You are on page 1of 10

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

I.LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.
2. Nakakapagpahayag ng mga halimbawa tungkol sa paglabag sa paggalang sa
magulang, awtoridad at nakatatanda.
3. Naisasabuhay ang paggalang sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain.

II.NILALAMAN
Paksa : IWASAN: PAGLABAG SA PAGGALANG
Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 38
Kagamitan : Laptop, Led TV, Kagamitang Biswal, Power point

III.PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1.Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating aralin, ang


lahat magsitayo para sa isang panalangin.

(Ang mga mag-aaral ay yuyuko at


sisimulan ang panalangin)
2. Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat!

Magandang araw din po Ma’am!


3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago tayo magsimula ay nais ko munang


pulutin niyo ang mga kalat na inyong
makikita at isaayos ang hanay ng inyong
mga upuan.
(pupulutin at aayusin ng mga bata ang
hanay ng kanilang upuan)

4. Pagtatala ng Liban

Sekretarya ng klase maaari mo bang itala


kung sino ang mga liban ngayong araw?

(itatala ng sekretarya ang mga liban)

B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin ay


mayroon akong inihandang isang gawain.
PAGNILAYAN MO AKO!

Panuto: Panoorin ng mabuti ang bidyo.

https://youtu.be/-hp83aOQULQ?si=GalHWXJPvf0jCwHe

Atin nang simulan.


(panonoorin ng mga bata ang bidyo)
Pamprosesong Tanong:

Ano ang naramdaman niyo pagkatapos


panoorin ang bidyo? Bakit?
Nalungkot po Ma’am dahil mayroon
pong anak na kayang suwayin at tiisin
ang magulang.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Batay sa bidyo, buuin niyo ang gulo-
gulong mga letra upang malaman kung
anong paksa ang ating pagtatalakayan.

SANAWI: LAGAPBAG AS NGALAGGAP

Ang paksang ating pagtatalakayan po


ngayong araw ay Iwasan: Paglabag sa
Paggalang.
Tama! Ang paksang ating pagtatalakayan
ay Iwasan: Paglabag sa Paggalang.

C. Aktibiti

Upang mas mapalawak pa natin ang


inyong kaalaman sa paksang tatalakayin
mayroon akong inihandang isang gawain.

SURI- TULA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang


tula. Pagnilayan at sagutin ang mga gabay
na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Magulang
May Marie O. Eviota
Sa isang punla, ako nagmula
Nagisnan wagas na pag-aaruga
Nilabanan hirap sa pag-aalaga
Aking kapakanan binigyang kalinga.
Lumaking sagana, walang inaalala
Lumaki sa layaw, sa inyo’y naging problema
Mga payo ninyo’y di inaalintana
Sakripisyo’y isinawalang bahala.
Panahon ay lumipas, naligaw aking landas
Lagim ang kinahinatnan, naging salot sa lipunan
Nangangapa sa kawalan, magulang ko’y nasaan?
Labis aking pagsisisi, kailangan kong makabawi.
Pabigat man sa buhay, magulang handang umalalay
Talikuran man ng mundo, buhay nila’y handang ialay
Sa pagsubok ng buhay, may sisibol na bukang-liwayway
Salamat mahal na magulang, nararapat kayong igalang.
(babasahin ng mga bata ang tula)

D. Analisis

Mga gabay na tanong:

1. Ano sa inyong palagay ang mensahe ng


tula?
Ang Mensahe po ng tula ay mahalin at
igalang ang mga magulang dahil
napakarami nilang isinakripisyo para sa
atin.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

Mahusay! Kinakailangan nating mahalin at


igalang ang mga magulang sapagkat kung
wala sila ay wala rin tayo.

2. Ano ang sinapit ng batang sumuway sa


payo ng kanyang magulang?
Nahirapan at nagdusa po siya dahil sa
pagsuway sa utos.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)

Magaling! Kung tayo ay hindi sumusunod


sa ating magulang, maaari tayong
mahirapan at maligaw ng landas.

3. Mahalaga ba ang pakikinig at pagsunod


sa aral at payo ng magulang? Bakit?
Opo Ma’am dahil mas alam po nila ang
maraming bagay kaysa sa atin.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Tama! Maaaring may sarili na tayong pag-
iisip ngunit mas alam pa rin ng mga
magulang ang makabubuti para sa atin.

4. Sa iyong sariling karanasan, paano mo


naipapakita ang iyong paggalang sa
iyong magulang?
Naipapakita ko po ang paggalang sa
aking magulang sa paraan na sinusunod
ko po ang kanyang mga bilin at utos.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Mahusay! Ang pagsunod sa mga bilin at
utos ng magulang ay isa na rin sa
pagpapakita ng paggalang sa kanila.

