You are on page 1of 4

Paaralan BAGONG NAYON I E.S.

Baitang IKALAWA
LESSON Guro JOVELYN C. VOCAL Learning Area ESP
EXEMPLAR
Petsa at Oras Markahan Ikaapat

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay…
Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat ng
likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay…
Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap at
nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
D.Pinakamahalaga ng Nakapagpapakita ng ibat-ibang paraan ngpagpapasalamat sa mga biyayang
Kasanayan sa Pagkatuto tinanggap, tinatanggap at tatanggapin mula sa Diyos
(MELC)
(Kung mayroon, isulat ang EsP2PD-IVa-d– 5
pinakamahalgang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan)
PAGPAPAKITA NG PASASALAMAT SA MGA BIYAYANG BIGAY NG
II. NILALAMAN
DIYOS
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro, pahina 92-94
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 231-241
Kagamitang PIVOT 4A Learning Modules pahina 9-20
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Tuwing kalian ka nagdarasal?
Narasanan mo na bang magpasalamat sa Diyos? Sa papaanong paraan?
Kailangan ba nating magpasalamat sa Diyos?

Paano ninyo ipinagdiriwang ang inyong kaarawan?


May regalo ba kayong natanggap sa inyong kaarawan? Ano iyon?
Kung wala kayong natanggap na regalo sa inyong kaarawan, ano ang
mararamdaman ninyo?

B.Development
(Pagpapaunlad) “Ang Kaarawan ni Karlo”
Ni R.B. Catapang
Araw ng Linggo, maagang nagising si Karlo. Ito ang kaniyang ika-
pitong taong kaarawan. Subalit malungkot siya dahil hindi siya naibili ng
bagong sapatos na gustong-gusto niya.
“Huwag kang malungkot Karlo,”ang samo ni nanay Feliza. “Maayos
pa naman ang dati mong sapatos kaya puwede mo pa itong magamit.
Magbihis ka na dahil tayo ay magsisimba,” dagdag ng kaniyang ina.
Sa harap ng simbahan nakita ni Karlo ang isang batang lalaki na
tinutulungan ang kaniyang ama na sumakay sa wheel chair. Nasabi ni Karlo
sa kaniyang sarili, “Maswerte pa rin pala ako kahit wala akong bagong
sapatos sa kaarawan ay kumpleto ang mga paa ko. Salamat po Panginoon sa
biyayang ipinagkaloob Mo sa akin at tulungan mo rin ang batang may
kapansanan na maging masaya.”
1. Bakit malungkot si Karlo sa kaniyang ikapitong kaarawan?
2. Ano ang nakita ni Karlo sa harap ng simbahan na biglang nakapagpabago
sa kaniyang nararamdaman?
3. Dapat bang magpasalamat tayo sa Poong Maykapal? Bakit?
4. Kayo bilang isang bata, ano-ano ang dapat ninyong ipagpasalamat sa
Panginoon?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Itaas ang letra
ng tamang sagot

Si Ron ang Batang Mapagpasalamat


Ni Joymae De Raya Ramos
Sabado ng gabi, oras na para matulog si Ron, bago siya humiga ay
umupo muna siya sa higaan, pinagdikit ang palad at nagdasal. “Panginoon,
maraming salamat po sa buong araw na ibinigay mo sa akin at sa aking
pamliya. Salamat din po sa mga biyaya at pag-iingat ninyo sa amin. Amen”.
Ito ang kaniyang panalangin bago matulog.
Kinabukasan, maagang nagising si Ron, bago tuluyang bumangon ay
naupo muna siya sa kaniyang higaan, pinagdikit ang palad at nagdasal.
“Panginoon, maraming salamat po sa pag-iingat ninyo sa amin buong gabi.
Amen” Tumuloy siya sa kusina at nasorpresa si Ron sa kaniyang nakita sa
kusina, ang daming pagkain at may cake pa. “Maligayang kaarawan Ron,”
ang bati sa kaniya ng kaniyang ate Yeziah. “Maraming salamat ate,” ang
tugon niya. “Maligayang kaarawan!” bati ng tatay at nanay ni Ron.
“Maraming salamat po tatay at nanay,” sabay yakap niya sa kaniyang
magulang. Bago kumain ay muling nagdasal si Ron. “Panginoon maraming
salamat po sa pagkaing kaloob mo, salamat po sa muling pagsapit ng aking
kaarawan. Amen.” At masaya nilang pinagsaluhan ang handa.

