You are on page 1of 27

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG

Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ESP


Petsa: FEBRUARY 19,2024 Markahan: IKATLONG MARKHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:00 – 7:30 NG UMAGA
I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan

ng kamalayan sa karapatang pantao ng bata,


pagkamasunurin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng
kapaligiran at ng bansang kinabibilangan
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa nang buong pagmamalaki ang pagiging mulat sa
karapatan na maaaring tamasahin
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagbabahagi ng pasasalamat sa tinatamasang karapatan
sa pamamagitan ng kuwento EsP2PPP- IIId– 9

II. NILALAMAN Pasasalamat sa Karapatang Tinatamasa na Pamilya

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 67

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- LM page 14-18


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa ESP 2-Quarter3-Module 2


Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, cd/dvd player, video clip, tsart, graph, manila
paper, typewriting paper

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Kumustahan
pagsisimula ng bagong aralin.
Prayer

Attendance

Ano ano ang mga karapatan mo bilang isang bata?

Naibibigay ba ito sa iyo ng mga taong nasa paligid mo?

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa nakaraang aralin ay natutunan mo na ang isang batang


tulad mo ay may karapatan. Ngayon naman, ating pag-aralan
kung paano natin pasasalamatan ang karapatang ating
tinatamasa.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Awitin ang kantang “Bawat bata sa Ating Mundo”
bagong aralin

Ano ang makikita sa larawan?


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ang kuwento
paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ang Galing Naman! Masayang-masaya si Bella nang dumating


mula sa paaralan. Niyakap at
hinalikan niya ang kaniyang ina
na kasalukuyang nagluluto. “Inay,
nakakuha po ako nang mataas na
marka sa pagsusulit at napuri ako
ng aking guro sa harapan ng
aming klase”. Tuwang tuwa ang
ina ni Bella, “Binabati kita, anak.
Ang galing mo naman! Sige
magpalit ka ng damit at tayo’y
kakain na”. Nakita ni Bella na ang
kaniyang nanay ay naghahanda ng masustansiyang pagkain
para sa hapunan. Wow! “Ang sarap naman po niyan inay.
Alam ninyo po talaga ang aking paborito! Maraming salamat
po!”

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin at sagutan ang mga tanong.


paglalahad ng bagong kasanayan #2
1. Sino ang batang babae sa kuwento?

2. Bakit nagpapasalamat si Bella sa kaniyang ina?

3. Sino ang nagbibigay ng karapatan kay Bella?

4. Naranasan mo rin ba ang mga karapatang naranasan ni


Bella?

5. Nagpapasalamat ka ba sa nagbibigay sa iyo ng iyong mga


karapatan? Paano mo ito ginagawa?

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Magbigay ng maikling kwento o pangungusap para sa mga


Formative Test) sumusunod na karapatan?

Maisilang at magkaroon ng pamilya

Masaya ba kayo sa inyong pamilya?

Mabigyan ng pangalan

Gusto mo ba ang iyong pangalan?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Pumili ng isa sa itaas na mga pamamaran na gusto mong
na buhay. gawin upang magpasalamat sa iyong pamilya para sa
karapatang iyong tinatamasa. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
Nagpapasalamat ako sa aking pamilya sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________.

H. Paglalahat ng Aralin Dapat tayong magpasalamat para sa mga karapatang ating


tinatamasa. Maipapakita natin ang pasasalamat kung tayo ay
sumusunod sa kanilang payo.

I. Pagtataya ng Aralin. Panuto: Tukuyin ang karapatang ipinapakita sa bawat


larawan. Piliin ang tamang letra ng iyong sagot mula sa
kahon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Sa tulong ng iyong magulang o tagapangalaga,


aralin at remediation.
gumawa ng isang maikling pagsasalaysay o pagbabahagi ng
pagpapasalamat

patungkol sa iyong mga karanasan sa kasiyahan at


kabutihang dulot ng karapatang

iyong tinatamasa.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MATHEMATICS
Petsa: FEBRUARY 19, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 7:30 – 8:20 NG UMAGA
I.LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of division of whole numbers up


to 1000 including money.

B. Pamantayan sa Pagganap: Is able to apply division of whole numbers up to 1000

including money in mathematical problems and real life


situations.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: solves routine and non-routine problems involving division of
numbers by 2,3,4,5 and 10 and with any of the other
operations of whole numbers including money using
appropriate problem solving strategies

and tools.

M2NS-IIIc-56.1

II. NILALAMAN Paglutas sa Suliraning Routine at Non-Routine Gamit ang


Paghahati-Hati ng Bilang sa 2, 3, 4, 5, at 10 Kasama ang
iba pang Operasyon at Pera

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 268

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag- pp. 250-258


aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk. LM page 7-10

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Mathematics for Everyday Use pp. 93-95
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Slide deck, tv monitor, Laptop, activity sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o 1. Recite multiplication table
pagsisimula ng bagong aralin. 2. Review
-Divide mentally by 2, 3, 4, 5 and 10.
-Show flashcards.