E. Abstraksyon

Ating tatalakayin ang mga kinakailangang


konsepto na magpapaunlad ng iyong
kaalaman tungkol sa pag- iwas sa paglabag
ng paggalang.

1. Naranasan mo na rin bang sumuway sa


iyong magulang gaya ng nasa tula? Ano
ang iyong nararamdaman sa tuwing ikaw
ay pinapangaralan nila?
May mga pagkakataon po na ako ay
nakakaramdam ng inis dahil parang
wala akong ginagawang mabuti.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Ang pagsunod sa payo at kautusan ng
magulang at nakatatanda kung nasa
tamang katwiran ay isa sa mga
palatandaan ng paggalang. Kaya’t mas
mabuti na tayo ay nagiging masunurin.

Naririto ang ilan sa mga paglabag sa


magulang. Atin nang talakayin.
Basahin ang biswal.
(sabay sabay babasahin ng mga bata)
• Paggawa ng mga bagay na walang
pahintulot ng magulang
Ang paggawa ng mga bagay o gawain na
wala namang permiso o pahintulot ng
magulang ay isa sa mga paglabag sa
paggalang dahil tayo ay gumagawa ng
desisyon o bagay kahit na hindi sang
ayunan ng magulang.

2. Naranasan mo na bang gumawa ng


isang bagay na walang pahintulot ng
magulang?
Maaari mo bang ibahagi sa klase ang iyong
karanasan? Sa tingin mo tama ba ang
ginawa mo?
Opo Ma’am. Nakagawa napo ako ng
bagay na hindi sinang ayunan ng aking
magulang. At para sa akin po mali iyon
at hindi na dapat ulitin pa.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Tama! Hindi akma na gumawa ng bagay na
hindi pinahintulutan ng magulang dahil una
pa lang alam ng magulang kung ano ang
makabubuti o makasasama sa kanilang
mga anak.

Dumako naman tayo sa ikalawang kilos ng


paglabag sa magulang. Basahin ang
biswal.
• Kawalan ng malasakit at pagmamahal
sa magulang, gaya ng pagbigkas ng
hindi magalang o bastos na pananalita
Ang kawalan ng malasakit at pagmamahal
at pagbigkas ng mga bastos na salita sa
magulang ay isa sa pagpapakita ng
paglabag sa paggalang sa magulang. Sa
ating mga magulang tayo nagmula. Sila
ang nagpalaki at nag aruga sa mga anak.
Maraming naging sakripisyo at hirap
upang maiahon at mapalaki lamang ng
maayos kaya’t kinakailangan na ito ay
suklian natin ng kabutihan, pagmamahal,
paggalang at pagrespeto sa kanila.
3. Ipinapakita ninyo ba ang
pagmamalasakit at pagmamahal sa inyong
mga magulang? Sa paanong paraan ninyo
ito ipinapadama sa kanila?
Opo Ma’am. Ipinapakita at ipinapadama
ko po sa aking mga magulang ang
pagmamalasakit at pagmamahal ko sa
kanila sa pamamagitan po ng pagiging
magalang sa aking pakikipag- usap sa
kanila at sa pagiging malambing ko po.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Mahusay! Ang pakikipag- usap ng maayos
sa ating mga magulang ay pagpapakita ng
ating pagmamahal at pagrespeto sa kanila.
Kinakailangan nating ayusin ang mga
salita na gagamitin pati na rin ang tono ng
ating pagsasalita ng sa gayon ay madaling
magkaunawaan.

Naunawaan po ba ng lahat?
Opo Ma’am.
Kung gayon ay dumako na tayo sa sunod
na kilos ng paglabag sa paggalang sa
magulang. Basahin ang biswal.
• Hindi pagsunod sa utos ng magulang o
pagdadabog kapag inuutusan
Ang hindi pagsunod sa utos at pagdadabog
sa magulang ay isa rin sa kilos na
nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa
magulang. Ito ay kinakailangan nating
iwasan upang hindi magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan. Ang pagdadabog ay
isang uri ng masamang gawi na dapat
tanggalin ng isang tao sa kaniyang sarili.

4. Naranasan mo na bang hindi sumunod


o pagdabugan ang iyong magulang? Ano
ang naramdaman mo pagkatapos nito? Ano
kaya sa tingin mo ang naramdaman ng
iyong magulang?
Opo Ma’am. Nakaramdam po ako ng
guilty pagkatapos iyong gawin dahil
alam kong hindi nagging masaya ang
magulang ko sa ipinakita ko.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Masakit sa isang magulang ang hindi
pagsunod at pagdadabog ng mga anak. Ito
ay hindi dapat na ginagawa. Sundin ang
kilos na mayroong kasiyahan upang maging
kawili- wili sa mga magulang.

