You are on page 1of 26

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG

Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ESP


Petsa: ABRIL 4,2024 Markahan: IKA-4 na MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:00 – 7:30 NG UMAGA
I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat
PANGNILALAMAN sa lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang


tinatanggap at nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng
pagkakataon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagpapakita ng ibat-ibang paraan ngpagpapasalamat sa mga


biyayang tinanggap, tinatanggap at tatanggapin mula sa Diyos

EsP2PD-IVa-d– 5

II. NILALAMAN Pagpapakita ng Pasasalamat sa mga Biyayang Bigay ng Diyos

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 67

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang LM page 14-18


Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan ESP 2-Quarter3-Module 8


mula sa Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, cd/dvd player, video clip, tsart, graph, manila paper,
typewriting paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin Panuto: Bilugan ang bilang ng mga pangungusap na nagpapakita ng
at/o pagsisimula ng bagong aralin. pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap mula sa Diyos.

1. Binubunot ni Anna ang mga tanim ng kanyang Lola.

2.Inalagaan ni Mang Kanor ang sugatang ibon. 3.Binabalik ni Mang


Demy ang mga maliliit na isda na napasok sa kanyng lambat.
4.Tinatapon ni Rey ang kanilang basura sa ilog . 5.Pinuputol ng mga
magtotroso ang mga puno sa gubat.

B. Paghahabi sa layuning aralin Magbabasa tayo ngayon ng isang maikling kuwento tungkol sa

panalangin ng isang bata.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Basahin at unawain ang isang maikling kuwento tungkol sa
bagong aralin panalangin ng Yeziah.

Ang Panalangin ni Yeziah

ni:

Joymae De Raya Ramos


Pagkagising ni Yeziah sa umaga, umupo siya sa kaniyang higaan,
pinagdikit ang palad at nagpasalamat dahil siya ay nagising at may
bagong umaga. Pumunta siya sa kusina, nakita ang hain ng nanay
niya na agahan,

pumikit at nagpasalamat sa Diyos. Napansin ni Yeziah na mukhang


malungkot ang tatay niyang si Mang Roni.

“Tatay bakit po kayo malungkot?” Ang tanong niya. “Anak hindi


muna ako makapamamasada ng

jeep, dahil may kumakalat na sakit na tinatawag na COVID-19 at


madali itong makahawa kayâ hindi táyo maaring lumabas ng
bahay,” ang sagot ng tatay niya. Kahit walang pasada si tatay ay
hindi sila pinabayaan ng Diyos. Maraming biyaya ang ibinigay sa
kanila. Hindi sila naubusan ng pagkain at panggastos. Marami ring
nagbibigay ng tulong sa kanila. Bago matulog si Yeziah ay naupo
muli siya sa kaniyang higaan. Pumikit at sinabi niya, “Panginoon
salamat po sa lahat ng ibinibigay ninyong biyaya sa amin. Salamat
po kay tatay at nanay, sa aming pagkain at sa pagiging ligtas namin
sa loob ng aming bahay. Sana po ay ingatan ninyo ang mga
frontliners at mga guro. Salamat po sa lahat ng ibinibigay ninyong
biyaya sa amin. Amen”.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Batay sa kuwentong “Ang Panalangin ni Yeziah.” Isulat ang Tama
paglalahad ng bagong kasanayan #1 kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pasasalamat sa mga
biyayang bigay ng Diyos at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

__1. Nanalangin si Yeziah bago matulog.

__2. Nagpapasalamat siya sa mga pagkaing nasa mesa.

__3. Nagagalit siya dahil nagkaroon ng pandemya.

__4. Nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng tatay at nanay.

__5. Nagpapasalamat siya sa mga frontliners at mga guro.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Tingnan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang larawan na
paglalahad ng bagong kasanayan #2 nagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang bigay ng Diyos. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo Buoin ang maikling panalanging
sa Formative Test)
pasasalamat sa mga biyayang bigay ng Diyos.

