You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino 2

Ikatlong Markahan
Linggo:4 Araw:1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pag-unawa sa napakinggang teksto
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakasunod sa napakinggang teksto
F2PN-IIId-1.2
II. NILALAMAN Pagsunod sa napakinggang panuto (1-2 hakbang)
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Gabay Pangkurikulum p. 32
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa LR Pinagkuhanan ng larawan:
Portal www.123rt.com/stock-photo/household chores.html
5. Iba Pang Kagamitang Panturo Larawan, tsart ng kwento, gawaing dahon
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/ o Balik-aral sa nakaraang aralin.
pagsisimula ng bagong aralin Ipagawa sa mga bata ang mga sumusunod:
a. Tumayo nang matuwid
b. Hummarap sa kanan.
c. Pumalakpak ng tatlong beses.
d. Humarap sa kaliwa.
e. Pumadyak ng malakas.
f. Umupo
Nasunod ba ninyo ng maayos ang mga panuto?
Bakit nasunod ninyo ang mga panuto?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagganyak:
MagpakitA ng larawan ng mga bata na tumutulong sa mga
gawain sa bahay.

Itanong:
Ano ang nakita ninyo sa mga larawan?
Ginagawa rin ba ninyo ang ginagawa ng mga bata sa larawan?

Paghahawan ng Balakid:
1. Hapag-kainan
a. Dito kumain ang mag-anak
b. Dito nag-aaral ang mga bata
c. Dito natutulog ang mag-anak

2. Kayamanan
a. Magugulong mag-anak
b. Maruming pamayanan
c. Mahalagang kagamitan na pag-aari ng tao.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Iparinig sa mga bata ang kuwentong “Ang Mga Matulunging
Bagong Aralin Anak”

Ang Mga Matulunging Anak

Araw ng Sabado maagang ginising ni Nanay Cita ang


kanyang mga anak na sina Carl at Eliza. Pupunta sila sa kanilang
lola na nakatira sa bundok. “Iligpit mo na Eliza ang inyong
hinigaan,” ang utos ni Nanay Cita kay Eliza. “Ikaw naman Carl,
tulungan mo ang iyong tatay sa paghahanda ng ating mga
dadalhin.” “opo Nanay ang tugon naman ni Carl.” Ano po tatay
ang maaari kong maitulong sa inyo? ang magalang na tanong ni
Carl sa kanyang tatay. “Kunin mo na ang basket at isakay sa ating
sasakyan. Malayo ang ating pupuntahan kailangang magbaon
tayo ng pagkain” ang sabi ni Mang Poldo. Walang pag-
aalinlangang sinunod ito ni Carl.
“Carl! Eliza!, pumunta na kayo rito sa kusina at kakain na
tayo,” ang malakas na tawag ni nanay. Dali-dali namang
tumungo sa kusina ang magkapatid. Naabutan ng dalawa ang
kanilang nanay at tatay na nakaupo na sa may hapag-kainan.
Masigla nilang pinagsaluhan ang kanilang agahan na pritong itlog
at sinangag. Pagkatapos nilang kumain, inutusan ni Eliza si Carl
na iligpit na ang pinagkainan at punasan ang mesa. “Ikaw naman
Ate Eliza ang maghugas ng pinggan at pakainin mo na rin ang
ating pusa.” “Oo Carl, gawin na natin ito nang madalian upang
makaalis na tayo, ang tugon naman ni Eliza.
Masayang-masaya silang pinagmamasdan ng kanilang ama
at ina. “Napakaswerte natin sa ating mga anak” ang wika ni
Aling Cita. Napalaki natin silang mabait at matulungin. “Oo
nga, sila talaga ang tunay na kayamanan natin” ang sabi
naman ni Mang Poldo.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pagsagot sa mga tanong:


