You are on page 1of 9

DETAILED LESSON PLAN

School NAGA CENTRAL SCHOOL I


Teacher MAGTANGOB, LESLIE
Grade Level GRADE V
Subject ESP 5
Date & Time APRIL 25, 2024
Quarter 4TH QUARTER

I. OBJECTIVES

A. CONTENT STANDARDS Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa


Diyos na nagbigay ng buhay.
B. PERFORMANCE Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng
STANDARDS buhay
C. LEARNING COMPETENCY Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
(EsP5PD -IVe-i – 15)
II. SUBJECT MATTER “Iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos”

III. LEARNING a. Malaman ang iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos


OBJECTIVES b. Maunawaan ang kahalagahan ng pasasalamat sa Diyos
c. Makakagawa ng isang poster na nag papakita ng pasasalamat
sa Diyos

IV. LEARNING
RESOURCES
A. References

1. Teacher’s Guide Pages Most Essential Learning Competencies (MELCs)

2. Learner’s Materials Pages Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Pagpapasalamat sa Diyos

3. Textbook pages

4. Additional Materials from


Learning Resource (LR)
portal
B. Other Learning Resources Cardboard, printout materials, PowerPoint

Online resources: https://www.youtube.com/watch?


v=VeZ3PH2Hvo4&t=116s
V. PROCEDURES Teacher’s Activity Students’ Activity
A. REVIEWING THE Bago tayo mag simula, gusto ko kumuha
PREVIOUS LESSON kayo ng ¼ sheet na papel.
OR PRESENTING
THE NEW LESSON (ang mga studyante ay
kukuha ng papel)

Handa na ba? Opo

Pumili kayo ng isang kaklase niyo na


gusto niyong pasalamatan

at kompletohin niyo ito:

Magandang araw, (pangalan ng napili


niyong kaklase)

Gusto kong magpasalamat sayo dahil


_________________________________
__.

Huwag niyong ilalagay ang inyong


pangalan.

At pagkatapos maglilibot ako dala ang


isang kahon na kung saan ilalagay niyo
ang mga naisulat niyo. Wala na po

May tanong pa ba?


(magsusulat na sila)
Maaari na kayong magsimula.

Dahil tapos na kayo, bubunot ako ng


mensahe at babasahin ko sainyong lahat.

(magbabasa ang guro ng mga mensahe)

Class, ano ang nararamdaman niyo na Masaya po kasi akala naming


nabigkas ko ang pangalan niyo dahil may maliit na bagay lang po pero
taong nagpapasalamat sainyo? ipinagpapasalamat po pala
nila.
Magaling, ang pag gawa ng mabuti sa iba
kahit maliit na bagay pa iyan maaaring
malaking tulong na sa kanila.

Ikinagagalak ko na sa paraan na ito ay


nakapagpasalamat kayo sa inyong mga
kaklase.

Ang ating ginawang pagpapasalamat sa


bawat isa ay may kaugnayan sa ating
tatalakayan.

B. ESTABLISHING A Ngayong araw, pag uusapan natin ang


PURPOSE FOR THE iba’t ibang paraan ng pasasalamay sa
LESSON Diyos o sa Maykapal.

C. PRESENTING May ipapanood ako sainyong kwento,


EXAMPLES /
INSTANCES OF THE Ang pamagat ng kwento ay “Ang
NEW LESSON Kaarawan ni Karlo” isinulat ni R.B
Catapang

Handa na po bang manood? Opo

(papanoorin ang kwento)


(ipapakita ang bidyu)

Opo
Naintindihan niyo ba ang kwento mga
bata?

Kung naitindihan na subukan natin


sagutan ang mga katanungan.

1. Bakit malungkot si Karlo sa Dahil hindi po siya ibinili ng


kanyang ikapitong kaarawan? bagong sapatos sa kaarawan
niya.
Tama, dahil hindi siya naibili ng bagong
sapatos.

2. Ano ang nakita ni Karlo sa labas


ng simbahan na Nakakita po siya na tao na
nakapagpabagong kanyang walang paa.
kaisipan?

Tama, dahil doon naisipan niya na


napaka swerte niya dahil mayroon siyang
paa.

3. Sang-ayon ka ba na dapat Opo dahil may mga bagay


magpasalamat si Karlo sa Poong siya na dapat ipagpasalamat
Maykapal? Bakit? niya katulad nalamang na
kompleto at wala siyang
kapansanan sa katawan dahil
ang iba nga wala ang mga
bagay na mayroon siya.
Magaling class, natutuwa ako na
naintindihan niyo ang kwento na
napanood natin.

D. DISCUSSING NEW Sino sainyo ang may pananampalataya o


CONCEPTS AND naniniwala sa Diyos?
PRACTICING NEW
SKILLS #1 (ang mga mag aaral ay
nagtataasan ng mga kamay)

Kung ano man ang paniniwala ng iba ay


lubos kung na uunahawaan at
inirerespeto.

Masaya ako dahil kahit mga bata pa


lamang kayo ay alam niyo na sa sarili
niyo na may Diyos tayo at may
paniniwala na na nabubuo sainyong mga
sarili.

May mga iba’t ibang paraan akong


ipapakita sainyo kung paano natin
ipapakita sa Diyos ang pagpapasalamat
natin sa mga biyaya na ibinigay niya sa
atin.

Handa na ba kayo? Opo

E. DISCUSSING NEW Iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa


CONCEPTS AND Diyos.
PRACTICING NEW
SKILLS #2 Ang una ay ang pagdarasal, sino ang
maaaring makakapagbasa?

Fiona? 1. Palagiang pagdarasal sa


Diyos upang magpasalamat
sa mga biyayang
natatanggap.

Salamat Fiona,

Sunod, sino ang maaaring mag basa?


