Professional Documents
Culture Documents
WLP Filipino q2 Week 1
WLP Filipino q2 Week 1
C. Paglinang sa kabihasaan
Sabihin kung tama ang isinasaad ng pangungusap at mali
kung hindi
D. Paglalapat at Paglalahat
Ang pabula ay kuwento kung saan ang mga hayop
ang siyang tauhan. Ito ay kathang-isip lámang ngunit
nag-iiwan ng áral sa mambabása.
E. Pagtataya
1. Ano ang pamagat ng pabula?
a. Inahing gansa at ang apat na sisiw
b. Inahing manok at ang apat na sisiw
c. Inahing bibe at ang apat na sisiw
2. Sinu-sino ang namasyal sa kwento?
a. Inahing Bibe at ang apat na sisiw
b. Inahing Bibe
c. apat na sisiw
3. Ilan ang sisiw na kasama ni Inahing bibe?
a. dalawa
b. tatlo
c. apat
4. Saan sila nagpunta?
a. sa ilog
b. sa dagat
c. sa kanal
5. Ano ang damdamin ng inahing bibe at apat na sisiw nang
sila ay namasyal?
a. masaya
b. malungkot
c. masigla
C. Paglinang sa Kabihasaan
1. Anong hayop ang alaga niya? Sagot: Kalabaw ang
hayop na alaga ni Mang Islaw. 2. Saan itinali ang
kalabaw? Sagot: Sa puno ng anahaw itinali ang
kalabaw. 3. Sino ang nakalimot sa pagpapakain ng
kanyang kalabaw? Sagot: Si Mang Islaw ang
nakalimot sa pagpapakain ng kanyang kalabaw.
D. Paglalapat at Paglalahat
Ang pabula ay isang kuwento na ang tauhan ay mga hayop.
Ito ay kuwentong pambata na maaaring kapupulutan ng aral.
May mga salitang ginagamit sa pagtatanong at ang mga ito ay
ang mga sumusunod:
1. Ano - ay nagtatanong tungkol sa isang bagay. Halimbawa:
Ano ang kulay ng buhok mo?
2. Sino - ay nagtatanong tungkol sa tao. Halimbawa: Sino ang
papa mo?
3. Saan - ay nagtatanong tungkol sa lugar. Halimbawa: Saan
kayo namasyal kahapon? 4.Kailan-ay nagtatanong tungkol sa
panahon/oras/ petsa. Halimbawa: Kailan ka ipinanganak?
5.Bakit - ay nagtatanong tungkol sa rason. Halimbawa: Bakit
ka nandito sa OCCES?
6. Ilan - ay nagtatanong sa bilang. Halimbawa: Ilan ang
kapatid mo?
7. Magkano- ay nagtatanong tungkol sa presyo o pera.
Halimbawa: Magkano ang baon mong pera? 8. Paano - ay
nagtatanong tungkol sa pamamaraan. Halimbawa: Paano ka
natutong magsulat?
E. Pagtataya
Ang Uhaw na Uwak
May isang uhaw na uhaw na Uwak na gustong
uminom sa isang pitsel na naiwan sa mesa. Makipot
lamang ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok
ng Uwak ang ulo upang sipsipin ng tuka ang tubig.
Hirap na hirap abutin ng Uwak ang kaunting tubig sa
malalim na sisidlan. Kahit na anong pilit ay hindi
mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng Uwak. Mga
Tala para sa Tagapagdaloy Kakailanganin ang tulong
ng mga magulang o sino mang kasama sa bahay para
basahin ang kuwento na nasa loob ng kahon.
Tumingala siya at luminga-linga sa paligid. Alam
niyang may kasagutan sa alinmang problemang
kinakaharap natin. Tama siya! Sa isang iglap ay naisip
niya ang tanging kasagutan. Lumipad siya sa labas at
tumuka ng isang munting bato na inihulog sa loob ng
pitsel. Nagpabalik-balik siya sa paglalagay ng
mumunting bato hanggang sa umabot ang tubig sa
makitid na bunganga ng pitsel. Nakainom ang Uwak at
natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap lamang
Noted by:
LORNA N. PLATON
Principal I