You are on page 1of 26

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG

Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ESP


Petsa: ABRIL 2,2024 Markahan: IKA-4 na MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:00 – 7:30 NG UMAGA
I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat
PANGNILALAMAN sa lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang


tinatanggap at nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng
pagkakataon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagpapakita ng ibat-ibang paraan ngpagpapasalamat sa mga


biyayang tinanggap, tinatanggap at tatanggapin mula sa Diyos

EsP2PD-IVa-d– 5

II. NILALAMAN Pagpapakita ng Pasasalamat sa mga Biyayang Bigay ng Diyos

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 67

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang LM page 14-18


Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan ESP 2-Quarter3-Module 8


mula sa Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, cd/dvd player, video clip, tsart, graph, manila paper,
typewriting paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin Ipaawit sa mga bata.
at/o pagsisimula ng bagong aralin.
https://www.youtube.com/watch?v=sbtCkXJYF3s

Panuto. Kulayan ang Panuto. Kulayan ang ng (dilaw) kung

nagpapakita ng pasasalamat sa biyaya ng Diyos at (pula) naman


kung hindi.

B. Paghahabi sa layuning aralin Ngayon ay maipamamalas ninyo ang pag-unawa sa kahalagahan ng


pagpapasalamat sa

lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap

mula sa Diyos.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Basahin natin ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
bagong aralin
Si Ron ang Batang Mapagpasalamat

Ni Joymae De Raya Ramos

Sabado ng gabi, oras na para matulog si Ron, bago siya humiga


ay umupo muna siya sa higaan, pinagdikit ang palad at nagdasal.
“Panginoon, maraming salamat po sa buong araw na ibinigay mo sa
akin at sa aking pamliya. Salamat din po sa mga biyaya at pag-
iingat ninyo sa amin. Amen”. Ito ang kaniyang panalangin bago
matulog. Kinabukasan, maagang nagising si

Ron, bago tuluyang bumangon ay naupo

muna siya sa kaniyang higaan, pinagdikit

ang palad at nagdasal. “Panginoon, maraming salamat po sa pag-


iingat ninyo sa amin buong gabi. Amen”

Tumuloy siya sa kusina at nasorpresa si Ron sa kaniyang nakita sa


kusina, ang daming pagkain at may cake pa. “Maligayang kaarawan
Ron,” ang bati sa kaniya ng kaniyang ate Yeziah. “Maraming salamat
ate,” ang tugon niya. “Maligayang kaarawan!” bati ng tatay at nanay
ni Ron. “Maraming salamat po tatay at nanay,” sabay yakap niya sa
kaniyang magulang. Bago kumain ay muling nagdasal si Ron.
“Panginoon maraming salamat po sa pagkaing kaloob mo, salamat
po sa muling pagsapit ng aking kaarawan. Amen.” At masaya nilang
pinagsaluhan ang handa.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Sino ang bata sa kuwento?


paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ano ang kaniyang ginawa bago matulog?

Ano ang kaniyang panalangin bago matulog?

Ano ang kaniyang ginawa pagkagising?

Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang panalanging

pasasalamat ni Ron? Bakit?

Sa iyong sagutang papel, iguhit ang masayang mukha 😊 kung ito ay


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
nagpapakita ng pasasalamat sa biyayang bigay ng Diyos at

malungkot na mukha ☹ kung hindi.

1. Si Asher ay may paggalang at pagrespeto sa kapwa

2. Si Lhovi at naglalaan ng oras para sa pagsimba.

3. Si Joshua ay madalas tumutulong sa kapwa.

4. Si Philips ay palaging nagdarasal sa Diyos

5. Si Sugar ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo Aling larawan ang nagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang
sa Formative Test) bigay ng
Diyos?

Napansin mong namumulaklak na ang tanim na halaman ng iyong


Nanay. Ano ang dapat mong gawin?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Sagutin:


araw-araw na buhay.
Sa lahat ng biyaya na iyong tinatanggap at

matatanggap, ano ang iyong labis na

ipinagpapasalamat?

___________________________________

Bakit mo ito ipinagpapasalamat?

____________________________________

Paano mo maipapakita ang iyong pagpapasalamat sa Diyos?