Mapagmahal na Diyos, maraming salamat po sa mga_________


ibinibigay Ninyo sa akin. Sa aking ________ na nag-aalaga at
gumagabay sa amin. At sa _______

nagpapalakas at nagpapalusog sa aming katawan.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Gumawa ng panalangin para sa Panginoon na may mensahe ng


araw-araw na buhay.
pasasalamat sa mga biyayang bigay niya.

H. Paglalahat ng Aralin Paano mo maipapakita ang iba't ibang paraan ng

pagpapasalamat sa mga biyayang tinatanggap at

tatanggapin mula sa Diyos?

Ating tandaan na lahat tayo ay may mga biyayang natatanggap sa


araw-araw. Dapat natin itong pahalagahan at ipagpasalamat sa
ating Panginoon.

I. Pagtataya ng Aralin. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang dapat mong gawin
upang maipakita ang pagbibigay

pasasalamat at halaga sa mga biyayang bigay ng Diyos. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang alaga niyang aso.

A. Hindi ko na lang papansinin.

B. Papakainin ko ang alaga niyang aso.

C. Papakawalan ko na lang para makakain ang aso.

2. Binilhan ka ng bagong krayola ng nanay mo.

A.Iinggitin ko ang ibang bata .

B. Iingatan ko at titipirin ang krayola.

C.Gagamitin ko kaagad para maibili ako ng bago.

3. Marami kang pinagliitang damit. Ano ang dapat mong gawin?

A. Itatago ko sa aparador.
B. Isasama sa patapong basura.

C. Ipapamigay sa mga nangangailangan.

4. Papasok ka na sa inyong silid-aralan. Nasa may pinto ka nang


mapansin mong nasa likod ang kamag-aral mong may kapansanan
at nahihirapan siyang lumakad papunta sa silid-aralan.

A. Aalukin ko siya ng tulong na alalayan sa pagpasok sa silid-


aralan.

B. Hindi ko na lang siya papansinin upang hindi siya mahiya.

C. Bibilisan ko ang pagpasok sa silid-aralan.

5. Pagtakapos gawin ang takdang aralin, nakaramdam ka ng antok.

A. Aayusin ko muna ang mga gamit ko bago pumunta sa kuwarto

at magdarasal bago matulog.

B. Pupunta na ako sa kuwarto at iiwanan ko ang mga gamit ko.

C. Matutulog na lang ako sa sala set.

J. Karagdagang gawain para sa Panuto: Buuin ang isang panalangin,piliin ang tamang salita saloob
takdang aralin at remediation. ng kahon .

Mapagmahal na Diyos, maraming salamat po sa mga ________ na


ibinibigay Ninyo sa akin. Sa aking mga _________ na nag-aalaga at
gumagabay sa amin. At sa __________ na nagpapalakas at
nagpapalusog sa aming katawan.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MATHEMATICS
Petsa: ABRIL 4, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:30 – 8:20 NG UMAGA
I.LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of time, Standard measures of

length, mass and capacity and area using square tile units.

B. Pamantayan sa Pagganap: Is able to apply knowledge of time, standard measures

of length, weight, and capacity, and area using square tile

units in mathematical problems and reallife situations

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Visualizes , represents, and solves problems

involving time (minutes including a.m. and p.m.

and elapsed time in days)

II. NILALAMAN Pagsabi at Pagsulat ng Oras sa Minuto (a.m. at p.m.) Gamit


ang Analog at Digital Clocks

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 268

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- pp. 250-258


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk. LM page 7-10

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Mathematics for Everyday Use pp. 93-95
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Slide deck, tv monitor, Laptop, activity sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Review
pagsisimula ng bagong aralin.
Basahin at unawain ang mga oras na nakasulat sa unang
kolum sa ibaba. Isulat sa digital clock at iguhit sa analog
clock ang angkop na oras sa katapat na kolum. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

B. Paghahabi sa layuning aralin Naipapakita at nailalarawan ang pagsasalin sa sukat ng oras


gamit ang linggo, buwan at taon.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa ALAMIN NATIN
bagong aralin
Pagmasdan ang kalendaryo sa ibaba.

