You are on page 1of 39

Taho Kayo Diyan!

: Pagnenegosyo ng Taho sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas

Isang Pananaliksik na iniharap kay

Bb. Heidi Bailon Sarno

Kagawaran ng Filipino at Panitikan

Pamantasang De La Salle – Dasmariñas

Bilang Bahagi ng mga Kahingian sa Asignaturang Fili102

Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong Pangkaalaman

Astilla, Hannerine Joy N.

Monzon, Noelle Angeline V.

Olandesca, Raiza Eladia R.

BSM11

Espinelo, Jolina C.

OFA11

Abril 11, 2016


2

TSAPTER I

INTRODUKSYON

A. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon tungkol sa Paksa

Dahil sa lumalagong ekonomiya ng Pilipinas, maraming pangkaraniwang

mamamayan ang nagbukas ng mga maliliit na negosyo. Sa katunayan, isa sa mga

tinalakay sa nakaraang pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC

SUMMIT 2015 na ginanap sa Philippine International Convention Center noong

Nobyembre 16-19, 2015 ay ang pagbibigay halaga at pagtataguyod sa mga maliliit na

negosyo. Isang mahalagang bahagi ng APEC Summit ay ang “2015 APEC Small and

Medium Enterprises Ministerial Meeting”. Bahagi na ng pang araw-araw na buhay ng

pangkaraniwang mamamayang Pilipino ang mga maliliit na negosyong pangkabuhayan.

Ayon sa isang panayam, sinabi ni Chinkee Tan, may-ari ng Big Apple Express Spa,

“Maraming nagsa-start big pero [they] think small. Mas maganda if you start small, but

think big for your business.”

(http://www.gmanetwork.com/news/story/268868/newstv/tonightwitharnoldclavio/from-

rags-to-riches-three-entrepreneurs-who-started-from-scratch, 2012) Sa pagtatayo ng

maliit na negosyo, ilang bagay lamang ang iyong kakailangan katulad ng puhunan, mga

tauhan, at makina o mga materyales na gagamitin mo sa iyong negosyo. Upang maging

matagumpay ang isang negosyo, dapat tandaan ng mga negosyante na bago sila

pumasok sa isang negosyo, kakailanganin nilang mamuhunan at dapat alam nila ang

negosyong kanilang itatayo upang tumagal ang kanilang negosyo


3

(http://tabletangkarunungan.blogspot.com/2012/09/wastong-paraan-sa-pagtatayo-

ng.html, 2012). Ilan sa mga kagandahan ng pagtatayo ng maliliit na negosyo ay ang

kadalian nitong mapalitan, malapit ito loob sa mga mamimili, at madaling itong ibagay

sa pangangailangan ng merkado (https://thestartupmag.com/key-advantages-small-

businesses-large-competitors). Ilan sa mga pangkaraniwang negosyo na kasalukuyang

matatagpuan sa Pilipinas ay ang buko juice business, barbecue stand, loading station,

sari-sari store at iba pa. Kabilang rin dito ay ang maliit na negosyo ni “Mamang

Magtataho” na syang kinasasabikan lalong lalo na ng mga bata sa umaga.

Ayon sa kasaysayan, ang taho ay orihinal na nagmula sa Tsina noong

kapanahunan ng Han Dynasty (http://www.pepper.ph/history-taho/, 2014). Ang taho o

soya custard ay gawa sa giniling na soya at karaniwang sinasahugan ng arnibal at sago

bago kainin. Sa Pilipinas, ang mga pagawaan ng taho ay siya ring gumagawa ng mga

tokwa. Ang taho ay karaniwang nakikitang inilalako sa mga kalsada at ngayon ay

matatapugan na ring ibinebenta sa mga pasyalan. Tinatangkilik ito saan mang panig ng

Pilipinas dahil bukod sa sustansyang hatid nito, umaakma din ito sa hilig ng mga

Pilipino sa matatamis na pagkain. Isa din sa dahilan kung bakit hindi ito nawawala sa

merkado ay ang abot kayang halaga nito. Walang pinipiling edad, kasarian, at estado sa

buhay ang mga tumatangkilik sa taho kaya naman hindi ito pinagsasawaan noon pa

man ng ito ay nagsimulang ilabas sa merkado. Dahil sa pagiging patok nito sa mga

mamimili, nagkaroon na rin ito ng iba’t ibang timpla na lalong tinangkilik ng mga Pilipino.

Isang halimbawa nito ay ang strawberry-flavored taho na tanyag sa siyudad ng Baguio.

Naging tanyag ang taho dahil sa tradisyonal na pagtitinda nito sa pamamagitan ng

pagpasan ng magtataho sa isang mahabang kahoy na may nakasabit na dalawang


4

malalaking lalagyanang lata sa dulo na naglalaman ng mga sahog kasabay ng

pagsigaw ng magtataho ng malakas na “taho!” upang makahikayat ng mga mamimili.

Ang pag-aaral na ito ay maaring magamit sa mga susunod na pananaliksik na

may kinalaman sa pagnenegosyo ng taho. Ang mga datos na makukuha sa pag-aaral

na ito ay maaring makatulong sa mga kasalukuyang pananaliksik na ginagawa. Maaari

din makinabang sa pag-aaral na ito ang mga negosyanteng nais na mamuhunan sa

pagnenegosyo ng taho o mga nagnanais na magsimula ng maliit na negosyo. Hindi

maaring magpadalos dalos sa pagsisimula ng negosyo dahil ayon kay Kathy S. Magee,

isang manunulat sa Civil Rights Clinic Blog ng ng Charlotte School of Law, kahit na

taglay ng isang negosyante ang lahat ng mga katangian na ito, kinakailangan pa din

ang masusing pag-aaral sa negosyong tatahakin

(http://cslcivilrights.com/2015/01/29/why-entrepreneurs-need-a-feasibility-study-before-