___________

H. Paglalahat ng Aralin Naipapamalas natin ang ating pagpapasalamat sa Diyos sa

pamamagitan ng iba’t – ibang paraan tulad ng:

 pagdadasal
 pagsisimba o pagsamba
 pagbabahagi ng ating mga biyaya sa iba
 pagtulong sa mga nangangailangan

I. Pagtataya ng Aralin. Paano mo maipapakita ang iba't ibang paraan ng pagpapasalamat sa


mga biyayang tinatanggap at

tatanggapin mula sa Diyos sa mga sumusunod na sitwasyon? Piliin


ang letra ng tamang sagot.

1. Gumising ka ngayong umaga ng malakas at may maayos na


pangangatawan.

A.Magdadasal agad.

B. Aayusin ko na ang aking hinigaan.

C.Hahanapin si nanay para sa almusal.

2. Napansin mong wala nang makain ang inyong kapitbahay.

A.Pagtatawanan sila.

B. Ibibigay ko ang sobrang pagkain sa bahay.

C.Ipost sa “Facebook” upang malaman ng mayor.

3. Ang iyong kaarawan ay tatapat sa araw ng

Linggo.

A.Ayain ang mga magulang na kumain sa labas.


B. Magkaroon ng “outing” kasama ang mga kaibigan.

C.Anyayahan ang mga magulang upang

makapagsimba.

J. Karagdagang gawain para sa Piliin sa Hanay B ang paraan ng pagpapasalamat sa


takdang aralin at remediation.
mga bagay na ating natatanggap na nasa Hanay A. Isulat lamang
ang letra ng tamang sagot.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MATHEMATICS
Petsa: ABRIL 2, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:30 – 8:20 NG UMAGA
I.LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of time, Standard measures of

length, mass and capacity and area using square tile units.

B. Pamantayan sa Pagganap: Is able to apply knowledge of time, standard measures

of length, weight, and capacity, and area using square tile

units in mathematical problems and reallife situations

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: tells and writes time in minutes including a.m.

and p.m. using analog and digital clocks M2ME-IVa-5

II. NILALAMAN Pagsabi at Pagsulat ng Oras sa Minuto (a.m. at p.m.) Gamit


ang Analog at Digital Clocks

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 268

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- pp. 250-258


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk. LM page 7-10

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Mathematics for Everyday Use pp. 93-95
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Slide deck, tv monitor, Laptop, activity sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Review
pagsisimula ng bagong aralin.
Si Melody na napunta sa panahon na wala ng mga puno.
Tulungan natin siya na makabalik sa panahon na kung saan
marami pang mga puno sa paligid. Isulat ang katumbas na
segundo, minuto, oras at araw sa nakasaad na yunit.

1. 9 minuto = _____ segundo

2. 240 segundo = _____ minute

3. 7 minuto= _____ Segundo

4. 10 oras = _____ minute

5. 10 oras = _____ minuto

B. Paghahabi sa layuning aralin Pagpapakita at Pagkakatawan ng Sukat ng Oras mula Oras


sa Araw at Kabaligtaran (araw sa oras)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Alamin Natin!


bagong aralin
Ang tatay ni Monica ay magbibiyahe ng 24 oras mula sa
lalawigan ng Leyte hanggang sa lungsod ng Pasay sakay ng
bus. Ang bus ay aalis ng alas 12:00 ng gabi. Ilang araw kaya
ang hihintayin niya bago makita ang kaniyang ama?
Pag-aralan ang mga orasan na ito.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Si Gng. Reyes ay bumili ng face masks sa pamamagitan ng