Sa dalawang buwan ay mayroong walong (8) linggo at labing-


dalawang (12) linggo naman sa tatlong buwan. Makukuha
natin ito sa pamamagitan ng pagmultiply sa bilang ng buwan
at bilang ng linggo na mayroon sa loob ng isang buwan. Ating
ipakita sa isang talaan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Makukuha naman ang bilang ng buwan kung ang bilang ng
paglalahad ng bagong kasanayan #1 linggo ay binigay. Ito ay sa pamamagitan ng pagdivide ng
bilang ng linggo sa apat ( 4 ). ( I buwan = 4 na linggo) Narito

ang mga halimbawa: Kung ang


aalamin naman natin ay bilang ng linggo sa isang taon. Sa
loob ng isang taon ay may 365 o 366 na araw, Karaniwang
bilang ng araw na ginagamit sa isang taton ay 365 na araw.
Para malaman ang bilang linggo sa isang taon, ang 365 na
araw ay hinati sa 7 sapagat sa 1 linggo at binubuo ng 7 na

araw.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ilang linggo ang bumubuo sa loob ng tatlong taon? Paano
paglalahad ng bagong kasanayan #2 kaya natin ito makukuha? Maari natin itong ipakita sa isang
talaan na kung saan
makukuha ito sa pammagitan
ng pag multiply ng bilang ng
taon sa limampu’t dalawang linggo (52).Narito ang isang
talaan:

Makukuha ang bilang ng taon kung ang bilang ng linggo ang


binigay. Idivide lamang ang limamput dalawang linggo (52) sa

binigay na bilang ng linggo.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Hindi lumabas ng bahay ang magkapatid na sina Ellen at
Formative Test) Vince mula Marso 12, 2020 hanggang Marso 30, 2020 dahil
sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa
kanilang lugar. Ilang araw ang itinagal ng magkapatid sa
hindi paglabas ng bahay?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Basahin at unawaing mabuti ang suliranin sa ibaba. Sagutin
na buhay. ang mga tanong at isulat sa patlang ang tamang sagot.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Umalis ng bahay ang magkapatid na Emman at Ethan nang


ika-4 ng hapon upang manuod ng palabas sa plasa. Nakauwi
sila ng bahay 15 minuto makalipas ang ika-5 ng hapon. Ilang
minuto ang inilagi ng magkapatid sa panunuod ng palabas
sa plasa?

H. Paglalahat ng Aralin Sa loob ng isang linggo mayroong pitong araw, sa loob ng


isang buwan ay may apat na linggo at sa isang taon ay may
apanapu’t walong linggo. 4 linggo = 1 buwan 12 buwan= 1
taon 52 linggo = 1 taon

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_______1) Ang tatlumpu’t anim na linggo ( 36 ) ay katumbas


ng ilang buwan?

J. Karagdagang gawain para sa takdang Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga
aralin at remediation. tanong sa ibaba. Ilagay sa kuwaderno ang iyong sagot.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following


day
Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: FILIPINO
Petsa: ABRIL 4, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 8:20 – 9:10 NG UMAGA

LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Madagdagan ang kaalaman sa pagpapantig.

B. Pamantayan sa Pagganap: Mapapantig ang mga mas mahahabang salita.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Napapantig ang mga mas mahahabang salita

F2KP-IIc-3

II. NILALAMAN Pagpapantig ng mga Mahabang Salita

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 148


1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal

B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, tv, slide decks Activity Sheets
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Pantigin ang sumusunod na mga salita at basahin ito
pagsisimula ng bagong aralin. pagkatapos.

B. Paghahabi sa layuning aralin Magpapantig tayo ng mga mahahabang salita.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ano ang pagpapantig?


aralin

Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o


mga pantig. Ito ay galaw ng bibig, saltik ng dila na
may kasabay na tunog ng lalamunan o walang
antalang bugso ng tinig sa pagbibigkas ng salita.

