You are on page 1of 3

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter: Ikalawang Markahan Grade Unang Baitang


Week: Unang Linggo Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao
Nov.10, 2022
MELCs: Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang

Day Objectives Topic/s Classroom-Based


Activities
4 Nakapagpapakita ng Pagpapakita ng Isagawa ang mga sumusunod:
Nov. 10 pagmamahal at Pagmamahal at a. Panalangin
paggalang sa mga Paggalang sa b. Mga Pamantayan sa loob ng silid-aralan
magulang Pamilya c. Pag-tsek ng attendance
d. “Kumustahan”

A. Balik-Aral
Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng pagmamahal at paggalang sa magulang at Mali kung
hindi.
1. Sinisigawan ko ang aking nanay kapag hindi ako binibigyan ng
baon.___________
2. Lumalakad ako nang marahan lalo na kung sila ay natutulog.
___________
3. Nakikipag-usap ako sa aking mga magulang na may
katamtamang lakas ng boses. ___________
4. Nagmamano ako sa aking magulang. ___________
5. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang lalo na kapag
binibilhan nila ako ng bagong gamit. ___________

B. Pagganyak
Kulayan ang puso na katapat ng mga salitang may paggalang
at pagmamahal. Pumili ng nais na kulay.

C. Pagtalakay ng mga Konsepto


Ang ating mga magulang ang ating sandalan kung tayo ay may
problema. Sila ang ating kasama sa lahat ng pagsubok sa buhay.
Sila ang gumigising sa atin tuwing umaga. Sila ang
naghahanapbuhay para tustusan ang pangangailangan natin sa araw-
araw. Si nanay ang madalas na naghahanda ng pagkain para sa
umaga, tanghali at gabi habang si tatay naman ang
naghahanapbuhay . Gagawin nila ang lahat para tayo ay mabigyan
ng magandang buhay. Sa kanilang pagsasakripisyo, nararapat
lamang na sila ay parangalan. Sila ang tunay na bayani sa bawat
tahanan, at mananatili sila sa puso, isip at diwa ng kanilang
pamilya.
D. Paglinang sa Kabihasaan
Lagyan ng tsek (✓) ang kahon ng tamang sagot sa bawat
sitwasyon.
E. Paglalapat
Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng paggalang at
pagmamahal sa magulang o pamilya. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.

Paglalahat
Mahalaga ang pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa mga
nakatatanda. Nararapat na taglayin mo ang magagandang asal na
ito. Laging magpasalamat. Gumamit ng “po” at “ opo. Ugaliing
makiusap sa tuwing nakikisuyo. Magbigay galang sa pamamagitan
ng pagmamano.

F. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa aralin.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Prepared by:
ROCHELLE R. RESENTES
Teacher I
Noted by:
LORNA N. PLATON
Principal I

You might also like