a-business-plan/, 2015). Isa pang makikinabang ay ang mga mamimili dahil

magkakaroon sila ng mas malawak na kaalaman ayon sa pagkaing kanilang

tinatangkilik. Ipinahayag ng isang pag-aaral na ang kasiyahan ng mga mamimili sa

produktong binibili ay may malaking papel sa kung magkano ang kita na kanilang

iniaambag sa negosyo (http://blog.clientheartbeat.com/why-customer-satisfaction-is-

important/, 2014). Isa pang maaaring makinabang ay ang mga kasalukuyang

nagnenegosyo ng taho dahil maaring magamit ang pag-aaral na ito upang lumago ang

kanilang kasalukuyang negosyo. Sa kasalukuyan, isang pangunahing pangangailangan

sa negosyo ay ang mga bagong ideya na mag-aambag sa mga pagbabago at pag-

unlad sa produkto. Ito ay maghihikayat ng mga bagong mamimili na tangkilikin ang

produkto at serbisyo na ibinibigay ng isang negosyo. Isa din itong paraan upang
5

manatili ang mga lumang mamimili at maging matapat sa naturang negosyo. Kung

walang pagbabago na magaganap, magdudulot ito ng pagkasawa na magiging dahilan

ng pagtangkilik ng mga mamimili sa ibang serbisyo at produkto. Ang mga taong ito ang

maaaring makinabang sa pagtataho kaya naman mahalagang pag-aaral ang

pagnenegosyong nito.

Upang maging posible ang pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nagsikap

na kapayanamin at mapapayag ang mga propesyonal na maaring makatulong na

sagutin ang mga katanungan sila lamang ang makapagbibigay linaw. Pagkatapos ay

naghanda ng talatanungan at naghanap ng 300 na kalahok upang tumgon sa mga

inihandang tanong, na siya namang gagamitin upang makakalap ng sapat na datos na

magiging basehan ng konklusyong mabubuo. Matapos maanalisa ang mga datos,

masusing pinag-aralan ng mga mananaliksik at nakabuo ng konklusyon at

rekomendasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng tatlong buwan sa loob

lamang ng Pamantasang De La Salle – Dasamariñas.

Kasalukuyang kalagayan ng Paksa

Ang paksang “Taho Kayo Diyan!: Pagnenegosyo ng Taho sa Pamantasang De

La Salle – Dasmariñas” ay napiling pag-aralan ng mga mananaliksik sapagkat hindi na

masyadong nabibigyang pansin ang maliliit na negosyo sa panahon ngayon. Kadalasan

ay binabalewala ang ganitong mga hanapbuhay dahil inaakalang hindi ito nag-aambag

ng malaking parte sa lipunan at ang mga atensyon ng karamihan ay nakatuon sa

malalaking negosyo lamang. Isang dahilan kaya isinagawa ang pag-aaral na ito ay

upang bigyang pansin ang maliiit na negosyo at upang makita ang importansya nito sa

lipunan.
6

B. MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Nakatagpo ang mga mananaliksik ng iba pang mga pag-aaral at artikulo upang

mas tuluyang maunawaan ang konseptong inilathala sa pananaliksik na ito. Una, ayon

sa artikulong The Key Advantages Small Business Have Over Large Competitors

(https://thestartupmag.com/key-advantages-small-businesses-large-competitors), ilan

sa mga kalamangan ng mga maliliit na negosyo sa mga malalaking negosyo ay ang

kakayahan nitong makipagsabayan sa mga pagbabago sa mundo ng pagnegosyo, ang

personal na pakikipag-ugnayan ng negosyante sa mga mamimili nito, at maliit lamang

ang organisasyon nito kaya mas kaunti lamang ang mga kawani na kasanib ng

organisasyon.

Ikalawa, ang artikulong Why customer satisfaction is important

(http://blog.clientheartbeat.com/why-customer-satisfaction-is-important/) isinulat ni Ross

Beard ay ginamit ng mga mananaliksik upang bigyang diin na ang mga mamimili ng

mga maliliit na negosyo ay kasing halaga ng mga mamimili ng malalaking negosyo. Sila

ang nagbibigay ng dahilan upang tumagal ang buhay ng mga negosyo. Isinaad rin dito

ng manunulat na ayon sa isang sarbey, binibigyang halaga ng bawat mamimili ang

paraan ng pag-aalaga sa kanila ng mga negosyante kung kaya’t mahalaga na alam ng

isang negosyante, maliit man o malaki ang negosyo, kung paano pakikisamahan ang

mga mamimili. Isinaad ding may anim na dahilan kung bakit dapat alam ng isang

negosyante kung paano alagaan ang mamimili. Ang anim na dahilang nasabi ay ang

siyang ginamit ng mga mananaliksik upang patunayan na ang industriya ng taho ay


7

nananatiling malakas sa panahon ngayon at may posibilidad pang magpatuloy

hanggang sa hinaharap.

Ikatatlo, ayon kay Chinkee Tan na inilahad ni Job De Leon sa artikulong From

rags to riches: Three entrepreneurs who started from scratch

(http://www.gmanetwork.com/news/story/268868/newstv/tonightwitharnoldclavio/from-

rags-to-riches-three-entrepreneurs-who-started-from-scratch), mas maganda para isang

nagbabalak pumasok sa negosyo ang magsimula sa maliit ngunit nag-iisip nan g Malaki

para sa kanilang negosyo salungat sa mga nag-uumpisa ng Malaki kaagad ngunit maliit

ang pag-iisip.

Ikaapat, ang artikulong The History of Taho (http://www.pepper.ph/history-taho/)

isinulat ni Serna Estrella ay napagpasyahang gamitin ng mga mananaliksik dahil sa

ibinigay nitong kasaysayan ng taho. Nakatulong ito upang malaman ang pinagmulan ng

taho at kung paano ito nakarating sa Pilipinas na siya namang naging sikat na negosyo

sa Pilipinas hanggang sa ngayon. Nagamit ng mga mananaliksik ang mga datos na

nagmula sa artikulong ito upang mapatunayan na ang taho ay bahagi na ng ating

kultura. Sinuportahan ito ng mga datos na nakalap mula sa sarbey. Naisaad na ang

taho ay orihinal na nagmula sa intsik at naipasa na lamang sa Pilipinas sa pagdaan ng

maraming tao at hanggang sa ngayon ay patok na patok pa din. Ayon din sa manunulat,

ang taho sa panahon ngayon ay nagkakaroon na din ng iba’t ibang anyo. Nagsisimula

nang magsulputan ang mga taho na nilalagyan ng iba’t ibang timpla na karaniwang

makikita sa mga establisyimento sa mga mall at mga parke. Sinabi na mas malaki ang

kinikita sa mga flavored taho kumpara sa mga ordinaryong taho na inilalako sa mga
8

kalsada. Ang paglagong ito sa industriya ng taho ay sinabing magbibigay ng mas

malaking oportunidad sa industriya ng taho sa Pilipinas.