B. Paghahabi sa layuning aralin

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Story Problem:


bagong aralin
Mayroong anim (6) na upuan sa bawat hanay ng mga upuan
sa silid-aklatan. Ilang hanay ng upuan ang magagamit ng
mga nasa ikalawang baiting kung silang lahat ay 30?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Mga Hakbang:
paglalahad ng bagong kasanayan #1
1. Isulat muli ang sitwasyon ayon sa iyong pang-unawa.

Sagot: Mayroong 30 mag-aaral sa ikalawang baiting. Kung


may 6 na upuan sa bawat hanay, ilang hanay ng upuan ang
kailangan para makaupo lahat ang mga bata?

2. Isulat ang tanong ng pasalaysay.

Sagot: Hanay ng upuan na kailangan para makaupo ang 30


na mag-aaral sa ikalawang baiting.

3. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.

Sagot:

Division sentence: 30÷6=N

Repeated subtraction:

30 – 6 = 24 (1)

24 – 6 = 18 (2)

18 – 6 = 12 (3)

12 – 6 = 6 (4)

6–6=0 (5)

Sagot:

Kailangan ng 5 hanay ng tig anim na upuan.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Basahin ang sumusunod. Ibigay ang hinihingi pagkatapos.
paglalahad ng bagong kasanayan #2

1. Si Carla ay may 100 pirasong kendi na


ipamimigay sa kanyang mga kamag-aral.
Kung siya ay may 20 kaklase. Ilang piraso ng kendi ang
matatanggap ng bawat isa sa kanila?

A. Isulat muli ang kalagayan sa itaas Ayon sa iyong pang-


unawa.

B. Isulat ang tanong na pasalaysay.

C. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.


F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Lutasin ng suliranin.
Formative Test)

Tatlumpung mag-aaral ang pumasok sa


Learning Resource Center sa loob ng limang
araw. Ilang mag-aaral ang pumasok sa
bawat araw?

A. Isulat muli ang kalagayan sa itaas Ayon sa iyong pang-


unawa.

B. Isulat ang tanong na pasalaysay.

C. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw Pangkatang Gawain:


na buhay.
Group 1

Kailangan mong uminom ng walong basong tubig


araw-araw. Kung 80 baso na tubig ang nainom mo,
Ilang araw na ang lumipas?

Group 2

Si Renz ay Nakagawa na ng 50 piraso ng polvoron.


Kung ang mga ito ay ibabalot niya sa maliit na
kahon na naglalaman ng 10 piraso, ilang kahon
ang kailangan niya?

Group 3

Kailangan ninyong sumakay ng tricycle upang


makarating sa Lumbia Falls. Lima lamang ang
isinasakay ng isang tricycle. Ilang tricycle ang
gagamitin ninyo kung kayo ay 20?

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang mga hakbang sa paglutas ng suliranin?

A. Isulat muli ang kalagayan sa itaas Ayon sa iyong pang-


unawa.

B. Isulat ang tanong na pasalaysay.

C. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.

I. Pagtataya ng Aralin. Lutasin ang suliranin.

Si Leo ay namitas ng 44 kalamansi. Binigyan


niya ang kanyang 4 na kaklase. Ilang piraso
ng kalamansi ang natanggap ng bawat isa?

Mga Hakbang:

A. Isulat muli ang kalagayan sa itaas Ayon sa iyong pang-


unawa.

B. Isulat ang tanong na pasalaysay.


C. Sagutin at ipakita ang iyong kumpletong solusyon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang Lutasin ang suliranin.


aralin at remediation.
Si Marie ay may 16 cookies. Kung bibigyan niya niya ang
kanyang 4 na kapatid, ilang cookies ang matatanggap ng
bawat isa?

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: FILIPINO
Petsa: PEBRERO 19, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 8:20 – 9:10 NG UMAGA

LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Natutukoy ang mga tauhan sa tekstong
Napakinggan.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga


tauhan sa napakinggang teksto.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto


batay sa kilos, sinabi o pahayag

F2PN-IId-12.2

II. NILALAMAN Paglalarawan sa mga Tauhan sa Napakinggang Teksto


Batay sa Kilos, Sinabi o Pahayag

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 148

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page 8-11

3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal

B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, tv, slide decks Activity Sheets

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Basahing mabuti ang bawat sitwasyon.Piliin ang titik
pagsisimula ng bagong aralin. ng tamang sagot.

1. Naglaro si Cyrille sa ilalim ng matinding sikat ng


araw.Ano ang nangyari kay Cyrille?

A.Nagkasakit B.Naging malakas

2. Si Cyrish ay nag-aral ng leksiyon kagabi. Mataas


ang nakuhang iskor sa kanilang eksamen. Alin dito
ang bunga?

A. Si Cyrish ay nag-aral ng leksiyon.

B. Mataas ang nakuhang iskor sa eksamen.

3. Ayaw paawat sa pagtatatakbo si Cyrille.Nadapa siya

at nasugatan ang tuhod.Alin dito ang sanhi?

