You are on page 1of 9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 9

IKAWALANAG MARKAHANG PAGSUSULIT


Taong Panuruan: 2023-2024

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang.
Piliin ang tamang sagot mula sa titik Ⓐ Ⓑ Ⓒ Ⓓ. Itiman ang bilog ng napiling sagot.
Maging tapat sa pagsagot at maniwala ka sa iyong sariling kakayahan.

1. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Ano naman ang tungkulin?


Ⓐ obligasyong moral
Ⓑ Likas na Batas Moral
Ⓒ kapangyarihang mortal
Ⓓ kapangyarihan sa buhay
2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa indibidwal na karapatan?
Ⓐ Karapatan sa buhay
Ⓑ Karapatan sa pribadong ari-arian
Ⓒ Karapatan sa pagpili ng propesyon
Ⓓ Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
3. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na may pinakamataas na antas sa mga
karapatan?
Ⓐ Karapatang magtrabaho
Ⓑ Karapatang magpakasal
Ⓒ Karapatang sumamba
Ⓓ Karapatan sa buhay
4. Hindi maiaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ito upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Anong karapatan ang
tinutukoy dito?
Ⓐ Karapatan sa buhay
Ⓑ Karapatang magpakasal
Ⓒ Karapatan sa pribadong ari-arian
Ⓓ Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
5. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
Ⓐ Mula kay Tomas de Aquino.
Ⓑ Mula sa isip ng tao.
Ⓒ Mula sa mga pilosopo
Ⓓ Mula sa Diyos

6. Ano ang kaisa-isang batas na sinasang-ayunan ng lahat?

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Ⓐ Maging Makatao
Ⓑ Maging Makamasa
Ⓒ Maging Maka-hayop
Ⓓ Maging Maka-bansa
7. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Ⓐ Sa dami ng produkto na ginagawa at nilikha ng tao.
Ⓑ Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
Ⓒ Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
Ⓓ Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
8. Alin sa mga sumusunod ang pinakamataas na layunin ng paggawa?
Ⓐ Pag-angat ng kultura ng moralidad
Ⓑ Pagkamit ng kaganapan bilang tao
Ⓒ Pagtulong sa mga nangangailangan
Ⓓ Pagbabago ng Agham at Teknolohiya
9. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
Ⓐ Mataas na tiwala sa sarili.
Ⓑ Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba.
Ⓒ Suporta para sa pansariling pangangailangan.
Ⓓ Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba.
10. Ang tao ay pinagkalooban ng kakayahan o talento upang patuloy na umunlad bilang
kasapi ng isang lipunan. Alin sa mga ito ang nagbibigay kahulugan o kaganapan sa buhay
bilang tao?
Ⓐ paggawa
Ⓑ pagtugon
Ⓒ pakikisama
Ⓓ pagmamahal
11. Si Efren Peñ aflorida ay nagsusulong ng kariton classroom upang magturo sa mga
batang mahihirap na matutong bumasa. Ano ang tawag sa kilos na ipinapakita niya?
Ⓐ Pakikilahok
Ⓑ Bolunterismo
Ⓒ Pagkawanggawa
Ⓓ Pagtulong
12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tungkulin na kailangan mong gawin
sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo?
Ⓐ Bolunterismo
Ⓑ Pakikilahok
Ⓒ Pagkawanggawa
Ⓓ Pagtulong
13. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng
pagmamahal sa kapwa at sa lipunan na hindi naghahangad ng anumang kapalit?
Ⓐ Pakikilahok
Ⓑ Bolunterismo
Ⓒ Pagkawanggawa
Ⓓ Pagtulong

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tama tungkol sa pananagutan o
tungkulin?
Ⓐ Maaaring magbigay ng kaligayahan kapag nakakagawa nang mabuti sa kapwa.
Ⓑ Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao ay may kaakibat na
tungkulin.
Ⓒ Kung ang isang tao ay tinatamasa ang mga karapatan ng walang
responsibilidad.
Ⓓ Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang
tao.
15. May isang taong marumi at mabaho na pumasok sa isang supermarket upang bumili
ng kanyang makakain. Subalit, pinigilan siya ng guwardiya. Tama ba ang naging pagtrato
sa kanya?
Ⓐ Hindi, dahil siya ay isang customer at may pambayad naman siya.