Ikalima, ayon sa artikulong Wastong Paraan sa Pagtatayo ng Matagumpay na

Negosyo (http://tabletangkarunungan.blogspot.com/2012/09/wastong-paraan-sa-

pagtatayo-ng.html) isinulat ni Erik Laster, bago pumasok sa pagnenegosyo ang isang

tao, kinakailangan nya ng masidhing paghahanda. Una, kailangan mong mabigyan ang

iyong sarili ng matibay sa pundasyon sa pananalapi. Ikalawa, kailangan mong gawing

produktibo ang iyong sarili sa pag-iisip at sa serbisyo. Pangatlo, nangangailangan ng

pananaliksik at paghahanda upang magkaroon ka ng sapat na kaalama sa negosyong

papasukan na magbibigay sa ‘yo ng talino sa tamang pagdedesisyon. At panghuli,

kailangan mo ring buksan ang iyong sarili sa iba;t ibang oportunidad na.

At panghuli, ayon sa artikulong Why Entrepreneurs Need a Feasibility Study

before a Business Plan (https://cslcivilrights.com/2015/01/29/why-entrepreneurs-need-

a-feasibility-study-before-a-business-plan/) isinulat ni Kathy S. Magee, bagamat taglay

ng isang negosyante ang mga katangiang matalas ng pag-iisip, hindi takot sa panganib

o risk-taker, at masigasig, hindi sapat ang mga kalikasan na ito upang maging isang

matagumpay na negosyante kapag hindi sya naghanda at gumawa ng konseptong

pangnegosyo at makatotohanang plano tungo sa pagsasagawa ng kanyang naising

negosyo.

C. Kahalagahan at Layunin ng Pag-aaral

Noong tayo ay nasa batang ka-edaran pa, isa sa pinaka-inaabangan natin ay

ang taho na siyang inilalako sa umaga at kahit saan man tayo pumunta ay hinahanap-
9

hanap pa rin ng karamihan ang lasa ng taho kaya naman inaasam natin na magtagal pa

ang pagnenegosyo ng taho.

Ang mga mananaliksik ay napili ang paksa ukol sa pagtitinda ng taho sa loob ng

Pamantasang De La Salle University – Dasmariñas. Ang kahalagahan ng pananaliksik

na ito ay upang malaman kung sapat ba ang naibibigay na kita ng pagtitinda ng taho sa

kanilang pangaraw- araw na gastusin at kung ito ay magtatagal hanggang sa

hinaharap.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makapagbigay kaalaman o ideya sa

mga mambabasa partikular na sa mga estudanteng magkakaroon ng pananaliksik na

tungkol sa taho. Nais naming ilahad ang iba’t ibang kagandahang naidudulot ng

pagnenegosyo ng taho.

Ang mga sumusunod ang mga katanungang nais naming mahanapan ng

katanungan:

1.) Sapat ba ang kinikita sa pagnenegosyo ng taho upang matustusan ang pang-

araw-araw na pangangailangan?
2.) Magtatagal ba ang pagnenegosyo ng taho hanggang sa hinaharap?
3.) Mayroon bang lamang ang pagnenegosyo ng taho sa iba pang mga pagkaing

ibinabenta sa kalsada?
10

TSAPTER II

METODOLOHIYA

A. Disenyo at Uri ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay descriptive-analytic. Ang ganitong uri ng disenyo

sa pag-aaral ay karaniwang ginagamitan ng talatanungang pasasagutan sa mga

napiling kalahok ng mga mananaliksik. Ito ang napiling disenyo ng mga mananaliksik

dahil ang paggamit ng talatanungan ay kinakailangan upang makakuha ng sapat na

datos na siya naming maghahatid sa mga mananaliksik ng makatotohanang

konklusyon.

Survey-questionnaires ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik. Ito ay mga

inipong tanong na may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang

malaman ang opinyon, ideya, paniniwala ng mga kalahok ayon sa paksa. Ang mga

kalahok na pumayag na maging parte ng pananaliksik na ito ay ang mga magsasagot

ng talatanungan. Sasagutin nila ng tapat ang mga katanungan at pagkatapos ay

aanalisahin ng mga mananaliksik ang mga datos na nakuha.

Ang pakikipanayam naman sa isang propesyonal ay makatutulong din upang

mangalap ng datos at impormasyon hinggil sa paksa. Naisip ng mga mananaliksik na

makipagpanayam sa isang propesyonal o eksperto sa larangan ng pagnenegosyo ng

tataho dahil maaring mabigyang kasagutan ang mga katanungan na hindi mabibigyang
11

linaw sa pamamagitan ng talatanungan. Maari ring ikumpara ang mga resulta ng

talatanungan at ng pakikipanayam sa propesyonal para sa mas makatotohanang

resulta o konklusyon. Matapos ang masusi at tapat na pagaanalisa ng mga datos,

makapagbibigay ng konklusyon ang mga mananaliksik na siya namang magiging daan

upang mabigyang kasagutan ang mga layunin na inilahad sa pag-aaral na ito.

B. Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nangailangan ng 300 kalahok upang sagutan ang

inihandang talatananungan sa pag-aaral na ito. Ang mga kalahok ay binubuo ng mga

estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo sa DLSU-D (CSCS, CBAA, CLAC, CTHM,

CEAT at COED). Ang mag-aaral na pinili ay dapat nakabili at nakakain na ng taho na

ibinebenta sa loob ng DLSU-D. Kinailangan rin ng pakikipanayam sa isang

negosyanteng dalubhasa na sa pagnenegosyo ng taho. Aming nakapanayam si

Ginoong Richard Valderama, ang isa sa dalawang nagnenegosyo ng taho sa DLSU-D.

C. Mga Teknik at Pamamaraan ng Pangangalop ng Datos

Nagsarbey ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng DLSU-D na kumakain ng

taho. Kumuha rin ng datos ang mga mananaliksik mula sa mga artikulo at sa internet.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng survey–questionnaire na binubuo ng

labinlimang katangungan at sa bawat katanungan ay may apat na mapagpipilian ng

sagot. Nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng panayam kay Ginoong Richard

Valderama na nagnenegosyo ng taho sa loob ng Pamantasang De La Salle University-

Dasmariñas upang mas mapalawak pa ang batayan ng resulta sa pagkalap ng mga


12

datos sa pamamagitan ng kanyang sagot na nanggaling sa kanyang karanasan bilang

magtataho.

D. Pagsusuri ng Datos

Matapos ang pagtatala at pag-aanalisa ng mga sagot ng mga mag-aaral at

nakapanayam, pagsasamasamahin ng mga mananaliksik ang bilang ng mga lalaki at

babae na nagsagot pati na rin ang kanilang kurso. Sa paraang ito ay matutukoy na

walang pinipiling edad at kasarian ang kumakain ng taho. Gayundin, bubuo rin ng iba’t

ibang grapikong representasyon upang ipakita ng mas mabuti ang mga datos na

nakalap.

E. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga estudyante ng DLSU-D na bumibili at

kumakain ng taho sa loob ng pamantasan. Saklaw din ng pananaliksik na ito na

patunayan na walang pinipiling edad, kasarian at panahon ang pagkain ng taho.


13

TSAPTER III

RESULTA AT DISKUSYON

1. Sino ang nagpakilala sa ‘yo ng taho?

INTERPRETASYON:

Sa tatlong daang estudyante, dalawang daa’t anim na estudyante o 69% ang

nagsabi na ang kani-kanilang magulang ang nagpakilala ng taho sa kanila. Samantala,

apatnapu’t limang estudyante o 15% ng kabuuang bilang naman ang nagsabi na


14

sariling katuklasan ang nagpakilala sa kanila ng taho. Mayroong dalawampu’t pitong

estudyante o 9% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang nagpakilala sa kanila ng taho

ay ang kanilang mga kaibigan. Ang natitirang dalawampu’t dalawang estudyante o 7%

ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang nagpakilala sa kanila ng taho ay ang kanilang

tagapangalaga o guardian noong bata.

2. Ano/sino ang naaalala mo tuwing ikaw ay kumakain ng taho?

2. Ano/sino ang naaalala mo tuwing


ikaw ay kumakain ng taho?

INTERPRETASYON:

Ayon sa naging resulta para sa katanungang nasa itaas, ang pinakamalaking bilang

ng estudyanteng umabot sa isang daa’t walong estudyante o 39% ng kabuuang bilang

ang nagsabi na ang naalala nila tuwing sila ay kumakain ng taho ay ng lahat ng

nabanggit na salik. Walumpu’t dalawang estudyante o 27% ng kabuuang bilang ang


15

nagsabi na ang naaalala nila tuwing sila ay kumakain ng taho ay ang suking magtataho

noong bata. Mayroong animnapung estudyante naman o 20% ng kabuuang bilang na

ang naaalala ay ang lugar na kanilang kinalakihan tuwing sila ay kumakain ng taho. Ang

apatnapung estudyante o 13% ng kabuuang bilang ay nagsabi na ang kanilang mga

kalaro o kaibigan ang kanilang naaalala sa tuwing sila ay kumakain ng taho.

3. Magkano ang kadalasang ibinabaon sa isang araw?

INTERPRETASYON:

Makikita sa resulta ng inihain na grap na sa tatlong daang estudyante, isang

daa’t pitumpu’t siyam na estudyante o 60% ng kabuuang bilang ang nagsabi na sapat

ang presyo ng taho para sa kanila. Samantala, walumpu’t dalawang estudyante o 27%

ng kabuuang bilang naman ang nagsabi na katamtaman ang presyo ng taho. Mayroong
16

dalawampu’t dalawang estudyante o 7% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang

presyo ng taho ay hindi sapat. Ang natitirang labimpitong estudyante o 6% ng kabuuang

bilang ang nagsabi na ang presyo ng taho ay higit sa sapat.

4. Gaano kadalas sa isang linggo ang iyong pagbili ng taho sa Pamantasang

De La Salle – Dasmariñas?

INTERPRETASYON:

Makikita sa resulta ng inihain na grap na sa tatlong daang estudyante, dalawang

daa’t animnapu’t isa na estudyante o 87% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang

pagbili nila ng taho ay 0 hangang 3 na beses sa isang linggo. Samantala, dalawampu’t


17

tatlong estudyante o 8% ng kabuuang bilang naman ang nagsabi na 4 hanggang 6 na

beses. Mayroong labing-isang estudyante o 3% ng kabuuang bilang ang nagsabi na

ang kanilang pagbili ng taho ay 7 hanggang 9 na beses. Ang natitirang limang

estudyante o 2% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang kanilang pagbili ng taho ay

10 na beses o higit pa.

5. Anong oras ang karaniwang pagbili mo ng taho?

INTERPRETASYON:

Para sa katanungang nasa itaas, pinakamaraming estudyante na umabot sa

isang daa’t dalawampu’t lima o 41% ng kabuuang bilang ang nagsabi na sila ay bumibili

ng taho tuwing umaga. Ang isang daa’t labinsiyam o 40% ng kabuuang bilang ay

tumugon na walang tiyak na oras ang kanilang pagbili ng taho. Tuwing hapon naman
18

bumibili ng taho ang tatlumpung estudyante o 10% ng kabuuang bilang. Ang natirang

dalawampu’t anim na estudyante o 9% ng kabuuang bilang naman ay bumibili ng taho

tuwing tanghali.