Mga halimbawa:

1. pagtalon pag-ta-lon (3 na pantig)

2. paglipad pag-li-pad (3 na pantig)

3. kagubatan ka-gu-ba-tan (4 na pantig)

4. kalikasan ka-li-ka-san (4 na pantig)

5. makalipad ma-ka-li-pad (4 na pantig)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Isulat ng papantig ang mga salita.


ng bagong kasanayan #1
1. eksperto - ________________

2. mag-aaral - _______________

3. transportasyon- _______________

4. simbahan - ________________

5. pamilihan - ________________

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Sumulat ng mga salita na may apat o limang pantig.
ng bagong kasanayan #2 Isulat ang tamang pantig at bilang nito. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Lagyan ng tesk ang patlang kung ang pangungusap ay
Test) nagpapakita ng pagsunod sa utos, ekis naman kung
hindi.

________1. Sumusunod kaagad ako kung ako ay

inuutusan.

________2. Sasabihan ko na lang na iba na lang ang

utusan.

________3. Nagbibingi-bingihan ako kapag ako ay

inuutusan.

________4. Itinitigil ko agad ang aking ginagawa kung


ako

ay inuutusan.

________5. Sumusunod ako s autos kapag may


pabuyang ibibigay sa akin.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Isulat ang pangalan ng larawan ng papantig na salita.
buhay.

_____ _____

_____ ______

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pagpapantig?

Magbigay ng mga halimbawa.

I. Pagtataya ng Aralin. Hanapin sa loob ng kahon ang tamang salita na


bubuo sa mga hinahanap na pantig upang mabuo ang
talata.

Ang (1) pagpapan-___ ay nangangahulugang wastong


(2) paghaha-____ ng mga pantig ng isang (3)sali-____.
Mahalaga ang pagpapantig dahil nakatutulong ito sa
wastong (4) pagbig____ at (5) pagbay-____ ng isang
salita.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Pantigin ang mga salita. Isulat ang bilang ng pantig
remediation. nito sa unahan ng bilang. Gawin ito sa iyong sagutang
papel. Halimbawa: 4 mananahi = ma-na-na-hi

____ 1. labandera ______

____ 2. maestra ________

____ 3. mekaniko _______

____ 4. kartero _________ ____ 4. mangingisda _____

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the


following day
Lack of Time
No class Achieved

School: SITIO STO ROSARIO ES Grade Level: 2


Teacher: NESTLEE C. ARNAIZ Learning Area: ENGLISH
Date: APRIL 4, 2024 Quarter: 4TH QUARTER
Grade and Section: 2-JACINTO Time: 9:30 – 10:20 AM

I. OBJECTIVES:
A. Content Standards: The learner listens critically to one-two paragraphs and uses
appropriate expressions in varied situations.

B. Performance Standards: ` The learner reads texts for pleasure and information critically in
meaningful thought units; responds properly to environmental
prints like signs, posters, commands, and requests; and writes
legibly simple sentences and messages in cursive form.

C. Learning Competencies / Read words with short e, a, i, o, and u sound in CVC pattern.
Objectives:

II. CONTENT Read Words with Short O and U Sound in CVC Pattern

III. LEARNING RESOURCES


A. References K-to-12 MELC Guide page 180
DBOW in English page 6
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from Learning
B. Other Learning Resources slide deck, tv, pictures, tarpapel
Resources/Portal
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or Directions: Read and answer the questions. Circle the letter of the
presenting the new lesson correct answer.

B. Establishing a purpose for the We have learned the five vowel sounds in the English Alphabet.
lesson They are A, E, I, O, U and we also learned how to read each set of
words with short vowel sound like /a/, /e/ and/i/ in CVC pattern
correctly like:

sat car leg ten kit zip

C. Presenting examples/instances of Today, were going to learn how to read words with short o and u
the new lesson sound in CVC pattern.