Maliwanag ba?
Opo Ma’am.
Bago tayo dumako sa sunod na konsepto,
may mga katanungan pa ba kayo tungkol
sa paglabag sa paggalang sa magulang?
Wala napo Ma’am.
Kung gayon ay dumako na tayo sa sunod
na konsepto, ang paglabag sa paggalang sa
nakatatanda. Basahin ang biswal.
• Kawalan ng pagpapahalaga sa
kanilang opinyon at saloobin, sa kabila
ng kanilang mayamang karanasan
Ayon nga sa kasabihan ng mga
nakatatanda. Papunta ka palang, pabalik
na ako. Dahil mas mayaman sila sa
karanasan kumpara sa ating mga bata,
mas madami silang kaalaman tungkol sa
mga bagay bagay sa buhay. Kinakailangan
nating pahalagahan o ikonsidera ang
kanilang saloobin o opinyon hinggil sa
bagay na ating nararanasan.

5. May pagkakataon na ba sa iyong buhay


na hindi mo pinahalagahan ang saloobin
ng nakatatanda sa iyo ngunit paglipas ng
panahon ay naisip mo pa rin na tama pala
sila at para sa iyo rin ang sinasabi nila?
Opo Ma’am. Palagi po akong nagagalit
noon dahil palagi nila akong
pinagsasabihan kung ano ang dapat na
gawin ko, ngunit kamakailan po ay
naisip ko na para sa akin din pala lahat
ng iyon
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
May mga naging pagkakataon na sa buhay
natin na kinaiinisan o kinagagalitan na
natin ang mga nakatatanda dahil sa paulit
ulit nilang pagsasabi sa atin, ngunit sa
paglipas ng panahon, saka natin
maiintindihan na tama pala sila at para sa
atin lahat ng mag sinasabi nila. Kaya’t
nararapat na ikonsidera at pahalagahan
ang saloobin at opinyon ng mga
nakatatanda.

Maliwanag ba?
Opo Ma’am.
Ngayon ay dumako tayo sa sunod na kilos
ng paglabag sa paggalang sa nakatatanda.
Basahin ang biswal.
(sabay sabay babasahin ng mga bata)
• Hindi pagsasabi ng po at opo at hindi
pagmamano
Tayong mga Pilipino, kilala tayo bilang
magagalang na tao. Nakaugalian na natin
ang pagmamano pati na rin ang paggamit
ng po at opo. Kinakailangang pamalagiang
gawin at gamitin dahil ito ay isa sa paraan
ng pagpapakita ng paggalang. Huwag natin
itong kalimutan at kaligtaan ng sa gayon
ay maabutan pa ng napakaraming
henerasyon.

6. Sa panahon ng makabagong
henerasyon, nagagawa mo pa rin bang
magmano at gumamit ng po at opo?
Opo Ma’am. Hindi ko po nakakalimutan
ang pagmamano at paggamit ng po at
opo.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Magaling! Dapat nating pahalagahan at
patuloy na gamitin ang mga magagandang
gawi na ipinamana pa sa atin ng mga
naunang henerasyon.
Maliwanag ba?
Opo Ma’am.
Bago tayo dumako sa sunod na konsepto,
may mga katanungan pa ba kayo tungkol
sa paglabag sa paggalang sa nakatatanda?
Wala na po Ma’am.
Kung gayon ay dumako na tayo sa
paglabag sa paggalang sa awtoridad.
Basahin ang biswal.
• Paglabag sa batas na ipinapatupad ng
pamahalaan
Paglabag sa batas na ipinatutupad ng
pamahalaan. Gaya ng kasabihan na ating
pinagtalakayan noong isang araw
“Ignorance of the law, excuse no one” hindi
natin maaaring sabihin na hindi alam ang
isang batas kaya nagawa at hindi na dapat
patawan ng parusa. Kinakailangan nating
alamin at pag-aralan ang ibat-ibang batas
at patakaran ng sa gayon ay makaiwas
tayo paglabag sa paggalang sa awtoridad.