6. Ano ang humihikayat sa ‘yo sa pagbili ng taho?

6. Ano ang humihikayat sa ‘yo sa


pagbili ng taho?

INTERPRETASYON:

Makikita sa resulta na sa tatlong daang estudyante, isang daa’t apatnapu’t pito o

47% ng kabuuang bilang ang sumagot na bumibili sila ng taho dahil sa kanilang sariling

kagustuhan. Siyamnapu’t dalawa o 31% ng kabuuang bilang naman ang mga


19

estudyanteng nagsabi na pagkagutom ang dahilan ng pagbili ng taho. Ang animnapu’t

apat na estudyante o 21% ng kabuuang bilang ang nagsabing bumibili sila ng taho dahil

nahihikayat sila ng mga kaibigan. Ang natitirang apat na estudyante o 1% ng kabuuang

bilang ay bumili ng taho dahil sa nakikita nilang maraming bumili nito.

7. Paano mo ilalarawan ang kaakmaan ng presyo kapalit ng dami ng taho?

INTERPRETASYON:

Sa tatlong daang estudyante, isang daa’t walumpu’t isa na estudyante o 61% ng

kabuuang bilang ang nagsabi na mailalarawang sapat ang kaakman ng dami taho sa

presyo nito. Samantala, pitumpu’t anim na estudyante o 25% ng kabuuang bilang ang
20

nagsabi na mailalarawang katamtaman ang kaakman ng dami sa presyo ng taho.

Mayroong dalawampu’t walo na estudyante o 9% ng kabuuang bilang ang nagsabi na

ang nagsabi na mailalarawan higit sa sapat ang kaakman ng dami sa presyo ng taho.

Ang natitirang labinlimang estudyante o 5% ng kabuuang bilang ang nagsabi na

mailalarawan di sapat ang kaakman ng dami sa presyo ng taho.

8. Paano mo ilalarawan ang kaakmaan ng presyo kapalit ng lasa ng taho?

INTERPRETASYON:

Sa tatlong daang estudyante, isang daa’t pitumpu’t walong estudyante o 59% ng

kabuuang bilang ang nagsabi na ang kaakmaan ng presyo kapalit ng lasa ng taho ay
21

sapat. Samantala, pitumpu’t anim na estudyante o 25% ng kabuuang bilang naman ang

nagsabi na ang kaakmaan ng presyo kapalit ng lasa ng taho katamtaman. Mayroong

tatlumpu’t dalawa o 11% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang kaakmaan ng presyo

kapalit ng lasa ng taho ay higit pa sa sapat. Ang natitirang labing-apat na estudyante o

5% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang kaakmaan ng presyo kapalit ng lasa ng

taho ay di sapat.

9. Paano mo ilalarawan ang pagkagusto mo sa Taho?

INTERPRETASYON:
22

Ayon sa naging resulta para sa katanungang nasa itaas, ang pinakamalaking

bilang ng estudyante na umabot sa isangdaa’t walumpu’t walo o 63% ng kabuuang

bilang ang nagsabi na ang kagustuhan nila sa taho ay gusto. Mayroong na limampu’t

anim na estudyante naman o 19 % ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang kagustuhan

nila sa taho ay gustong-gusto. Ang apatnapung estudyante o 13% ng kabuuang bilang

ay nagsabi na ang kagustuhan nila sa taho ay di masyadong gusto. Labing-anim na

estudyante o 5% ng kabuuang bilang naman ang nagsabi na ang kagustuhan nila sa

taho ay hindi gusto.

10. Paano mo ilalarawan ang serbisyong natatanggap mo?

INTERPRETASYON:
23

Sa tatlong daang estudyante, isang daa’t siyamnapu’t siyam na estudyante o

73% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang serbisyong natatanggap nila sa pagbili ng

taho ay sapat. Samantala, animnapu’t isang estudyante o 23% ang nagsabi na ang

serbisyong natatanggap nila sa pagbili ng taho ay katamtaman. Mayroong sampu na

estudyante o 4% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang serbisyong natatanggap nila

sa pagbili ng taho ay di sapat. Ang natitirang isang estudyante o 0% ng kabuuang

bilang ang nagsabi na ang serbisyong natatanggap nila sa pagbili ng taho ay higit sa

sapat.

11. Paano mo ilalarawan ang presyo ng taho?

INTERPRETASYON:
24

Makikita sa resulta ng inihain na grap na sa tatlong daang estudyante, isang

daan pitumpu’t siyam na estudyante o 60% ng kabuuang bilang ang nagsabi na sapat

ang presyo ng taho para sa kanila. Samantala, walumpu’t dalawang estudyante o 27%

ng kabuuang bilang naman ang nagsabi na katamtaman ang presyo ng taho. Mayroong

dalawampu’t dalawang estudyante o 7% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang

presyo ng taho ay hindi sapat. Ang natitirang labimpitong estudyante o 6% ng kabuuang

bilang ang nagsabi na ang presyo ng taho ay higit sa sapat.

12. Gaano ka kakuntento sa kabuuang produktong ibinibigay ng magtataho?

INTERPRETASYON:
25

Ayon sa naging resulta para sa katanungang nasa itaas, ang pinakamalaking

bilang ng estudyante na umabot sa isangdaa’t walumpu’t lima o 62% ng kabuuang

bilang na kuntento sa ang binibigay na serbisyo ng magtataho. Mayroong pitumpu’t

anim na estudyante naman o 25% ng kabuuang bilang ang nagsabi na katamtaman

ang binibigay na serbisyo ng magtataho. Ang dalawampu’t tatlong estudyante o 8% ng

kabuuang bilang na sobrang kuntento sa binibigay na serbisyo ng magtataho sa

produkto. Labing-anim na estudyante o 5% ng kabuuang bilang ang hindi kuntento sa

binibigay na serbisyo ng magtataho.