D. Discussing new concepts and Some words that you read, hear, or use have different short vowel
practicing new skills #1 sounds in a CVC pattern. Like the words log, pot and cop that you
have answered during our guessing game. CVC pattern stands for
consonant-vowel-consonant pattern.

Here are some good examples of words with short vowel /o/ in a
CVC pattern.

As you can see the following words like; log, hog and pot are
words with short vowel /o/ sound. You can also hear or produce
the sound of short vowel /o/ in the middle of the given words.
E. Discussing new concepts and Let us read a story about how to Meet Short U.
practicing new skills #2

Let us now answer some questions about the story.

1.Who loves umbrella?

2. When does she carry her umbrella?

3. When she is outside what does she do with her umbrella?

4.What are some words from the story that begin with letter u?

Look and study the given words. Let us read them one by one.

What common letter is seen among the given words?

*All the words have the letter u.

F. Developing Mastery (Leads to A. Directions: Fill in the blanks with the correct words with short
Formative Assessment 3) u sound. Choose from the list of words below.

B. Directions: Complete the name of the following pictures by


adding the missing letters.
G. Finding practical applications of Directions: Draw the following words. Color it.
concepts and skills in daily living
1. top
2. dog
3. mug
4. bun
5. sun
H. Making generalization and Remember:
abstractions about the lesson CVC words are three-letter words that follow a
consonant/vowel/consonant pattern. CVC words are considered
the simplest words for emerging readers to decode by blending the
three sounds. CVC words are three-letter words that follow a
consonant/vowel/consonant pattern. CVC words are considered
the simplest words for emerging readers to decode by blending the
three sounds.
I. Evaluating Learning Directions: Put a check mark if the word has short o sound and
an x mark if it has short u sound.
____1. rod ____6. lot
____2. sum ____7. cop
____3. rug ____8. bun
____4. hug ____9. fun
____5. fox ____10. pot

J. Additional activities for Directions: Use the following words in a meaningful sentence.
application or remediation 1. box
2. mop
3. sob
4. mud
5. hug
V. REMARKS Re-teaching Transfer of lesson to the following day
Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MOTHER TONGUE
Petsa: APRIL 4, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 10:20 – 11:10 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG Demonstrates understanding and knowledge of language grammar
PANGNILALAMAN and usage when speaking and/or writing.

B. Pamantayan sa Pagganap: Speaks and writes correctly and effectively for different purposes
using the basic grammar of the language.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Use the conventions of writing in composing journal entries and
letters (friendly letter, thank you letter, letter of invitation, birthday
greetings)

II. NILALAMAN Pagsulat ng Talaarawan at Liham

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 372

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang LM page 7-14


Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan MTB 2-Quarter4


mula sa Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin Balik-aral
at/o pagsisimula ng bagong aralin.
-Ano ang liham pasasalamat?

B. Paghahabi sa layuning aralin Pagkaraang pag-aralan ang aralin na ito,may kakayahan ka nang:

1. Makasunod sa kumbensyonal na paraan at paglikha

ng sulating Liham Pangkaibigan.

2. Maisa-isip ang mga bahagi ng Liham.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Basahin mo ang nakatala sa ibaba. Pag-aralan mo kung paano ito
sa bagong aralin isinulat.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Mga Tanong;
at paglalahad ng bagong kasanayan
#1 1. Ano ang iyong binasa?

2. Kanino ipinadala ang liham?

3. Ano ang nilalaman ng liham?

4. Paano isinulat ang liham pangkaibigan?

5. Ano ano ang mga bahagi ng liham pangkaibigan?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng
at paglalahad ng bagong kasanayan kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa
#2 kanyang kapwa.

Talakayin ang limang bahagi ng liham.

Isulat ang mga bahagi ng liham sa angkop na kinalalagyan.

1. Ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagdalo sa pagsasanay ng


sabayang awit noong Sabado dahil sa matinding sakit ng aking ulo.
Nanghihinayang ako sa pagkakataong nawala sa akin. Asahan mo
na dadalo na ako sa susunod na pagsasanay. Inaasahan ko ang
iyong pag-unawa.
2. Umaasa,
3. Sampaguita Homes,

Gulod Itaas, Batangas City

Oktubre 16, 2012

4. Mahal kong Sabel,


5. Tess

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo Basahin ang isang liham-pangkaibigan.Tukuyin kung anong bahagi
sa Formative Test) ng liham ang mga sumusunod na may guhit. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

A.Bating panimula

B. Katawan ng Liham

C.Lagda

D.Bating pangwakas

E.Pamuhatan
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot ng mga pahayag na nasa
araw-araw na buhay. Hanay A. Piliin ang letra ng tamang sagot.

H. Paglalahat ng Aralin 1. Pamuhatan- ito ay naglalaman ng kumpletong lugar ng taong


sumulat at petsa kung kailan ito isinulat.

2. Bating Panimula- Ito ay pagbati bilang pagbibigay galang sa


taong sinulatan.

3. Katawan ng Liham- Ito ang bahagi ng liham kung saan


nakapaloob ang mga bagay na nais mong ipaalam sa taong
susulatan.

4. Bating Pangwakas- ito naman ay nagpapahayag ng magalang na


pamamaalam ng sumulat.

5. Lagda- dito isinasaad ang pangalan ng taong sumulat.

I. Pagtataya ng Aralin. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay pagbati bilang pagbibigay galang sa taong sinulatan.


a. Pamuhatan

b. Bating Panimula

c. Katawan ng Liham

2. Ito naman ay nagpapahayag ng magalang na pamamaalam ng


sumulat.
a. Katawan ng Liham
b. Bating Pangwakas
c. Bating Panimula
3. Ito ay naglalaman ng kumpletong lugar ng taong sumulat at petsa
kung kailan ito isinulat.
a. Bating Panimula
b. Lagda
c. Pamuhatan
4. Ito ang bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang mga bagay na
nais mong ipaalam sa taong susulatan.
a. Katawan ng Liham
b. Lagda

c. Bating Pangwakas
5. Dito isinasaad ang pangalan ng taong sumulat.
a. Lagda
b. Bating Pangwakas
c. Pamuhatan

J. Karagdagang gawain para sa Sumulat ng liham paanyaya.


takdang aralin at remediation.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Petsa: APRIL 4, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 11:00 – 11:50 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko
bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad


sa sariling pag- unlad at nakakagawa ng makakayanang
hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling
komunidad.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may


karapatan.

II. NILALAMAN Bawat Kasapi ng Komunidad ay may Karapatan

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 29
DBOW sa Araling Panlipunan 2 pahina 3
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Laptop, larawan, activity sheets
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Gamit ang concept web. Isulat ang karapatan ng
pagsisimula ng bagong aralin. mga bata na nasa larawan sa inyong papel.

B. Paghahabi sa layuning aralin Masdan ang mga larawan.

Ano ang iyong nakikita sa bawat larawan?


Anong serbisyo ang binibigay ng nasa unang larawan at
pangalawang larawan?

Ano ang epekto ng serbisyo na ito sa mga tao?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Basahin ang dayalogo.
paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ang epekto ng pagbibigay serbisyo sa buhay ng tao at


komunidad ay mahalaga. Dahil dito, ang mga tao ay dapat
makiisa upang magkaroon ng maayos at maunlad na
komunidad ngunit may hindi rin mabuting epekto kung
hindi makikiisa o walang kooperasyon ang bawat isa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mga Tanong:


paglalahad ng bagong kasanayan #2 1. Ano-ano ang magiging epekto kung natatanggap mo ang
mga serbisyo ng komunidad?
2. Paano mo pahahalagahan ang mga naibibigay na serbisyo
ng komunidad?
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Tapusin ang pangungusap tungkol sa epekto ng
Formative Test) pagbibigay ng serbisyo sa buhay ng tao at komunidad. Piliin
sa loob ng kahon ang tamang sagot.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw
na buhay.