A. Nadapa at nasugatan ang tuhod.

B. Ayaw paawat sa pagtatatakbo si Cyrille.

4. Umuulan nang malakas at wala pang tigil.Ano kaya


ang magiging bunga nito?

A. Magkakaroon ng matinding baha.

B. Matutuwa ang mga bata.

5. Nanalo sa paligsahan sa pagguhit si Jhun.Ano ang


sanhi ng pagkapanalo ni Jhun sa pagguhit?

A. Laging nag-eensayo sa pagguhit si Jhun.

B. Nandaya sa paligsahan si Jhun.

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa araling ito, inaasahang mailalarawan mo ang mga


tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi
o pahayag.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Basahin ang kuwento.


aralin
Sina Kuku at Koko

ni Grace L. Sotto

Sina Kuku at Koko ay magkaibigang palaka.


Mahilig magbabad sa ilog si Kuku habang si Koko
naman ay mahilig maglaro sa lupa. Ibig nilang
patunayan sa isa’t isa kung saan nga ba sila talaga
dapat nakatira. Madalas silang magtalo.

“Sa lupa tayo nakatira,” ang sabi ni Koko.

“Hay, naku! Hindi ka pa ba naniniwala na sa tubig


tayo talaga nakatira?” tanong ni Kuku. Walang nais

magpatalo sa kanilang dalawa. Maya-maya pa ay


dumating si Apo Luning, ang pinakamatandang
palaka sa kanilang lahi.

Tinanong nina Kuku at Koko kung saan ba talaga ang


tirahan nilang mga palaka.

“Sa tubig man o sa lupa ay maaari tayong tumira at


mabuhay. Tayo ay mga ampibyan. Sa mga unang
bahagi

ng ating buhay ay nabubuhay tayo sa tubig at sa mga


huling bahagi ay naninirahan tayo sa lupa. Dahil
diyan,

wala kayong dapat pagtalunan,” sagot ni Apo


Luning.Simula noon ay hindi na nagtalo ang
magkaibigang

palaka na sina Kuku at Koko.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang tauhang maligaya sa tubigan?

2. Sino ang tauhang mahillig maglaro sa lupa?

3. Ano ang tawag sa kanilang uri?

4. Saan naganap ang kuwento?

5. Paano nasolusyunan ng magkaibigan ang kanilang


problema?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Pitong Elemento ng Maikling Kuwento


ng bagong kasanayan #1
1. Tauhan. Ito ay tumutukoy sa mga taong gumanap
sa kuwento.

2. Tagpuan. Ito ay tumutukoy sa lugar o pook kung


saan nangyari ang kuwento.

3. Banghay. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-


sunod ng kuwento.

4. Kaisipan. Ito ang mensaheng hatid ng maikling


kuwento.

5. Suliranin. Ito ay tumutukoy sa problemang


kinakaharap sa kuwento. 6. Tunggalian. Ito ay
maaaring laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

7. Paksang Diwa. Ito ay ang pangunahing tema ng


isang kuwento. Dito rin nakapaloob ang kabuoan ng
tema at kahulugan ng isang kuwento.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Hanapin sa Hanay B ang kilalang tauhan sa


ng bagong kasanayan #2
kwentong iyong napakinggan na inilalarawan sa
Hanay

A. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong papel.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Basahin ang mga pangungusap at piliin mo sa loob ng
Test) panaklong ang wastong damdaming

ipinahahayag nito. Isulat mo ang tamang sagot sa


iyong sagutang papel.

1. Nakatutuwa ang

ipinapakitang
pagmamahal ni Rosa

sa kaniyang ina.

(masaya, nagagalit,

natatakot)

2. “Ang tagal naman

nila! Kanina pa ako

naghihintay.”

(nagulat, naiinis,

masaya)

3. “Ang paa ko, naipit!”

(nasaktan, masaya,

nagagalit)

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Ilarawan mo ang mga tauhan sa pamamagitan


buhay.
ng paagpapakita ng kanilang nararamdaman ayon sa
pangungusap.

1. Batang panay lumuluha kapag nabiro

ng iba.

2. Batang panay na lamang naghihikab

habang nagkaklase.

3. Batang nalungkot dahil natalo sa

pakikipaglaro sa ibang bata.

4. Batang mataas ang nakuha sa test

sa Filipino.

5. Batang binilhan ng bagong laruan ng

Nanay.

H. Paglalahat ng Aralin Ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang

katangian na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa


kuwento.

I. Pagtataya ng Aralin. Pagtambalin ang pangungusap sa Hanay A

at sa mga larawan sa hanay B.


J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Basahin ang kuwentong pinamagatang “Ang Pagong
remediation. at ang Kuneho” at ilarawan ang mga pangunahing
tauhan.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the


following day
Lack of Time
No class Achieved

School: SITIO STO ROSARIO ES Grade Level: 2


Teacher: NESTLEE C. ARNAIZ Learning Area: ENGLISH
Date: FEBRUARY 19, 2024 Quarter: 3rd QUARTER
Grade and Section: 2-JACINTO Time: 9:30 – 10:20 AM

I. OBJECTIVES:

A. Content Standards: The learner listens critically to one-two paragraphs and uses
appropriate expressions in varied situations.