13. Gaano ka kasang-ayon na irekomenda ito sa iba?

INTERPRETASYON:
26

Makikita sa resulta ng inihain na grap na sa tatlong daang estudyante, limampu’t

pitong estudyante o 19% ng kabuuang bilang ang nagsabi na sobrang sang-ayon sila

na irekomenda ito sa iba. Samantala, labingwalong estudyante o 6% ng kabuuang

bilang naman ang di sang-ayon na irekomenda ito sa iba. Ang limang estudyante o 2%

ng kabuuang bilang ang nagsabi na sobrang di sang-ayon.

14. Anong katangian ng Taho ang iyong hinahanap sa tuwing ikaw ay bumibili?

INTERPRETASYON:
27

Makikita sa resulta na sa tatlong daang estudyante, isang daa’t talumpu’t siyam o

49% ng kabuuang bilang ang sumagot na ang katangian ng taho na kanilang hinahanap

tuwing bumibili ay ang lahat ng katangiang nabanggit. Walumpu’t pito o 27% ng

kabuuang bilang naman ng mga estudyante ang nagsabi na ang katangian ng taho na

kanilang hinahanap tuwing bumibili ay tamang timpla. Ang apatnapu’t isang estudyante

o 14% ng kabuuang bilang ang nagsabi na ang katangian ng taho na kanilang

hinahanap tuwing bumibili ay masustansya. Ang natitirang tatlumpu’t tatlo o 11% ng

kabuuang bilang naman ng mga estudyante ang nagsabi na ang katangian ng taho na

kanilang hinahanap tuwing bumibili ay ang abot-kayang halaga na presyo.

15. Anong kaigihan ng mayroong nagtitinda ng taho sa Pamantasang De La Salle

– Dasmariñas?

15. Anong kaigihan ng mayroong


nagtitinda ng taho sa Pamantasang

INTERPRETASYON:
28

Ayon sa naging resulta para sa katanungang nasa itaas, ang pinakamalaking

bilang ng estudyante na umabot sa isangdaa’t walumpu’t pito o 60% ng kabuuang

bilang ang nagsabi na ang kaigihan ng mayroong nagtitinda ng taho sa Pamantasang

De La Salle – Dasmariñas ay nagsabi na bumibili sila ng taho dahil sa tatlong dahilan

na inihain. Mayroong tatlumpu’t anim na estudyante naman o 12 % ng kabuuang bilang

ang nagsabi na madaling bumili kahit na anong oras ang kaigihan nito. Ang limampu’t

apat na estudyante o 18% ng kabuuang bilang ang nagsabing katiyakan na malinis ng

produkto ang kaigihan nito. Dalawampu’t siyam na estudyante o 10% ng kabuuang

bilang naman ang nagsabi na dahil pasado ang produkto sa pamantasan ang kaigihan

nito.

DATOS MULA SA PAKIKIPANAYAM SA EKSPERTO (G. Richard Valderama):

1. Bakit po pagtataho ang napili ninyong negosyo?


Hindi naman kasi ako nakatapos ng pag-aaral. Kaya ang bagsak ko talaga

ay pagtataho kaysa construction.


2. Ilang taon na po kayo nagnenegosyo ng taho?

Bali 20 years na. Anim na taon na ako dito sa La Salle [Dasmariñas].

3. Saan po kayong nagnegosyo doon sa mga naunang taon?

Yung ibang taon sa public high school.

4. Nauubos po ba ang paninda ninyo sa isang araw?

Minsan hindi.

5. Paano po ang ginagawa ninyo doon sa natira?

Kapag may tira, minsan binibigay ko sa kapitbahay.

6. Puwede pa po bang ibenta yung mga natirang taho kinabukasan?


29

Hindi na. Ang tagal kasi ng taho ay maghapon lang. Hanggang 5:00 o

6:00 ng hapon lang. Actually, hindi naman ako nagtatagal dito. Hanggang 5:00 o

hanggang 4:00 lang ako ng hapon.

7. Nakakailang puno/refill po kayo ng sahog sa isang araw?

Nakaka-dalawang refill ako sa isang araw.

8. Pagtataho po ba ang pangunahing pinanggagalingan ng kita o income ninyo?

Oo, pagtataho.

9. Ilan po ang anak ninyo?

Dalawang babae.

10. Nag-aaral na po ba yung dalawa ninyong anak?

Oo, nag-aaral sila. Yung isa, grade 6. Yung isa naman, grade 8 na.

11. Kaya naman po ng pagtataho ang makapagpa-aral?

Oo, kaya naman.

12. Anong taon po kayo nagsimula ng pagtataho?

Noong binata pa ako. 1996 nagsimula na ako.

13. Saan po kayo kumukuha ng sahog para sa taho?

Sa Gumamela Food Product. ‘Dyan lang malapit lang din sa may gate 3.

14. Gaanong katagal na po kayo kumukuha doon ng sahog?

20 years na rin. Simula noong nagtinda ako, doon na rin ako nakuha ng

pangsahog. Tsaka, d’on na rin kasi kumukuha ng sahog yung tatay ko dati.
30

15. Magkano po ang pag-angkat ninyo doon?

Bali ang angkat naming d’on ay 600 pesos mahigit.

16. Mayroon na po ba kayong hindi naging magandang karanasan sa pagbebenta

ng taho?

Mayroon naman. Natural lang din yun. Tulad nung dati, sabi ng isa kong

customer wag ko daw lagyan ng sago. Eh nalagyan ko. Nagalit sa ‘kin. Hindi na

niya kinuha yung taho. Hindi ko na rin pinabayaran. Pero okay lang yon. The

customer is always right eh.

17. Magkano po ang kita o income ninyo sa isang araw?

Kasi sa isang gallon, kumikita kami ng 700 pesos. Isang set na ‘yon tsaka

linis na ‘yon. Sa ‘min na.

18. Sino po ang mas madalas bumibili ng taho sa inyo? Babae o lalaki?

Mga babae.

19. Ano po ang maipapayo ninyo sa mga iba pang magtataho o sa mga gustong

magsimula ng maliit na negosyo?