Ⓑ Oo, dahil may mabibilhan naman siya sa labas ng supermarket.


Ⓒ Oo, dahil pandidirihan siya ng mga tao sa loob ng supermarket .
Ⓓ Hindi, dahil may karapatang pumili ang tao kung saan siya bibili.

Para sa bilang 16. Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon at sagutin


Itinakas ni Abdul ang pamilya niya mula sa Marawi City, Lanao del Sur,
patungong Davao City upang takasan ang kalupitan ng mga dayuhang terorista.
16. Anong indibidwal na karapatan ang ipinakita ng tauhan?
Ⓐ Karapatang mabuhay at maging malusog
Ⓑ Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
Ⓒ Karapatan sa malayang paglipat o migrasyon
Ⓓ Karapatan sa mga batayang pangangailangan
17. Ano ang pinakamabuting gawin upang maipaglaban ang iyong karapatan?
Ⓐ. Kukomprontahin ko ang mga taong naninira. .
Ⓑ. Mananahimik na lang ako parang walang gulo.
Ⓒ. Sisiraan ko rin ang mga taong naninira sa akin.
Ⓓ. Ipagtatanggol ko ang aking sarili at dignidad.
18. Ang curfew ay ipinapatupad sa inyong barangay tuwing alas nuwebe ng gabi
hanggang alas kuwatro ng madaling araw. Sumasang-ayon ka ba rito?
Ⓐ Oo, dahil ang mga kabataan ay nararapat na nasa kanilang mga tahanan.
Ⓑ Oo, dahil nakatutulong ito upang maiwasan ang krimen sa isang lugar.
Ⓒ Hindi, dahil nagdudulot lamang ito ng takot sa mga mababait na tao.
Ⓓ Hindi, dahil nakakaapekto ito sa paghahahanapbuhay ng mga tao.
19. Ayon sa pahayag ng ating Bise-Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio,
opsyonal lamang o hindi sapilitan ang pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral. Dahil
dito, may mga mag-aaral na nagpapasok ng kanilang kasamahan sa Gang na hindi mag-
aaral sa paaralan nila. Sumasang-ayon ka ba sa ginagawa nilang ito?
Ⓐ Oo, dahil ninanais lamang ng mga mag-aaral na makasama ang kanilang mga
kaibigan.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Ⓑ Oo, dahil hinahangad lamang ng mga mag-aaral na maipaalam sa iba na sila ay
astig.
ⒸHindi, dahil may mga mag-aaral na ayaw maging miyembro o tagasuporta ng
gang.
ⒹHindi, dahil nagbibigay ito ng sitwasyon na magkakagulo sa loob ng paaralan.
20. Nakakamit ng tao ang sumusunod sa pamamagitan ng paggawa. Alin ang HINDI
kabilang dito?
Ⓐ Napatataas ang tiwala at pananalig sa sarili.
Ⓑ Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain.
Ⓒ Nalilimutan ang oras sa pamilya dahil abala sa paggawa.
Ⓓ Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan.
21. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

 Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain


 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo
Ⓐ Karapatan sa buhay
Ⓑ Karapatang magpakasal
Ⓒ Karapatang maghanapbuhay
Ⓓ Karapatang pumunta sa ibang lugar
22. Alin ang HINDI nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
Ⓐ Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
ⒷSumasali si Dennis sa mga isports na mapanganib tulad ng car racing.
ⒸNagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang-
kalye
Ⓓ. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Montejo para sa mga batang biktima ng
pang-aabuso.