B. Performance Standards: ` The learner reads texts for pleasure and information critically in
meaningful thought units; responds properly to environmental
prints likes signs, posters, commands and requests; and writes
legibly simple sentences and messages in cursive form.

C. Learning Competencies / Recognize the difference between “made-up” and “real” in texts
Objectives: listened to
At the end of this lesson, the learners are able to:
1. Identify the texts as made-up or real
2. Differentiate made-up and real
3. Select whether the texts are made-up or real
II. CONTENT Made-Up and Real Texts/Stories

III. LEARNING RESOURCES


A. References K-to-12 MELC Guide page 180
DBOW in English page 6
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook pages
4. Additional Materials from Learning
B. Other Learning Resources slide deck, tv, pictures, tarpapel
Resources/Portal
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or Look at the pair of words and identify if it is synonyms and
presenting the new lesson antonyms. Write S if it is synonyms and A if antonyms.

______1. pretty – beautiful


______2. tall – short

______3. dark – bright

______4. neat – clean

______5. smart – intelligent

B. Establishing a purpose for the Read the poem below.


lesson

Tooth Fairy

I saw you wiggling in your mouth

and knew a tooth would soon be mine.

That pearly white was headed south but it would suit me just
fine.

You put it under your pillow deep

thinking you'd stay up all night.

But then you drifted off to sleep

and I began my fairy flight.

So into your bedroom I did sneak

upon my fairy wings.

Beneath your pillow I took a peek

and found my favorite thing!

So I've made you a nice trade:

Your tooth for some cash.

I hope you like the price I've paid.

Now off I have to dash.

I hope you'll send me other teeth

but there is no big rush

Though every time you lose a tooth,


that's one less left to brush!

C. Presenting examples/instances of Answer the following questions.


the new lesson
1. Where did the fairy sneak out?

2. Who headed to the south?

3. What do you think he saw beneath the pillow?

D. Discussing new concepts and  Real shows that event is true and possible to happen. It is
practicing new skills #1 existing as a thing and occurring in fact. It is not imagination nor
artificial.

Example:

Prince is watching television.

This sentence shows that event is existing or happening in real


life. Because everyone can watch television. So, this sentence is
real!

 Made-up shows that event is not true and impossible to


happen. It is unrealistic and never happened in real life. It is just
in your imagination like superhero, fairytale stories and fables.

Example:

The pencil is talking to Rona.

This sentence shows that pencil is talking to Rona. But this is


impossible to happen because the pencil cannot talk. It is just an
imagination of Rona. So, this sentence is made-up.

E. Discussing new concepts and Draw a if the sentence is real and if made up. Put your
practicing new skills #2 answer on the space provided.
______1. The mother is cooking.
______2. Ana is reading her favorite book.
______3. The cat and dog are talking to each other.
______4. Family Garcia is praying before they eat.
______5. The clock is smiling at me
F. Developing Mastery (Leads to Underline the word “real” if it can happen in real life. Box the
Formative Assessment 3) word “made-up” if it cannot happen in real life.

1. The toys played each other when kids left the room. Real
Made-up

2. The cat meowed loudly. Real Made-up

3. The invisible kitten played with a ball of yarn.

Real Made-up

4. The trees have many leaves. Real Made-up


5. The star smiled.

Real Made-up

G. Finding practical applications of Shade the appropriate box that corresponds to the given phrases.
concepts and skills in daily living
1. Dancing flower

Real Made-up

2. Raindrops

Real Made-up

3. Talking mirror

Real Made-up

4. Climbing tree

Real Made-up

5. Flying carpet

Real Made-up

H. Making generalization and If you understand our lesson today, try to answer the following
abstractions about the lesson questions:
1. How would you define “real”?
2. How would you define “made-up”?
I. Evaluating Learning Write R if the statement may happen in real-life and M if the
statement is made-up.

_____1. I want to buy wings and fly high up in the sky.

_____2. There are different plant species in the forest.

_____3. Cows give milk.

_____4. Batman saved the world.

_____5. Christmas is celebrated every December 25th.

J. Additional activities for Directions: Let us help Pepe to catch the fish that has a word by
application or remediation connecting the rod of real and made-up in each fish and write the
words in the basket.

V. REMARKS Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MOTHER TONGUE
Petsa: FEBRUARY 19, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 10:20 – 11:10 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding and knowledge of
language grammar and usage when speaking and/or
writing.

