You are on page 1of 17

Phil-IRI

Pangkatang Pagtatasa sa
Pagbasa,
Baitang 4
Ang Aso sa Lungga
May isang asong gutom na gutom na
naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad,
ibinubulong niya sa sarili na kailangan niyang
makakita ng isang lunggang puno ng pagkain.
Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada,
agad siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang
mabusog.
Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang
lahat ng pagkain sa loob ng lungga. Sa kanyang
kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan.
Nang lalabas na lamang siya, napansin niyang hindi na
siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang humingi
ng tulong. Dumating ang isa pang aso at nalaman ang
nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang
aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”
Bilang ng mga salita: 116
(Bagong Filipino sa Puso at Diwa 2, Aragon et al, 1989)
1. Saan nangyari ang kuwento?
a. sa bukid c. sa kalsada
b. sa gubat d. sa lansangan

2. Ano ang hinahanap ng aso?


a. makakain c. mapapasyalan
b. makakasamad. matutulugan

3. Anong ugali ang ipinakita ng aso?


a. madamot c. masipag
b. matakaw d. mayabang
4. Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga?
A. May harang ang labasan
B. May bitbit pa siyang pagkain
C. Lubos na marami ang kinain niya
D. Mali ang paraan ng paglabas niya

5. Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso?


A. Natakot sa kanya ang aso
b. Para matuto siya sa pangyayari
c. Nainggit sa kanya ang isa pang aso
d. Hindi rin ito makakalabas sa lungga
Si Muning!
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni
Susan ang lalagyan ng pagkain ni Muning. May laman
na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa
kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung
naroon si Muning. Ikot na siya nang ikot, pero hindi
pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw.
Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si
Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga
kuting ang kasama ni Muning sa kahon! May puti,
itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting.
Tuwang-tuwa si Susan!
Bilang ng mga salita: 122
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
6. Sino ang naghahanap ng pusa?
a. ang kuting c. si nanay
b. si muning d. si susan

7. Bakit niya hinahanap ang pusa?


a. ipapasyal niya ito c. pakakainin niya ito
b. paliliguan niya ito d. patutulugin niya ito

8. Saan niya nakita ang pusa?


a. sa silid c. sa kahon
b. sa silong d. sa kusina
9. Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon?
a. mga anak nito c. mga nahuli nito
b. mga kalaro nito d. mga kaibigan nito

10. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento??


a. Nasaan si Muning? c. Ang Kahon ni Susan
b. Nasaan ang Kahon? d. Ang Pagkain ini Muning
Si Brownie
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking
aso ay masamang magalit. Minsan ay may
pumasok na malaking manok sa aming
bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung
hindi lamang siya nakatali nang mahigpit,
malamang na habulin niya ito. Nagulat ang
manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng
bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol
niya. Maya-maya ay may tinahulan siya nang malakas.
Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may
hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May napatay
siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang
buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot
ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni
Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,”
sabi niya.
Bilang ng mga salita: 122
(Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)
11. Saan naganap ang kuwento? (Literal)
a. sa bahay c. sa palengke
b. sa paaralan d. sa simbahan

12. Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie? (Paghinuha)


a. matapang c. maharot
b. masungit d. malikot

13. Ano ang napatay ni Brownie? (Literal)


a. pesteng ipis c. dagang bahay
b. pusang bahay d. ligaw na manok
14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo?
(Paghinuha)
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa

15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si Brownie”? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Gusto nitong magbigay ng aliw.
d. Nais nitong magbigay ng bagong kaalaman.
Balat ng Saging
 
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw.
“Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit
siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si
Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang
kanyang tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa
basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan,
natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya.
Hindi na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa
basurahan na ako magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
Bilang ng mga salita: 128
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
16. Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal)
a. Mina c. Lita
b. Lito d. Tina

17. Bakit sumisigaw si Mina? (Paghinuha)


a. galit siya c. tinatakot niya si Lito
b. maingay kasi d. hindi marinig ang boses niya

18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw?
(Paghinuha)
a. nagalit siya c. natakot siya
b. natuwa siya d. nagtampo siya
19. Bakit nadulas si Mina? (Literal)
a. madulas ang sahig
b. di niya nakita ang nilalakaran
c. natapakan niya ang balat ng saging
d. natapakan niya ang basang bahagi ng sahig

20. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento? (Pagsusuri)


a. Ang Basurahan
b. Ang Saging ni Lito
c. Pulutin ang Saging
d. Ang Sigaw ni Mina

You might also like