paglalahad ng bagong kasanayan #1 online shopping sa ganap na ika 3:00 ng hapon. 2 araw pa
ang hihintayin niya bago matanggap ang kaniyang binili.
Ilang oras siyang maghihintay bago dumating ang kaniyang
biniling face masks?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang unang orasan ay nagpapakita ng oras na alas 3:00 ng
paglalahad ng bagong kasanayan #2 hapon ang oras kung kailan bumili si Gng.Reyes ng face
masks. Ang ikalawang orasan ay nagpapakita ng alas 3:00 ng
madaling-araw. Ang ikatlong orasan ay nagpapakita ng alas
3:00 ng hapon. Ang ikaapat na orasan ay alas 3:00 ng
madaling-araw at ang huling orasan ay alas 3:00 ng hapon.
Kung bibilangin ang oras mula sa unang orasan hanggang sa
huling orasan, ito ay may kabuuang 48 oras. Ang 48 oras ay
katumbas ng 2 araw.
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Tingnan nang mabuti ang mga orasan. Ang unang orasan sa
Formative Test) bawat bilang ay kumakatawan o nagrerepresent ng simula ng
oras. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Piliin sa loob ng kahon ang tamang kabuuang oras o araw na
na buhay. ipinapakita ng mga orasan. Ang unang orasan sa bawat
bilang ay kumakatawan o nagrerepresent ng simula ng oras.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

H. Paglalahat ng Aralin Ang buong ikot ng maiksing kamay o hour hand ng orasan
ay 12 oras o katumbas ito ng kalahating araw o 1 2 araw.
Ang dalawang beses na buong ikot nito ay 24 oras o
katumbas ng 1 araw.

I. Pagtataya ng Aralin. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


J. Karagdagang gawain para sa takdang Isulat ang tamang oras.
aralin at remediation.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following


day
Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: FILIPINO
Petsa: ABRIL 2, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 8:20 – 9:10 NG UMAGA

LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Madagdagan ang kaalaman sa pagpapantig.

B. Pamantayan sa Pagganap: Mapapantig ang mga mas mahahabang salita.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Napapantig ang mga mas mahahabang salita

F2KP-IIc-3

II. NILALAMAN Pagpapantig ng mga Mahabang Salita

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 148


1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal

B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, tv, slide decks Activity Sheets
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Tukuyin kung ilang pantig ang nakasalungguhit na
pagsisimula ng bagong aralin. salita sa bawat pangungusap.

1. Masustansya ang pagkain ng gulay.

a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

2. Mabagal lumakad ang pagong.

a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

3. Ang pangangalaga sa kalikasan ay isang mabuting


gawain.

a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

4. Mahal ko ang bansang Pilipinas.

a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

5. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay.

a. 1 b. 2 c. 3 d.4

B. Paghahabi sa layuning aralin Mapapantig tayo ngayon ng mga mas mahahabang


salita

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Sabihin:


aralin
Mahalaga na matukoy at matutuhan ang wastong
pagpapantig o pagbibilang ng pantig sa isang salita.
Ang pagpapantig ay

nangangahulugang wastong paghahati ng mga pantig

ng isang salita.

Nakatutulong ang pagpapantig sa wastong

pagbaybay at pagbigkas ng mga mas mahahabang

salita.
Mga halimbawa ng tamang pagpapantig ng mga salita:

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Pantigin ang mga sumusunod na salita.


ng bagong kasanayan #1
1. kalikasan

2. halaman

3. kalinisan

4. pangungusap

5. dalampasigan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Pantigin ang mga sumusunod na salita at bilugan
ng bagong kasanayan #2 kung ilang pagting meron ito.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Isulat ang bilang ng panti ng mga sumusunod na
Test) salita.

1. linisin

2. sapatos

3. talambuhay

4. regalo

5. palengke

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Pantigin ang sumusunod na mgs salita at isulat ang
buhay. bilang ng pantig.

H. Paglalahat ng Aralin Ang pagpapantig ay

nangangahulugang wastong paghahati ng mga pantig


ng isang salita.

I. Pagtataya ng Aralin. Bilugan ang pangalan ng mga larawan na nakita at


nabasa ni Aaron sa kuwento. Gawin ito sa sagutang
papel.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Isulat ang bilang ng pantig ng mga salita sa iyong
remediation. sagutang papel.

1. sinampalukan - _____

2. hamonado - ________

3. afritada - __________

4. ginataan - _________

5. adobo - ___________

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the


following day
Lack of Time
No class Achieved

School: SITIO STO ROSARIO ES Grade Level: 2


Teacher: NESTLEE C. ARNAIZ Learning Area: ENGLISH
Date: APRIL 2, 2024 Quarter: 4TH QUARTER
Grade and Section: 2-JACINTO Time: 9:30 – 10:20 AM

I. OBJECTIVES:

A. Content Standards: The learner listens critically to one-two paragraphs and uses
appropriate expressions in varied situations.