B. Pamantayan sa Pagganap: Speaks and writes correctly and effectively for different
purposes using the basic grammar of the language.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Use action words when narrating simple experiences
and when giving simple 3-5 steps directions using
signal words (e.g. first, second, next, etc.). MT2GA-IIId-
i-1.4.1

II. NILALAMAN Angkop na Panahunan ng mga Salitang Kilos

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 372

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral. LM page 7-14


3. Mga Pahina sa Teksbuk.

4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal MTB 2-Quarter3-Module 1

B. Iba pang Kagamitang Panturo


IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto:
pagsisimula ng bagong aralin.
Sa nakaraang leksyon pinag-aralan natin ang paggamit
ng salitang kilos sa pagsasalaysay ng simpleng
karanasan at pagsunod sa panuto. Ngayon mas
bibigyan natin ng pansin ang paggamit ng salitang kilos
sa pagsasalaysay ng simpleng karanasan.

B. Paghahabi sa layuning aralin Sa araling ito ay matutuhan mong gamitin ang mga
salitang kilos sa paglalahad ng sariling karanasan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa


aralin pandiwa o salitang kilos. Natukoy mo at nagamit ang
mga panahunang pangnagdaan, pangkasalukuyan, at
panghinaharap. Ngayon naman ay ipagpapatuloy mo
ang paggamit ng salitang kilos upang magbahagi ng
mga pangyayari sa iyong buhay. Ipakikilala rin sa iyo
ang mga salitang ginagamit sa pagbibigay ng mga
panuto.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Piliin ang wastong pandiwa na angkop sa


ng bagong kasanayan #1 pangungusap.

1. (Binibili, Binili, Bibilhin) ko sa Pasig palengke ang


aking bagong damit noong Sabado.

2. Marami akong (ginawa, gagawin ,ginagawa) bukas.

3. Si Ayesha ay (pinagsabihan, pagsasabihan,


pinagsasabihan) ng kanyang ina noong isang araw.

4. (Pupunta, Pumunta, Pumupunta ) ako sa bangko


mamaya.

5. (Nag-aaral, Nag-aral, Mag-aaral) ka ba ng iyong


aralin araw-araw?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Basahin ang Salaysay.


ng bagong kasanayan #2
Noong nakaraan ay nagpunta kami sa bayan upang
mamili ng lulutuin. Una kaming bumili ng mga gulay,
karne at isda. Sunod ay pumunta kami sa bilihan ng
mga sangkap. Pagkatapos ay umuwi na kami. Nilinis
namin ang mga lulutuin. Sa huli ay niluto naming ang
mga ito. Masarap naming pinagsaluhan an gaming
pinamili at niluto.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Bilugan ang mga salitang kilos na ginagamit sa
Test) pagsasalaysay ng simpleng karanasan.

Noong nakaraan ay nagpunta kami sa bayan upang


mamili ng lulutuin. Una kaming bumili ng mga gulay,
karne at isda. Sunod ay pumunta kami sa bilihan ng
mga sangkap. Pagkatapos ay umuwi na kami. Nilinis
namin ang mga lulutuin. Sa huli ay niluto naming ang
mga ito. Masarap naming pinagsaluhan an gaming
pinamili at niluto.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Sa pagsasalaysay ng karanasan anong aspeto ng


buhay. pandiwa ang ating ginagamit?

Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Tumutol tayo sa mga patakaran na hindi


makatarungan.

2. Naunawaan mo ba ang paliwanag ng guro mo?

3. Ngayong umaga natin tatalakayin ang mga


suhestiyon ninyo.

4. Huwag mo laktawan ang huling aralin at pagsusulit


ng kabanata.

5. Madalas mapinsala ng mga bagyo ang hilagang


bahagi ng Luzon.

H. Paglalahat ng Aralin Ang paggamit ng salitang kilos sa pagsasalaysay ng


mga simpleng karanasan at sa pagbibigay ng mga
panuto ay nakatutulong upang mas maunawaan ng
kausap o mambabasa ang sinasabi.

I. Pagtataya ng Aralin. Bawat pangungusap ay may isang salita na


nagpapakita ng kilos o galaw. Ang tawag sa salitang
kilos na ito ay pandiwa. Bilugan ang pandiwa sa bawat
pangungusap.

1. Si Nanay ay nagluluto ng hapunan.

2. Tapos na ako maghugas ng mga pinggan.

3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo.

4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid.

5. Naglalaro ang mga bata sa bakuran.

6. Ang pusa ay humiga sa ilalim ng mesa.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na
remediation. ginawa na.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the following


day
Lack of Time
No class Achieved
Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG
Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: ARALING PANLIPUNAN
Petsa: FEBRUARY 19, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 11:00 – 11:50 NG UMAGA

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod
ng mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing

hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi


ng sariling komunidad

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng


mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad
tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng

sariling komunidad

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga


ng kapaligiran.

II. NILALAMAN Mga Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian:
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro K-to-12 MELC Guide page 29
DBOW sa Araling Panlipunan 2 pahina 3
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-
aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk.
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Laptop, larawan, activity sheets
Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
pagsisimula ng bagong aralin. Isulat ang TAMA sa patlang kung nagsasaad ng tungkulin sa
pangangalaga sa kapiligiran at MALI kung hindi nagsasaad
ng tungkulin.

______________1. Pananagutan ng bawat isa na pangalagaan


ang mga likas na yaman.