Edward? 2. Pakikiisa sa mga gawain
sa simbahan o bahay-
dalanginan batay sa relihiyon
na kinabibilangan

Sunod naman, Risa?


3.Paggawa ng mabuti at
pagtulong sa kapwa sa oras
ng pangangailangan.
Tama, ang pagtulog at mga tamang
pakikitungo natin sa iba o sa ating kapwa
ay isang paraan na pasasalamat sa ating
Diyos.

Sunod? Mike? 4.Pangangalaga sa ibang


nilalang tulad ng halaman at
mga hayop.

5.Pagiging mapagkumbaba
At ang huli, sa lahat sa pagkakataon.
Ang mga nabanggit niyo ay ilan lamang
sa mga paraan ng pasasalamat natin sa
Diyos.

May naiisip pa ba kayong ibang paraan Pagbibigay po ng bulaklak sa


na wala sa ating tinalakay? simbahan

Magaling.

F. DEVELOPING Ngayon naman maglalaro tayo.


MASTERY (LEADS
TO FORMATIVE Mayroon ako ditong X and / na card,
ASSESSMENT) hahatiin ko kayo sa 4 na grupo.

May ipapakita ako sainyo na mga


pangyayari o sitwasyon.

Itataas niyo ang / kung tama at X naman


kung mali.

Ang pinakamadami tama at mabilis na


pagsagot ay siyang panalo hand ana po
ba.

(ang guro ay magpapakita ng katanungan


gamit ang ppt)

Mga katanungan:

____________ 1. Si Ariel ay naglalaan ng


oras para magdasal sa loob ng tahanan o
magpunta sa pook dalanginan.
____________ 2. Ang pamilya nila Leni
ay nagdarasal bago at pagkatapos
kumain bilang pasasalamat sa mga
biyayang natatanggap.
___________ 3. Para kay Amy, ang
pagtulong sa iba na may hinihintay na
kapalit.
____________ 4. Si Ali ay tumutulong sa
mga taong nawawalan ng pag-asa sa
buhay. ____________ 5. Si John ay
nagsasalita nang mahinahon.
____________ 6. Si Joseph ay
nagpapasalamat sa lahat ng mga bagay
na natatanggap araw-araw.
____________ 7. Sinasayang ni Archie
ang pagkain.
____________ 8. Masiglang bumabati si
Lendelle sa mga miyembro ng pamilya.
____________ 9. Hindi pinapansin ni
Justine ang paghingi ng tulong ng mga
kapatid o kapitbahay.
____________ 10. Nagpapasalamat si
Ariana mga magulang sa lahat nang
kanilang ginagawa para saiyo.

Magaling mga bata, ang nakakuha ng


pinakamadaming puntos ay ang Pangkat (Magpapalakpakan)
1.

Palakpakan natin!

G. FINDING PRACTICAL Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na


APPLICATION OF makausap ang Diyos para magpasalamat
CONCEPTS AND sa kaniya, ano ang inyong sasabihin?
SKILLS IN DAILY
LIVING
Mika? Magpapasalamat po ako na
binigyan ako ng buhay.

Tama, sunod Kyle? Magpapasalamat po ako


dahil nakakapag aral po ako
at may mga kaibigan po.
Magpapasalamat po ako
dahil may pagkain po kami
lag isa bahay.

Tama! Maraming salamat sa mga


kasagutan.

Maraming bagay tayo na pwedeng


ipagpasalamat sa Diyos kaya huwag
tayong mag dalawang isip na magdasal
at magpasalamat sa kanya.
H. MAKING Mahalaga ba na malaman at gawin natin
GENERALIZATIONS ang iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa
OF CONCEPTS AND Diyos? Bakit?
SKILLS IN DAILY
LIVING Kiara? Upang masuklian at
maiparating sa Diyos na
lubos tayong nag
papasalamat at natutuwa sa
mga biyaya na ibinigay niya
sa atin.

Magaling, ngayon naintindihan niyo ang


aralin natin. Tumungo na tayo sa inyong
maikling pagsusulit.
I. EVALUATING Aking Pasasalamat
LEARNING Sinulat ni: Juliet Lugas Lim

Sa bawat paggising, ang munting


dalangin
Aking sinasambit ng buong taimtim
Pagpapasalamat sa Diyos sa bagong
araw
Na sadyang bigay upang lumaban sa
buhay.
Bawat kilos at galaw aking inaalay
At ipinagpapasalamat sa Diyos buong
puso at damdamin
Upang aking malabanan at
mapagtagumpayan
Ano mang pagsubok dumating sa buhay
Nang sa gayo’y buhay maging mahusay
at matiwasay.
Anoman ang iyong paniniwala
Huwag na huwag kaligtaan ang
pagsambit
Nang pagpapasalamat sa Diyos
Na Siyang tunay na lakas ng buhay.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong


sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang iyong naramdaman matapos
mo mabasa ang tula?
2. Aling linya sa tula ang mas tumatak sa
iyo? Bakit?
3. Anong karanasan sa buhay ang
maiuugnay mo sa linya ng tula na
tumatak
sa iyo?
4. Mahalaga ban a marunong tayong
magpasalamat sa Diyos sa anoman ang
ating mga nararanasan sa buhay?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Bukod sa pagdarasal, sa paanong
paraan mo pa maipamamalas ang
pagpapasalamat sa Diyos?

J. ASSIGNMENT Sa isang short bondpaper, gumawa ng


isang poster na nagpapakita ng iba’t
ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
Maaaring gumamit ng mga pangkulay na
kagamitan.

Pamantayan sa pagmamarka:

LESLIE MAGTANGOB THERESA HERNANDEZ


STUDENT INTERN COOPERATING TEACHER

You might also like