B. Performance Standards: ` The learner reads texts for pleasure and information critically in
meaningful thought units; responds properly to environmental
prints like signs, posters, commands, and requests; and writes
legibly simple sentences and messages in cursive form.

C. Learning Competencies / Read words with short e, a, i, o, and u sound in CVC pattern.
Objectives:

II. CONTENT Read Words with Short A Sound in CVC Pattern

III. LEARNING RESOURCES


A. References K-to-12 MELC Guide page 180
DBOW in English page 6
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from Learning
B. Other Learning Resources slide deck, tv, pictures, tarpapel
Resources/Portal
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or Directions: Choose the word for each picture.
presenting the new lesson

B. Establishing a purpose for the Do you have a best friend? Do you play with your best friend?
lesson What do you like to do with your best friend?

C. Presenting examples/instances of Listen as I read to you my story about two friends.


the new lesson
Best of Friends

Questions:
1. Who are the best of friends?
2. What do they like to do together?
3. What are the things they used in drawing?
4. What happened one day as they played in the park?
5. If you were Ben and Ted, what would you do to help the boy?
Why?
D. Discussing new concepts and These are some words taken from our story. I will read them first,
practicing new skills #1 then repeat after me.
Ben Ted leg jet
ten red pen beg

What do you notice with the words?

These are CVC words with short vowel /e/.

Give me other examples of CVC words with short vowel /e/.


How are we going to read words with short /e/?
E. Discussing new concepts and
practicing new skills #2

In order to read them, we are going to sound each letter of the


word, then we will blend each sound just like /b/+ /e/+/n/=Ben

Another example is
/p/ + /e/ + /n/ = pen
F. Developing Mastery (Leads to Directions: Read the words in column B. Draw a line to connect
Formative Assessment 3) the picture to its name.

G. Finding practical applications of Directions: Read the words. Encircle the name of each picture.
concepts and skills in daily living

H. Making generalization and How are we going to read CVC words with short /e/?
abstractions about the lesson
In order to read them, we are going to sound ________ letter of the
word, then we will _________ each sound just like /B/+ /e/+/n/=
_________

I. Evaluating Learning Directions: Read the sentence carefully and match it with the
correct drawing.
J. Additional activities for Directions: Say the name of each picture. Write their names in
application or remediation your notebook and read them afterwards.

V. REMARKS Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MOTHER TONGUE
Petsa: APRIL 2, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 10:20 – 11:10 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding and knowledge of
language grammar and usage when speaking and/or
writing.

B. Pamantayan sa Pagganap: Speaks and writes correctly and effectively for different
purposes using the basic grammar of the language.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Use the conventions of writing in composing journal


entries and letters (friendly

letter, thank you letter, letter of invitation, birthday

greetings)
II. NILALAMAN Pagsulat ng Talaarawan at Liham

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 372

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page 7-14

3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal MTB 2-Quarter3-Module 1

B. Iba pang Kagamitang Panturo


IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Balik-aral
pagsisimula ng bagong aralin.
-Ano ang talaarawan?

Ang taalawan, ayon sa depinisyon ni webster, ay isang


talaan ng mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon,
o mga obserbasyon, na arawan o paminsan-minsang
ginagawa. Ang journal, ayon pa rin sa pagbibigay-
kahulugan ni webster, ay isang arawang tala ng mga
pansariling Gawain, mga repleksyon ng mga nadarama.

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa aralin na ito, maibabahagi mo ang mga ginagawa mo


araw-araw sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling
talaarawan. Inaasahan din na mapahalagahan mo ang
mga pangyayari sa iyong buhay lalong lalo na ang mga
masasaya at mahahalagang bahagi.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Basahin mo ang nakatala sa ibaba. Pag-aralan mo


aralin kung paano ito isinulat.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Sagutin ang mga sumusunod na


ng bagong kasanayan #1
tanong batay sa binasang talaarawan.

1. Ano ang tawag sa iyong binasa? Kaninong


talaarawan iyon?