______________2. Ang pagpapanatili sa kalinisan ng


komunidad ay tungkulin lamang ng mga matatanda.
______________3. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ay
isang mabisang paraan upang mapanatili ang kalinisan sa
kapaligiran.
______________4. Maiiwasan ang mga sakuna kung tutuparin
ng bawat isa ang tungkulin sa pangangalaga sa mga likas na
yaman at kalikasan.

______________5. Ang maling pagtatapon ng basura ay


nakakaapekto sa ating kapaligiran.

B. Paghahabi sa layuning aralin Basahin ang dayalogo.

Ang Balita

ni: Quennie H. Dela Peña

Isang araw sa Barangay Mabuhay, may dalawang bata na


naglalakad pauwi galing sa eskuwelahan. Nangyari ito bago
maglockdown dulot ng COVID-19.

Tonyo: O Dino, pauwi ka na ba?

Dino: Oo, Tonyo. Halika, sabay na tayo.

Tonyo: Alam mo ba, sabi ng guro namin hindi muna kami


papasok sa paaralan?

Dino: Bakit daw?

Tonyo: Ayon sa aming guro ay iniutos daw ito ng ating


presidente dahil sa kumakalat na sakit na kung tawagin ay
COVID-19.

Dino: COVID-19? Ah, ‘yun siguro ang sinasabi ng aming guro


na isang virus na nakakahawa at nakamamatay kaya dapat
ay manatili tayo sa loob ng bahay, laging maghugas ng
kamay, kumain ng mga masustansiyang pagkain at
panatilihin ang kalinisan sa ating kapaligiran upang
makaiwas sa sakit.

Tonyo: Ganun ba? Kailangan pala nating gawin ang mga


iyan. Pag-uwi ko ay maghuhugas agad ako ng kamay at
kakain ng masustansiyang pagkain. Sisimulan ko na ring
tumulong sa paglilinis ng aming paligid at mananatili na
muna sa bahay.

Dino: Alam mo rin ba Tonyo na makakatulong din tayo sa


pangangalaga ng kapaligiran sa ating gagawing paglilinis?

Tonyo: Tama ka diyan,

Dino. O, sige. Malapit na ako sa bahay namin. Ingat! Dino:


Ingat din, Tonyo!

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawang bata pauwi sa kani-


kanilang bahay.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Sagutin ang mga tanong.


bagong aralin
1. Sino ang dalawang bata na nagkita sa daan?

2. Ano ang tinanong ni Tonyo sa bata?

3. Anong sakit ang naging dahilan upang mahinto ang pag-


aaral ng mga bata?

4. Ano-ano ang mga maaaring gawin ng mga bata upang


makaiwas sa sakit na kumakalat sa paligid?

5. Makakatulong ba sa pangangalaga ng kapaligiran ang


dalawang bata?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ang kapaligiran ay ang lahat ng nakikita ng iyong mga mata
paglalahad ng bagong kasanayan #1 sa labas ng iyong bahay. Kasama sa kapaligiran ang mga
gusali, tao, bagay, hayop, mga halaman at iba pa.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Bawat tao ay may tungkulin na dapat gawin upang
paglalahad ng bagong kasanayan #2 mapangalagaan ang ating kapaligiran. Ilan sa mga tungkulin
na dapat nating gawin ay ang mga sumusunod:

1. maglinis ng kapaligiran

2. magtapon ng basura sa tamang lalagyan

3. magtanim ng mga puno at halaman

4. pagrerecycle ng mga hindi nabubulok na basura

gamitin nang wasto ang tubig at huwag mag-aksaya

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay napakahalaga. Dito tayo


kumukuha ng ating mga pangangailangan upang mabuhay.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa PANUTO: Gumuhit ng bilog sa sagutang papel. Kulayan ang
Formative Test) bilog ng berde kung ang larawan ay nangangalaga sa
kapaligiran at pula naman kung hindi.

1. Si nanay ay nagsunog ng mga basura.

2. Tinapon ng bata ang bote ng kanyang inumin sa


basurahan.

3. Si Maya ay nagtanim ng bagong puno.

4. Gumamit ng lambat na may malalaking butas si Mang


Gardo sa pangingisda.

5. Naglinis ng kapaligiran ang mga bata.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw PANUTO:Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga
na buhay. sumusunod na tanong. Isulat ang letra sa sagutang papel.

a. pag-iwas sa panghuhuli ng mga hayop

b. pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan

c. paglilinis ng kapaligiran

d. pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig

e. pagpitas ng mga bulaklak

f. pagtatanim ng mga bagong puno


1. Anong paraan ang maaring gawin upang maiwasan ang
pagbaha?

2. Upang maiwasan ang pagkaubos ng mga puno sa ating


paligid. Ano ang dapat gawin?

3. Para maiwasan ang pagdumi ng mga yamang tubig. Ano


ang maaaring gawin?

4. Ano ang dapat gawin upang manatili ang kagandahan at


kalinisan ng paligid?

5. Paano maiiwasan ang pagkaubos ng mga hayop sa ating


kapaligiran?