H. Paglalahat ng Aralin Tapusin ang pangungusap tungkol sa epekto ng pagbibigay


serbisyo sa buhay ng tao at komunidad.

Ang mga epekto ng pagbibigay serbisyo sa buhay ng tao at


komunidad na aking natutuhan ay __________
_____________________________________________________.
I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap tungkol sa epekto ng pagbibigay serbisyo sa
buhay ng tao at komunidad at Mali kung hindi.
_____1. Ang mga tao sa komunidad ay nagkakaisa upang
suportahan ang mga batas o ordinansang ipinatutupad sa
kanilang lugar dahil dito masaya at ligtas silang naninirahan.
_____2. Ang mga drayber ay tumutupad sa batas na
ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang nagbubuga
ng maitim na usok kaya malinis ang hangin na nalalanghap
ng tao.
_____3. Sa bawat komunidad ay ipinagbabawal ang pakalat-
kalat ng mga alagang aso dahil maaaring makakagat ng tao,
makasira ng pananim sa bakuran o dumumi sa daan.
_____4. Maaaring pumitas ng mga magagandang bulaklak sa
pook pasyalan upang dalhin sa simbahan.
_____5. Makiisa sa programa ng komunidad tulad ng Clean
and Green, 3R’s (Reduce, Reuse, Recycle) at pagtatanim ng
gulay upang may maani sa bakuran.
J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Gumawa ng isang short video clip. Gayahin ang
aralin at remediation. iyong kilalang reporter. Magbalita ka tungkol sa mga
serbisyong natatanggap mo at ng iyong pamilya mula sa
inyong komunidad para malaman ng mga tagapanood kung
ano-anong serbisyo ang maaari rin nilang matanggap. Isulat
ang epekto ng pagbibigay serbisyo sa inyong pamilya.

Ang pag-uulat ay dapat makasunod sa sumusunod na


pamantayan.

V. MGA TALA Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: HEALTH
Petsa: APRIL 4, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 12:30 – 1:10 NG TANGHALI

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates an understanding of rules to ensure safety at
home and in school.
B. Pamantayan sa Pagganap: Demonstrates consistency in following safety rules at home and
in school.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Discusses one’s right and responsibilities for safety

II. NILALAMAN Karapatan at Responsibilidad Ko ang Maging Ligtas

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 367


DBOW in MAPEH page 262
a. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo slide deck, tv, mga larawan, tarpapel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Sa araling ito, matututunan mo ang karapatan at
pagsisimula ng bagong aralin. responsibilidad bilang isang bata para sa iyong kaligtasan.
B. Paghahabi sa layuning aralin Pamilyar ka ba sa mga larawan na nasa ibaba? Naranasan mo
na bang gamitin at gawin ang mga nasa larawan? Isa-isahin ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Paano mo pinapanatiling ligtas ang iyong sarili sa panahon ng
bagong aralin pandemya?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pagkatapos nito.

Ligtas ang May Alam

Si Maria ay nasa ikalawang baitang sa Mababang Paaralan ng


Mabuhay. Simula ng magkaroon ng pandemya ay palagi siyang
pinapaalalahanan ng kaniyang ina tungkol sa mga dapat gawin
upang maging ligtas at malayo sa sakit.

Ang pagsusuot ng “face mask” ay hindi niya nililimot. Hindi din


siya nakikipaglaro sa labas upang makaiwas sa “virus” at
sinisiguradong mayroon siyang distansya sa kapwa kung sakali
man na lumalabas siya.

Isang umaga ay tinanong niya ang kaniyang Nanay Mely,


“Nanay, malayo po ba ang isang metro?” “Bakit mo naman
natanong, anak?” “Napanood ko po kasi sa telebisyon na sa
panahon ngayon, dapat ay magkakalayo muna ang mga tao na
hangga’t maaari ang layo ay isang metro”, sagot ni Maria.
“Tama, anak, kailangan talaga nating gawin iyan sa ngayon
upang maiwasan ang pagkalat o ang hawaan ng “virus”.
“Ang madalas na paghuhugas din ng mga kamay ay isa sa
mahalagang gawain na maaari mong gawin bilang isang bata,”
dagdag pa ng kaniyang Nanay Mely.

