You are on page 1of 11

Martes

Oras ng Pagbasa: 10:00 ng


umaga
Panuto: Basahin nang tahimik.
(Silent Reading)
Si Brownie
Bilang ng mga salita: 122
(Bagong Filipino Saligang-Aklat II, Ibita et al, 1990)
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang
aking aso ay masamang magalit.
Minsan ay may pumasok na malaking
manok sa aming bakuran. Kaagad niya
itong tinahulan. Kung hindi lamang siya
nakatali nang mahigpit, malamang na
habulin niya ito. Nagulat ang manok at
tumakbo ito nang mabilis palabas ng
bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si
Brownie. Panay ang ungol niya. Maya-
maya ay may tinahulan siya nang
malakas. Biglang lumukso si Brownie sa
kanyang tulugan at may hinabol. Dali-
dali kong sinilip ang aking alaga.
May napatay siyang daga! Bahagya
pa niyang ginalaw ang kanyang buntot
nang makita ako. Kaagad kong binitbit
sa buntot ang daga at ipinakita kay
Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si
Brownie.“Talagang maaasahan ang
asong ito,” sabi niya.
Panuto: Basahin ang mga
tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
*Huwag kalimutang isulat ang pamagat ng
kwento.
1. Saan naganap ang kuwento?
(Literal)

a. sa bahay
b. sa paaralan
c. sa palengke
d. sa simbahan
2. Ano ang katangiang ipinakita ni
Brownie? (Paghinuha)

a. matapang
b. masungit
c. maharot
d. malikot
3. Ano ang napatay ni Brownie?
(Literal)

a. pesteng ipis
b. pusang bahay
c. dagang bahay
d. ligaw na manok
4. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang
buntot nang makita ang amo? (Paghinuha)

a. gusto niyang gisingin ang daga


b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang
ginawa
5. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si
Brownie”? (Pagsusuri)

a. Hatid nito ang isang balita.


b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Gusto nitong magbigay ng aliw.
d. Nais nitong magbigay ng bagong
kaalaman.

You might also like