H. Paglalahat ng Aralin PANUTO: Pumili ng sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa


sagutang papel.

 tao
 pagtatanim
 paglilinis
kapaligiran
 paggamit
 tamang lalagyan
 bagong puno

Ang mga 1. ______________ ay may mga tungkulin na


dapat gawin para mapangalagaan ang 2. ____________. Kahit
sa simpleng paraan ay makakatulong tayo sa pangangalaga
ng kapaligiran. Gaya na lang ng pagtatapon ng basura sa
3.______________, 4. ______________ ng kapaligiran,
5._____________ ng puno at halaman at marami pang iba.

I. Pagtataya ng Aralin. PANUTO: Basahin ang bawat pangyayari. Isulat ang letra ng
sagot sa sagutang papel.

_____1. Kapag ikaw ay pumutol ng puno, ano ang susunod


mong gagawin?

a. pabayaan na lang

b. iwanan ang mga ito

c. itapon ang mga natitira

d. magtanim ng panibago

_____2. Pagkatapos maglinis ng kapaligiran, saan mo dapat


itapon ang mga basura na iyong naipon?

a. itapon sa ilog

b. itapon sa kanal

c. itapon kahit saan

d. itapon sa tamang lalagyan

_____3. Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang iyong


tatay na nanghuhuli ng mga hayop?

a. tutulungan ko siya

b. hindi siya papansinin

c. wala akong gagawin

d. kakausapin at sasabihin na bawal ang kanyang ginagawa

_____4. Sa iyong paglalakad ay may nakita kang kalat sa


daan. Ano ang gagawin mo?

a. iiwasan ang mga ito

b. pupulutin at itatapon sa basurahan

c. wala akong gagawin

d. paglalaruan ang mga ito

_____5. Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang iyong


kapitbahay na nagsusunog ng mga basura?

a. kakausapin at sasabihin na masama ito

b. pababayaan na lamang siya

c. magagalit ka sa kanya

d. gagayahin siya

J. Karagdagang gawain para sa takdang PANUTO: Humanap ng dalawang (2) larawan na nagpapakita
aralin at remediation. ng pangangalaga sa kapaligiran. Idikit ang mga larawan sa
bond paper.

V. MGA TALA Re-teaching Transfer of lesson to the following day


Lack of Time
No class Achieved

Paaralan: SITIO STO ROSARIO ES Baitang: IKALAWANG BAITANG


Guro: NESTLEE C. ARNAIZ Asignatura: MUSIC
Petsa: FEBRUARY 19, 2024 Markahan: IKATLONG MARKAHAN
Baitang at Pangkat: 2-JACINTO Oras: IKA 12:30 – 1:10 NG TANGHALI

I.LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Demonstrates understanding of the basic concepts of
timbre
B. Pamantayan sa Pagganap: Determines accurately the sources of sounds heard,
and produce sounds using voice, body, and objects,
and be able to sing in accurate pitch
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Performs songs with appropriate vocal or sound
quality (from available instruments)
II. NILALAMAN Wastong Pag-awit

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian: K-to-12 MELC Guide page 367
DBOW in MAPEH page 262
a. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral.

3. Mga Pahina sa Teksbuk.


4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa Portal

B. Iba pang Kagamitang Panturo slide deck, tv, mga larawan, tarpapel
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang -aralin at/o Piliin ang kung speaking voice ang
pagsisimula ng bagong aralin. nararapat at kung singing voice naman ang
nararapat sa mga sumusunod na pangyayari:
______ 1. Kinumusta ng guro ang eskuwela niya.
______ 2. Umaawit si Ana ng “Happy Birthday”.
______ 3. Nagkakaroling ang mga bata
______ 4. Nagpulong-pulong ang DOH tungkol sa
COVID 19.
______ 5. Inaawit ng mag-aaral ang Baguio Hymn.

B. Paghahabi sa layuning aralin Sino-sino ang mga paborito mong mang-aawit?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ano-ano ang mga paborito mong kanta? Paano nga ba
aralin ang tamang paraan ng pag-awit?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Narito ang iba’t ibang paraan ng wastong pag-awit.
ng bagong kasanayan #1
1. Tumayo ng tuwid at komportable. Ang tinig ay
mas malinaw na lalabas mula sa iyong lalamunan
kung ikaw ay nakatayo, sapagkat maluwag na
nakaunat ang iba’t ibang panloob na bahagi ng
katawan.

2. Huminga nang sapat. Ang paglikha ng himig ay


nangangailangan ng mas maraming hangin mula sa
baga upang mapahaba ang hininga at mapanatiling
konektado ang mga tono.

3. Ikondisyon ang boses. Sa pamamagitan ng


vocalization o pag-ehersisyo ng voice box,
mapananatiling nasa wastong kalagayan ang boses.
Huwag biglain ang pag-awit. Simulan muna sa
mahina at mababang tinig, at unti-unti itong ilakas at
itaas.