Pagtalakay sa Kwento: (Multiple Choice)


1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano ang kaniyang ginawa bago matulog?
3. Ano ang kaniyanng panalangin bago matulog?
4. Ano ang kaniyang ginawa pagkagising?
5. Sa inyong palagay, tama ba ang ginawang panalanging pasasalamat ni
Ron? Bakit?

C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Tingnan ang sumusunod na sitwasyon.


(Pakikipagpalihan) Piliin ang larawan na nagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang bigay ng
Diyos. Itaas ang letra ng tamang sagot.

1. Napansin mong namumulaklak na ang tanim na halaman ng iyong Nanay.


Ano ang dapat mong gawin?
2. Pinasalubungan ka ng tatay mo ng laruan. Ano ang dapat mong gawin?
3. Maraming pagkaing nakahain sa mesa para sa inyong tanghalian. Ano ang
dapat gawin ng iyong pamilya?
4. Umalis ang nanay mo at inutusan ka na alagaan at bantayan ang
nakababata mong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
5. Katatapos lang maglaba ng nanay mo. Napansin mong makalat ang loob
ng bahay ninyo. Ano ang dapat mong gawin?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano


ang dapat mong gawin upang maipakita ang pagbibigay pasasalamat at
halaga sa mga biyayang bigay ng Diyos. Itaas ang letra ng tamang sagot.

1. Nakalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang alaga niyang aso.


A. Hindi ko na lang papansinin.
B. Papakainin ko ang alaga niyang aso.
C. Papakawalan ko na lang para makakain ang aso.

2. Binilhan ka ng bagong krayola ng nanay mo.


A. Iinggitin ko ang ibang bata.
B. Iingatan ko at titipirin ang krayola.
C.Gagamitin ko kaagad para maibili ako ng bago.

3. Marami kang pinagliitang damit. Ano ang dapat mong gawin?


A. Itatago ko sa aparador.
B. Isasama sa patapong basura.
C. Ipapamigay sa mga nangangailangan.

4. Papasok ka na sa inyong silid-aralan. Nasa may pinto ka nang mapansin


mong nasa likod ang kamag-aral mong may kapansanan at nahihirapan
siyang lumakad papunta sa silid-aralan.
A. Aalokin ko siya ng tulong na alalayan sa pagpasok sa silid-aralan.
B. Hindi ko na lang siya papansinin upang hindi siya mahiya.
C. Bibilisan ko ang pagpasok sa silid-aralan.

5. Pagtakapos gawin ang takdang aralin, nakaramdam ka ng antok.


A. Aayusin ko muna ang mga gamit ko bago pumunta sa kuwarto at
magdarasal bago matulog.
B. Pupunta na ako sa kuwarto at iiwanan ko ang mga gamit ko.
C. Matutulog na lang ako sa sala set.

Paglalahat
D. Assimilation (Paglalapat) Ano ang dapat nating tandaan? Ano ang dapat nating gawin sa biyayang
tinanggap, tinatanggap o tatanggapin natin mula sa ating Panginoon?
 Ating Tandaan:
Dapat nating pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng Kaniyang
nilikha at sa ipinagkaloob Niyang biyaya sa atin. Kaya nararapat lang
na ingatan at pahalagahan ang mga ito.

Paglalapat:

Gintong Aral:
“Sa Poong Lumikha ay laging magpasalamat, Sa lahat ng biyayang
ating tinanggap.”

PAGTATAYA:
Itaas ang masayang mukha kung nagpapakita ng paraan ng
pagpapasalamat sa Panginoon sa mga biyayang tinanggap,
tinatanggap, at tatanggapin. Itaas naman ang malungkot na mukha
kung hindi ito nagpapakita.
1. Ibinabahagi ko sa kapwa ko bata ang aking mga laruan na hindi ko
na ginagamit.
2. Nagbibigay ako ng tulong sa mga pulubi at may kapansanan.
3. Inaapakan ko ang mga halaman sa parke at paaralan. 4. Tinitirador
ko ang mga ibon na nakikita ko.
5. Nagdarasal ako bago matulog at pagkagising sa umaga.

TAKDANG-ARALIN:
Sumulat ng isang maikling panalangin sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo
ng Panginoong Maykapal.

Diyos Ama sa langit,


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
__________________________________________________.

V. REFLECTION (Pagninilay) Bilang pangwakas, masasabi mo na: Ang ______________ ,


_______________ sa kapwa at pagbibigay halalaga sa mga biyayang
ipinagkaloob ng Diyos ay pagpapakita ng ___________________sa mga
________________ bigay Niya.

pasasalamat pagmamahal pananalangin biyayang pagbibigay

Inihanda ni:
JOVELYN C. VOCAL
Teacher I
Bagong Nayon I Elementary School

You might also like