila

Edad: 16

Katayuang Sibil: Single

Pagkamamamayan: Filipino

Pangalan ng Ama: Edgardo R. Bautista

Pangalan ng Ina: Emily R. Bautista

Panagalan ng/mga kapatid: Katherine Ashley R.


Bautista

Kristian David R. Bautista

47
Doblada, Carla Nila A.
0816 Sysna Road Calumpang, Binangonan, Rizal

Sekundarya : Child Jesus of Prague School

(June 2012 – March 2016) Batingan, Binagnoan Rizal

Elementarya: Child Jesus of Prague School

(June 2006 – March 2012) Calumpang, Binagonan Rizal

Personal Background

Petsa ng Kapanganakan: November 29, 1999

Lugar ng Kapangankan: Cardona, Rizal

Edad: 17

Katayuang Sibil: SIngle

Pagkamamamayan: Filipino

Pangalan ng Ama: Faustino C. Doblada

Pangalan ng Ina: Ma. Corazon A. Doblada

Panagalan ng/mga kapatid: Carlo Rafael A. Doblada

Carl Russel A. Doblada

48
Alejandro, Jouraine Paula SJ.
2125 Quirino Boulevard, Patunhay, Cardona, Rizal

Sekundarya : Child Jesus of Prague School

(June 2012 – March 2016) Batingan, Binagonan Rizal

Elementarya: Child Jesus of Prague School

(June 2009 – March 2012) Calumpang, Binangonan Rizal

Queen Mary Help of Christian School

(June 2006 – March 2009) Calahan, Cardona Rizal

Personal Background

Petsa ng Kapanganakan: August 20, 1999

Lugar ng Kapangankan: Morong, Rizal

Edad: 17

Katayuang Sibil: Single

Pagkamamamayan: Filipino

Pangalan ng Ama: Pablito L. Alejandro Jr.

Pangalan ng Ina: Jeannie SJ. Alejandro

Panagalan ng/mga kapatid: Jenevha Paye SJ.


Alejandro

49

You might also like