Professional Documents
Culture Documents
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong ay isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang naglalakad, ibinulong nya sa sarili na
kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng pagkain. Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad
siyang pumasok dito. Kumain siya hanggang mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng
pagkain sa loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan. Nang lalabas na lamang siya,
napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong. Dumating ang isa pang aso
at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis, nagwika siya sa kasamang aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”
Mga tanong:
Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng pagkain ni Muning. May laman na ang
lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinahanap niya kung naroon si Muning. Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin
niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si Muning sa loob ng
kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa kahon. May puti, itim at
magkahalong puti at itim na kulay ng kuting. Tuwang tuwa si Susan!
Mga tanong:
Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may pumasok na malaking
manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali ng mahigpit, malamang na
habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran.
Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Maya-maya ay may tinahulan siya nang malakas.
Biglang lumukso si Brownie sa kaniyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May napatay
siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kaniyang buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga
at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. “Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.
Mga Tanong:
4. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo? (Paghinuha)
A. gusto niyang gisingin ang daga
B. nagulat siya sa kaniyang ginawa
C. natakot siyang mapagalitan ng amo
D. upang ipakita sa amo ang kaniyang ginawa
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kaniyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito naman ang
tanong ni Lito.
Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kaniyang ate. “Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang
nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kaniyang sagot. Mahina ang kaniyang tinig. “Sabi ko na nga ba. Huwag
ka nang magtatapon dito, ha!”
“Sa basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas
ako.” “E… hindi ko sinasadya, Ate.”
“Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako
magtatapon.”
Mga Tanong:
3. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw. (Paghinuha)
A. Nagalit siya.
B. Natuwa siya.
C. Natakot siya.
D. Nagtampo siya.