2. Ilang araw ang talaarawan na iyong binasa?

3. Ano-ano ang mga nakasulat sa talaarawan ni Lara?

4. Kailan niya isinulat ang talaarawan?

5. Bakit kaya isinusulat ni Lara ang mga nararanasan


niya o nangyayari sa kanya araw-araw?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon ang
ng bagong kasanayan #2 mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang tawag sa mga tala ng mga araw-araw na


pangyayari sa iyong buhay?

2. Alin sa sumusunod ang dapat isulat sa talaarawan?

3. Kailan ka dapat sumulat ng talaarawan?

4. Ano ang nasa kanang itaas ng talaarawan?

5. Saang bahagi ng talaarawan makikita ang pangalan


ng may-ari o sumulat nito?

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Ano ang kabutihan ng paggawa ng talaarawan?


Test)

Ang isang talaarawan ay isang kwaderno na kung saan


isinusulat ang mga damdamin mo at karanasan.
Maaari itong sulatan taga araw, taga-linggo, o depende
sa iyong nararamdaman.
Mahalaga ang isang talaarwan dahil ito’y nagbibigay sa
atin ng pagkakataong balikan ang mga pangyayari sa
mga nagkalipas na araw. Mahalaga ito dahil ating
makikita ang mga bagay-bagay na nangyari at ang
reaksyon, damdamin, o opinyon natin ssa mga ito.
Dahil dito, nabibigyan tayo ng pagkakataon upang mag
baliktanaw sa ating sarili at kung paano natin
maipapabuti ang ating mga sarili.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Ayusin at isulat ang mga bahagi ng talaarawan sa
buhay. angkop na kinalalagyan.

1. Nagmamahal,
2. Mahal kong Talaarawan,
3. Mico
4. Marso 24, 2020
5. Lubos akong natutuwa ngayong araw na ito. Kakaiba
ang pagdiriwang ng aking kaarawan. Pupunta kami sa
pinakamahirap na barangay sa aming lugar upang
maghatid ng kaunting food packs para sa mga
naapektuhan ng community quarantine dulot ng
COVID 19.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang talaarawan?

Ang talaarawan ay pagsusulat ng sariling karanasan ng


isang tao. Maaaring tungkol ito sa masaya, malungkot,
nakagugulat, at nakatatakot nakaranasan.
Nakatutulong ito na maipaalala sa atin ang mga
pangyayari sa ating buhay.

I. Pagtataya ng Aralin. Ayusin at isulat ang mga bahagi ng talaarawan sa


angkop na kinalalagyan.

1. Nagmamahal,
2. Mahal kong Talaarawan,
3. Yna

4. Marso 12, 2020

5. Malungkot ako ngayon araw na ito dahil nagkasakit


ang alagang aso. Mataba pa naman ito at may
mapuputing balahibo. Masaya ako kapag nakikipaglaro
ito sa akin. Ngayon ay matamlay siya. Nawa’y gumaling
na ito sa lalong madaling panahon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa
remediation. sumusunod na tanong.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following


day
Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Petsa: APRIL 2, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 11:00 – 11:50 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko
bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad


sa sariling pag- unlad at nakakagawa ng makakayanang
hakbangin bilang pakikibahagi sa mga layunin ng sariling
komunidad.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may


karapatan.

II. NILALAMAN Bawat Kasapi ng Komunidad ay may Karapatan

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 29
DBOW sa Araling Panlipunan 2 pahina 3
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Laptop, larawan, activity sheets
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang mga
pagsisimula ng bagong aralin. namumuno at mga mamamayan ay nag-aambag sa
kaunlaran ng komunidad at Mali kung hindi.

_____1. Kung naglilingkod nang mahusay ang isang pinuno


magiging mapayapa ang buong komunidad, magiging
masipag ang mga mamamayan, may pagbabago at
kaunlaran.
_____2. Barangay Health Worker ang tumutulong sa punong
barangay at sa mga kagawad sa pagpapanatili ng
katahimikan at kaayusan ng komunidad.

_____3. Magkakaroon ng katahimikan ang buong komunidad


kung ang isang lider o pinuno ay mahusay na ginagawa ang
kanyang tungkulin.

_____4. Nagpapakita ng magandang katangian ng isang


pinuno kapag tumutulong sa mga tao lalo na sa oras ng
kalamidad.