4. Laging makinig ng iba’t ibang awitin.


Makatutulong ito upang masanay ang pandinig sa
wastong tono at tiyempo ng isang himig, at
matutuhan ang iba’t ibang pamamaraan o estilo ng
pag-awit. Ang iyong pandinig ang gabay upang
tamaan ang wastong nota ng isang awitin.

5. Subukan ang iba’t ibang uri ng tinig. Ang bawat


tao ay may kaniya-kaniyang kalidad ng boses, tulad
ng buo, mahangin, matinis, o malalim. Subukan ang
mga ito upang mapagtanto ang timbreng naaayon sa
iyong likas na tinig.

6. Piliin ang awit na bagay sa iyong tinig. Alamin


ang hangganan ng taas at baba ng iyong tinig, upang
makapili ng awiting mapananagutan ng iyong
kakayahan. Subukang kumanta ng iba’t ibang awitin
at pakinggan ang sarili.
7. Ensayuhin ang awitin. Bago magtanghal,
seguraduhing may sapat na pagsasanay sa pag-awit
ng napiling kanta. Planuhin ang paghinga, mga
pagbabago sa lakas at hina ng tinig, at higit sa lahat
ay ang pag-akyat-baba ng tono nito.

8. Alagaan ang iyong pangangatawan. Ang pagkanta


ay nangangailangan din ng malusog na
pangangatawan upang makalikha ng kaaya-ayang
tinig, at makatanghal nang walang sagabal na sakit.
Iwasan ang inuming malalamig at pagkaing
matatamis at malalapot bago at pagkatapos umawit.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Panuto: Isulat ang “TAMA” kung ang pahayag ay
ng bagong kasanayan #2 tumutukoy sa wastong paraan ng pag-awit. Isulat
naman ang “MALI” kung ito ay maling paraan ng pag-
awit.

1. Umupo nang matuwid at matigas ang katawan.

2. Huminga ng sapat upang mapanatiling konektado


ang mga tono ng awitin.

3. Biglain ang pag-awit ng malalakas at matataas na


nota.

4. Laging makinig ng iba’t ibang awitin upang


masanay ang pandinig sa wastong tono.

5. Umawit lamang sa iisang timbreng nais mo. Huwag


sumubok ng ibang uri ng tinig.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
Test) letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bakit kailangang tumayo nang matuwid habang


umaawit?

A. upang magising ang natutulog mong voice box

B. upang malinaw na lumabas ang iyong tinig

2. Ano ang naitutulong ng paghikab bago umawit?

A. Nakatutulong ito upang mag-imbak ng hangin sa


baga.

B. Nakatutulong ito upang maging komportable.

3. Sa paanong paraan ikinokondisyon ang boses?

A. sa biglaang pag-abot ng matataas na tono

B. sa vocalization o pag-eehersisyo ng voice box

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Awit Mo, Awit Ko!


buhay.

Pumili ng isang awitin.

May sampung minutong nakalaan sa pagsasanay ng


inyong pangkat.

Kung handa ka na at ang iyong mga kasamahan sa


pangkat ay maaari na nating pakinggan ang inihanda
ninyong mga awit.

Ang bawat lider ng pangkat ay bubunot ng bilang


kung sino ang una, ikalawa, at ikatlo na magpaparinig
ng awit.

Ano man ang inyong iparirinig solo, duet at sabayang


awit, ay ipakita ninyo nang maayos at nasa wastong
tono at kumpas.

Pangkatang Pagtatanghal:

Unang Pangkat Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat

Mga tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay


umaawit?

2. Nagawa mo bang sumabay sa tamang tono ng awit?

3. Kung oo, paano mo ito ginawa? Kung hindi, bakit?

4. Paano ba dapat kantahin ang isang awit?

H. Paglalahat ng Aralin Punan ang mga patlang ng mga wastong konsepto


upang makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa
aralin.

Ang __________ ay isa sa pinakanakalilibang,


kawili-wili at kaakit-akit na gawain. Ito ay
nakagagaan ng loob at nakakatulong upang
maipahayag ang ___________. Maraming tao ang
napapasaya ng mahusay na pag-awit.

Mahalagang matutuhan ang wastong pamamaraan


ng pag-awit. Sa pamamagitan nito ay maihahatid ng
isang tao ang mensahe ng awitin sa isang kaaya-aya o
kagila-gilalas na ____________. Ang mga Filipino ay
likas na mahilig umawit, at maraming sikat at
matagumpay na Filipino sa buong ___________ sa
larangang ito.

I. Pagtataya ng Aralin. Upang iyong masukat kung paano mo nagawa ang


iyong pag-awit ay sagutin mo ang mga tanong at
lagyan ng tsek ()ang antas ng pagkakagawa.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Isa sa mahalagang awit na dapat awitin nang nasa
remediation. tamang tono ay ang ―Lupang Hinirang‖. Upang
maipakita mo ang wastong paraan ng pag-awit nito ay
pagsanayan itong awitin sa bahay ng may tamang
tono, kumpas, at bigkas.

V. Mga Tala Re-teaching Transfer of lesson to the


following day
Lack of Time
No class Achieved

You might also like