You are on page 1of 2

Pangalan: Petsa:

Panuto: Basahin ng tahimik ang bawat kwento, pagkatapos, basahin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Ang Loro ni Lolo Kiko


May Loro si Lolo Kiko.
Nagsalita ang Loro ni Lolo.
Keso ang paborito nito.
Aba! Nakawala ang Loro!
Ay! Nasa puno na ang Loro!

1. Ano ang alaga ni Lolo Kiko? (Literal)


a. Aso
b. Loro
c. Pusa

2. Ano ang paborito ng alaga ni Lolo? (Literal)


a. Makalipad sa puno
b. Makatikim ng keso
c. Makausap si lolo kiko

3. Ano kaya ang naramdaman ni Lolo nang mawala ang Loro?(Paghinuha)


a. Masaya
b. Malungkot
c. Nagalit

4. Saan kaya naganap ang kuwento? (Paghinuha)


a. Bahay
b. Gubat
c. Paaralan

5. Ano ang maaring pamagat sa kuwento?


a. Si Lolo Kiko
b. Ang loro sa puno
c. Ang alagang Loro
B. O Pagong!!

O, pagong na maliit
Sa garapon nakatira
Ikaw ba ay sasaya
Kapag nakawala ka na?
O, batang mabait
Tulungan mo ako
Paglabas ko rito
Masaya talaga ako

6. Nasaan ang pagong sa kuwento? (Literal)


a. Loob ng hardin
b. Loob ng garapon
c. Labas ng garapon

7. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagsasabi tungkol sa pagong? (Literal)


a. Mabait
b. Maliit
c. Masaya

8. Sino ang nag-uusap sa kuwento? (paghinuha)


a. Ang mga bata
b. Ang mga pagong
c. Ang bata at ang pagong

9. Ano kaya ang naramdaman ng pagong sa kuwento? (Paghinuha)


a. Malungkot
b. Masaya
c. Galit

10. Bakit kaya sinulat ang tula ito? (Pagsusuri)


a. Hatid nito ang isang balita
b. Nais nitong magbigay kaalaman
c. Nais nitong magbigay aliw

You might also like