_____5. Ang pagbibigay ng serbisyo sa mga kasapi ng


komunidad ay para lamang sa mga kakilalang tao.
B. Paghahabi sa layuning aralin Sino-sino ang mga nasa larawan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Pag-aralan natin ang mga taong nagbibigay serbisyo sa
bagong aralin komunidad.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang komunidad ay nagbibigay ng serbisyo sa mga tao. Tayo
paglalahad ng bagong kasanayan #1 ay tumatanggap ng serbisyong pangkalusugan, pang-
edukasyon at pangseguridad mula sa komunidad na ating
kinabibilangan.

Ito ay libreng ibinibigay sa mga tao upang mapanatiling


maunlad ang pamumuhay ng bawat kasapi ng komunidad.

Ang mga serbisyong ito na tinatanggap natin ay dapat nating


pahalagahan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mga Tanong:
paglalahad ng bagong kasanayan #2 1. Sino-sino ang mga nagbibigay serbisyo sa ating
komunidad?
2. Ano-ano ang mga paglilingkod o serbisyong ibinibigay ng
mga kasapi ng komunidad upang matugunan ang karapatan
ng mga tao?

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Sino ang tinutukoy na nagbibigay ng paglilingkod o


Formative Test) serbisyo sa komunidad upang matugunan ang karapatan ng
mga tao? Isulat ang tamang sagot.

1. Ang mga (pulis, security guard) ay nagbibigay ng serbisyo


upang mapanatili ang kaayusan ng isang komunidad.

2. Kinukuha ng mga (social worker, barangay tanod) ang


batang pakalat-kalat sa kalye.

3. Ang mga (doktor at nars, dentista at barangay health


worker) ay nangangalaga sa mga maysakit sa ospital.

4. Ang mga (magulang, guro) ay nagtuturo sa mga mag-aaral


upang matutong bumasa, sumulat at bumilang sa paaralan.

5. Ang (barangay tanod, bumbero) ay alerto sa pagtulong


kung may sunog.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Panuto: Basahin ang tugma. Isaayos ang mga pinaghalo-
na buhay. halong mga letra upang mabuo ang tamang sagot. Sino ang
tinutukoy na kasapi ng komunidad na nagbibigay ng
paglilingkod o serbisyo upang matugunan ang karapatan ng
mga tao?

H. Paglalahat ng Aralin Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang
pangungusap. Ang natutuhan ko sa araling ito ay tungkol sa
mga karapatan ng kasapi ng komunidad na
______________________________
___________________________________________________________.

I. Pagtataya ng Aralin.

______1. Magtinda sa presyo na abot-kaya.

______2. Pagbibigay ng mga libreng gamot at bakuna sa


mamamayan.

______3. Huwag pansinin ang mga masasamang loob sa


komunidad.

______4. Tinitiyak na maging ligtas at payapa ang mga tao sa


komunidad.

______5. Pinipili ang kilalang taong tutulungan.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Pumili ng isang taong nagbibigay ng paglilingkod o
aralin at remediation. serbisyo sa komunidad upang matugunan ang karapatan ng
mga tao. Sumulat ng isang liham pasasalamat bilang
pagpapahalaga sa kanilang serbisyo.

V. MGA TALA Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ARTS/SINING
Petsa: APRIL 2, 2024 Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 12:30 – 1:10 NG TANGHALI

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of shapes, texture, proportion, and
balance through sculpture and 3 dimensional crafts.

B. Pamantayan sa Pagganap: Creates a 3dimensional freestanding, balanced figure using


different materials (found materials, recycled, local or
manufactured)

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Discusses the artistry of different local craftsmen in creating:
1.1 taka of different animals and figures in Paete, Laguna
1.2 sarangola or kites
1.3 banca, native boats from Cavite, and coastal towns

II. NILALAMAN Pagiging Malikhain

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 367
DBOW in MAPEH page 262
a. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo slide deck, tv, mga larawan, tarpapel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
pagsisimula ng bagong aralin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Batang Malikhain

ni Rogelyn Y. Bundal

1. Anong katangian ng mga Pilipino ang binanggit sa tula?

2. Anong kasanayang pansining ang nabanggit sa tula na


maaari mong gawin? Bakit?