Maraming magagandang negosyo. Kung sisipagan lang naman talaga

natin. Tsaka kumporme rin dapat sa pagpupwestuhan.

20. Anong oras po mabili ang taho?

Madalas sa umaga.

21. Sa arnidal, paano po kung tumaas ang presyo ng asukal? Tataas rin po ba

ang presyo ng taho?

Hindi kasi bawal. Hindi puwede eh. Sisitahin kasi kami ng M.R.O.
31

22. Paano po ang pagkokontrata ninyo sa DLSU-D?

Yearly ang kontrata namin dito sa La Salle.

RESULTA, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Matapos ang masusing pagsusuri ng mga datos na nakalap mula sa tatlong

daang kalahok, napagtanto ng mga mananaliksik na pinakamaraming pumili sa mga

magulang (69%) sa nagpakilala sa kanila ng taho. Sa katanungang ano o sino ang

kanilang naaalala sa pagkain ng taho, pinakamarami ang pumili sa lahat ng salik na

nabanggit (39%): ang suking magtataho noong bata, lugar na kinalakihan, at mga

kalaro o kaibigan.

Pinakamarami sa kalahok (39%) ang nagbabaon ng ₱101.00 hanggang

₱200.00 sa isang araw. 87% ng mga kalahok ang 0 hanggang 3 na beses lamang

kadalasang pagbili nila ng taho sa DLSU-D. Pinakamarami (41%) ang bumubili ng taho

sa umaga. Sa mga salik na humihikayat sa pagbili ng taho, pinakamarami (47%) ang

pumili sa sariling kagustuhan.


32

Kung ilalarawan ang kaakmaan ng presyo ng taho kapalit sa dami nito,

pinakamarami ang sumagot ng sapat (61%) gayundin sa paglalarawan ng kaakman ng

presyo kapalait ng lasa ng taho (59%). Sa paglalarawan ng pagkagusti sa taho,

pinakamarami ang sumagot ng gusto (63%). Sa paglalarawan naman ng serbisyong

natatanggap, pinakamarami ang sumagot ng sapat (73%). Sapat napili ng karamihan sa

mga kalahok (60%) sa paglalarawan ng presyo ng taho. Sa kabuuang produktong

ibinibigay ng magtataho, pinakamarami ang sumagot na sila ay kuntento (62%).

Humigit-kumulang 73% ng mga kalahok ang sinabing sang-ayon silang irekomenda ang

nasabing taho sa iba.

Sa mga sumusunod na katangian ng tahong inilahad at pagpipiliian sa

katanungan: abot-kaya ang halaga, masustansa, tamang timpla, at lahat ng nabanggit,

pinakamarami ang pumili sa lahat ng nabanggit (46%). Sa kaigihan ng mayroong

nagtitinda ng taho sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas, pinakamarami ang

pumili sa lahat ng nabanggit na salik (60%).

B. Konklusyon

Sa pamamagitan ng pagkalap ng datos, nasagot ang mga inilhad na layunin ng

mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Una, nasagot ang katanungang “Upang malaman kung sapat ba ang kinikita sa

pagnenegosyo ng taho?” Ang layuning ito ay nasagot dahil ayon sa aming

pakikipanayam kay Ginoong Richard Velderana, nagtitinda ng taho sa Pamantasang De

La Salle – Dasmariñas, nakakakain ng maayos ang kaniyang pamilya araw-araw at

napapagaral pa niya ang kanyang dalawang anak na babae na kasalukuyang nasa ika-
33

anim na baitang at ika-walong baitang. Pinatunayan ng datos na nakalap sa

pakikipanayam na ito na ang pagnenegosyo ng taho ay makapagbibigay ng sapat na

kita na pantustos sa pang-araw-araw na gastusin.

pantustos sa pangaraw-araw na gastusin.

Ikalawa, upang malaman kung ang pagnenegosyo ng taho ay magtatagal

hanggang sa hinaharap. Ayon sa sa datos na nakalap ng mga mananaliksik sa

pagpapasagot ng inihandang talatanungan, 19% o limampu’t pitog kalahok ang pumili

ng sobrang sang-ayon at 73% o dalawang daa’t dalawampung kalahok naman ang

pumili sa sang-ayon sa katanungang “gaano ka kakontento na irekomenda ito (taho) sa

iba?” At dahil sa mga napag-alamang resulta, masasabing magtatagal ang

pagnenegosyo ng taho sa panghinaharap sapagkat maraming tao ay gustong

irekomenda ang produktong ito.

Ikatlo, upang malaman kung lamang ba ang taho sa ibang pagkaing maibebenta

sa kalsada. Ayon sa sa datos na nakalap ng mga mananaliksik sa pagpapasagot ng

inihandang talatanungan, bumbili ang mga kalahok ng taho dahil sa taglay nitong mga

katangian gaya ng abot-kaya nitong halaga, sustansyang taglay, at tamang timpla. 60%

o isang daa’t pitumpu’t siyam na kalahok ang nagsasabing sapat ang presyo ng taho at

62% o isang daa’t walumpu’t limang kalahok naman ang kutento sa kabuuang produkto

na ibinibigay ng magtataho. Ayon rin sa pakikipanayam kay Ginoong Richard

Valderama, dalampung taon na siyang nagtitinda ng taho at dalawang beses siya sa

isang araw nagpupuno o refill ng mga sahog. Patunay ito na kayang makipagsabayan

at lamangan ng taho ang iba pang pagkaing matatagpuang ibinebenta sa kalsada.


34

C. Rekomendasyon

Sa pamamagitan ng mga datos na nakalap sa pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod ay mga rekomendasyon na inilahad ng mga mananaliksik ukol sa

pagnenegosyo ng taho sa isang pamantasan:

Mga Negosyante:

1. Sa pagnenegosyo ng taho sa isang pamantasan/paaralan, dapat suriin ng

negosyante ang mga sahog ng taho, alamin ang haba ng kasariwaan nito, at

tiyakin ang kalinisan nito.