7. May kaalaman ba kayo tungkol sa batas


na ipinatutupad sa inyong barangay?
Halimbawa na lamang ay dito sa barangay
Anilao, araw-araw ay pumapasok tayo rito.
Alam niyo ba ang mga ipinatutupad na
patakaran dito? Maaaari ka bang magbigay
ng halimbawa?
Opo Ma’am. May kaalaman po ako sa
mga patakaran at batas na ipinatutupad
dito sa barangay Anilao. Kagaya na
lamang po ng pagtatapon ng basura sa
tamang tapunan.
(ang sagot ng bata ay maaaring mabago)
Mahusay! Kinakailangan nating maging
pamilyar sa mga batas na ipinatutupad ng
sa gayon ay hindi tayo makasuway.
Kagaya ko na lamang, ako ay taga Padre
Garcia iba ang mga patakaran na
ipinatutupad doon, iba rin naman dito.
Kaya’t nagtanong tanong at kumalap ako
ng mga impormasyon tungkol sa patakaran
dito upang hindi ako makalabag.

Mayroon pa ba kayong nais na linawin


tungkol sa ating paksang pinagtalakayan?
Wala na po Ma’am.
Ano-ano nga ulit ang mga kilos na
paglabag sa paggalang sa magulang?
• Paggawa ng mga bagay na walang
pahintulot ng magulang
• Kawalan ng malasakit at pagmamahal
sa magulang, gaya ng pagbigkas ng
hindi magalang o bastos na pananalita.
• Hindi pagsunod sa utos ng magulang o
pagdadabog kapag inuutusan.
Mahusay! Ano naman ang mga kilos ng
paglabag sa paggalang sa nakatatanda?
• Kawalan ng pagpapahalaga sa
kanilang opinyon at saloobin, sa kabila
ng kanilang mayamang karanasan.
• Hindi pagsasabi ng po at opo at hindi
pagmamano.
Magaling! Ano naman ang mga kilos ng
paglabag sa paggalang sa awtoridad?
• Paglabag sa batas na ipinapatupad ng
pamahalaan.
Tama!
Sa palagay ko ay handa na kayo sa sunod
na gawain.

F. Aplikasyon

Mayroon akong inihandang isang


pangkatang gawain.

Panuto: Gumawa ng isang presentasyon


na nagpapakita ng pag-iwas sa paglabag sa
paggalang.

Pangkat 1: Pagbabalita
Pangkat 2: Talk Show
Pangkat 3: Fast Talk
Pangkat 4: Dula-Dulaan

Naririto ang kraytirya para sa


pagmamarka.

Kraytirya
Nilalaman 10
Presentasyon 10
Kabuuan 20 Puntos

IV. Pagpapahalaga
Panuto: Ibigay ang sariling repleksyon sa
mensaheng nakapaloob sa kasabihan.

“Iwasan paglabag sa V.
paggalang, paunlarin
Susi sa Pagwawasto:
pagiging magalang”
1. B
Pagtataya 2. C
3. A
Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay 4. A
pumapatungkol sa paglabag sa paggalang 5. B
sa awtoridad, nakatatanda o magulang.
Isulat ang A kung sa magulang B kung sa
awtoridad at C kung sa nakatatanda.
1. Si Jharky ay hindi nakikikilahok sa
mga gawaing pangkabataan sa
kanilang barangay.

2. Hindi tumutulong si Fiona sa


tuwing siya ay nakakakita ng
matandang nahihirapan tumawid.

3. Si Genesis ay hindi makatulong ng


kanyang mga magulang sa
pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

4. Hindi iniisip ni Chariss ang


kaniyang mga magulang sa mga
pagkakataong siya ay nag
dedesisyon.

5. Pumupunta ang magkakaibigang


sila Varron at Arell sa isang lugar ng Index of Mastery
hindi inaalam ang mga batas at
patakaran dito. 5 x ____ = _____
4 x ____ = _____
3 x ____ = _____
2 x ____ = _____
1 x ____ = _____
0 x ____ = _____

____________

IM: ___________

VI.Takdang-Aralin
Kamay ng Paggalang!
Panuto: Iguhit ang iyong palad. Magbigay ng limang halimbawa ng mga kilos na
tanda ng paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad ayon sa iyong
sariling opinyon at karanasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sundin ang pamantayan para sa pagbuo:

Puntos 10 9 8
Gumamit ng mga Limitado ang mga Hindi gaanong
salitang angkop at salitang angkop ang malinaw ang mga
nakapaglahad ng ginamit at may ilang pangungusap at
tiyak na mga kilos na kilos lamang ukol sa salitang ginamit at
Pamantayan magpapakita ng paggalang ang hindi rin malinaw
paggalang. nailahad. ang paglalahad ng
mga tiyak na kilos na
nagpapakita ng
paggalang.

Inihanda ni:

KYLLA ANN J. BURGOS


Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

GERALDINE D. MATIAS
Gurong Tagapagsanay

Pinagtibay ni:

DIANA M. CAMACHO
Punongguro II

You might also like