paglalahad ng bagong kasanayan #1
1. Sino ang dalawang bata sa kuwento?
2. Saan sila pupunta?
3. Ano ang inutos ni Nanay kay Eliza?
4. Ano naman ang ipinagawa ni Tatay kay Carl?
5.Sinunod ba ng dalawang bata ang kanilang mga magulang?
6.Anong katangian mayroon ang dalawang bata na ikinatuwa ng
kanilang magulang?
7. Kung kayo ang bata sa kuwento, gagawin rin ba ninyo ang utos
ng inyong mga magulang? Bakit Oo at bakit hindi
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Itanong:
paglalahad ng bagong kasanayan #2
1.Ano-ano ang mga panuto/direksiyon ang nabasa ninyo sa
kuwento? Isulat ito sa pisara.
a. Iligpit mo na Eliza ang inyong hinigaan.
b. Tulungan mo ang iyong tatay sa paghahanda ng ating mga
dadalhin.
c. Kunin mo na ang basket at isakay mo na sa ating sasakyan.
d. Iligpit mo na ang pinagkainan at punasan ang mesa.
e. Maghugas ka ng pinggan at pakainin mo ang pusa.
2. Ilang hakbang na panuto o direksiyon ang ibinigay kina Carl at
Eliza? (1-2 panuto)
3. Nasunod ba nila lahat ang mga panuto?
4. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nila sinunod ang mga
panuto?
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Pangkatang-Gawain
Formative Assessment) Hatiin sa tatlong pangkat ang mga bata.
Unang pangkat – Sundin ang mga panutong mapapakinggan.
a. Tumayo nang tuwid.
b. Lumakad ng tatlong hakbang.
c. Pumunta sa pisara.
d. Lumundag at Sumigaw ng yahoo.
e. Umupo at pumalakpak ng tatlong beses.

Ikalawang Pangkat – Lagyan ng tsek (/) ang panuto at ekis (X)


kung hindi.
a. ___ Naglalaro ang mga bata sa parke.
b. ___ Isulat ang pangalan ng iyong kaibigan.
c. __ Gumuhit ng malaking bilog at sa loob nito iguhit ang maliit
na tala.
d. ___ Masayang nanonood ang mga bata sa palatuntunan.
e. ___Gumuhit ng bulaklak at kulayan ito ng pula.

Ikatlong Pangkat - Isagawa ang mga panuto.


a. Kumuha ng papel.
b. Isulat ang inyong pangalan sa unang linya.
c. Gumuhit ng malaking kahon at isulat sa loob ang pangalan ng
inyong paaralan.
d. Gumuhit ng tatlong bituin at kulayan ang nasa gitna ng dilaw.
e. Isulat ang pangalan ng iyong guro. Bilugan ang mga patinig.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw Laro:
na buhay Sumulat ng 1-2 hakbang na panuto sa istrip ng papel. Ilagay ito
sa loob ng kahon. Tumawag ng magkapares na bata. Bubunot at
babasahin ng isang bata ang nasa papel. Ang isa naman ang
magsasagawa ng panuto.
H. Paglalahat ng Aralin Paano natin masusunod nang tama ang mga panuto?
Mahalaga ba ang pagsunod sa mga panuto?
Ano ang posibleng mangyari kung hindi ninyo uunawain at
susundin ang mga panuto o direksiyon?
I. Pagtataya ng Aralin Pakinggang mabuti ang mga panuto na ibibigay ng guro. Sundin
ang mga panuto.
1. Isulat ang pangalan ng inyong paaralan.
2. Gumuhit ng tatlong maliit na bilog.
3. Gumuhit ng malaking kahon at isulat ang pangalan ng iyong
kaibigan sa loob.
4. Kopyahin ang mga salita sa ibaba. Bilugan ang pangalan ng
hayop.
nanay palengke baboy kaibigan
5. Sumulat ng tatlong pangalan ng iyong kaklase. Ikahon ang
pinakagusto mo sa tatlo.
J. Takdang-aralin/ Karagdagang Gawain Kopyahin at gawin ang sumusunod:
1. Gumuhit ng malaking bituin.
2. Gumuhit ng bola at kulayan ito ng pula.
3. Gumawa ng malaking kahon. Isulat ang pangalan ng iyong
guro sa loob ng kahon.
V. Mga tala
VI. Pagninilay
A. Bilang mag-aaral na nakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakauna sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy ng remediation

E. Alin a mga istratehiyang pagtuturo


nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro.

You might also like