“Opo, nanay. Tulad din po kung tayo ay uubo kailangan nating


lumayo sa iba at magtakip ng ating bibig.”

“Ang galing naman ng anak ko! Tayong lahat ay may


responsibilidad at karapatan para sa ating kaligtasan,”
natutuwang sabi ni Nanay Mely. “Siyempre po, nanay, palagi po
akong nakikinig sa inyo dahil po tulad po ng napanood ko sa
telebisyon sabi nila naligtas ang may alam!”

“Aba! Nakamamangha ka, Maria! Halika na, nakahanda na ang


meryenda sa mesa,” yaya ng ina niya.

“Sige po, nanay maghuhugas po muna ako ng kamay.”

Mga tanong:

1. Sino ang bata sa kuwento?

2. Ano ang pangalan ng nanay niya?

3. Sa anong baitang siya nabibilang?

4. Ano ang dapat gawin kung sakaling ikaw ay uubo?

5. Ginagawa mo din ba ang ginagawa ng bata sa kuwento?


Bakit?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang bilang ng larawan
paglalahad ng bagong kasanayan #2 na nagpapakita ng pagiging ligtas.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang
Formative Test) isinasaad ng pangungusap at letrang M kung mali.

_________ 1. Hindi naghuhugas ng kamay bago kumain.

_________ 2. Paggamit ng “face shield” kung lumalabas ng


bahay.

_________ 3. Lumabas palagi ng bahay kahit hindi naman


kailangan o mahalaga ang pupuntahan.

_________4.Gumamit ng alcohol bilang panlinis ng kamay at


maiwasan ang mikrobyo.

_________ 5. Iwasan ang matataong lugar.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw- Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa ibaba. Lagyan ng tsek (✓)
araw na buhay. ang kolum batay sa dalas ng iyong pagsasagawa ng mga angkop
na pamamaraan sa karapatan at responsibilidad mo upang
maging ligtas. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

H. Paglalahat ng Aralin Tandaan:

Karapatan nating magkarooon ng malusog na pangangatawan


at maging ligtas. Kaakibat nito ang tungkulin nating kumain ng
masustansiyang pagkain at alamin ang tamang gawain upang
manatiling ligtas sa lahat ng oras.

I. Pagtataya ng Aralin. A. Panuto: Tukuyin ang mga sitwasyon na nagpapakita ng


kaalaman sa pagiging ligtas bilang karapatan at responsibilidad.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.

1. Tinawag ka ng iyong tatay upang kumain. Ano ang iyong


gagawin?

A. Magdadabog ako.

B. Magkukunwari na hindi narinig si tatay.

C. Maghuhugas muna ako ng kamay.

2. Niyayaya ka ng iyong mga kalaro sa labas para maglaro ng


holen. Ano ang gagawin mo?

A. Tatakbo agad ako palabas ng bahay para makapaglaro.

B. Sasabihin ko na hindi ako maaaring lumabas dahil iyon ang


bilin sa akin ni nanay.

C. Aawayin sila.

3. Napansin mo na walang suot na “face mask” ang iyong ate na


pupunta sa paaralan upang kumuha ng iyong modyul. Ano ang
maaari mong gawin?

A. Tatawagin si ate bago pa man ito makalabas ng bahay at


ipapaalala na wala siyang suot na “face mask”.

B. Hahayaan siyang makalabas ng bahay kahit na wala siyang


suot na “face mask”.

C. Hindi papansinin si ate.

B. Panuto: Magbigay ng dalawang (2) gawain na iyong ginagawa


upang maging ligtas sa panahon pandemia

4. ___________________

5. ___________________

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Sumulat ng talata na may 3-5 pangungusap tungkol sa
aralin at remediation. kahalagahan ng pagkakaroon ng karapatan at responsibilidad
upang maging ligtas? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

You might also like