You are on page 1of 17

FILIPINO 4

Isulat ang tamang baybay ng mga salita.


1.
2.
3.
4.
5.
Piliin sa Hanay B ang
kahulugan ng mga salita sa
Hanay A. Isulat ang sagot sa
patlang.
HANAY A HANAY B
___1. Katoto A. naglaban
___2. Dalubhasa B. natakot
___3. Durungawan C. Bintana
___4. Naghamok D. kaibigan
___5. Nasindak E. Eksperto
Basahin nang tahimik ang
bawat kuwento. Pagkatapos,
basahin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
Si Brownie
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang
aking aso ay masamang magalit. Minsan ay
may pumasok na malaking manok sa aming
bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung
hindi lamang siya nakatali nang mahigpit,
malamang na habulin niya ito. Nagulat ang
manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng
bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang
ungol niya. Maya-maya ay may tinahulan siya nang
malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang
tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang
aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa
niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako.
Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita
kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie.
“Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
1. Saan naganap ang kuwento?
a. sa bahay
b. sa paaralan
c. sa palengke
d. sa simbahan
2. Ano ang katangiang ipinakita ni
Brownie?
a. matapang
b. masungit
c. maharot
d. malikot
3. Ano ang napatay ni Brownie?
a. pesteng ipis
b. pusang bahay
c. dagang bahay
d. ligaw na manok
4. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie
ang buntot nang makita ang amo?
a. gusto niyang gisingin ang daga
b. nagulat siya sa kanyang ginawa
c. natakot siyang mapagalitan ng amo
d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa
5. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si
Brownie”?
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay-aral.
c. Gusto nitong magbigay ng aliw.
d. Nais nitong magbigay ng bagong
kaalaman.
6. Paano ipinakita ni Brownie ang
kanyang pagiging mahusay na bantay?
a. Sa pagtahol ng malakas.
b. Sa paghuli ng mga daga at iba pang
pumapasok sa bahay..
c. Sa pagkawag ng kaniyang buntot.
d. Sa paghabol ng mabilis.
Hinuha
1. Pangingisda ang hanapbuhay ng mag-amang Rick at
Carlo. Sa kabila ng masungit na panahon ay pumalaot pa rin
ang mag-ama. Ano ang maaaring susunod na mangyayari?
A. Maraming mahuhuling isda ang mag-ama.
B. Malalagay sa panganib ang kanilang buhay banta ng
masungit na panahon.
C. Lalaki ang kanilang kita sa pangingisda dahil masungit
ang panahon.
D. Maraming lulutuing isda ang mag-anak ni Mang Rick at
Carlo.
2. Si Aling Rosa ay hindi sumusunod sa batas.
Palagi niyang sinusunog ang mga plastik, damo,
papel at iba pang basura sa kanilang bahay. Ano ang
maaaring susunod na mangyayari?
A. Palaging malinis ang kanilang bahay.
B. Ipagmamalaki siya ng kaniyang mga kapitbahay.
C. Gagayahin siya ng kaniyang mga kapitbahay.
D. Maaari siyang madakip at makulong sa paglabag
sa batas.
3. Walang tigil ang pag-ulan ng malakas sa aming
lugar. May ilang bahay na pinasok na ng baha at
marami ang nagkansela ng pasok. Biglang may
dumating na sasakyan at pinasakay ang lahat. Ano
ang maaaring susunod na mangyayari?
A. Titigil na ang pag-ulan.
B. Pupunta ang mga tao sa evacuation center.
C. Magbibigay ng mga relief goods sa mga tao.
D. Mananatili ang lahat sa kanilang bahay.

You might also like