2. Sa pagnenegosyo ng taho sa isang pamantasan/paaralan, dapat kilatisin nya

ang kapaligiran upang malaman nya saan ang pinakamabisang pwestong

pagbebenta ng taho.
3. Kahit na sa isang maliit na pagnenegosyo, dapat taglayin ng isang negosyante

ang kaaya-ayang pag-uugali at magandang pakikitungo sa iba’t ibang mamimili.


4. Dapat ring isa-alang-alang ng mga nagbabalak magnegosyo ang kanilang

kahandaan sa pagpasok sa mundo ng pagnenegosyo ng taho.


5. Kinakailangan ng lubos na pagsunod sa mga patakaran at regulasyon na inatas

ng pamantasang kinasasaklawan.

Mga Mamimili:

1. Mas bigyang pansin ang kagandahan at kabisahan ng pagnenegosyo ng taho at

ng iba pang maliliit na negosyo.

Mga Mananaliksik:

1. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na dagdagan pa ang ekspertong maaaring

makapanayam ukol sa nasabing paksa.


2. Mas palawakin at ikalat ang pagpapasagot ng talatanungan sa iba’t ibang

kolehiyo sa loob ng pamantasan.


35

MGA REPERENSYA:

Mga Libro:

Internet:

(2012, Oct. 2). The Key Advantages Small Businesses Have Over Large Competitors.

The Startup Magazine. Retrieved from https://thestartupmag.com/key-

advantages-small-businesses-large-competitors

Beard, R. (2014, January 20). Why Customer Satisfaction is Important (6 Reasons).

Client Heartbeat. Retrieved from http://blog.clientheartbeat.com/why-customer-

satisfaction-is-important/

De Leon, J. (2012, August 8). From rags to riches: Three entrepreneurs who started

from scratch. GMA News. Retrieved from

http://www.gmanetwork.com/news/story/268868/newstv/tonightwitharnoldclavio/fr

om-rags-to-riches-three-entrepreneurs-who-started-from-scratch
36

Estrella, S. (2014, March 3). The History of Taho. Pepper. Retrieved from

http://www.pepper.ph/history-taho/

Lasker, E. (2012, September 14). Wastong Karunungon sa Pagtatayo ng Matagumpay

na Negosyo. Tableta ng Karunungan. Retrieved from

http://tabletangkarunungan.blogspot.com/2012/09/wastong-paraan-sa-pagtatayo-

ng.html

Magee, K. (2015, January 9). Why Entrepreneurs Need a Feasibility Study before a

Business Plan. Civil Rights Clinic Blog. Retrieved from

https://cslcivilrights.com/2015/01/29/why-entrepreneurs-need-a-feasibility-study-

before-a-business-plan/
37

APENDIKS

TALATANUNGAN:

Magandang Araw,

Kami po ay mga mag-aaral mula sa BSM11 ng College of Business

Administration and Accountancy na kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol

sa pagnenegosyo ng Taho sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas. Ang pag-aaral

na ito ay nagnanais na alamin kung sapat ba ang kinikita ng negosyong ito upang

ipantustos sa pang-araw araw na pangangailangan. Nais po namin manghiram ng

kaunting oras upang sagutin ng tapat ang mga tanong na nakahain sa ibaba. Maraming

salamat po.

Pangalan (Opsyonal): Edad:

Kurso/Antas/Seksyon: Kasarian (M/F):

1. Sino ang nagpakilala sa iyo ng taho?


A. Mga magulang B. Tagapangalaga o guardian C. Mga kaibigan D. Sariling tuklas

2. Ano o sino ang naaalala mo tuwing ikaw ay kumakain ng taho?


38

A. Mga kalaro o kaibigan


B. Lugar na kinalakihan
C. Suking magtataho noong bata
D. Lahat ng nabanggit

3. Magkano ang kadalasang ibinabaon mo sa isang araw?


A. 50 – 100 B. 101- 200 C. 201 – 300 D. 301 o higit pa

4. Gaano kadalas sa isang linggo ang iyong pagbili ng taho sa Pamantasang De La

Salle – Dasmariñas?
A. 0 – 3 B. 4 – 6 C. 7 – 9 D. 10 o higit pa

5. Anong oras ang karaniwang pagbili mo ng taho?


A. Umaga B. Tanghali C. Hapon D. Walang tiyak na oras

6. Ano ang humihikayat sa ‘yo sa pagbili ng taho?


A. Gutom B. Nahikayat ng kaibigan C. Sariling Kagutuhan D. Maraming Bumibili

7. Paano mo ilalarawan ang kaakmaan ng presyo kapalit ng dami ng taho?


A. Higit sa sapat B. Sapat C. Katamtaman D. Di sapat

8. Paano mo ilalarawan ang kaakmaan ng presyo kapalit ng lasa ng taho?


A. Di sapat B. Katamtaman C. Sapat D. Higit sa sapat

9. Paano mo ilalarawan ang pag kagusto mo sa taho?


A. Hindi gusto B. Di masyadong gusto C. Gusto D. Gustong – gusto

10. Paano mo ilalarawan ang serbisyong natatanggap mo?


A. Di sapat B. Katamtaman C. Sapat D. Higit sa sapat

11. Paano mo ilalarawan ang presyo ng taho?


A. Di sapat B. Katamtaman C. Sapat D. Higit sa sapat

12. Gaano ka kakuntento sa kabuuang produktong ibinibigay ng magtataho?


A. Di kuntento B. Katamtaman C. Kuntento D. Sobrang kuntento

13. Gaano ka kasang-ayon na irekomenda ito sa iba?


A. Di sang-ayon B. Maaari C. Sang-ayon D. Sobrang Sang-ayon

14. Anong katangian ng taho ang iyong hinahanap sa tuwing ikaw ay bumibili?
39

A. Abot-kaya ang halaga B. Masustansya C. Tamang timpla D. Lahat ng

nabanggit

15. Anong kaigihan ng mayroong nagtitinda ng taho sa Pamantasang De La Salle-

Dasmariñas?
A. Madaling bumili kahit anong oras
B. Natitiyak na malinis
C. Pasado sa pamantayan ng De La Salle
D. Lahat ng nabanggit

You might also like