B. Paghahabi sa layuning aralin Tingnan ang mga larawan.


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Suriing mabuti ang mga larawan. Ibigay ang mga hinihinging
bagong aralin sagot ng bawat katanungan.

1. Anong likhang sining ang nakikita mo sa unang larawan?

2. Ano naman ang likhang sining ang nakikita mo sa ikalawang


larawan?

3. Sa unang larawan na nakikita mo, ano sa tingin mo ang mga


kagamitang ginagamit upang mabuo ang likhang sining?

4. Sa iyong nakikita sa ikalawang larawan, ano sa tingin mo ang


mga kagamitang ginagamit upang mabuo ang likhang sining?

5. Mayroon bang naitulong ang mga likhang sining na ito sa


mga mamamayan sa lugar kung saan sila matatagpuan? Bakit?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain, maging sa pagguhit,
paglalahad ng bagong kasanayan #1 pagpipinta o paglilimbag. Gumagamit sila ng mga kagamitang
matatagpuan sa kanilang kapaligiran upang maipakita ang
kanilang pagkamalikhain. Kilalanin ang mga larawan na nasa
ibaba.

Taka (paper machè) ang tawag sa mga ito. Ang taka ay gawa sa
ginupit-gupit na papel na idinikit sa balangkas na may iba’t
ibang hugis tulad ng hayop, maskara o manika. Ang mga ito ay
patutuyuin at pipintahan upang makagawa ng maganda at
maayos na disenyo. Sa Paete, Laguna matatagpuan ang
pagawaan ng mga taka.

Nakikilala mo ba ang kasunod na larawan?


Tama. Ito ay saranggola. Ang saranggola ay gawa sa plastik,
papel, tali at patpat. Kailangang balanse ang bigat nito upang
makalipad sa hangin.

Ano naman ang panghuling larawan?

Bangka ang tawag dito. Ito ay katutubong sining ng mga


Pilipino. Gawa ito sa kahoy. Karaniwang ginagawa ang bangka
sa tabing-dagat upang magamit ng mga mangingisda sa
panghuhuli ng isda. Ginagamit din ito upang makatawid sa
dagat

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang taka, saranggola at bangka ay ilang halimbawa ng mga
paglalahad ng bagong kasanayan #2 likhang sining ng mga lokal na manggagawa sa kanilang
pamayanan. Gumagamit sila ng mga kagamitang matatagpuan
sa kanilang kapaligiran upang maipakita ang pagiging
malikhain.

Nakakita ka na ba ng mga nabanggit na likhang sining?

Naranasan mo na bang gumawa ng mga ito?

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Panuto: Kilalanin ang mga bagay na nasa larawan na maaaring
Formative Test) gamitin sa paggawa ng mga likhang sining. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw- Panuto: Gumuhit ng sarili mong disenyo ng banca o native boat.
araw na buhay. Maging malikhain at gawing makulay ito. Gawin ito sa isang
malinis na papel.

H. Paglalahat ng Aralin Punan ng tamang sagot ang patlang sa pangungusap upang


makabuo ng angkop ng makabuluhang ideya tungkol sa aralin.
Ang ____________, ________________ at _____________ ay mga
halimbawa ng sining na nagpapakita ng pagiging malikhain ng
mga Pilipino. Ginagawa ang mga ito gamit ang iba’t ibang bagay
na matatagpuan sa ating pamayanan.

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap
ay wasto at MALI kung hindi.

1. Ang taka ay gawa sa ginupit-gupit na papel at binuo gamit


ang balangkas.

2. Walang balanse ang bigat ng saranggola upang makalipad sa


hangin.

3. Kahoy ang ginagamit sa paggawa ng bangka.

4. Sa Palawan matatagpuan ang pagawaan ng mga taka.

5. Ang pagkamalikhain ang katangiang kailangang taglayin sa


paglikha ng sining.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Panuto: Makikita sa ibaba ang larawan ng isang saranggola. Ito
aralin at remediation. ay isang likhang sining na nabubuo gamit ang patpat, papel at
tali. Sa tulong at gabay ng magulang, gumawa ng sariling
saranggola ayon sa inyong gustong disenyo.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

You might also like