23. Ano-ano ang dapat makita sa iyo bilang taong nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
ⒶKayamanan, Talento, at Bayanihan
ⒷPagmamahal, Talento, at Kayamanan
ⒸPanahon, Talento, at Kayamanan
ⒹTalento, Panahon, at Pagkakaisa
24. Alin ang HINDI kahulugan ng pakikilahok?
ⒶMaaaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa
ⒷTumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa.
Ⓒ. Nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.
ⒹIsang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat tungo sa kabutihang
panlahat.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
25. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
Ⓐ Ang likas na batas moral ay nagbabago sa paglipas ng panahon
Ⓑ Ang likas na batas moral ay batay sa kultura at kinagisnan.
Ⓒ Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.
Ⓓ Maraming anyo ang likas na batas moral.
26. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
ⒶWalang nasasaktan
ⒷIto ay ayon sa mabuti
Ⓒ Makapagpapabuti sa tao
Ⓓ Magdudulot ito ng kasiyahan
27. Isang araw, may nakita kang isang lalaking pinagagalitan at pinagmumura ang isang
matandang drayber dahil sa hindi nito pag-park nang maayos ng kanyang jeepney. Sa
tabi ng matanda ay ang kanyang apong nanginginig na sa takot. Ano ang iyong gagawin?
Ⓐ Manonood lamang ako sa di kalayuan.
Ⓑ Lalapit ako at ilalayo ko ang bata na nasa tabi ng kanyang lolo.
Ⓒ Lalapitan ako at pakikiusapan ang lalaki na makipag-usap nang mahinahon.
Ⓓ Tatawag ako sa kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis
upang mamagitan sa kanila.
28. Ano ang mabubuo mong konsepto mula sa talata?

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng


karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura- ay labag sa
katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang
pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang
karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol ng may mataas na antas na
determinasyon.
Ⓐ Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
Ⓑ Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
ⒸGamitin ang lahat ng paraan at plano na nakaangkla sa karapatan sa buhay.
ⒹIsang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa
aborsyon.
29. Nakita mong pinapala ng iyong kapitbahay ang loteng iyong inuupahan upang
matabunan ang kanal nila. Nilapitan mo sila at tinanong nang mahinahon. Pagkatapos ay
tumalikod ka na at walang ibang sinabi. Pagkapasok mo ng bahay narinig mo na lang na
nagsisigaw ang iyong kapitbahay at pinalalabas na masama ang iyong ginawang paglapit
sa kanila. Paano mo ito aayusin?
Ⓐ Hahayaan na lamang silang ilabas ang kanilang galit para walang gulo.
Ⓑ Hihintayin ko na lang kung hanggang kailan siya hihinto sa pagsisigaw.
ⒸPalilipasin ko muna ang kanyang galit, pagkatapos kakausapin sila nang
masinsinan.
ⒹLalabas ako at magpapaliwanag sa pasigaw din na pamamaraan upang
magkarinigan.
30. Isa sa mga senador ng ating bansa ay nagmungkahi na ibalik ang pagpataw ng
parusang kamatayan sa mga kriminal o nagkasala. Sumasang-ayon ka ba rito?

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Ⓐ Oo, para makamit ang hustisya ng lahat ng mga naging biktima.
Ⓑ Oo, para mabawasan na ang kriminalidad at maging mapayapa ang bansa.
Ⓒ Hindi, dahil may mga nakulong o itinuring na nagkasala na napagbintangan
lamang.
Ⓓ Hindi, dahil ang Diyos ang nagpahiram ng buhay, kaya Siya lamang ang babawi
nito.
31. Bakit mahalaga na ang tao ay naghahanapbuhay?
Ⓐ Ang tao ay wangis ng Diyos at siya ay tulad ng Diyos na lumilikha.
Ⓑ Ang tao ay hindi nabubuhay kung hindi siya gumagawa o nagtatrabaho.
Ⓒ Ang tao ay hindi matatawag na tao kung siya ay hindi naghahanapbuhay.
Ⓓ Sa paghahanapbuhay natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan.
32. Si Aling Nena ay nagtatrabaho sa isang pabrika. Kahit abala siya sa
paghahanapbuhay ay may panahon pa rin siyang alagaan ang kanyang matandang ina at
tuwing Linggo, nagboboluntaryo siya sa mga gawaing pangsimbahan at
nagkakawanggawa na inoorganisa ng kanilang barangay. Bakit ginagawa ito ni Aling
Nena?
Ⓐdahil, nais niyang ipakita sa tao na siya ay mabait.
Ⓑdahil ito ay nagbibigay sa kanya ng labis na kasiyahan.
Ⓒ dahil, kinakailangan niyang gawin ang mga bagay na ito.
Ⓓ dahil relihiyoso siyang tao at nais niyang mapalapit sa Diyos.
33. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
Ⓐ Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng iba bago ang
sarili.
Ⓑ Likas sa tao na unahing matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
ⒸKung ang maging pangunahing layunin sa paggawa ay pera, hindi ito nararapat.
ⒹHindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
34. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
Ⓐ Ang paggawa ay paggawa ng iba’t ibang bagay para sa iba.
Ⓑ Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
Ⓒ Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
Ⓓ Ang paggawa ay pagpapalitan at pakikiugnayan kasama ang kapuwa.
35. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang pakahulugan nito?
Ⓐ Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa
bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang
kaganapan.
Ⓑ Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya
upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman
ng paggawa.
ⒸAng tao ang gagamit ng lahat na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa
lamang ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha ng kapwa para sa kaniya.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Ⓓ Ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang
makagawa ng isang makabuluhang produkto para sa kapuwa na gagamit nito.
36. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa
lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ano ang kahulugan nito?
Ⓐ Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Ⓑ Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang
kapuwa.
Ⓒ Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong
at magsilbi sa kapuwa.
Ⓓ Kailangang isipin ng tao na sa kaniyang paggawa, mas malaki ang maiaangat
ng sarili niya kaysa sa iba.
37. Sa isang panayam sa tatlong manggagawang kumakatawan sa mga taong
nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso, narito ang kanilang mga
pahayag:

