You are on page 1of 7

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento.

Pagkatapos, basahin
ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Ang Aso sa Lungga May isang asong gutom na gutom na naglalakad sa kalsada. Habang
naglalakad, ibinubulong niya sa sarili na kailangan niyang makakita ng isang lunggang puno ng
pagkain. Nang makakita siya ng lungga sa dulo ng kalsada, agad siyang pumasok dito. Kumain
siya hanggang mabusog. Pero kahit busog na siya, kumain pa rin at inubos ang lahat ng pagkain
sa loob ng lungga. Sa kanyang kabusugan, halos pumutok ang malaki niyang tiyan. Nang lalabas
na lamang siya, napansin niyang hindi na siya magkasya sa labasan. Sumigaw siya upang
humingi ng tulong. Dumating ang isa pang aso at nalaman ang nangyari. Bago ito umalis,
nagwika siya sa kasamang aso, “Hintayin mo na lang umimpis ang tiyan mo.”

1. Saan nangyari ang kuwento? (Literal)

a. sa bukid

b. sa gubat

c. sa kalsada

d. sa lansangan

2. Ano ang hinahanap ng aso? (Literal)

a. makakain

b. makakasama

c. mapapasyalan

d. matutulugan

3. Anong ugali ang ipinakita ng aso? (Paghinuha)

a. madamot

b. matakaw

c. masipag

d. mayabang

4. Bakit hindi makalabas ang aso sa lungga? (Paghinuha)

a. may harang ang labasan

b. may bitbit pa siyang pagkain


c. lubos na marami ang kinain niya

d. mali ang paraan ng paglabas niya

5. Bakit kaya hindi siya natulungan ng isa pang aso? (Inferential)

a. natakot sa kanya ang aso

b. para matuto siya sa pangyayari

c. nainggit sa kanya ang isa pang aso

d. hindi rin ito makakalabas sa lungga

B
Si Muning! Muning! Muning! Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang
lalagyan ng pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala siya sa kusina.
Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning? Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si
Muning. Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay. Ngiyaw!
Ngiyaw! Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon. May mga kasama si
Muning sa loob ng kahon. Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni Muning sa
kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting. Tuwang-tuwa si Susan!

6. Sino ang naghahanap ng pusa? (Literal)

a. ang kuting

b. si Muning

c. si Nanay

d. si Susan

7. Bakit niya hinahanap ang pusa? (Paghinuha)

a. ipapasyal niya ito

b. paliliguan niya ito

c. pakakainin niya ito

d. patutulugin niya ito

8. Saan niya nakita ang pusa? (Literal)

a. sa silid

b. sa silong
c. sa kahon

d. sa kusina

9. Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon? (Paghinuha)

a. mga anak nito

b. mga kalaro nito

c. mga nahuli nito

d. mga kaibigan nito

10. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?? (Pagsusuri)

a. Nasaan si Muning?

b. Nasaan ang Kahon?

c. Ang Kahon ni Susan

d. Ang Pagkain ini Muning

C SI BROWNIE

Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may pumasok na
malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali nang
mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng
bakuran. Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan siya
nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang
aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako.
Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie.
“Talagang maaasahan ang asong ito,” sabi niya.

11. Saan naganap ang kuwento? (Literal)

a. sa bahay

b. sa paaralan

c. sa palengke

d. sa simbahan

12. Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie? (Paghinuha)

a. matapang
b. masungit

c. maharot

d. malikot

13. Ano ang napatay ni Brownie? (Literal)

a. pesteng ipis

b. pusang bahay

c. dagang bahay

d. ligaw na manok

14. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo?

(Paghinuha)

a. gusto niyang gisingin ang daga

b. nagulat siya sa kanyang ginawa

c. natakot siyang mapagalitan ng amo

d. upang ipakita sa amo ang kanyang ginawa

15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Si Brownie”? (Pagsusuri)

a. Hatid nito ang isang balita.

b. Nais nitong magbigay-aral.

c. Gusto nitong magbigay ng aliw.

d. Nais nitong magbigay ng bagong kaalaman

D Balat ng Saging

“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito
naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate. “Balat ng
saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang tinig. “Sabi ko na nga ba.
Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan,
natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.” “E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya.
Hindi na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.” “Mabuti.
Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina
16. Sino ang nakatatandang kapatid? (Literal)

a. Mina

b. Lito

c. Lita

d. Tina

Balat ng Saging
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw.
“Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit
siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate.
“Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si
Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging.
“Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang
kanyang tinig.
“Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa
basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan,
natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.”
“E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi
na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako
,magtatapon.”
“Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
17. Bakit sumisigaw si Mina? (Paghinuha)

a. galit siya

b. maingay kasi

c. tinatakot niya si Lito

d. hindi marinig ang boses niya

18. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw? (Paghinuha)

a. nagalit siya

b. natuwa siya

c. natakot siya

d. nagtampo siya

19. Bakit nadulas si Mina? (Literal)

a. madulas ang sahig

b. di niya nakita ang nilalakaran


c. natapakan niya ang balat ng saging

d. natapakan niya ang basang bahagi ng sahig

20. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento? (Pagsusuri)


a. Ang Basurahan

b. Ang Saging ni Lito

c. Pulutin ang Saging

d. Ang Sigaw ni Mina

You might also like