“Kahit hindi tugma sa aking natapos ang aking trabaho, basta sumasahod ako.”
“Hindi na mahalaga sa akin kung anong natapos ko, mahalaga may naitulong ako sa aking mga
magulang.”
“Nakapagtapos ako ng kursong BEEd, at ngayon naging kahera ako sa isang tindahan. Ang layo nito
sa kurso kong natapos. Ngunit masaya ako dahil nakatulong din ako kahit papaano sa aking mga
kapamilya.”

Alin sa mga sumusunod ang angkop na buod para rito?


ⒶKailangang makapagtapos sa kolehiyo upang magkaroon ng hanapbuhay.
ⒷAng kaligayahan sa paggawa ay nasusukat sa perang natatanggap mula rito.
ⒸSa paggawa, mahalagang ikaw ay may maraming kakilala upang magtagumpay.
ⒹAng paggawa ay nagiging mas makabuluhan kapag ito’y naging daan tungo sa
kaganapan ng sarili.
38. Ano ang makakamit ng lipunan kung ikaw at ang bawat isa ay magsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
Ⓐ Kabutihang Panlahat
Ⓑ Kapayapaan
Ⓒ Pagkakaisa
Ⓓ Pag-unlad
39. Hindi nakadalo si Kath sa Oplan-Linis ng kanilang Purok dahil inaalagaan niya ang
kanyang lola na maysakit. Ngunit nagpadala siya ng pang-meryenda ng mga taong
lumahok dito. Anong antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Kath?
Ⓐ Impormasyon.
Ⓑ Pagsuporta
Ⓒ Sama-samang pagkilos
Ⓓ Sama-samang pagpapasiya

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
40. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso
hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
Alin sa sumusunod ang paliwanag ng pahayag na ito?
Ⓐ Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha
ayon sa wangis ng Diyos.
Ⓑ Tama, dahil bilang aktibong kasapi ng lipunan ay ginagawa niya ito bilang
pampalipas-oras lamang.
Ⓒ Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kaniyang nais ay humihinto na
sa kanilang ginagawa.
Ⓓ Mali, dahil ang mga tao ay naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang
makukuhang kapalit rito.

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


Taong Panuruan 2023-2024
SUSI NG KASAGUTAN

1. A 11. B 21. B 31. D


2. C 12. A 22. C 32. B
3. D 13. B 23. C 33. B
4. A 14. C 24. A 34. A

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
5. D 15. D 25. C 35. A
6. A 16. C 26. B 36. B
7. C 17. D 27. D 37. D
8. B 18. B 28. A 38. A
9. B 19. D 29. C 39. B
10. A 20. C 30. D 40. A

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified

You might also like